Agreement
Avery's Point of View
Para walang gulo ay sumabay na lang ako kay Elliot. Oo mga teh, sumabay ako sa asungot na 'to.
At habang nakasakay sa kotse niyang binabaybay and daan papunta sa HU ay para kaming hindi magkakilala dahil walang nangahas na magsalita sa aming dalawa.
O sige, uunahan ko na.
"Hoy, bakulaw. Anong paandar na naman 'to at bigla mo akong sinabay, ha?" I snapped habang naka-cross arms sa passenger seat, giving him a side-eye of death habang siya'y chill lang na nagmamaneho.
"Gusto ko lang. Bakit, masama ba?" seryoso niyang sagot, like nothing happened. Tsk. As if!
"Uh, hell yes, masama!" I rolled my eyes so hard baka makasilip ako ng ibang dimension. "Lalo na't, hello? Sinigawan mo ako kahapon, pinalayas mo ako, and let's not forget na pinatulog mo 'ko sa sahig! Like literal, parang aso! Tapos ngayon what, casual pick-up like nothing happened? Wow, you're really out here acting like a softboi after being a menace? Iconic."
I looked away from him, staring daggers sa windshield. "So yeah, excuse me if I'm super confused kung bakit ako biglang kasama sa road trip mo na hindi ko naman in-RSVP. Enlighten me please. Anong ganap, ha?" Nakaramdam na naman ako ng galit nang maalala ko ang mga pinagsasabi niya't pinaggagawa saakin kahapon.
Hindi naman ito nakasagot na siyang nagpainit lalo ng ulo ko. Naalala ko tuloy yung mga memes na nababasa ko online. Like nagka-boyfriend ka nga pero nonchalant naman. Ih! Nevermind.
"Mag-ingat ka minsan sa mga pinagsasasabi mo, okay? Like, seriously. You don't know me, as in you don't know my story. And FYI? I don't know you either, so don't act like may right ka to treat me like trash."
My voice cracked a little but I held my ground. "You treated me like I was less than human, like second-class lang ako. And for what? Para saan? Dahil trans ako? That's it, 'di ba?"
Huminga ako nang malalim, pinilit hindi maiyak, pero the tears kept falling anyway. I wiped them fiercely with the back of my hand.
"You literally shouted at me, kicked me out, and made me sleep on the freaking floor! Like excuse me, buong buhay ko? Never ko pa na-experience 'yon. Never! Not even once — not from strangers, not even from people na ayaw ako. Pero ikaw?"
I looked him straight in the eye, unbothered by the mess on my face.
"Anong akala mo sa 'kin, props? Side character? Dahil trans ako, I deserve that kind of treatment? Ha? Sabihin mo nang diretso! I dare you." Shemay 'di ko na napigilan. Well, softhearted ako mga mima kaya gano'n. OA na kung OA 'yung mga pinagsasabi ko sakaniya pero I'm just stating a fact.
Masakit din naman talaga for me 'yung nangyari noh! Imagine, 'yung tatakbo kang tuwalya lang ang pang-itaas? Eh sa mahahalata mo na na may dibdib ako, 'di ba?
Tumingin ako sakaniya at nakita kong mahigpit ang kapit nito sa manibela habang nagmamaneho at ang pag-igting ng panga niya na ibig sabihin ay nanggigigil siya at any time rin ay magbu-burst out.
"I don't care, and I don't mean it. Okay?!" At sumabog na nga rin. The audacity! Iyon nga ang sagot niya saakin nang pasigaw. Ikaw 'yung may atraso rito, hoy!
Ngayon naman ay itinigil niya muna ang sasakyan at tinignan ako kaya hindi rin ako nagpakabog. Tumingin rin ako sa mapupungay nitong mga mata. What's with those eyes! I'm not weak! Let's see...
"S-Sorry, I didn't mean it." Para namang nabingi ako sa mga salitang narinig ko. Jusko beh, tama ba 'yung narinig ko? Si Elliot? Nag-sorry? Hell no!
Feeling ko kase hindi siya 'yung tipo ng lalaki na basta-basta na lang magso-sorry, eh! Mayabang siya! Hambog! Nuyon, tanggal angas mo boy? O baka naman isa na naman 'to sa mga pakulo ng bakulaw na 'to! Ay naku talaga, ha!
