Awang ang bibig na nakatitig si Seibas kay Maxime. Madaling araw na pero daig pa ang gilingan ng bibig nito sa pagnguya ng pagkain. Gutom na gutom at bawat subo ay parang wala ng bukas. “Hey, slow down.” puna ni Seibas sa dalaga pero hindi siya pinansin nito. Upang mapansin, si Seibas na mismo ang nag-alis sa shell ng mga abalone, kabibe, at tahong at clam. Maging ang mga talaba ay binudburan na niya ng konting asin at lemon upang tuloy tuloy na ang pagkain ng dalaga. Maging ang pagtatalop ng tiger prawn ay ginawa niya. Ganadong ganado si Maxime kaya nahikayat na rin si Seibas na sumubo ng kung ano ang madampot niya. Napaungol siyang bigla sa sarap ng talaba na kanyang hinihop. “Damn, you are too silent and not even telling me how good these foods are?” usig ni Seibas dahil nadiskubre

