CHAPTER 76 - Couldn't bear to lose her

1481 Words
HINDI nailabas ng grupo ng opisina ni Cally na namatay si Celebrity A nang dahil sa overdose ng droga. At ganoon din kay Ms. Cathy Evangelista, na namatay ito dahil sa parehas na rason. Hindi makakaganda sa imahe ng opisina kung sasabihin nila ang totoo. Ganoon din sa lahat ng celebrity ng MGM at kailangan nilang proteksyunan ang lahat. Si Assistant Xander at Assistant Drake ang nagtulong para ilabas ang balita. Nagtrabaho din ang dalawa para ilabas sa loob mismo ng opisina na lahat ay required na kumuha ng drug test na gaganapin din sa opisina. Ang grupo naman ni Rob ang umasikaso ng hiding place ng grupo ni Police Major Jaime sa tulong ni Jopay. Habang abala ang lahat, nasa higaan pa si Prin at si Cally. Isang haplos sa pisngi ang gumising kay Prin. Unti-unti siyang nagmulat ng mata at isang warm undertone skin ang bumungad sa kanya. "Hmmm," ungol ni Prin.  "Honey, kailangan na nating gumising. Kailangan nila tayo sa opisina." "Hmmm… I can't Husbie... Napagod na ko maghapon kahapon. Then you used all of your strength last night, I'm not going," reklamo niya in a raspy morning voice. Hindi pa sapat ang ilang oras na tulog niya dahil naubos talaga ang lakas niya nang nagdaang araw sa pabalik-balik na byahe papuntang MGM, sa Matsui Villa, sa bahay at sa ensayong ginawa nila ni Cally nang nagdaang gabi. "okay, I'll give you an extra hour to use my chest for resting." Hindi niya na inintindi pa na sumagot. Hinayaan naman ni Cally na magpahinga muna si Prin. Habang nakapikit pa ito na nakadapa sa dibdib niya, he looks at his wife habang pinapagapang ang hibla ng buhok nito sa pagitan ng mga daliri niya. What he said to her last night is true. He couldn't bear to lose even a single strand of her hair. Noon, ang alam lang niya ay ang misyon niya sa buhay. Sinunod niya ang gusto ng pamilya niya. Noon pa man, alam niya na ang purpose niya ay mamuno pagdating ng araw. Pamunuan ang pitong pamilya para maging mapayapa ang mundo. He knew from the start that they are not simple and he was doing all of these things because he loves his parents so much. He accepted the challenge in order to save his family. Tinanggap niya ang hamon na inayawan ng Daddy niya noon. Pero simula nang maging asawa niya si Prin, isang pangarap ang talagang sumibol sa pagkatao niya. And that was to be with this girl every single day. He is looking forward to having a peaceful life someday with Prin. Tumingin siya sa labas ng bintana. 'Gon Peter…' naalala niya ang lalaki. Ligtas lang silang lahat kung sakali na mawawala sa larawan ang lalaki. Biglang nagbeep ang cellphone niya at mula kay Mat-mat ang mensahe. [The person you asked me to investigate is dangerous. He is the South Caracass Gang Leader. Not only he sells drugs thru Mr. Sy, he is also engaged with human trafficking and arms smuggling. I sent all the information in your email. Uncle Rob must stop this guy]   NAGISING si Prin dahil sa ring ng cellphone niya sa gilid ng kama. Noon niya lang napansin na mag-isa na lang siya sa kwarto and its five in the afternoon. Posible na pinabayaan siya ni Cally na magbawi ng lakas. Nakita niya ang pangalan ni Bella na tumatawag. "Yes, my friend," naghihikab na bungad niya dito. "Prin, where is Kai?" halata na hindi ito mapalagay. At halata rin na pabulong lang magsalita ito sa kabilang linya. Kumunot ang noo ni Prin. "I don't know, maybe he was in the office together with Cally." "Prin, help me… hindi ako makakonekta kay Kai. I was invited by Maya para mag-unwind, she brought me to her friend's house but I saw them knocking out my sister. I-I hid in the restroom and ahhhhhhh!!!!" tumili ito ng pagkalakas lakas na halos masira na ang tenga niya. Nagising ng tuluyan si Prin. "Bella!!!!!" sigaw niya sa telepono. Nanlalaki ang mata ni Prin. Anong nangyayari? Maya-maya pa, narinig niya na may kumakaluskos sa kabilang linya at may kumuha ng telepono ng kaibigan niya. Mga paghinga mula sa isang lalaki ang nadidinig niya. Hindi na niya napigilan na murahin ito. "G*go ka kung sino ka man!!! I want to see your face right now! Kapag sinaktan mo ang kaibigan ko, I will definitely put an ex mark on your face. Dudukutin ko ang mata mo at ipapakain ko sa kasama mo." "Hmm… let's see. Too bad, because I already have her. Ba bye!"   