MAGDIDILIM na rin ng magising si Seibas. Tinakpan niya ng kumot ang hubad na katawan ni Maxime. Bumangon na si Seibas at saka dinala ang yateng sinasakyan nila patungo sa isang isla. Pagkarating nila doon, walang katao-tao. Tanging silang dalawa lang ang nandoon. Nagising naman si Maxime. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at saka ito kinusot-kusot. Kinuha niya ang damit niya sa ibaba at saka isinuot ito. Naghanap siya ng puwede niyang suotin na damit pang itaas dahil sinira ni Seibas ang kanyang damit. Kumunot ang noo niya nang hindi niya makita si Seibas. Hanggang sa nakita niya ang binata na abala sa paggawa ng apoy sa may di kalayuan sa dalampasigan. Nakita niya ang bangkang de sagwan na nakatali sa yate kaya umupo dun si Maxime at nagsimula ng magsagwan upang makalipat sa

