Dare
Avery's Point of View
Dahil sa ginawa ni Elliot, hindi ko talaga mapigilang mairita. Like, seriously? Lilipat ng table nang walang kaabog-abog?
Kaya ayun, para hindi ko siya masyadong tignan at ma-high blood, dinampot ko na lang ang phone ko habang sumisimsim ng inumin. Scroll-scroll muna sa socmed para ma-divert ang attention ko, habang sunod-sunod ang tagay ko as if wala nang bukas.
Pag-open ko ng i********:, nag-story na nga 'yung mga kaibigan ko kanina pa.
Unang clip, video namin sa HU habang naglalakad sa garden area. Si Hazel naka-boomerang pa, with caption: "Finally seeing our girl's new turf. Hendrix University is a vibe đź’… #HUday #richkidenergy"
Second story, si Daphne naman nasa hallway namin kanina, hawak 'yung note na may pirma ng executive director. Caption niya: "When your bestie has access to the boss himself. VIP tour, baby. #AveryGotConnections"
Third one, si Elyza sa labas ng library na parang fashion shoot ang peg, caption: "Study? I thought you said slay. #HUcore"
Pag-slide ko pa, mall na. May flatlay ng Starbucks drinks namin kanina, caption ni Hazel: "Starbies with my St. A girls + Avery đź’– #catchupday"
Then last, video namin sa Watsons, hawak-hawak namin 'yung skincare loot, habang nagpo-pose si Daphne ng mala-commercial model, caption: "When self-care means filling up the cart. đź’„ #WatsonsHaul"
Napangisi ako. Ang saya nilang kasama kanina. Pero ayun nga, bigla akong na-remind kung bakit ako nandito sa bar at bakit badtrip ako.
Ano bang problema ng hambog na 'yun? May nasabi ba akong mali? Ang OA, ha.
Napatingin ako sa kabilang table kung nasaan siya. Nakatingin din siya sa akin.
Ang lakas talaga ng pull niya sa akin kahit gusto ko siyang iwasan. Kaya para mairita siya lalo, tinaas ko 'yung isang shot ng iniinom ko at tumingin sa kanya nang may mapanuksong ngiti. Alam mo 'yung kind of smile na parang sinasabi, "Yeah, I'm having fun without you."
Mukhang effective kasi mas lalo siyang nagmukhang badtrip. Ngumiti ako nang todo bago ko binalik ang tingin ko sa table ko.
Pero ayun, napansin kong ubos na pala 'yung alak ko. After 1 hour and 20 minutes of non-stop sipping, wala na akong iniinom. At since nabayaran ko na lahat ng in-order ko, dedma ako nang sinabi niyang siya na ang magbabayad.
Tumayo ako at naglakad papunta sa may bartender's area. I wanted a fresh vibe, away from him.
Habang naglalakad ako, napansin ko 'yung slight gulat sa mukha ni Elliot. Tila hindi niya nagustuhan ang paglipat ko. Pero, honestly? Wala akong pake.
Pag-upo ko sa harap ng bar, ngumiti ako sa bartender.
"Lima ngang B-52," sabi ko.
Tumango siya at nagsimulang mag-layer ng kahlĂşa, bailey's, at grand marnier sa maliit na shot glasses. Ang satisfying panoorin ng colors na nagla-layer, parang mini art project lang sa baso.
Habang hinihintay ko ang order ko, medyo nakatungo lang ako, pinaglalaruan 'yung straw wrapper sa harap ko, nang biglang may boses na sumingit sa tabi ko.
"Excuse me, ikaw lang ba mag-isa?"
Alam ko agad na ako ang tinatanong, pero nag-pause muna ako bago lumingon. At nung lumingon ako...
Shet.
Hindi ito basta gwapo lang. As in expensive looking. Yung tipong may aura ng runway model. Tall, lean frame, well-tailored ang suot na parang freshly steamed mula sa isang luxury boutique. His hair was styled na parang effortless pero halatang pinag-isipan, with that subtle shine na usually makukuha mo lang sa salon na may ₱3,000 haircut minimum. Sharp jawline, deep-set eyes na may konting tamis sa tingin, at skin na parang untouched by stress o pollution—flawless in that low-key, I have my own dermatologist on speed dial way.
Honestly, parang nakita ko na siya sa isang fashion editorial or sa cover ng men's magazine na binabasa ng mga rich tita sa salon.
Tumango lang ako, kahit medyo starstruck.
"Pwede bang makiupo?" tanong niya, with a smooth, deep voice na parang boses ng radio DJ sa madaling araw.
Kumibit lang ako ng balikat at sinabayan ng half-smile. "Hindi naman akin 'yang upuan, so... bahala ka," sagot ko na may halong biro. Medyo tipsy na rin ata ako kasi kanina pa ako nagtu-tuluy-tuloy sa inumin.
Napangiti siya at hindi lang basta ngiti, kundi 'yung tipong confident but not cocky at umupo sa tabi ko.
"By the way, I'm Kiefer," pagpapakilala niya, extending his hand casually. Ang lambot ng palad niya, by the way—hindi 'yung tipong sanay sa mabibigat na trabaho.
Ngumiti rin ako, sabay abot ng kamay niya. "Just call me Avery," sagot ko, casual lang para hindi mahalata na internally, I'm like, wow, bakit parang nasa K-drama moment ako right now?
Sakto namang dumating ang B-52 shots ko, so kinuha ko agad 'yung isa at tinungga. Ramdam ko agad 'yung init mula lalamunan pababa sa dibdib. Napasinghap ako at napa-"ugh!" sa lakas ng tama.
Kiefer chuckled, parang naaliw sa reaksyon ko.
"Pwedeng makipag-usap habang umiinom? Nakakaboring kasi kapag mag-isa," sabi niya, may kasamang subtle charm na halatang sanay siya sa ganitong pakikipag-small talk pero hindi siya bastos o forward.
Nagkunwari pa akong nag-iisip pero, let's be real, wala naman akong gagawin kundi uminom at iwasan si Elliot sa kabilang table. "Fine," sabi ko, sabay abot sa kanya ng isang shot glass. "Drink this first, para fair tayo."
Tinaas niya 'yung baso na parang nag-toast, then tinungga in one go. After two seconds, napa-"woah" din siya, medyo napa-scrunch pa ng ilong sa lakas ng hagod.
"Ay grabe!" tawa niya.
Natawa rin ako, 'yung tawa na hindi pilit. At for a moment, parang nawala 'yung inis ko kanina. May something sa vibe ni Kiefer na light lang, chill lang, walang drama.
Ang saya pala ng ganito. Just sitting, laughing with someone new, kahit alam mong maybe, it's just for the night.
"Tara, lipat tayo ng table. Don't worry, my treat, promise," alok ni Kiefer, sabay ngiti na parang sinasabi ng mga mata niya na, huwag ka nang mahiya, I got you.
Medyo nag-alinlangan ako for two seconds, pero in fairness, maganda rin naman 'yung vibe niya at gusto ko rin ng mas tahimik na spot. "Sige, ikaw bahala," sagot ko, sabay tayo mula sa stool. Sinunod ko lang ang hakbang niya habang hawak ko pa 'yung baso ko. Pero bago pa ako tuluyang makalakad, out of pure instinct, napatingin ako sa gawi ng table ni Elliot. At doon, parang biglang huminto ang oras ko.
Nandoon siya—at hindi mag-isa. May kasama siyang babae. Hindi lang basta kung sino... kundi 'yung parehong babae na nakita kong dinala niya sa dorm last time. Parang automatic na sumikip ang dibdib ko, like may invisible hand na humila sa loob-loob ko at piniga. I tried to tell myself, Wala ka namang karapatan, Avery. You don't own him. Get a grip. Pero kahit anong rationalizing ang gawin ko, hindi ko mapigilan 'yung bigat na bumabalot sa dibdib ko. At hindi lang bigat dahil may kasamang inis, may kasamang... argh selos ba 'to?
Naputol ang overthinking ko nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Napahinto ako on the spot, umaasa kahit kaunti na si Elliot 'yon, na baka sinundan niya ako at pipigilan. Pero pag-angat ng tingin ko, si Kiefer lang pala, nakatingin sa akin with that concerned expression na parang may nabasa siya sa mukha ko.
