Kanina pa pabaling baling sa higaan si Maxime. Iniisip niya kung bakit sa tuwing may hahabol sa kanila, kalaunan nawawala at malaya nilang nagagawa ang gusto nila. Gaya na lamang ng kotseng humabol sa kanila, sa may ari ng yate. Wala ba silang balak hanapin ang mga ito? Dito sa hiking area wala man lang nangahan na pansinin sila. Pakiramdam ni Maxime ay may kinalaman ang magulang ni Seibas. Bakit parang siya lang talaga ang target ng kalaban? Kung totoo man na may natatanggap silang lihim na proteksyon sa paligid, ipinagpapasalaman niya iyon. Seryosong tumingin si Maxime kay Seibas na ngayon ay himbing na himbing na. Natatawa siya dahil sa kabila ng kagwapuhan ng lalaki at strict na aura, sino ang magsasabing marami itong kapilyuhan at kalokohan at higit sa lahat kalibugan. Si Seiba

