Hindi na nagtataka si Seibas. Alam niyang nagsisinungaling ang dalaga. Naisip niya, may lihim itong pakay sa underground at hindi maganda ang naging resulta kaya malungkot pagbalik. Gaya ng unang pagtatalo nila, hinayaan niya lang ang dalaga, kinunsidera nanlamang niya na may monthly period ito kaya wala sa mood at walang ganang kumain ng paborito nitong pizza. Samantala, si Maxime ay titig na titig na naman sa kanyang singsing. Sa tuwing magiging masaya sila ni Seibas, saka naman siya nakakaranas ng biglang pagbabago ng isip at pagdududa. Binibigyan siya lagi ng sitwasyon upang magkaroon ng pag aalinlangan sa mga taong mahal niya at malapit sa kanya. Si Seibas naman ay hindi alam kung paano i-a-approach ng maayos ang dalaga na hindi ito ma-o-offend kung sakaling usisain niya ang tungk