"Are you okay?" Tanong niya, this time mas gentle ang tono, sabay inilapat pa niya ang isa niyang kamay sa pisngi ko na para bang chine-check kung may lagnat ako.
Medyo nataranta ako kaya mabilis kong iniwas ang tingin. "O-Oo, nahilo lang ng konti," pagsisinungaling ko. Hindi ko kayang i-explain ang totoong dahilan kasi baka obvious masyado. Kaya kahit hindi pa fully composed, sumunod na lang ako sa kanya paalis.
At siyempre, malas ko, sa mismong paglipat namin, nadaanan pa namin ang table ni Elliot at ng babae niya. Babae niya?! Argh, stop it, Avery! In my head, I was screaming at myself. Act normal. Ayusin mo sarili mo. Kunwari hindi mo sila kilala. Smile lang. Pretend you're unbothered kahit deep down gusto mo nang mag-walk out.
Pero sa gilid ng mata ko, nahuli ko si Elliot na nakatingin sa amin, 'yung tingin niya hindi ko mabasa kung galit, inis, or... something else. At dahil medyo petty ang puso ko right now, hinawakan ko bigla ang braso ni Kiefer, parang sinasabi sa aksyon ko na, Yeah, I'm with him. What now?
Nasa kabilang table na kami at halos makaupo na nang biglang may boses na sumigaw, "Kiefer!"
Sabay kaming lumingon.
At hindi ako nagkamali dahil ang sumigaw ay walang iba kundi 'yung babae ni Elliot.
"Yuki!" sagot ni Kiefer, at halatang nagliwanag ang mukha niya nang makita ito. Lumapit siya agad, like old friends catching up, tapos sinenyasan ako na sumunod. Siyempre, wala akong choice kundi sumama kahit deep inside parang gusto ko na lang umupo mag-isa.
Paglapit ko, ramdam na ramdam ko 'yung tingin ni Yuki sa akin. Hindi lang basta tingin, kundi that look na matulis, mainit, parang laser na kayang sunugin ka on the spot kung may superpowers siya. Pero dahil trained na ako sa mga maldita sa mundo, I kept my expression neutral. In fact, I even smiled a little, kunwari inosente, kunwari walang alam, kunwari hindi ko alam na may silent catfight na pala kami sa mata pa lang.
"It's been a long time," sabi ni Yuki kay Kiefer, with that sweet-but-fake tone na ginagamit ng mga babaeng ayaw mo sa high school but you still greet kasi polite ka.
Kiefer smiled back. "Yeah, sobra. Kumusta ka na?"
Bigla namang sumingit si Yuki, this time looking between the two of us. "Naghahanap ba kayo ng table? Dito na kayo para mas masaya." She said it in that overly friendly Taglish na parang invitation, pero ramdam mo 'yung underlying message: I want to see what's going on here.
Wala na talaga akong choice kundi umupo with them. Like, hello, wala naman akong escape plan sa moment na 'to. So I just smiled politely and pulled out the chair, tapos umupo ako na parang effortless pero deep inside, I'm screaming Lord, bakit ako nandito? The whole vibe was low-key suffocating, parang may invisible tension sa hangin.
Shemay, ang awkward! As in, sobrang awkward na parang gusto ko na lang mag-excuse at magkunwari na may emergency sa dorm. Habang nagsa-small talk sina Yuki at Kiefer, ramdam na ramdam ko talaga 'yung gaze ni Elliot sa gilid. You know that feeling when someone's literally staring holes into your head? Ganun. At 'di lang basta tingin ha, parang may hidden commentary na sinasabi 'yung mata niya.
Kanina pa, hindi niya man lang pinansin si Kiefer nang magpakilala ito. Like, not even a nod or a polite smile. Just pure dedma. Alam mo 'yung tipong subtle but intentional snub? Ganun. And honestly, mas lalo akong nairita kasi kung sino pa 'yung nagyaya sa 'kin lumabas, siya pa 'yung nag-walk out sa table ko kanina, tapos ngayon parang may attitude pa siya. Ugh.
"Pano kayo nagkakilala, Kiefer, ni Avery?" tanong bigla ni Yuki, and like, hold up—how the heck does this girl even know my name? I turned to her, wearing my polite-but-neutral face, habang internally nag-iisip kung saan siya naka-research ng info about me.
"Met her lang kanina," sagot ni Kiefer na may casual shrug. "She looked like she was alone so I thought I'd keep her company. You know, para may kausap din siya." The way he said it was so natural, parang walang halong hidden agenda.
Napangiti ako kahit papaano. At least, genuine 'yung vibe ni Kiefer. Friendly, warm, easy to talk to. 'Di tulad ng isang tao r'yan na nagyaya pa kuno pero iniwan din ako mag-isa like it's no big deal. Tsk, the audacity.
"Tsk, friend nga ba?" biglang bulong ni Elliot, pero loud enough para marinig ko. He tilted his head towards me, tapos tinaasan pa ako ng kilay. 'Yung taas-kilay na may halong smirk, like he's low-key provoking me. And for a split second, I swear parang... nagseselos siya.
Nakaka-irita talaga! Like, pick a lane, sir! Either dedmahin mo ako completely or wag kang mag-comment ng ganito.
Pagkatapos ng ilang tagay at mga awkward na palitan ng tingin sa table, biglang si Yuki ang bumanat.
"Guys, let's make this night more fun," sabi niya na may pa-seductive smile. "Spin the bottle tayo."
Everyone agreed agad, pero sa utak ko, Oh my gosh, Avery, this is not gonna end well. Alam ko na, may mangyayaring drama rito. Parang feeling ko lang, mas lalo lang lalala 'yung tensyon na kanina pa naglalaro sa paligid.
Umikot na ang bote. I swear, ang bagal ng pag-spin, parang slow motion sa paningin ko. At siyempre, fate decided na kay Elliot ito titigil.
Napanguso agad si Yuki, parang excited pero may halong panunukso. "Truth or dare?" tanong niya, at ramdam mo talaga 'yung pa-flirty niyang tono.
"Truth," diretso lang na sagot ni Elliot, walang halong hesitation.
And then—wala man lang preno—bigla niyang binitawan ang mga katagang, "Do you still love me?"
Like, wow. Hindi ba puwedeng mag-build up muna ng tension bago mag-drop ng bomb? Diretso agad sa main event ng gabi.
Ramdam ko 'yung bigat ng tanong na 'yon, lalo na nung nakita kong parang nanunubig na ang mata ni Yuki. Alam mong hindi ito biro sa kanya. Pero ang sagot ni Elliot?
"No." Walang pag-aalinlangan. Walang pause. Walang kahit anong sugarcoating. Parang isang mabilis na kutsilyo na tumama sa gitna ng mesa.
Napapikit na lang ako at silently nag-pray. Lord, sana matapos na 'tong gabi bago pa may magtapon ng alak sa mukha ng isa't isa.
Ramdam ko 'yung kirot sa simpleng dalawang letra na 'yon. Nakita ko kung paano bumagsak ang panga ni Yuki, bago tuluyang tumulo ang isang patak ng luha. Pero mabilis niya itong pinunasan, pilit ngumiti, at kunyari nothing happened. Pero obvious naman, sobrang affected siya.
Pinaikot niya ulit 'yung bote, at tumapat siyempre... sa kanya rin.
"Ako na ang magtatanong," sabi ko, leaning a little closer sa mesa. Kung tutuusin, hindi ko alam kung bakit ko binitawan 'yung tanong na sumunod. Siguro curiosity, siguro epekto ng alak. Or maybe gusto ko lang malaman ang full tea.
"Uhm... ano ba talaga ang reason kung bakit kayo naghiwalay?" tanong ko nang diretsahan. Walang paligoy-ligoy.
Nag-iwas siya ng tingin, parang nag-iipon ng lakas bago magsalita.
"Natukso lang ako," she said softly. "Aaminin ko, I enjoyed that night na may nangyari sa amin ng ex ko. Pero napagtanto ko na mali iyon... and I'm sorry, Elliot. I was drunk that night."
I felt this wave of anger rush through me. Hindi lang galit, but also disgust. Alam niyo kasi, I hate womanizers. I hate players. And especially cheaters—whether lalaki ka or babae. For me, being drunk is never an excuse. Kahit lasing ka, alam mo pa rin kung ano ang ginagawa mo. You made the choice. Period.
Pero at the same time... may kaunting awa rin. Kasi habang nagsasalita siya, she looked... pathetic. Like a lost puppy na naghahabol pa rin sa dating may-ari kahit obvious na wala nang pag-asa. It's sad, but also nakakainis.
"Sorry kung natanong ko 'yun," sabi ko, medyo softer this time. "I know, I was insensitive." Probably the alcohol talking din, kasi mas mabait ako ngayon kaysa dapat.
Ngumiti lang siya nang mahina. Hindi 'yung full smile, pero 'yung tipong pilit na para lang magmukhang okay siya. Kita mo sa mata niya na andoon pa rin 'yung regret, pain, and maybe hope. She spun the bottle ulit, slowly, habang ramdam ko pa rin 'yung bigat ng sinabi niya.
Tumapat naman 'yung bote... kay Elliot.
"Truth or da—" hindi ko na natapos kasi bigla na lang siyang sumabat, diretso at walang kahinga.
"You."
Ugh. Nakakaasar. Like, seriously? Katabi niya ang ex niya, na kitang-kita mong obvious pa rin ang feelings, tapos ako pa rin ang ginagawang target? Ano bang meron sa akin? Para ba akong walking entertainment para sa kanya? Parang gusto niya lang akong i-test kung gaano kahaba pasensya ko. Boy, you're pushing it.
"I'll take that as a dare," sabi ko, leaning forward habang hawak 'yung bote. "Gusto ko i-kiss mo sa noo si Yuki."
Bakit nga ba 'yun agad ang pumasok sa utak ko? Simple lang. One, medyo lasing na ako kaya kung ano-ano na lang naiisip ko. Two, gusto kong makita kung gaano siya ka-uncomfortable na gawin 'yun sa harap ko. And three... maybe I just want to prove to myself na wala akong pake, na kaya ko lang panoorin 'yun nang walang reaction. Which, spoiler alert, baka mali ako ro'n.
Napatingin si Yuki sa akin, halatang nahihiya pero may kilig na rin. Kita ko sa mata niya 'yung "oh my gosh, may chance pa yata ako" look. Nginitian ko siya ng konti, tipong sige girl, enjoy mo na 'to, libre na.
Pero ayun na nga, pang-aasar mode si Elliot. "Bakit 'di na lang ikaw ang i-kiss ko?"
Napailing ako at ngumiti nang mapanukso, pero may halong inis. "Nice try, Enrique. Sumunod ka na lang sa dare, unless gusto mong magmukha kang loser sa harap ng lahat." Hindi ko binigyan ng pagkakataon na makipag-banter pa siya—straight to the point.
Tumayo si Elliot, tumingin muna sa akin at, swear, parang may mini-challenge sa mga mata niya, tapos mabilis na hinalikan si Yuki sa noo.
At doon, parang may humila ng something sa dibdib ko. Ang sakit. Nakakatawa kasi ako mismo ang nag-utos, ako 'yung nag-set up ng scene, tapos ako rin 'yung tinamaan. 'Di ba dapat okay lang 'to, Avery? Hello, ikaw ang may pakana. You literally asked for this!
Pero bakit parang gusto kong mag-walk out? Argh, tanga mo, Avery. As in sobrang tanga mo. Alam mong may history sila, alam mong may tension pa rin, tapos binigyan mo pa sila ng excuse para magka-moment. Sino ka ba, Cupid?
At lalo pa akong nainis sa sarili ko kasi, deep down, alam kong jealous ako. Hindi lang 'yung konti na kaya mo pang itanggi. This was full-on, gut-punch, throat-tightening jealousy.
Ako na ang nagpaikot ng bote, at swear, parang slow motion habang umiikot 'yun sa gitna ng mesa. Naririnig ko 'yung mga tawa nila, 'yung clinking ng baso, pero ako? Naka-focus lang sa bote. And then... tumigil. Sa harap ko.
"Dare na 'yan," pang-aasar pa rin ni Elliot, 'yung tipong smug grin na parang siya na ang nanalo sa laban na hindi ko naman sinimulan.
"Oo na," irita kong sagot habang iniikot ko ang baso sa harap ko.
"Okay! Let me kiss you on the lips," sabi niya na para bang ang simple-simple lang no'n, like nag-aalok lang ng candy. Oh my gosh, lasing na talaga ang bakulaw na 'to. Excuse me? Out of all the dares in the world, ito talaga naisip mo? Hindi ka ba marunong mang-trip ng iba?
Ramdam ko 'yung biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. As in, literal, naririnig ko na sa tenga ko. Kita ko rin 'yung gulat sa mukha ni Kiefer at Yuki like biglang nag-freeze 'yung paligid at kaming apat lang 'yung tao sa buong bar. Lahat ng ingay sa paligid, parang na-mute.
Dahan-dahan siyang lumapit, 'yung parang bawat hakbang niya papalapit sa akin ay may sariling soundtrack. Hindi ko magalaw 'yung katawan ko and my mind was screaming "Move, Avery, move!" pero my body was like, "Nah, let's see what happens."
Ilalapit na niya 'yung labi niya sa akin—
Pero bigla kong nakita si Yuki. Umiiyak.
Oh, agaw eksena na naman si ateh.
At kahit ang dami kong mixed emotions, parang may kumurot sa puso ko. Kasi sa totoo lang... naawa ako sa kanya. For a split second, naisip kong If I were in her shoes, masakit din 'to.
Agad kong tinulak si Elliot.
Kinuha ko ang bag ko at walang sabi-sabing tumayo. Hindi ako pwedeng maging dahilan ng sakit ng ibang tao, lalo na sa ganitong klaseng sitwasyon.
Narinig ko pang tinatawag ako ni Elliot, but I didn't look back. Alam kong lasing na siya, pero I was clear-headed enough to know na I needed to leave. Buti na lang may taxi agad na dumating sa labas. Pagkasakay ko, tinitigan ko lang 'yung basang kalsada sa labas, trying to breathe and calm myself down.
Pag-uwi ko sa dorm, diretso ako sa banyo para maligo at magpalit. I needed to wash everything off. 'Yung amoy ng alak, 'yung bigat ng gabi, pati 'yung tension na dala niya. Akala ko tapos na ang lahat... pero pagbukas ng pinto, ayun siya.
Si Elliot.
Lasing na lasing.
Diretso siyang humiga sa kama na parang wala lang, hindi man lang tinanggal ang sapatos at jacket. Napailing ako, pero nilapitan ko pa rin siya. Grabe, ang fresh-fresh ko na after shower tapos katabi ko 'to na amoy bar. Hindi fair.
Tinanggal ko muna ang sapatos niya, isa-isa. Next, jacket. Pagkahubad ko ng jacket niya, nagulat ako dahil nakamulat pala siya.
"I really don't know why you're so damn hot and pretty in a simple way. There's really something about you," bulong niya, mababa at malambing ang boses.
Napatingin ako. Sobrang sincere ng tono niya, at parang ramdam ko 'yung init ng bawat salita. Oh no. Don't do this to me, Enrique. Hindi ako handa sa ganyang mga linya.
Hinawakan niya ang kamay ko, and then... he pinned me down on the bed.
Oh my gosh, nanetong damuho na 'to, ang bigat kaya niya!
"Napapano ka ba?!" irita kong tanong, pero 'yung boses ko ay may halong kaba. Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin, those deep, unreadable eyes.
"Sorry sa gagawin ko..."
Before I could even react, his lips were on mine.
And just like that, the world stopped. No noise, no lights, no nothing... just him. So this is what a first kiss feels like. Warm, a little dizzying, and for some reason, it made my heart ache in a way I couldn't explain. There was something in that kiss... something real. And I felt it, deep down.
He pulled away, just enough to fix a stray strand of my hair behind my ear.
"You didn't finish my dare... so I did it for you. Let's sleep."
At buong gabi, hindi ako nakatulog nang dahil sa kaniya.