Samantala sa mansion ng mga Aragon ay hindi mapakali ang ama ni Seibas. “Sir, negative!” “What?!” galit na hinampas ni Mr. Aragon ang newspaper sa desk ng kanyang home office. Sunod sunod na ang mga nakakarating balita sa kanya na kung saan saan na lang nare rescue ang anak na binata. Sumasakit ang ulo niya kay Seibas bukod sa mga problema ng bansa na dapat niyang pagtuunan. “Search for them, anywhere! Protect my son from danger and that woman!” mariing utos ni Mariego sa kanyang private na mga tauhan. Agad na umalis ang lider ng kanyang private security. Maya maya ay dumating naman si Martella na may dalang tray ng tsaa. “Honey, mainit na naman ang ulo mo.” anito sabay lapag ng tray. Marahang tumayo sa likod ng asawa at minasamasahe ang likod niya. “Wala na naman si Seibas sa ba

