“Just keep driving, Seibas.” utos ni Maxime habang nakatutuok ang mata sa kalaban at unat na unat ang kamay na sinusundan ng dulo ng baril na hawak ang malikot na speedboat. Paglapat ng gatilyo ng baril ni Maxime, bumaliktad agad ang isang speed boat, hindi na rin niya pinatagal ang isa pa. Sumemplang sa dagat ang mga ito. Nakahinga ng maluwag si Seibas at tinuloy lang ang pagmamaneho ng yate. Habol hininga si Maxime nang maupo siya sa isang tabi. Akala kasi talaga niya maaabutan na sila ng mga humahabol sa kanila. Mabuti na lang talaga at mabilis silang dalawa tumakbo ni Seibas kaya naman nakarating sila kaagad dito sa yate. Wala na silang pakialam sa mga taong nakasaksi. Bahala na. "Are you okay?" tanong sa kanya ni Seibas. Marahang tumango si Maxime sabay hingang malalim. "Oo.

