CHAPTER 77 - Where is Bella?

1712 Words
SI KAI sa kabilang banda ay nakaakyat ng tahimik sa terrace ng ikalawang palapag. Sinilip niya ang bintana at may nakita siyang babae at lalaking nagse-s*x sa loob. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na sinipa ang pintuan ng malakas habang nahihibang ang dalawa sa loob. Halatang nabigla ang mga ito nang makita siya. Dinampot ng lalaki ang baril nito na naka patong sa gilid na drawer. Pero bago pa siya nito paputukan ay hinagis ni Kai ang isang 'shuriken' sa braso ng lalaki. Isang Japanese blade o ninja blade na hugis star na may limang matutulis at matalim na bagay ang nakaikot. Nabitawan agad nito ang baril na hawak. "Ahh!!" Hiyaw nito. Kinuha naman ng babae na kasama nito ang flower base na nasa ibabaw din ng maliit na cabinet at akmang ihahagis kay Kai. Halatang hindi ito bihasa at basta na lang dinampot kung ano ang natipuhan nito. "I dare you to throw that, I will throw you outside.” banta niya sa babae na tinuro pa ang terrace. Kinuha na lang nito ang baril at nangangatog na tinutok sa kanya. "H-huwag kang lalapit.” Noon napansin ni Kai na suot nito ang binigay niyang jade na hairpin kay Bella. Uminit agad ang ulo niya. How dare this girl na suotin ang bagay na binigay niya kay Bella? "Hmm… too bad you messed with my girl." Nanlilisik ang mata ni Kai na nakatitig sa babae. "H-huwag ka sabing lalapit!" Banta nito at saka nakapikit siyang pinaputukan. "Oops! You missed!" Hinagis naman ng lalaki ang shuriken pabalik kay Kai na nakatayo sa gilid ng kama at natuwa ito nang makita na umikot iyon hanggang sa dumikit ang dulong patalim sa braso niya. Ngumisi si Kai saka naglabas ng apat pa na shuriken mula sa tagong bulsa at sabay-sabay na hinagis sa lalaki. Dumikit ang tatlo doon sa dibdib nito at sa hubad na 'alaga' nito ang isa. "Ahhh!!!!" Hiyaw nito. Nanlalaki ang mata nito habang tinitingnan ang nagdudugo nitong alaga. Nangulay pula na ang kama mula sa kawawa nitong junior at sa iba't-ibang parte ng nasugatan na dibdib. Dahil sa lakas ng hagis ni Kai, bumaon ng mas malalim ang shuriken at hindi agad ito nakabawi ng lakas. Saka nanggigigil na hinugot ni Kai ang shuriken sa braso niya at sinuksok pabalik sa bulsa. Walang pakialam si Kai sa nagsugat niyang braso. Mas nanaig sa kanya na hanapin at makita si Bella. "Young lady, where is Maya and Bella?" Tanong niya sa babaeng nakahubad ang katawan. Wala siyang pakialam kahit wala pa itong saplot sa katawan at sa totoo lang ay hindi siya nagagandahan dito. Kahit isang porsyento ay walang wala ito sa angel niya. Nakagat nito ang labi nang madinig ang dalawang tao na hinahanap niya. "I-I don't know them! You are trespassing!" Sabi na halatang natatakot kay Kai saka siya pinaputukan ng limang beses. Nailagan ni Kai ang mga bala na tinira nito hanggang sa makalapit siya dito at masakal niya ang babae. Inipit niya ang kamay nito dahilan para mabitawan nito ang baril na hawak saka nagkakakawag. Inangat niya ang katawan nito habang mahigpit na hawak ang leeg. Umangat ang paa ng babae mula sa sahig at hinawakan ng dalawang kamay nito ang kamay ni Kai na nasa leeg ng babae. "Sa-sak..lolo…" halos namamaos na ang babae at malapit nang mangasul ang kulay. Hinila niya ang hairpin na gawa sa jade sa dry na buhok nito. Pinilit ng lalaki na makabangon para makaganti kay Kai. Napansin niya iyon kaya sinipa niya ito pabalik sa kama, saka walang awang hinagis ang katawan ng babae dito. Tumunog ang mga nabaling buto mula sa katawan ng dalawa. Inuubo ang babae at pinilit na lumanghap ng hangin dahil sa ginawa niya dito. "Nagagawa mo pang magsinungaling, matapos mo itong nakawin!" tukoy niya sa jade hairpin. Nag-aapoy ang mata ni Kai at anumang oras ay mapapatay niya talaga ang babaeng nasa harapan. "Don't you know it was personally created for her? I was the one who designed this! Kahit ang buhay mo ay hindi kayang bayaran ang hairpin na 'to,” sabi niya sa babae. Bakas ang takot sa mukha nito. Dinampot ni Kai ang baril na nasa lapag saka itinutok sa dalawa. "Where is Bella?!" Galit na angil niya. "Kai!" Tawag ng bagong pasok na si Prin saka tumalikod. Ayaw niyang makakita ng ibang monster bukod sa monster ni Cally at napansin niya na hubo't-hubad ang dalawa sa ibabaw ng kama. "Where the hell is Bella?!" Galit na galit si Kai na parang sinapian ng masamang espirito at alam ni Prin na hindi makakabuti kung tuluyan nito ang dalawa. "Calm down Kai... ask them to cover at least.” Ginawa naman ng dalawa. Nagtakip ang mga ito ng kumot. Matapos ang sandali, hinila ni Prin ang babae.  "You! You are the friend who invited them, right?" "Hu-huwag niyo po akong sasaktan..." nakikiusap ito habang nakatingin sa nanlilisik na mata ni Kai. "Who is the other guy who get them?" tanong ni Prin dahil sigurado siya na wala dito ang lalaking nakausap niya sa telepono. Bago pa makasagot ang babae, pinaulanan ng bala ang kwarto kung saan sila naroon mula sa labas. "s**t!" Hinila siya ni Kai para dumapa saka mabilis na gumilid. Nakita nila na parang mina-m******e ang dalawa sa ibabaw ng kama mula sa mga bala galing sa labas. Nang makabawi si Kai, nilapitan at saka sinilip niya ang bintana. Napansin niya ang pagkinang ng isang bagay sa ibabaw ng bubong sa katapat na bahay. Sigurado siya na salamin iyon ng isang armas. Mula sa pinakagilid ng bintana, pinatamaan niya ng bala ang kung sino man na nasa bubong na iyon. Pinatamaan ni Kai ang kung sino man na nasa bubong ang nagpapaputok gamit ang baril ng lalaking nasa ibabaw ng kama. Halatang natamaan niya sa braso ang kung sino man na iyon. Yumuko ito para magtago saglit. Nagpaputok siya ng maraming beses hanggang sa maubusan siya ng bala. "Sh*t!" Nangigigil na hinagis niya ang armas sa kung saan. Nakita niya na tumayo ang lalaking nakaputi na overall suit nang mapansin nito na wala na siyang magagamit na armas. Puting leather pants at shirt na puti rin. May maliit na marka o simbolo na pula sa kanang dibdib. Ngumisi lang ito na para bang nakikita siya nito sa loob. Wala itong pakialam kahit pa may daplis ito sa braso. Lumabas si Kai sa terrace at nagkatitigan silang dalawa ng lalaking nakaputi. Maya-maya pa, nagbigay ito ng 'salute' sign habang nakaangat ang gilid ng labi. Sumunod si Prin sa terasa at buong-lakas na hinagis ang kanyang patalim sa lalaki. Dumaplis ang patalim sa pisngi nito ng bahagya pero nahawakan ng lalaki ang handle. Nanlaki ang mata ni Prin. 