“Hey Max, baby…you are up, finally.” nakangiting hinaplos ni Seibas ang pisngi ng dalaga na halos hindi maimulat ang mga mata sa mahimbing na pagtulog. Hindi niya alam kung ilang oras o araw siyang tulog pero pakiramdam niya ay napakahabang panahon na. “S-Seibas….Seibas…” agad na sambit ni Maxime nang bumungad sa namumugto niyang mga mata ang gwapong mukha ng lalaki. Agad siyang tinulungan ng lalaki na makauponat nilagyan ng unan na napakalambit ang kanyang likod. “Max, how do you feel right now?” tanong ni Seibas pero hindi na niya napigilan ang sarili kaya kinabig niya ito at niyakap ng mahigpit. “Akala ko, hindi na kita mayayakap ngnganito ulit. I'm sorry. Mali ako, maling mali.” nagsising saad ni Seibas at halos tumulo ang luha nito sa balikat ni Maxime sa labis na lungkot at hinag

