“Anak, Siebas. Mag-ingat kayo doon ha. Maxime, hija. Take care.of yourself. This journey is important, you will find out why.” paalam ni Martella sa dala, hinatid pa sila sa airport. “I will be Mom, especially Maxime. Mag-iingat kami pareho.” niyakap ni Seibas ang ina at ganun din si Maxime. Pakiramdam niya ay tunay niya ring ina si Martella Maging si Mariego ay kabado kaya siya rin mismo ang naghatid sa dalawa. Mabuti na lang at gabi, walang media na nakasunod sa kanila. PRIVATE PLANE ang inutos ni Mariego Aragon para sa expedition ng anak sa Spain. Matapos ang mahabang biyahe, nasa Spain airport na sila. Pagka landing ng eroplano, nagkatinginan ng makahulugan sina Maxime at Seibas. May kung anong sikdo ng damdamin ang nararamdaman nila pareho. “Ready?” tanong ni Seibas kay Maxime.

