Nagawa nga na paraan ni Vekvek na mabigay ang pera na hinihingi ng may ari ng night club para kabayaran sa mga nasira niyang kagamitan dahil sa pagpapahiram ng kaibigan ni Vekvek na si Gladys.
Wala sa hinagap ni Vekvek na mapapahiram pala siya ng kanyang kaibigan na hindi niya talaga naisip na lapitan para hiraman ng pera dahil kung naisip niya lang ay hindi na sana siya lalapit pa sa kanyang mg magulang at nakarinig at nakatanggap pa ng masasakit na salita.
“Salamat, babe at hindi mo talaga ako pinabayaan. Buong akala ko ay kaya hindi mo sinasagot ang tawag at chat ko ay dahil wala ka na talagang balak na puntahan pa ako. Kaya salamat.” Pasasalamat ni Tongtong na nagkukumahog sa pagkain na akala mo ba ay gutom na gutom at isang linggong hindi nakakain.
Tahimik lang na nakamasid si Vekvek sa kinakasama. Gutom na gutom ito at halos maubos na ang pagkain na para talaga sa kanila ngunit hindi man siya magawang alukin na kumain din kahit pabalat bunga lang.
Sarap na sarap ito sa pagngasab samantalang siya ay nawalan na ng gana sapagkat nalipasan na ng gutom sa mga nangyari.
Maraming nangyari kahit malalim na ang gabi ngunit ang hindi maalis sa isip at puso ni Vekvek ay ang mga magulang niya.
Hanggang ngayon ay galit pa rin ang mga ito sa kanya at lalong nagalit ng sabihin niya nga ang tungkol sa paglapit niya sa mga ito sa kalagitnaan pa ng gabi.
May lugawan at paresan ang mga magulang niya at nagtitinda tuwing gabi kaya alam ni Vekvek na gising pa rin ang mga ito.
Kaya may alam sa pagtitinda si Vekvek ay dahil kinamulatan niya na nagtitinda ang kanyang mga magulang.
Malakas ang benta ng tindahan ng kanyang magulang kaya maalwan ang buhay ni Vekvek at lumaki siya ng masagana sila at kahit kailan ay hindi sila sumala sa pagkain. Idagdag pa na may trabaho ang kanyang ama maliban sa pinagkakatian na lugawan at paresan.
“Saan ka nga pala kumuha ng pera na ibinigay mo sa mga garapal na taong yon? Hindi naman kami ang naggulo sa lugar nila ay kami ang pinagbintangan nila palibhasang kami ang natira dahil nagsitakbo na ang mga tunay na nanggulo at nanira ng mga gamit nila.” Ang katwiran at pagtatanggol sa sarili ni Tongtong.
“Inutang ko saan pa ba? Pero kung hindi mo ninakaw ang mga ipon kong pera ay hindi ko kakapalan ang mukha na lumapit kung kani-kanino lalo na sa mga magulang ko.” Ang madiin na sumbat ni Vekvek sa kinakasama.
Ang magana na pagkain ni Tong tong ay biglang natigil ng marinig ang sinabi ni Vekvek.
“Grabe ka naman sa salitang ninakaw? Para hiniram ko lang nama at ibabalik din.” Ang sagot pa ni Tong tong.
“Ibabalik? Paano? Paano mo ibabalik ang mga pera kong inipon para sana magkaroon ako ng sariling puhunan gayong ultimong bisyo mo ay sa akin mo hinihingi?” sumbat pa ni Vekvek sa kinakasamang makapal ang mukha.
“Kaya nga hahanap na ako ng trabaho para matulungan ka rin sa pagbabayad ng twelve thousand na pinambayad mo sa may ari ng night club,” ani pa ni Tong tong.
“Anong tulungan? Bayaran mong mag isa ang dose mil na inutang ko kay Gladys at mag iipon naman ako para magkapuhunan pa rin.” Ang sabi ni Vekvek dahil nagagalit pa rin siya sa pagkawala ng kanyang mga ipon.
“Akala ko ba sa mga magulang mo ikaw nakautang? Bakit kay Glasdys ko kailangan magbayad?” mga tanong pa ng lalaki.
“Palagay mo ba ay pauutangin ako ng mga magulang ko ng ganoon kalaking halaga ng pera para tulungan ka? Hindi nila ako pinautang Tong tong. Nakatanggap pa sa kanila ng kung anu-anong pang-iinsulto dahil nga hindi nila ako tutulunga sa problema ko. Kay Gladys ako nakautang na kung alam ko lang na pauutangin niya ako ay hindi na sana ako nagpunta kina Nanay at Tatay dahil siguradong natulog na naman sila ng masamang masama ang loob dahil sa akin.
“Hayaan mo, Vek at bukas na bukas ay maghahanap na ako ng trabaho para matanggap at mapatunayan ko sa mga magulang mo na karapat-dapat ako para sayo. Sorry dahil sobra ka na stress sa nangyaring ito. Kaya dapat akong magbago at maghanap buhay na rin para makabawi sayo. Para na rin malayo ako sa bisyo at mga barkada,” saad pa ni Tong tong na nagawa ngang ubusing ang lahat ng mga pagkain.
“Huwag ka ng magsalita at gawin mo na lang ang mga sinasabi mo,” sermon ni Vekvek sa kinakasama.
“Oo gagawin ko talaga. Ito kasing si Ogag niyayayaya pa akong lumabas na nanahimik ako sa bahay. Hayan at nagkaproblem pa ng malaki. Paano ko nga pala babayaran kay Gladys ang pera? Hulugan ba at tumutubo?” mga tanong pa ni Tong tong na para bang siguradong-sigurado na mababayaran niya si Gladys.
“Kahit paanong bayad ang gawin mo. Basta ang importante ay makabayad ka dahil nakakahiya na hatinggabi ay naglabas siya ng pera para mapahiram ako at mabigay sa may ari ng club na yon. At isa pa, tigil-tigilan mo na ang pagsasalita ng hindi maganda kay Gladys dahil lang sa trabaho niya. Kita mo naman siya ang tumulong sa akin. Walang pagdadalawang isip niya akong pinahiram ng pera na ganoong kalaki ang halaga.”
Tumango si Tong tong.
Marami kasing masasamang salita ang naririnig ni Vekvek kay Tongtong patungkol kay Gladys dahil sa hindi mapagkakailang trabaho nito.
Lagi ngang sinasaway ni Vekvek ang kinakasama dahil wala namang problema sa trabahon ni Gladys. Hindi naman ito basta naglalandi ng lalaki dahil sa gusto lang. Bagkus at trabaho para mabuhay ang buong pamilya.
“Oo na. Hindi ko na lalaitin si Gladys. At maghahanap na ako ng trabaho.” Ang sagot pa ni Tong tong hindi man lang iniligpit ang pinagkainan kahit tumayo at lumabas ng bahay para maghugas ng mga kamay at paa para makahiga at makapagpahinga na.
Baka hindi na rib makapagtinda ng maaga si Vekvek dahil kulang na siya sa tulog dahil sa nangyaring problema na kinangsakutan ng kinakasama.
“Ano kayang bagay na trabaho na pwede kong aplyan bukas?” tanong ni Tong tong ng tumabi na ito sa higaan.
“Anong bagay? Huwag ka ng mamili pa ng trabaho dahil sa panahon ngayon wala na dapat ang pagpili pa ng trabaho. Ang importante ay matanggap ka para makabayad ng nga utang,” ang sagot ni Vekvek sa kinakasama na nag-iisip pa ng mapapasukang trabaho na wala naman din na tinapos na pag aaral.