Kumalma 'yung mukha niya. Hindi na ako sumagot pa kaya nag-focus na lang ulit siya sa pagmamaneho ng sasakyan. Nang makarating na kami sa university ay agad akong lumabas at hindi na talaga siya pinansin pa. 'Di na 'ko nag-thank you sa pa rides niya. Bahala siya.
Hinanap ko agad 'yung room ko which is BSBA 1-1. At nariyan na naman ang mga bubuyog. Bulong dito, bulong doon. Dedma lang talaga ako at focus na focus sa paghahanap ng room ko. Medyo nahirapan pa 'ko kase malawak talaga 'tong university. Pero agad ko namang nahanap ang building namin nang sabihin nung napagtanungan ko kung saan.
Nang makita ko ang room ko ay nasiyahan naman ako't makakaupo na. Pagkapasok ko ay kitang-kita mo talaga ang gulat at sa mata ng mga kaklase ko. Here we go again. Ang ganda ko kase mga teh! I think, akala na naman ng mga 'to babae ako. As always.
Wala rin namang nangahas na kumausap sa 'kin kaya naghanap na lang ako ng mauupuan. Nakakita ako ng limang bakanteng upuan sa likod. Mas pinili kong umupo sa pinaka gitna para makapag-close ako sa ibang tao. You know, socialization is a must lalo pa't baguhan tayo. No man is an island ika nga.
Dumating na 'yung prof namin at siyempre, mawawala ba naman ang introduce yourself? Tinawag ako sa harap dahil kakapasok ko pa lang. I mean, basta nag-start na kase ang klase nila mga one-week na. Ewan nga ba kung bakit ang aga. Dami ko tuloy hahabulin dahil sa school calendar nilang 'yan.
And for sure, magkakakilala na 'tong mga ka-blockmates ko. Jusq kaninong circle kaya ako makiki-belong. Nagtungo na nga ako sa harap at sinimulang magpakilala. Hindi ako kinakabahan nang harapin ko ang lahat. Lahat sila nakatingin saakin, ngayon ang init ko na. Huey! Hindi magiging si Toni Fowler today!
"Hello everyone, ako nga pala si Avery Tuazon Salazar. Avery na lang. Nice to meet you all." Simpleng pagpapakilala ko sabay bitaw ng isang matamis na ngiti. Napatingin 'yung prof ko sa 'kin at parang nakukulangan pa.
"What is your badge? And why are you not wearing your uniform?" Takang tanong ni ma'am. Ha? Badge? Ano po?
"Sorry po ma'am, mamaya ko pa po kase makukuha 'yung uniform ko dahil kahapon lang ho ako lumipat and about po sa badge? Ahm, hindi ko po kase alam 'yung about do'n." Simpleng sagot ko sabay ngiti. 'Wag kayo, pilit po 'yan.
Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko dahil siguro sa hindi ko alam ang about sa badge kemerut nila na 'yan. Ano bang meron sa bagde na 'yan at parang ang big deal?
"Quiet!" Pagkasabi no'n ni ma'am ay nanahimik ang lahat. Over naman kase, parang mga high school ang behavior. Tumingin naman ito sa direksiyon ko.
"Avery, 'yung badge mo rito, it's your social status. May tatlong classification tayo sa university na 'to," paliwanag ni ma'am.
"First is the MASTER. Ito 'yung mga regular na students lang — nothing special, kumbaga. Mayayaman lang kaya naa-afford ang tuition fee. Second is the FALCON — sila naman 'yung mga academically excellent na students, mataas ang grades, consistent achievers. And lastly, the ELITE. 'Yan na 'yung mga rare breed ng students — as in, pinagpala sa yaman at talino. Usually mga anak ng CEO, heirs, o scholars na pambato ng school."
"Each rank has its own privileges. Pati dorm nila? Hiwalay. More spacious, upgraded amenities, and of course, more private. Hindi sila halo sa average crowd," dagdag pa ni Ma'am habang ako'y tango lang nang tango.
Jusme, naalala ko tuloy 'yung paandar nilang dorm ng mga Elite. Ang laki ng space, as in pwede kang mag-cartwheel sa loob pero guess what? Kulang sa kwarto. Napairap na lang ako sa sarili kong thoughts. Ang taray talaga. May ganito pala silang pa-hierarchy system dito. Hindi lang basta 'Top Section' level, kundi may literal na social tiers.
