M60: LEG CHAIN

1512 Words

Hindi mapakali si Seibas. Sinisisi niya ang sarili kung bakit dinala pa ang dalaga sa lugar na iyon at higit sa lahat, ang hindi pakikitungo ng mabuti kay Maxime nitong mga nakaraang linggo. Akala niya ay simpleng ensayo lamang ang ginagawa ng dalaga sa gym. Kung minsan ay bigla na lang umaalis ng walang paalam. Akala niya ay nais lang ni Maxime ng privacy o space sa kanilang dalawa lalo pa at nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Max…hinilamos ni Seibas ang palad sa kanyang mukha at tila nagdarasal habang pinapanood ang kasintahan. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama kay Maxime. Ang pakay lamang nila sa Spain ay hanapin si Hugo Perez pero pati ang dalaga ay nasabit sa kanyang misyon. Muling tumunog ang gong hudyat na maghanda na ang isa't isa para sa laban.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD