Mariing napapikit si Maxime sabay hawak sa glass window ng telephone booth. Iginala niya ang kanyang paningin. Halos malabo na ang paligid ng telephone booth dahil sa lakas ng ulan. At mula sa labas ay hindi nakikita kung ano ang kababalaghan na ginagawa nilang dalawa sa loob. "Seibas sandali...baka may makakita sa atin," halos mapaos na sambit ni Maxime pero hindi natinag ang lalaki at nakalimutan agad nito na pagod silang pareho. "Walang makakakita sa atin dito. Sa lakas ba naman ng ulan, makikita pa ba nila kung ano ang ginagawa natin dito sa loob? Just chill and relax, Maxime. At hayaan mo rin ako sa mga gagawin ko sa iyo dahil sigurado ako na magugustuhan mo ito. Maaaliw ka sa gagawin ko. I will make you happy for today. Para hindi ka na magalit sa sitwasyon natin ngayon." kumbinse