At guess what? Even within the Elite, may sub-levels pa. Like, per program at per year level may mga Elite sa Science, Engineering, Arts, Business... pero sobrang bihira lang talaga. Kailangan top-tier ka sa lahat: utak, pera, at dating. Ganon ka-intense.
Kaya pala kung maka-carry 'yung iba rito akala mo royalty. Well, technically, sa mundong 'to? Medyo ganon nga sila.
"So, alin ka sa mga nabanggit ko? Nasabi naman siguro sa 'yo kung ano 'yung badge mo 'di ba?" Tanong ulit ni ma'am.
"Yes po, ma'am." Kaloka. Elite raw ako, 'di ba mga mhie? So, ibig sabihin mataas 'yung kinalalagyan ko.
Kaya ba sila atat na atat na malaman kung ano 'yung badge ko para alam nila kung paano nila ako tatratuhin? Like ma-e-earn mo lang 'yung respect 'pag Elite ka? Jusko 'wag naman sanang gano'n ang kalakaran dito. 'Yun ay mga hinuha ko pa lang naman.
"I'm an Eli—"
"Elite siya." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may sumabat na lalaki mula sa pinto na kakabukas lamang at oo, hindi ako nagkamali. Sila nga. Nandiyan na silang apat. Are they also my blockmates? And si Elliot nga pala 'yung pumutol sa sasabihin ko.
Pumasok na silang apat. And yup, alam niyo na ang reaksiyon ng mga pipol, no need for me to narrate.
"Tara Avery, upo na tayo." Turan naman ni Edward. Kusang gumalaw ang aking mga paang nagtungo sa aking upuan. Shocks, doon pala ang upuan ng apat! Ang ending? Asa center ako. Okay lang, uhaw naman tayo sa atensiyon. Kims!
Tinignan ko naman si Elliot and guess what? Hindi siya makatingin nang diretso! Mahinang nilalang! Sino ngayon ang weak, ha! Baka nagi-guilty? Umupo na ako sa gitna na merong limang upuan. Isang hanay siya. Umupo naman si Elliot sa tabi ko at sa kabilang side ay si Edward. Samantalang 'yung dalawa ay sa magkabilang dulo.
Nahihiya pa siguro ako kaya kahit alam ko lahat ng sagot sa mga tinatanong eh hindi ako nagre-recite. Ang first subject namin ngayon ay Basic Microeconomics, at dahil naka-miss ako ng buong isang linggo, wala na sa intro-intro level ang mga discussion. As in, boom! Diretso na agad sa topic tungkol sa Demand and Supply, Equilibrium Price, pati Elasticity.
Like, girl... kung hindi ka nakikinig or nagbabasa sa handouts, good luck catching up. Buti na lang ako 'to. Chz!
Napag-usapan na rin kanina kung paano naaapektuhan ng presyo ang demand ng consumers, at kung bakit may cases na kahit tumaas ang presyo ay patuloy pa rin ang pagbili — 'yung mga inelastic goods, like gas, kuryente, and meds. May mga tinanong si Ma'am kanina na halos lahat tahimik lang. Gusto ko sanang magtaas ng kamay, pero ewan ko ba... parang may hiya pa rin pala akong nararamdaman kahit papano.
Siguro part pa rin 'to ng adjustment ko. Bagong school, bagong environment, and yes, bagong ako. Iba pa rin talaga 'pag kabisado ka na sa dating school. Dito, back to square one. Pero no worries, makakahabol din ako. Kung usapang aral, wala akong inuurungan. Beauty and brain tayo rito! Alam ng mga kaibigan ko 'yan.
Hanggang sa sumapit na nga ang oras ng vacant namin at oras na siguro para kumain ng snacks. Agad akong lumabas at pumunta sa canteen kahit alam kong sa E-Café dapat ako sa kadahilanang Elite nga raw ako.
Pero dahil matigas ang ulo natin ay sa canteen tayo kakain! Bumili na ako ng pagkain ko at naghanap ng pwesto para makakain. Pagkahanap ko ng mauupuan ay agad ko nang nilantakan ang aking pagkain para ako'y agad matapos.
May balak kasi ako na sumaglit pa sa library — charot, ay hindi pala charot, seryoso talaga para mag-advance reading sa mga topics or more likely is para makahabol. Advantage ko rin kasi 'yon, lalo na't bagong salta lang ako rito. At girl, hindi lang sa Microeconomics ang kailangan kong habulin. May isa pa akong major subject na Human Resource Management at nakaka-panic daw ang prof doon! 'Yung tipong bigla-bigla na lang daw magtatawag ng recitation kahit hindi ka pa aware na may assigned topic na pala.
Ayokong mapahiya, 'no. Baka ma-flatline ako sa kaba, tapos matandaan pa 'ko as "that new girl na hindi marunong sumagot." No, thanks! So yes, after nitong quick kain ko, diretso na 'ko sa library. Books over chika, for now. Habang kumakain ako ay nagulat ako dahil may tray na lumapag sa mesa ko.
"Hi." Akala ko kung sino na, si Edward pala.
"Ba't nandito ka? 'Di ba dapat nasa E-Café ka?" Tanong ko sakaniya. Or else, sinusundan niya talaga ako? OMG! May gusto yata sa 'kin 'to, eh. Kimmy!
"Wala lang. I just want to try something new. To know what's the feeling of eating in the front of many students?" Sagot niya sabay upo sa harapan ko. Well, pang animan naman 'tong kinalalagyan namin ngayon.
"Wow, ha! Grabe namang rason 'yon, ang valid!" Sarkastikong tugon ko with an exaggerated reaction.
"You're funny!" Sabi niya habang humahagikhik. Naku beh, baka happy pill mo talaga ako, ha! Ginawa ba naman akong clown.
Pero kidding aside, napangiti naman ako dahil sa tuwa kasi feeling ko first friend ko siya rito sa Hendrix University. Bhie, okay lang naman sa 'kin kahit more than friends, oo. Ehe!
"Avery!" Si Tyler. Nagulat ako dahil nakita kong papunta pa 'yung tatlong Elite rito sa table namin bitbit ang mga tray nila. 'Nyare?
"Oh, hello!" Simpleng pagbati ko at nagsi-upo naman na sila. Samantalang wala man lang kahit na anong mga salita ang lumabas sa mga bibig nila Elliot at Tyron.
"Bakit kaunti lang kinakain mo? Ito oh, you can eat this." Napatingin ako sa pinakatahimik na si Tyron. Nagulat naman ako dahil sa sinabi nya. Woah!
"S-Sige lang, okay lang pipila na lang ulit ako." Pagtanggi ko sa alok nito. Beh, nakakahiya kaya. Napatingin ako kila Tyler at Edward na parang hindi rin sanay sa mga nasasaksihan.
"No, eat this. Ako na lang kukuha ng panibago." At 'yun naman ang mas ikinagulat ko dahil sa alok ni Elliot. Parang nahihiya pa ang kumag matapos mag-offer.
Shocks, legit ba? Forda mabait ka na talaga? Kinuha ko na nga lang at baka magbago pa ang mood ng bakulaw. Wait, baka may lason 'to! Nevermind, may mga kasama naman ako rito. Just in case na mawalan ako ng malay 'pag kinain ang bigay niya at matigok, may mga saksi!
"Wait, anong meron at dito kayo kumakain? Isn't this, like, the common cafeteria? 'Di ba may sarili kayo?" Tanong ko kay Tyler habang nagtaas ako ng kilay in full confusion.
"Well, kasi raw sabi ni Elliot gusto raw niyang ma-experience 'yung vibe rito," sagot ni Tyler habang tumawa ng light. "So ayun, we all tagged along para ma-try rin. Tapos nakita rin namin si Edward dito, so parang meant to be na." Sabay nguso pa niya kay Elliot na chill lang sa upuan niya.
Napatingin na lang ako kay Elliot habang tumatango. Siya ang nag-initiate? Siya talaga ang nag-aya? Like, seriously?
Habang kumakain ako, kami, ay naririnig ko 'yung mga tilian ng mga accla rito dahil sa apat na kasama ko. Naiirita na ako dahil sobrang ingay. Exagge naman ata sa tilian pero oo, maya-maya eh, may mga tumitili. Bago ata for them na makita 'tong apat na 'to rito na kumain.