HINDI na nagpatumpik-tumpik pa si Prin na ayusin ang sarili at tawagan si Cally matapos matanggap ang tawag ni Bella. "Husbie, are you with Kai?" Tanong sa asawa. "Yes, we are in general hall a while ago. kalalabas lang namin," sagot nito. Ang tinutukoy ni Cally ay ang general hall na nasa Matsui villa at alam ni Prin na naka-block ang kahit anong tawag o signal sa loob ng kwarto para sa security nang kung ano man ang mapag-usapan sa loob. Lumabas siya ng kwarto ng naka-black leather pants at isang itim na blusa, nakapusod ang mahaba niyang buhok habang kausap si Cally sa kabilang linya. Kailangan niyang magmadali kaya double time siya sa pagkilos. "Husbie, please put me on speaker," utos niya dito. Hinanap niya ang susi ng motor ni Cally sa drawer kung saan nakalagay ang mga susian ng sasakyan at ng bahay. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa sasabihin. "Someone got Bella. She called me five minutes ago. Please ask someone to locate her phone." "What?!" Si Kai ang nadinig niya sa kabilang linya. "Kai, she called you pero hindi daw siya maka-konekta. She called me instead. She was with Maya at may dinalaw daw na kaibigan. Then, these friends knocking down her sister bago niya ako nakausap. Nagtago siya sa CR nang nakausap ko siya." "Shi*t! I'll ask MB002 to track her phone's location. Magkita tayo as soon as possible,"sagot nito sa kabilang linya. Sakto na nakita ni Prin ang susi ng motor ni Cally. Agad silang gumawa ng aksyon para ma-trace ang huling tawag ni Bella kay Prin. Hindi naglagay ng GPS si Kai sa cellphone ng dalaga para magkaroon ito ng privacy kaya gumamit sila ng ibang paraan. Matapos ang sampung minuto, sumagot sa kanila si Tom mula sa Japan at binigay ang eksaktong address kung saan nagmula ang lokasyon ni Bella gamit ang phone details ni Prin. Lihim silang kumonekta sa satellite para ma-hack ang tawag. Nagmadali si Prin na makapunta sa lugar gamit ang itim na BMW S1000 na motor ni Cally. Nagdala siya ng dalawang patalim, maliit na baril para makasiguro sa kaligtasan niya. Hindi nila alam kung sino ang kalaban. [Be careful Honey, we are still working with South Caracass issue] mensahe ni Cally sa kanya. Sa loob lang ng sampung minuto ay huminto siya sa tapat ng isang apartment. Magkasunod sila ni Kai na nakarating sa lugar na naka-motor din ng oras na iyon. Namukhaan niya na kay Cobra ang motor na ginamit nito. Kilala niya si Cobra na hindi basta-basta magpapahiram ng sasakyan, kaya hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Kai para mahiram nito iyon. Posible na may pinalitan ang lalaki o kaya naman ay ninenok nito ang motor. Halatang nagmadali rin ang binata para makarating sa lugar para iligtas si Bella. Nasa anim na talampakan ang kulay krema na gate ng apartment, two-storey house iyon at may nadidinig silang malakas na tugtog ng rock sa ikalawang palapag. "Alamin niyo kung sino ang may-ari nitong bahay. Saka kung sino ang kasalukuyang nakatira," utos ni Kai sa telepono na sa tingin ni Prin ay si Tom. Sabay na sumampa si Prin at Kai sa pader saka tumalon papasok sa loob. Parehas silang maingat sa pagkilos lalo at hindi nila alam kung ilan ang tao sa loob ng bahay sa kasalukuyan. Hindi nila alam kung sino ang kalaban. Sinenyasan siya ni Kai na aakyatin nito ang pader papuntang second floor. Nagbigay lang si Prin ng 'okay-sign'. Si Prin naman ay nanatili sa main door. Sinilip muna niya ang bintana na katabi ng pintuan. Madilim sa loob ng bahay pero naaaninag pa rin ang loob. Nang mapansin na wala siyang makita kahit anino na kumikilos sa loob, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Magulo ang mga gamit na halatang nagkaroon ng komosyon sa lugar. Naalala niya ang sinabi ni Bella na pinatulog ang kapatid nitong si Maya. Sa tingin ni Prin ay nanlaban ang babae kaya makalat doon. May nakita siyang apat na baso sa mesita. Hinala niya na dalawang tao ang kasama ni Bella at Maya. Tatlo sa baso ang may bahid ng lipstick. Naisip niya na babae ang isa pang kasama ng mga ito. Saka siya tumuloy sa CR kung saan niya nakausap ang dalaga at sinimulan na inspeksyunin ang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD