Nag enjoy ang dalawa sa naging bakasyon nila sa bahay ni Seibas. Isa sa mga nasiyahan si Maxime ay ang binigay na atensyon sa kanya ng lalaki. Ngayon lang niregla si Maxime na may nag-aasikaso sa kanya. Mas madalas kapag may monthly period siya ay nakapirmi lang siya sa kwarto at nagtitiis sa sakit ng puson. Tamang hot water bag at inom ng gamot kapag hindi kaya. Pero ngayon, daig pa niya ang prinsesa sa labis na pag-aasikaso sa kanya ni Seibas. Hindi lang siya spoiled sa mga pagkaing masasarap, kahit sa kama ay alaga siya nitong tinatabihan, hinahatiran ng mga sweets or chocolate na nakaka relieve ng sakit ng kanyang puson. Ang laki ng pinagbago na treatment sa kanya ni Seibas. Hindi lang bodyguard ang turing nito sa kanya. Naninibago man pero hinayaan na lamang ni Maxime ang binata.