"That's one of the reasons kung bakit hiwalay ang cafeteria natin." Sabi naman ni Tyron. Wow, nagsasalita na talaga siya HAHAHA! Ang babaw ng kaligayahan ko! Help!
"Alam mo ba, kahapon akala ko cold treatment ang matatangap ko sa 'yo. Akala ko kasi 'di ka namamansin. Introvert gano'n." Sabi ko kay Tyron.
Ngumiti lamang ito nang matamis bilang tugon. Cutie!
"Ay by the way, thank you pala sa suot mo kahapon, ah. Kahit 'di mo ako kilala or ka-close man lang e kinumutan mo pa rin ako." Pagkasabi ko no'n ay ngumiti ulit siya. Beh, stop! Ayoko munang lumandi. Chos! Cutie niya juskooo!
Avery staffet! Para ka namang hindi nag-grade two!
"Finish your food first bago makipag-daldalan. Tsk!" Seryoso at ma-awtoridad na sabat naman ng bakulaw. Tse! 'Wag ngayon.
"Oo na po Mr. Sungit! Tsk, ayan na naman ang hambog." Pagtataray ko. Sabay tuon ulit ng pansin sa aking kinakain. Shocks, feeling ko tataba na 'ko. Dami ko nang nakakain, eh! Pero mga mhie, ang sarap kase, sayang naman 'di ba?
"Ako hambog? Baka nga napopogian ka pa sa 'kin, eh!" Haaa? Tama ba ang dinig ko? PAKI-ULIT?
Daming pasabog neto ngayong araw, ha! Naloloka na 'ko! Really? In front of his troops?! Atsaka may sixth sense ba 'tong kumag na 'to at naririnig niya pa rin kahit na binubulong ko lang? Hindi 'yon malakas, promise!
"Hep! Hep! Hep! Tumigil ka nga riyan at mukha kang hito! Feeling mo rin, ah!" Pagtatanggol ko sa aking sarili. Yes, he's pogi pero duh! Hindi ko aaminin noh! At saka andaming tao rito. I ain't gonna embarrass myself na siyang ginagawa niya sa sarili niya ngayon.
"Eh kung halikan kaya kita riyan para malaman mo kung paano humalik ang sinasabi mong hito." Ay beh, hindi na gagana sa 'kin 'yan! Halik? 'Yan lang ata defense mechanism mo, eh. Tapos hindi mo naman itutuloy. Huey!
"Mahamik ka nga! Pervert! Andaming tao rito, oh. Kilabutan ka naman sa mga sinasabi mo." Pagkasabi ko no'n ay nagtawanan naman ang mga kasama namin.
"Alam niyo? Bagay kayo." Out of nowhere naman na sabi ni Tyler. You gotta be kidding right? You better stop.
"Never!" Sabay na sabi namin ni Elliot. Tse! Hambog! At naging awkward bigla ang paligid kaya nagkaroon ng kaunting katahimikan.
Pagkatapos naming kumain nina Edward, Elliot, Tyron, at Tyler, I excused myself politely.
"Guys, I'll head to the lib muna. Mag-a-advance reading lang ako for HRM."
"Go, bff. Study well," Pa-good boy pang sabi ni Tyler na parang proud fairy godparent. I rolled my eyes playfully then flipped my hair before turning around. Charot lang.
Pagdating ko sa library building, grabe talaga 'yung vibe. Aesthetic, tahimik, maaliwalas, and it smelled like coffee, leather-bound books, and ambition. You know what I mean?
I stepped inside and was immediately greeted by the cool aircon breeze and that calming silence na parang sinasabing "shhh, behave or else." The library was a three-story haven filled with modern shelves, private cubicles, digital catalogs, and even coffee corners. Only in Hendrix.
Before anything else, dumiretso muna ako sa locker area. High-tech siya, bes. Each locker had a scanner, so I pulled out my Hendrix University ID and tapped it gently.
"Locker No. 87 unlocked. Welcome, Avery Salazar," sabi pa ng AI voice. Wow. Parang Siri ng Hendrix, gano'n! Ang cool, 'no?
I smiled a bit, opened my locker, and placed my other things inside. Sling bag, cosmetic pouch, and a few notebooks I didn't need at the moment. I only took my iPad, Apple Pencil, HRM lecture notebook, and two reference books which are Principles of Human Resource Management and Organizational Behavior for Future Managers.
After that, I went to the main reception desk and logged in using the touchscreen terminal. It asked for my student number.
21-HU-0873
One tap and boom! My face flashed on screen, confirming my attendance.
"Welcome, Avery T. Salazar. You are now logged in."
Ganyan sila ka-high tech. Lahat naka-link na sa HU Portal like grades, class schedule, library logs, even events and ID swipes sa cafeteria. Ang next stop ko ay ang study area.
Pumili ako ng isang glass cubicle na nasa second floor that is open for quiet solo study. May built-in charging station, desk light, and soundproof glass.
Naupo na 'ko like the studious tita I am, arranged my books neatly on the desk, opened my iPad, and logged into my HU Portal. Chineck ko rin 'yung modules uploaded ng HRM prof namin na si Ma'am Mercy Lim. Kilala raw 'yan sa sudden recitations and 30-item surprise quizzes. Hindi ako puwede magpaka-kampante. Awa na lang!
Habang nagbabasa ako ng topic about Strategic Staffing and Job Analysis, I took down notes, highlighting key terms, summarizing definitions, and cross-referencing real-life applications from the book.
I even wrote, "If the company hires based on short-term needs, it affects long-term success. Don't settle for 'bare minimum' workers... same with jowa!" Yes, girl. Avery does academic plus life analogies.
Napaka-productive ng oras ko. Like, serious study mode on. Nagtagal ako roon for about an hour and a half, and before I left, I made sure to log out sa terminal.
"Goodbye, Avery. You have studied for 1 hour and 35 minutes. Good job!"
Kaya pala I felt smart na. Haha!
After logging out sa system and picking up my things from the locker, I checked the time on my Apple Watch ay ten minutes na lang before our next subject. Jusq, buti na lang hindi ako nag-overstay!
I fixed my hair using the library mirror, made sure hindi oily ang fez ko. You know, pang Miss HU pa rin kahit kakatapos lang mag-aral. I gave myself one last look, smiled, and whispered, "Smart na, cute pa."
And with that, lumabas na ako ng library at tinungo ang aming building. Hindi na ako nagmamadali pero steady pace lang since I don't wanna arrive sa room na hingal girl. Not today.
On my way back, I reviewed some quick notes sa iPad habang naglalakad hehe multitask queen, 'di ba? And deep inside, I felt proud. First time in a while na ang productive ko. Gano'n pala 'yung feeling pag ginaganahan kang mag-aral dahil ayaw mong mapahiya sa class. At 'wag tayong plastic, gusto ko rin ma-impress 'yung mga kasama ko sa dorm. Haha!
Finally, pagkarating ko sa floor ng classroom namin, I inhaled deeply, fixed my collar, and gently pushed the door open. Habang pa-start na ang klase ay narinig kong tumunog 'yung tiyan ni Elliot. Ewan kung ako lang nakarinig ha, wala kasing reaction mga kaklase ko, even his troops.
Oo nga pala, hindi na siya kumain. Binigay niya pala 'yung foods niya sa 'kin at hindi na bumili kanina. Aba malay kong hindi pa pala siya kumain no'n! Nag-breakfast naman kami pero kaunti lang din ang kinain niya.
"Here. I have some biscuit." Alok ko sabay abot sakanya. Binili ko 'yan kanina sa canteen bago naghanap ng mauupuan kanina. Nagulat siya at napahinto. Ay bakulaw, kunin mo na't dahil pa sa 'kin eh nagugutom ka pa ngayon. Ikaw kasi, ih!
Bigla siyang ngumiti at kinuha 'yung biskwit at ibinalik ko na 'yung atensiyon ko sa pagsusulat ng notes. First day ko mga mhie pero discussion talaga kami agad huhu. Baka last week 'yung halos wala pa silang ginagawa. Keber lang, I love studying naman.
Habang nagsusulat ako ay may nilagay na papel si Elliot sa harapan ko. Ano 'to, basura? Kapal naman ng face neto't sa harap ko pa magtatapon. Pinulot ko na lang ito at napasadahan ang nakasulat dito.
[Thank you!]
'Yan ang nakasulat sa papel. Tumingin naman ako agad sakaniya. Nakatingin din siya habang nakangiti. Luh ano 'to! Is he low-key flirting with me?! Ibang ngiti 'yon mga mhie! Natawa na lang ako dahil si ginawa niya. Inipit ko 'yung note sa notebook ko at nag-focus muli sa ginagawa. No distraction muna! Fleece!
Tahimik lang ang room habang nagtuturo si Ma'am Mercy, our HRM prof na very intimidating pero ang talino-talinong aura. 'Yung tipong kahit naka-blazer siya in this heat, hindi mo siya kayang i-disrespect kasi ang commanding talaga ng presence niya. The kind of professor na kaya kang pagalawin kahit isang tingin lang.
She placed down her marker on the desk, crossed her arms, and scanned the room.
"Alright," she said, with her signature serious tone. "Let's see who's actually listening."
Tumahimik lalo ang buong classroom.
With sharp eyes, she asked in a calm but firm voice that could slice through steel.
"What are the benefits of internal recruitment in the structure of an organization? Explain clearly. I don't want shallow answers. I want logic."
Gano'n siya ka-direct. No sugar-coating, no babying. At parang ang tanong niya ay life-or-death. No one answered. As in, crickets. Nag-i-iwasan ng tingin. Nagtaas siya ng kilay, then casually flipped through her class record with one perfectly manicured finger.
"Wala talagang gustong sumubok?" she said dryly. "Alright, Salazar, Avery. Let's hear it."
Shocks. Ako raw?! Pero game.
Tumayo ako at inayos ang tindig ko, as if I was on a panel interview. Chin up, voice steady, and full-on confident mode.
"Well, Ma'am, one major benefit of internal recruitment is that it boosts employee morale. Kasi po, it shows na the organization values internal growth. It's also more cost-effective and efficient since the person already knows the culture and processes. So, less training time needed. It's also motivating for other employees to perform better dahil they'll see na there's a chance for promotion."
"Very well said, Avery. That's what I want to hear." She nodded, writing something on her clipboard.
May narinig akong maliit na clap at mula kay Tyler 'yon. Nakangiti akong umupo. Satisfied with my answer. Slay si mima!
Ma'am Mercy raised a brow again, this time with a half-smile.
"Get a ¼ sheet of paper. Quiz tayo. Twenty items."
⌞ Dissmisal⌝
Sumapit na nga ang uwian at binabalak ko ngang maglakad. Actually, malapit-lapit lang din ata 'yung dorm dito sa school pero marami pa rin sa mga estudyante ang gumagamit ng sasakyan. Mga tamad maglakad. Gusto ko sanang mag-isip-isip habang naglalakad hanggang sa biglang may humintong kotse sa harapan ko.
"Get in." Alok ni Elliot. Nagdalawang-isip pa ako ngunit sa huli'y pumayag na lamang din ako.
"Okay." Pagkasabi ko no'n ay agad na akong pumasok sa loob.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa at siya na ang bumasag nito.
"I just wanna say sorry... for real. Sa lahat ng inasta ko sa 'yo nung una. You're right, I don't even know you. And that's on me. Hindi ko dapat ginawa 'yon. So yeah, I'm sorry and... I'm hoping na I could still, like, get to know you properly." Paghingi niya sa 'kin ng tawad. Agad akong umiwas ng tingin. Na-a-awkward-an ako mga mhie! For real?! Kung totoo man 'to, edi gow! Mas maganda naman talaga kapag wala kang kaaway, 'di ba?
Parang... sincere siya. As in. Hindi ito 'yung typical sorry na pilit. May effort, may lungkot sa boses, at medyo awkward pa siya, which makes it feel legit. So, tumingin na lang ako sa bintana, kunwaring chill. Pero sa loob-loob ko? Girl, what is happening?
Am I dreaming?
Kung totoo man 'tong apology niya, then maybe... just maybe, worth giving a chance. I mean, hello? Life is too short to keep grudges. People change. People grow. And kahit na mahirap minsan maniwala agad, I believe in giving second chances as long as may effort, may remorse, and may development, push natin 'yan.
Forgiveness is power, 'di ba?
So, for now, dedma mode muna ako. Pero sa loob-loob ko? I'm kind of impressed. Let's see where this goes.