Ang mga mata naman ng babae ay tila na magnet sa gwapong mukha ni Seibas. Hindi nakaligtas sa paningin ni Maxime ang paghila pababa sa laylayan ng suot nitong puting tube para mas lalong makita ang cleavage ng babae. Hmp, malandi! agad na bukyaw ni Maxime sa babae sa kanyang isip. Tipid na ngiti lamang ang pinakawalan ni Maxime. “Muchas gracias y buenas noches, jovencita.” (Maraming salamat at magandang gabi, Binibini.) Matamis ang ngiting pinakawalan ni Seibas. Naging bihasa sa wikang espanyol si Seibas dahil sa kanyang ama. Pinag-aral siya ng iba’t ibang lenggwahe ni Mr. Aragon dahil magagamit daw niya iyon sa kanilang negosyo. Napaikot naman ang mga mata ni Maxime. Naiinis siya sa nakitang ngiti ni Seibas sa babae. Isa pa ito! Babaero talaga! Ang sarap sipain ng bayag! Gigil na b

