Mas lalong napangisi si Maurus sa kanyang nakitang reaction ni Maxime. “Nagtataka ka ba kung bakit kasama si Mariego Aragon sa larawang iyan?" tanong ng tiyuhin sa kanya. Napasandal si Maurus sa headrest ng kanyang upuan. Nakakasiguro siyang interesado si Maxime kung paano nasali ang ama ni Seibas Aragon sa larawan. Napaayos mula sa pagkakaupo ang dalaga bago tumango kay Maurus. “Simple, isa sa mga kasapi sa Camorra underground organisation si Mariego Aragon” saad ni Maurus. Nanginginig ang mga kamay ni Maxime sa narinig kahit hindi pa ito tapos sa iba pang sasabihin dahil parang nahihimigan na niya kung ano ang pinupunto ng matanda. “Kilala mo si Mariego Aragon?” tanong ni Maxime. “Of course, I know him so well. At lalo na ang iyong ama dahil matalik silang magkaibigan.” ngisi

