“One thousand five hundred fifty six!” bulala ni Vekvek ng mabilang ang lahat ng mga kinita niya sa gabing ito.
Mabilis na siyang nagligpit ng kanyang mga gamit. Nauna nang umuwi si Nanay Geng sa kanya dahil ayon sa matanda ay masama ang pakiramdam nito. Kaya naman maaga na itong nagligpit para makapagpahinga.
“Kapag ganito ng ganito ay talagang makakaipon talaga ako agad ng sarili kong puhunan at hindi na ako makikihango. Salamat talaga sa mga galante na mga mamimili at lahat sila ay hindi na kinukuha ang sukli at ibinibigay na sa akin,” ani Vekvek na masiglang nagliligpit ng kanyang mga gamit gaya ng kanyang basket ng balut penoy, bilao ng kanyang mga candies at timba kung saan nakatago ang kanyang mga tindang sigarilyo.
Excited na naman na umuwi si Vekvek dahil nga makakabili siya ng masarap na ulam para sa kanila ni Tongtong at makakabili rin siya ng almusal at ulam na rin para bukas.
Sa pagmamadaling paglalakad ay makakasalubong ni Vekvek ang kaibigan at dating kaklaseng si Orly ngunit hindi gaya ng dati na magkukuwentuhan silang dalawa. Ngayon ay isang simpleng ngiti at tanguan lang ang namamagitan sa kanilang dalawang magkaibigan.
Aamimin ni Vekvek na namimiss niya ang bonding nila ni Orly ngunit ayaw niya kasing nakaririnig ng hindi magandang mga salita tungkol kay Tongtong.
Lumayo nga siya sa pamilya niya na para huwag ng makarinig ng mga masasakit na salita laban sa kanyang kinakasama ay heto si Orly na naturingan niyang kaibigan at hindi lang basta kaibigan kung hindi matalik na kaibigan ay hindi rin pala siya sinusuportahan sa kabila ng masaya siya na magkasama sila ni Tongtong.
Kaya para na rin maiwasan ang samaan ng loob sa pagitan nila ni Orly ay mabuti na ngang ganito na lang ang setup nilang dalawa.
Ang ngitian at tanguan kapag sila ay nagkakasalubungan ay sapat na para manatili ang kanilang pagkakaibigan. Wala na ang dating masayang kwentuhan sa pagitan nila at tawanan na walang hanggan na halos ayaw na nilang maghiwalay na dalawa.
Pagdating sa inuupahang bahay nina Vekvek ay nakapatay ang ilaw at saradong-sarado kaya alam niyang wala na naman si Tongtong.
Nasasabik pa naman siyang umuwi dahil tiyak niyang magiging masaya rin si Tongtong sa dami niyang mga dalang pagkain pero hindi niya ito naabutan.
Siguradong nasa barkada na naman ang lalaki. Kung hindi nakikipag inuman ay nakikipag kwentuhan lang na wala namang kabuluhan.
Mag-iisang oras na si Vekvek sa upahan nila ay hindi pa rin umuuwi si Tongtong at mukhang uumagahin na naman sa kung nasaan man ito.
Nakuha na rin na maglinis ni Vekvek ng maliit nilang bahay pero wala pa rin ang kinakasama. Maging ang pagkain na kanina ay mainit ngayon ay malamig na.
Tinatawagan niya naman si Tongtong pero nakapatay ang data nito at hindi niya makontak.
“Tao po! Vek!”
Nakahiga na si Vekvek ay papikit na sana ng may marinig na pagkatok at pagtawag sa labas ng pinto ng kanyang bahay.
“Sandali lang po. Sino yan?” tanong niya muna bago buksan ang nakasara ng pinto.
“Vek, si ate Inday ito. Nanay ni Ogag. Iyong barkada ni Tongtong mo.” Sagot ng babae sa labas kaya naman madali ng binuksan ni Vekvek ang pinto dahil kilala niya rin si Ate Inday.
“Te, napasugod ka? Malalim na ang gabi, ha?” aniya sa babae na mukhang may malaking problema.
“Naku! Hindi lang ako ang may malaking problema,Vek. Ikaw rin at ang iba pang pamilya ng mga barkada ni Ogag at Tongtong.” Ang sagot ng babae na siyang kinakunot ng ulo ni Vekvek kasabay ng pagtambol ng kanyang dibdib.
“Bakit, te? Ano po bang nangyari? Nasaan po ba si Tongtong at ang anak niyo? May nangyari ho bang hindi maganda sa kanila?” ang nag-aalala na ng tanong ni Vekvek na nawala ang antok na kanina ay hinihila na siya para matulog.
“Ang kinakasama mo at ang anak ko kasama pa ng mga barkada nila ay nasangkot sa rambulan sa isang night club siyan sa labasan. Ngayon maraming mga gamit ang nangabasag at nasira at pinababayaran ng may-ari ng club.”
Napahawak sa kanyang dibdib si Vekvek sa narinig na kaguluhan na kinangsakutan ng kanyang kinakasama.
“Mahigit one hundred thousand ang mga nasira sa club at sinisingil ang bawat isa ng tig dose mil para mapunan ang kabuuan dahil sampu lahat sila.”
Napapikit ng mariin si Vekvek at napahawak pa sa hamba ng pinto ng bahay sa narinig na dapat bayaran ng kanyang kinakasama.
“Nasaan po sila, te? Nakakulong po ba sila?” tanong niya sa babaeng bisita.
“Nasa barangay hall sila at kapag nga raw hindi na settle ang dapat bayaran ay isu-surender na raw sila sa mga pulis.
Agad naisip ni Vekvek ang kanyang ipon. Hindi niya alam kung aabot pa sa dose mil ang kanyang naipong mga pera pero ang panalangin niya ay sana nga ay umabot dahil hindi niya alam paano at saan hahanap ng ganoong kalaking halaga ng pera para maibigay sa may ari ng club para pauwiin na si Tongtong.
“Vek, mabuti pa alis na ako at kahit hatinggabi na ay maghahanap ako ng pera para mapunan ang dose mil na pantubos ko sa anak kong wala na ngang ambag sa bahay ay perwisyo pa. Mga palamunin na nga ay nagdadala pa ng kahihiyan at problema.” Pagbubusa pa ni Ate Inday bago na umalis ng harap ng bahay ni Vekvek.
Waring nauupos na kandila si Vekvek ng makaalis ang bisita. Pilit nga siyang naghahanap buhay sa umaga at gabi para makaraos silang dalawa ni Tongtong ngunit heto at kailangan niyang galawin ang kanyang ipon para maabswelto ang kinakasama sa gulo na kinangsakutan nito.
Pagapang na pumasok sa bahay si Vekvek at nagtungo sa ilalim ng kanilang lagayan ng damit ni Tongtong para kunin ang mga ipon at bilangin kung aabot ba ng dose mil.
“Ano to?” tanong ni Vekvek ng makita na wala ang kanyang mga ipon. Wala ang mga tig isang daang papel na iniipit niya at may mga mga papel pa ng nga dalawang daang piso ngunit ang tanging nakikita niya ay mga barya na mangilan-ngilan lang at papel na tig bente pesos.
Kinalkal ni Vekvek ang ilalim ng damitan ngunit naisabog niya ba ang lahat ng mga damit pero wala na siyang nakitang mga pera.
“Putangna mo, Tongtong!” napamura ata napahagulgol na lang sa iyak si Vekvek dahil wala namang ibang kukuha ng mga ipon niya kung hindi ang kanyang kinakasama.
“Punyeta ka!” dagdag na mura ni Vekvek na masamang-masama ang loob dahil ang kanyang mga ipon ay nilulustay lang pala ng kanyang kinakasama.
Naalala ni Vekvek na madalas sabihin sa kanya ng tindera ng ihaw-ihaw na madalas si Tongtong ang nagbabayad ng mga binibili nito kasama ng kanyang mga barkada.
Mas lalong pinagbagsakan ng langit at lupa ang babae na pilit nagsusumikap sa buhay para sa kanila dalawa ng kinakasama ngunit ganito lang ang ganti sa kanya.
Wala na ngang naitutulong sa kanya at nagdala ng problema ngayon ay matutuklasan niyang pinagnakawan pa siya.
Ilang buwan ng nag iipon si Vekvek. Nagtitiis ng uhaw at gutom para lang huwag gumastos at maitabi na lang sa kanyang iniipon na sariling puhunan ngayon ay matagal na pa lang inuumit ni Tongtong na kailangan ng kanyang tulong para makauwi.
Pero saan kukuha si Vekvek ng pera kung wala na pala ang kanyang ipon na siyang tangi niya sanang pag asa para makuhanan?
Sa halip na bumangon at puntahan si Tongtong para kamustahin ay nahiga na lang si Vekvek at napatingin na lang sa kisame ng maliit niyang upahan.
Nakatingin lang siya sa kawalan ngunit walang maisip.
Inaalala niya ang mga pera niya na nawala lang ng ganoon.
Kaya pala may napapambili si Tongtong ay pera niya na pala ang kinukuha nito.
Awang-awa si Vekvek sa sarili dahil ang pinakakaasam niyang sariling puhunan ay wala naman pala.
Wala naman dahil kapag naglalagay siya ng pera ay kinukuha naman pala ni Tongtong at ginagamit na pambili ng bisyo nito.
Maya-maya ay napatayo na lang si Vekvek at muling lumabas ng kanilang bahay at doon siya tahimik na naupo at may kung anong iniisip.
Ang hawak niyang cellphone ay tumunog indikasyon na may tumatawag.
Si Tongtong.
Nakatingin lang si Vekvek sa kanyang cellphone at walang gana na sagutin ang tawag.
Dahil nga hindi niya sinasagot ang tawag ay nag chat na lang ito.
“Vek, nasaan ka na? Please, sunduin mo na ako rito. Mangutang ka ng pambayad sa club, please. Maghahanap ako ng trabaho para matulungan kang magbayad.” Anito sa chat.
Ngunit hindi pa rin sinagot ni Vekvek dahil blangko ang kanyang utak.
Nakaperwisyo si Tongtong at kailangan ng dose mil at pagkatapos ay matutuklasan niyang ninanakaw lang nito ang pera pinaghihirapan niyang ipunin.
“Please, Vek. Magbabago na ako. Hindi na ako makikipag barkada. Hindi na ako iinom ng alak basta tulungan mo na ako, babe. Please, babe,” pagmamakaawa pa ni Tongtong.
Nagtatalo na ang isip at puso ni Vekvek.
Nagagalit siya kay Tong tong sa maling ginawa nito ngunit hindi niya nama ito basta pabayaan na lang.
“Pagsubok lang ito, Vek. Pagsubok lang at malalampasan mo at ni Tongtong. Hayan na at nangangako na siyang magbabago,” sabi ni Vekvek sa kanyang sarili na parang kinukumbinsi ang sarili na magtiwala pa rin kay Tongtong dahil mahal na mahal niya ito at pagsubok lang sa pagsasama nila ang lahat ng mga nangyayari.
“Vek, gabi na, ha? Saan ka pupunta?” tanong ni Gladys na nasa terrace ng kanyang malaki at magandang bahay ng mamataan na naglalakad ang kaibigan si Vekvek ng mag isa kahit malalim na ang gabi.
“Oo, Glads, punta ako sa pamilya ko,” ang sagot ni Vekvek na talagang ang pamilya ang unang naisip na lapitan sa problemang kinakaharap.
Wala nama siyang maisip na lapitan dahil wala namang pamilya si Tongtong dito sa lugar nila at wala rin matutulong dahil madalas pa nga na manghingi ng pera ang mga ito dahil wala raw pambili ng pagkain.
Kaya walang pagpipilian si Vekvek kung hindi kapalan ang mukha at lumapit sa kanyang pamilya kahit pa nakakahiya.
Ilang beses siyang umuusal ng panalangin na sana maawa ang pamilya niya sa kanya at kay Tongtong at tulungan siyang makautang ng twelve thousand.
Habang naglalakad din ay walang tigil si Vekvek sa pag-practice ng sasabihin na pagmamakaawa sa mga magulang para maawa sa kanya.
“Josko ka naman, Vekvek?! Napapano kan bata ka? Hindi mo na dapat tulungan pa ang lalaking yon dahil hayan na at tadhana na ang siyang nagsasabi na iwan mo na ang lalaking yan. Walang trabaho pero nakukuha pang magbarkada at manira pa ng ari-arian ng iba. Tapos ikaw ang naghahanap ng pera para pambayad sa mga nasira niya? Iwan mo na ang lalaking yan. Wala kang kinabukasan diyan, Vekvek!” ang galit na galit na sermon ng nanay ni Vekvek sa kanya ng kausapin niya ang mga magulang tungkol sa kinakaharap na problema.
“Ang payat mo na, Vek. Ang itim muna dahil nga sa pagtitinda mo ng kung anu-ano sa lansangan. Kaya umuwi ka na. Tatanggapin ka namin pero hindi ka namin tatanggapin kung hindi mo puputulib ang relasyon mo sa Tongtong na yan!” ang tatay ni Vekvek na mahal na mahal siya at ang turing sa kanya ay isang prinsesa ngunit nakuhang magalit sa anak dahil nga nakipag live in ng maaga sa isang lalaking hindi man lang nila kilala.
Kung anu-ano pang masasamang salita ang mga narinig ni Vekvek.
Nakayuko lang naman siya at hindi sumasagot sa mga magulang bilang paggalang pa rin sa mga ito.
Tumayo na si Vekvek para magpaalam dahil wala rin siyang mapapala sa pamilya.
Hindi pa rin siya tutulungan kahit nakikitang stress na stress na siya.
“Sige po, nay, Tay, tuloy na po ako.” Pagpapaalam na ni Vekvek kayo lalong sumimangot ang kanyang mga magulang..
“Bahala kang bata ka. Kahit na anong sabihin namin sayo ay sarado ang utak mo kaya bahala ka. Sa susunod ay huwag kang uuwi kung hindi ka rin babalik! Lumayas ka at magsama kayo ng walang kwenta mong lalaki!” pagtataboy na kay Vekvek ng kanyang tatay.
Umiiyak na lumabas na lang na lumabas si Vekvek sa kanilang bahay dahil tulad noon ay walang pagbabago. Ayaw na ayaw pa rin ng pamilya kay Tongtong lalo na siguro ngayon.
“Vek! Ang lungkot mo naman? Nalugi ka ba?” salubong na naman ni Gladys ng makita na naman na naglalakad si Vekvek..
“May problema kasi ko, Glasds,” ani ni Vekvek at saka na nagkwento ng kanyang problema kung bakit kahit gabi ay naglalakad siya at nagtungo sa pamilya.
“Vek, kahit naman ako ang mga magulang mo ay hindi kita tutulungan. Mas gugustuhin ko pa ngang makulong yang Tongtong na yan kaysa tubusin sa barangay. Bahala siya sa buhay niya!” ang sagot ni Glasys ng marinig ang kwento ng kaibigan.
“Sinubukan ko lang at baka sakaling maawa sila kasi anak pa rin nila ako.” Katwiran pa ni Vekvek.
“Ikaw ang anak nila at si Tongtong ay hindi kaya bakit naman nila tutulungan?”
Napa buntong hininga na lang si Vekvek sa katwiran din ng kaibigan.
“Sige, Glads. Uwi na ako at hahanap pa ako ng mauutangan bukas paggising ko,” ani ng malungkot na mabait at masipag na babae.
“Nagtatampo na ako sayo, Vek. Ganyan ka bang nadidiri sa trabaho ko na ayaw mong sumubok na humiram sa akin? “ ang sabi ni Gladys na kunwari ay nakasimangot.
Lumiwanag ang mukha ni Vekvek sa narinig.
At walang pagdadalawang isip na nagsabi na nga si Vekvek at wala ring hirap na binuksan ni Gladys ang mamahalin niyang pouch at inabot sa kaibigan ang dose mil na kailangan nito pantubos sa kinakasama.