'Who the hell is this guy?!' Tapos ay kumaway ito sa kanila ng pamamaalam ng nakakaloko. Saka tumalon bitbit ang armalite na ginamit sa kanila mula sa bubong pababa. Ilang saglit pa, nakita nila na sakay na ito ng motor kasama ang isa pang naka-puti rin palayo sa lugar. Nasuntok na lang ni Kai ang bato ng terrace. "Kai, who the hell are they?" Kunot ang noo na tanong ni Prin. "I don't know but we have to find Bella as soon as possible." Nakakuyom ang kamao ni Kai na bumalik sa loob ng kwarto. Halatang nanggigigil pa rin ang binata at hindi mapalagay. Parang na-chop ang mga katawan ng dalawang nilalang sa ibabaw ng kama. Literal na taong nabutasan ang dalawa mula sa mga bala na pinaulanan ng lalaking nakaputi. Nakadilat pa ang mata ng babae na halos lumuwa na iyon at halatang takot talaga ito nang binawian ng buhay. Umiikot na rin sa buong kwarto ang malansang amoy ng dugo mula sa dalawa. Sanay na sila sa mga ganoong eksana kaya wala man lang kakaibang reaksyon sa kanila ni Kai. "Let's bring kung ano ang mga kailangan na pwede nating magamit,” sabi ni Kai. "I saw this sa CR sa ibaba." Nilabas sa bulsa at inabot ni Prin ang basag na cellphone ni Bella sa binata. May Hello Kitty kasi iyon na bling kaya alam ni Prin na gamit iyon ng kaibigan niya. Lalong kumuyom ang palad ni Kai saka nilagay ang cellphone sa bulsa nito. Tinapik ni Prin ang balikat ni Kai. "We will find her soon don't worry." Nalungkot si Prin at halata na galit din siya sa nangyari. Hindi nila alam kung sino ang kalaban pero sa galing ng lalaking nakaputi, may hinala siya na nagpaparamdam sa kanila si Gon Peter. Ang grupo nito lang ang tanging may kakayahan na pantayan ang skills ng Dark Guards. Kinuha nila ang laptop, cellphone, kopya ng cctv sa bahay at sa katapat na bahay. Kinuha nila ang lahat ng bagay na maaaring magamit saka sabay na bumalik sa Matsui Villa. Halos mag-aalas nuwebe ng gabi na silang nakarating sa tahanan ng Matsui.   SA ISANG sasakyang pandagat na nakatigil ilang metro mula sa dalampasigan… Isang helicopter ang lumapit dito at tumalon mula doon ang isang lalaking naka-white suit. Sa loob ng cabin, isang lalaking may ginintuang buhok at nakaroba ng pula ang umiinom ng raki, isang uri ng alak na kilala sa Albania ang nakalagay sa isang clear na baso. Nakaupo lang ito sa isang malambot na couch na pinapatungan ng tiger wool rug. Habang hinihimas-himas ng isang kamay ang alagang leopard sa tabi. Lumapit dito ang naka-puting suit na nanggaling mula sa helicopter. "Master, South Caracass got Kai's girlfriend." pagbibigay-alam nito. "Hmm." "We saw Kai and Prin, sigurado na iisipin nila na tayo ang kumuha sa babae." Matagal na natahimik ang Master nito na halatang nag-iisip ng mabuti sa susunod na hakbang. "Yes, but please... get that girl for me. Mukhang importante ang babaeng ito kay Kai at Prin,” sabi bago lumagok ng alak. "...Do you have news about his shogun?" Tanong nito bago nagsalin muli ng alak sa gamit na baso. And tinutukoy nito ay si Lorenz. "Yes. He was still in UK for training dahil malapit na ang labanan ng Dark Guards para sa posisyon. Tingin ko, gusto ni Lorenz na manatili ang posisyon sa kanya." Umismid ang lalaking may ginintuang buhok. "Get that Shogun for me! dahil siya ang kanang kamay at matalik na kaibigan ni Cally." ang sabi bago lumagok ulit ng raki.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD