Intrusion
Avery's Point of View
After ng nangyaring introduction kanina ay agad na kaming nag-dinner dahil niyaya naman ako ni Edward, which is 'yung nasa canteen kanina. Canteen guy cutie!
So, magkakasama kami rito sa hapag. Bale katabi ko si Edward, magkatabi naman si Tyron, which is 'yung nasa puno at 'yung katabi ko no'ng nakatulog ako sa puno at si Mr. Pervy na si Tyler. At nasa king chair naman 'yung hambog. Feel na feel, ha! Hari yarn?
"Masarap ba ang food, Avery?" Biglaan na tanong naman sa 'kin ni Tyler na siyang bumasag sa katahimikan dito sa hapag.
"Ah oo, masarap." Maikling sagot ko sa tanong niya.
"Pero alam mo ba... mas masarap ako riyan." Sagot niya pabalik na naging dahilan upang masamid ako. Buti na lang at inabutan agad ako ni Edward ng juice. Shocks, ang pervy talaga ng lalaking 'to! Pati ba naman sa hapag?
"Fxck!" Napamura naman si Elliot.
Kaloka naman 'tong lalaking 'to parang sira. Sabi na nga ba eh, manyak.
"HAHAHA just kidding!" Turan nitong muli habang malakas na tumatawa. Hanep, with matching palo pa sa lamesa niyan.
"Hehehe..." Pabebeng tawa ko na lamang upang sakyan ang biro nito. Baka kasi malugi si Tyler.
"So, Avery, bakit mo naman naisipang mag-aral dito?" Tanong naman ng love of my life na si Edward. Mwehehehe ampogi po, opo!
Lumingon naman ako sakaniya at ngumiti.
"Actually, wala naman talaga akong balak, e. Si dad lang naman ang may gusto na dito ako mag-aral. So, pumayag na lang ako. Batas 'yun, eh." Sagot ko kay Edward habang nakangiti. Jusq mhie kelan ba mawawala 'tong ngiti kong abot hanggang tenga.
"Oh, I see... Buti pumayag ka? Kundi mo mamasamain, all-boys' school kasi 'to. Akala ko nga babae ka kanina, e." Tanong naman ni Tyler habang nagpapa-cute pa ang uguk. Lol.
He's pogi rin actually pero he's not my type. Gurl, I don't settle for less. Kimmy! HuUuy Tyler, joklang, ha.
"Wala na rin akong choice. Nagising na lang akong nasa kotse na at naka-ready na mga gamit ko kaya pumayag na lang ako. And wala rin naman akong alam na all-boys' school pala 'to, 'no! Aba, malay ko! Kung alam ko lang din naman eh, hindi ako papayag. Lalo na kung makaka-encounter lang ako ng mga transphobic na tao." Pagpapaliwanag ko sabay tingin sa gawi ni Mr. Hambog. Hindi ko na sinabi na dahil na rin sa deal ni dad. Eh sa ayoko eh, ba't ba.
Pagkasabi ko no'n ay nagtawanan ang mga lalaki except kay Elliot. Nagkaroon bigla ng kaunting katahimikan dahil tumingin si Elliot nang masama saakin. Ay beh, 'wag ako! Kung kanina nagaganiyan mo 'ko, ha.
Tinignan ko rin siya pabalik ng mga nanlilisik kong mga mata ngunit agad ko rin naman itong tinanggal kasi natatakot na ako sa mga tingin niya. Alam niyo 'yun? I get that 'makuha ka sa tingin' look. Jusq beh, baka any moment ay masuntok pa 'ko neto.
"So, saan pala ako magk-kwarto? Dalawa lang kwarto, eh." Pag-iiba ko ng topic. Maluwang nga itong dorm pero ba't naman po dadalawa lang ang kwarto?
Kahit na alam kong sa D1 ako ay tinanong ko pa rin sila kase malay natin magkaroon ng himala, magbago 'di ba? Nagkatinginan bigla ang tatlo samantalang si Elliot ay seryoso pa rin at nakatuon lamang ang atensiyon sa kinakain. Lammoyun, parang wala lang kami sakaniya. May sariling mundo ang bakulaw. Tsk, pogi ka sana beh kung hindi ka lang red flag.
"Kay Elliot." Sabay na saad ng tatlo. Pak! Sabayang pagbigkas yarn? Napatingin naman ako kay Elliot dahil akala ko ay magagalit siya at aangal.
At nang makita ko ang mukha neto ay seryoso pa rin ito sa kaniyang pagkain na parang walang pake. 'Di ah, for sure narinig niya 'yun, 'di ba?
"I'm done." Walang sigla nitong saad at nilisan ang hapag. Napatingin ako sa kanya habang lumalakad palayo na parang zombie na nawalan ng WiFi.
Hindi ba kumain 'yon?
Sabagay, baka hindi pa na-be-breakdown ng katawan niya 'yung kinain. Alam mo 'yon? 'Yung digestion process na parang kailangan pa ng ATP para lang ma-process 'yung carbs pero wala siyang energy kaya stuck lahat sa stomach?
Or baka may internal system error siya. Homeostasis not found. Glucose level: low. Mood level: lower. Motivation: non-existent.
Gusto ko nga siyang abutan ng Gatorade at sabihing, "Kuya, okay ka lang? Dehydrated ka ata, pati kaluluwa mo tuyot."
Ay ewan. Ang lungkot niya, parang siya 'yung sinigang na wala sa tamang asim.
Pagkaalis ni Elliot, maya-maya ay nagsitayuan na rin silang lahat at nagsitungo na sa kwarto nila. Bale sa D2 pala ay tatlo na sila roon nila Edward, Tyron, at Tyler. Kaloka naman, sana kwarto na lang ang dinagdagan nila, hindi space huhu. Suggestion lang naman po, hehe!
Feeling ko naman mas maluwang doon sa kwarto nila since tatlo nga sila roon. At dahil tapos na rin naman na ako at nakapagpababa na ng kinain ay napagdesisyunan ko na ring pumunta na sa kwarto namin ni Mr. Hambog. Pagkapasok ko ay nilagay ko sa gilid 'yung bag ko at humiga sa kama.
Grabe ambango ng kama, amoy na amoy ang pang-lalaking perfume at alam kong pabango iyon ng asungot. Nilibot ko 'yung mga mata ko sa paligid ng kwarto. Grabe, sobrang ganda and malaki pala ang kama haha. Pwede talaga 'tong pangtatluhan kahit na hindi pagdikitin. Hindi ko na masyadong napansin kanina. Napakalikot siguro matulog nung isa kaya siguro malaki 'yung kama.
Habang hinihintay ko si Elliot matapos sa shower ay nag-check muna ako ng socmed ko habang nakahiga. Maybe you're wondering kung bakit alam kong nasa CR siya. Pagkapasok ko kase, he's nowhere to found. Dito lang naman siya dumiretso after niyang kumain. So, he's probably at CR doing his rituals bago matulog.
And 'yun na nga, saka ko lang na-update 'yung mga friends ko na lumipat na 'ko ng school. Ni-explain ko lahat ng nangyari sakanila ngayong araw. Through GC, of course para isahang chika.
GC Name: D1VAAZ
Avery: Girls... may major life update ako... But like, please huwag kayong ma-shookt ha!
Hazel: OMG WHAT NOW π if this is drama again, I swear I'm logging out!
Daphne: Wait is this about your skincare? Or like actual drama? π Spill now girl!!!
Avery: Okay okay, calm yourselves mga sis.
Avery: I transferred schools na.
Elyza: HUH???? SORRY WHAT πππ
Hazel: I'm gonna pretend I didn't read that. Rewind, please??? You what?!?
Avery: Yeah... like I'm not in St. A anymore π¬ I transferred sa Hendrix earlier today. Long story but... I just had to.
Daphne: EXCUSE ME??? π And you didn't even tell us??? GURL.
Elyza: Babe, that's lowkey betrayal levels like... what happened??? Are you okay???
Avery: Promise I'm okay naman. Just needed a new environment, you know? For my peace, for growth, for like... me.
Hazel: Wait, so hindi na tayo sabay magpapa-late sa first subject?? Not the character development π
Daphne: Also this feels illegal??? Did Tito even approve this? Should we talk to him? Like is this a runaway arc? 'Cause I'm ready to fight.
Avery: Hahaha OMG stop π Daddy knows. I just don't wanna explain further na, basta it's settled na. Everything's fine naman ππΌ
Elyza: Ugh fine. I hate this for me pero if it's what you really want... support ako π But like, you're still required to report chismis ha??? No skipping duties just 'cause you switched zip codes!
Hazel: True! We better get front-row seats to your new campus adventures ha π€ or else I'm blocking you sa IG stories π
Avery: Hahaha grabe kayo! I swear I'll update. I love you guys so much it hurts π
Daphne: We love you too, b*tch π but we're still not over this!!!
Elyza: Next milk tea's on you π€ as emotional damage fee
Avery: OMG fine π kahit mag-unli pearl pa kayo! Basta huwag niyo akong i-disown π©
ALL: As if! Never 'yan, bff for life π
And there you have it. Naikwento ko na sa kanila lahat-lahat from the unexpected transfer, to the surprise na I'm now dormmates with the most emotionally constipated guy on Earth. They were shookt, of course. Ang dami nilang tanong pero I had to keep some things to myself. Hindi ko na binanggit 'yung deal namin ni Dad. Like, let's not ruin the vibe, 'di ba? May konting guilt, yes, pero alam kong if I don't do this now, I'll regret it forever. And honestly? It feels freeing. For the first time, I chose myself. And they still stayed. Still accepted me.
Sobrang nakakataba ng puso. Like, kahit may slight drama, hindi sila 'yung tipong iiwan ka 'pag hindi ka na fun. They're the real ones. The toxics I'd never detoxify from.
After a few minutes ay lumabas na si Elliot na naka-topless lamang with its messy and wet hair. Parang ang lakas maka-balik sa reality. Like girl, we get it na may abs ka. Calm down naman.
O-M-G.
Dahil sa nakikita ko ay para ba akong na-estatwa dahil sa ganda ng nakikita kong hubog ng kaniyang katawan.
"Enjoying the view huh?" Saad nito habang nakangisi.
Iniwas ko 'yung tingin ko kasi feeling ko rin ay nagiging kakulay na ng kamatis 'yung mukha ko dahil sa aking mga nasaksihan. Hambog talaga 'tong isang to e noh, porket ang ganda ng katawan.
Iyong-iyo 'yan beh.
"Feeler." Bulong ko na lang sa sarili ko.
Nakita ko sa salamin na napalingon siya bigla sa sinabi ko. Narinig niya pa 'yon?!
"I heard you, moron." Galit na singhal saakin ng hambog na 'to.
Humarap ako sakaniya at pinagtaasan siya ng kilay. Keri lang, maganda naman ang natural na kilay ko. Sa sobrang taray ng hambog na 'to ay para tuloy siyang babaeng may dalaw. Mas bakla pa umasta kaysa saakin, eh!
OMG! Baka bakla rin sya?! Sayang naman.
Eme! Naku, naalala ko tuloy 'yung mga nababasa kong mga comments ng mga babae sa isang post nung isang poging lalaki and she found out that he's gay.
She was like, "Ay, sayang naman." Ha?! Hindi siya sayang beh, kahit naman naging straight siya, hindi kayo papatulan niyan. Hindi porket gwapo tapos gay, sayang agad. Mas sayang 'yung utak mo na puno ng stereotype.
So, 'yun na nga...
Napansin ata niya na nakatingin ako sakaniya at tinignan niya rin ako nang masama. Bahala na si Reyna Amihan neto, mga warka! Tangayin nawa ng alimpuyo 'tong hambog na ito. Laging mahangin, eh.
"Bakla!" Bastang malakas na sigaw ko sa hambog na 'to dahil na rin sa inis na nararamdaman ko. Ano kayang nagawa ko rito sa lalaking 'to at parang ang laki ng galit sa'kin! If it's about my sexuality, wala akong pakealam kung tanggap niya ako o hindi. Sino ba siya sa akala niya.
Lumingon siya sa 'kin sabay bitaw ng tuwalya na nakasukbit sa arm niya kanina. Wala po akong nakita, ha!
Naka-short na siya. βΉοΈ
Nag-iba ang facial expression niyang ngayon ay nang-aakit na lumalapit saakin. Shocks, napaka-unpredictable naman ng lalaking 'to!
"Hoy!" Hindi siya natinag sa pagkakasigaw ko. Aba't!
Humakbang siya nang humakbang hanggang sa makalapit saakin. As in sobrang lapit!
"Lumayo ka nga saaking hambog ka!" Tinulak ko ito gamit ang aking mga kamay at nahawakan ang matikas nitong dibdib. Ngunit sobrang lakas niya na hindi man lang na-usog sa kinaroroonan nito sa ngayon.
Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko kaya mas lalo akong na-corner. Wtf is happening! Pinilit kong tanggalin at makawala sa malalaki nitong mga kamay ngunit nag-aksaya lamang ako ng lakas.
"Ano ba?! Hoy Mr. Hambog, ako'y tigilan mo, ha! Isusumbong kita sa dad ko sige ka!" Pananakot ko rito pero wa epek! Jusq po, awa na lang.
"Tawagin mo ulit akong bakla at hahalikan talaga kita." Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Nag-iisip ba siya? Hindi ko siya maintindihan.
Atsaka tinawag lang na bakla galit na agad? Defensive yarn? Big deal? Ba't, nabawasan ba p*********i niya? Hmmp, abnormal talaga! Then, na-realize ko na grabe pala itong posisyon namin. Sa sobrang hiya ko ay napaiwas nalang ako ng aking mukha. I kennat! Ang awkward! Shutacca, Elliot!
"Wala ka pala eh, tsk!" Pagmamayabang neto saakin sabay bitaw sa mga kamay ko at ipinagpatuloy ang pagbibihis. Jusq mga mima, for sure nangangamatis na naman ang mukha ko ngayon! Lumabas naman ito ng kwarto at wala na akong pake kung saan man ang lakad ng impaktong 'yon! Sige, humayo ka at magpakalayo-layo!
Dahil sa nangyari ay ganun pa rin ang pwesto ko. Na-shock ako dahil sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan 'yon, ha! Akala ko nga mas malala pa roon 'yung kaya niyang gawin sa 'kin like susuntukin or what. Ta's 'yun lang pala yung ipapanakot niya sa 'kin?
Isang halik?! Go!
Joke lang, ayoko nga! Manigas siya! Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nakakahalik ng ibang lalaki maliban kay dad and kapatid ko. Ayoko naman na sa isang kagaya niyang hambog ko maibibigay iyon! Para romantic, dapat sa first and last boyfriend ko ibigay ang first kiss ko! Sounds delusional, pero yeah. Bakit? Naniniwala ako sa true love!
Anyways, humiga na lang ako sa kama and make my self comfortable dahil nakakapagod ang araw na ito. Hindi naman siguro masamang magpahinga na.
"Why are you there?" Masungit na pambungad niyang tanong pagkapasok niya sa kwarto.
Tinignan ko siya nang masama habang nakataas ang makakapal kong kilay.
"Dahil matutulog na ako, bakit? Ano bang ginagawa sa kama? Hays, commonsense siguro?" Pagtataray ko sakaniya. Tumigin ito saakin nang masama. Ayan na naman siya.
"I mean, why are you on the bed, sa sahig ka matutulog. Ayaw kong may katabi na gaya mo, kaya baba!" Masungit na singhal sa 'kin ng abnormal na lalaki na 'to.
Paanong katabi eh we're not in the same bed. Hindi na tama ito, ha! Kutusan ko kaya 'to! Kaso I'm tired na rin kaya sige, sa sahig matutulog ang dyosa huhu! I can't believe this! May araw ka ring kupal ka.
Inirapan ko na lamang ito at padabog na kinuha ang unan at humila ng kumot habang magkasalubong ang kilay na nakatingin sakaniya habang siya naman ay nakangisi with matching crossarm pa! Lammoyun, parang nanalo sa lotto kung makangisi. Okay, you won this time, asshole.
I don't personally know you pero hindi ko alam kung anong galit mo sa 'kin... One of these days Nak... One of these days...
"Mabangungot ka sanang lamang lupa ka." Bulong ko habang padabog na naglalatag.
"Anong sabi mo?" Hmp! Hambog! Hambog! Hambog!
"Wala po! Ang sabi ko sweet dreams!" Sagot ko na lang. Napangiti siya ng kaunti dahil sa aking inasta na nagpa-init ng pisngi ko kaya agad akong umiwas ng tingin dito.
Ngiti 'yon mga beh! Ngiti! I know what's the difference between a smirk and smile. I don't know why but there's something sa ngiti nito. It's kinda... attractive. No! Jusq, kung ano-ano na naman itong pinagsasasabi ko. Pasinsiya.
Anong oras na't 'di pa ako nakakatulog. Shocks nawala antok ko dahil sa bakulaw na Elliot na 'to, eh. Kaya pumunta muna ako sa photos ko at tinignan 'yung mga picture ng fam ko. Shemay ba't parang matagal ko na silang hindi nakikita.
Dapat kase kasama ko si Yaya Mel, e. She's my favorite nanny and siya rin 'yung nagsisilbing make-up artist ko. I like doing make-up pero mas gusto kong iba ang nagme-make-up sa 'kin kase feeling ko mas maganda.
"I will miss you all." Tinurn-off ko na ang phone ko hanggang sa unti-unti na akong hilain ng antok.
β Kinabukasanβ
Nagulat pa ako dahil sa malakas na tunog ng alarm na siyang nagpagising ng aking diwa ngunit hindi ko pa iminumulat ang aking mga mata. Kagabi ko lang din sinet dahil kailangan ko talagang maaga gumising.
Parang ang lambot na ng sahig at bakit parang may mabigat na nakapatong sa bewang ko. Minulat ko ang mga mata ko at laking gulat ko dahil agad kong nakita ang mala-anghel na mukha ni Elliot. Nananaginip ako hindi ba?!
Bakit sobrang amo ng mukha niya at parang hindi 'yung Elliot na masungit, cold, walang modo at pikon na tao. Parang ibang tao 'yung kaharap ko. Does doppelganger really exist?
Sa gulat ko ay hindi ako agad naka-alis sa posisyon namin. Dahil mukhang komportable siya na nakayakap sa 'kin habang tulog. Feeling ko talaga abnormal 'to! Bipolar ata.
"I love you, Pillow." Sabi ni Elliot nang nakapikit.
Is he dreaming 'bout his girlfriend habang nakayakap saakin? Or baka akala neto unan ang niyayakap niya? I don't know why pero medyo masakit. Bakit ko nafi-feel 'to! Shocks, baka nahawaan na 'ko ng bakulaw na 'to ng pagiging abnormal niya! Hindi pwede! Hindi! Hindi!
Agad akong humiwalay sakaniya na nagpabitaw sa pagkakayakap niya saakin. At saka paano ako napunta sa kama? Hindi ko man lang naramdaman na binuhat niya ako. And ang mas nakakaloka pa ay pinagdikit pa talaga niya ang kama naming dalawa, e ang laki-laki na. Pinag-isa ganun!
7:00 AM na pala at first day ko ngayon sa bago kong school. Oo mga teh, unang araw na agad ng pasok ko! Nung sinabing settled ni Dad, as in settled na talaga dahil enrolled na rin pala ako. New school, new surroundings, and new classmates kaya tumayo na ako nang walang lingon-lingon kay Elliot. Pero alam ko na nagising siya dahil sa pagkakatulak ko. Balakariyang bakulaw ka.
After kong mag-shower ay agad na akong nagbihis at pumunta sa baba. Pinadala pala ni dad kagabi sa mga tauhan niya 'yung iba ko pang mga gamit including my stuff in school, nakita ko na lang sa sofa. Kaso wala pa 'kong school uniform na ayon sa pagkakaalam ko ay the same with my dormmates. 'Yung may silver keme. Mamaya ko pa ata mare-receive 'yon kase 'yung school na magp-provide.
Wala pa kasi 'yung uniform ko kaya I had to improvise. Pero siyempre, hindi pwedeng basta-basta lang, right? I wore my cream Prada cropped blazer over a crisp white sleeveless blouse from Jacquemus. Paired it with a high-waisted pleated skirt from LV and my go-to nude Louboutin loafers with subtle gold detailing. My tote bag? 'Yung limited edition na Dior Book Tote na pasalubong ni Mom from Paris. Very pang-school girl look pero expensive and allergic to mediocrity ang dating. Ate ko ang hallway, basically.
"Ey, good morning!" Masigla kong pagbati kila Edward, Tyron, at Tyler. Parang kagabi lang kami pormal na nagkakila-kilala pero goods na hindi naman na ako nahihiya sakanila.
"Good morning din!" Masayang pagbati ni Tyler.
"Good morning." Pormal naman na pagbati ni Edward habang nakangiti.
"Morning." Simpleng pagbati naman ni Tyron.
"Kain na." Yaya naman sa 'kin ni Edward. Ngumiti ako at agad na umupo. Mukhang masasarap ang mga nakahain, ah! Sino kayang nagluto nito? Etong mga 'to kaya? Wow ha, kung gano'n. Kalalaking mga tao eh angga-galing magluto. Nowadays bihira na kaya 'yon!
Pagka-upo ko ay nagsi-tinginan naman silang lahat sa 'kin na para bang may nagawa akong mali na dapat ko agad itama.
"B-Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Agad kong pinunasan ang mukha ko at lumingon muli sakanila.
"Wala. Pero diyan kasi nakaupo si Elliot, eh. Baka ma-beast mode na naman 'yun." Dahil sa sinabing iyon ni Tyler ay natawa ako. I can sense the confusion in their eyes na bakit parang hindi ako natatakot.
"Hayaan mo siya. Magalit siya hangga't gusto niya. La 'ko care." Sabay lantak sa mga pagkaing nasa harapan ko. Shala mga mhiema, ansarap promise! No bias. Nagulat naman ako dahil nagsi-tinginan sila sa likod ko. Lumingon ako at agad na binaling muli ang tingin sa pagkain.
Nandiyan na siya.
Nakaramdam naman ako na naglakad siya papunta sa ibang upuan at umupo para kumain. Ha! As he should. Walang gustong magsalita sa'min kahit na sino dahil sobrang awkward ng sitwasyon. Basta ako kakain ako.
"Pasok na ako, thanks for the food! It's masarap, 10 out of 10 siya for me!" Sabi ko pagkatapos kong kumain at kinuha ang tote bag ko saka tumayo.
"Sabay na tayo." Turan naman ni Edward habang nakangiti. I was about to say yes pero...
"No! Sasabay siya sa 'kin." At agad ding tumayo si Elliot mula sa kaniyang kinauupuan at kinuha ang kaniyang mga gamit.
Pagkatayo niya ay nagkatinginan pa si Tyron at Tyler. Marahil gaya ko ay naguguluhan din.
Okay?! What is happening!