“Where is that bastard? And sabi ko we are going to have dinner together!” Galit at dire-diretsong pumasok si Mariego sa kwarto ng anak pero hindi niya natagpuan si Seibas sa sariling kwarto. “Nasaan si Seibas?” bulyaw nito sa mga nakasunod sa kanya na dalawang helper. “S-Sir, posibleng nasa kabilang kwarto ho siya.” mabilis ngunit kinakabahan na sagot ng isang helper. “What?” Yumuko ang dalawang helper at hindi na umimik ang mga ito. Agad naman na naglakad si Mariego sa tapat ng pinto ng kwarto na inuukupa ni Maxine. Sakto na naman na paakyat na si Martella upang gisingin ang anak at naaktuhan nito ang asawa na panay katok sa pinto ng kwarto. “Siebas! Siebas!” “Honey, ako na lang. Let me handle this. Lalamig ang pagkain, mauna ka na.” mahinahong taboy ni Martella sa asawa niya.

