CHAPTER 63 - We will Play

1592 Words
"EHH, I think I'll start with the two of you,” turo niya sa dalawang lalaki na may nakasukbit na baril sa pantalon. Nagreklamo agad ang lalaking mataghiyawat ang ilong. "huh? Ayaw mo na sa akin? Akala ko ba nanghihingi ka ng sorry." "Yap. I'm sorry, kasi ang gusto ko ay malapad ang katawan na katulad nila kuya,” sabi niya na parang batang inosente. Kumurap-kurap pa siya para lalong maakit sa kanya ang mga lalaki. Nagliwanag naman ang mukha ng dalawang tinuro niya. "Hindi mo ba nadinig iyon? Kami ang mauuna sa pila!" Kapwa malapad ang katawan ng mga ito, nagpuputukan pa nga ang muscles ng dalawang lalaki. Lumapit sa kanya ang dalawa na maganda ang pagkakangisi. Nag-iisip na ng masayang gagawin nilang tatlo. "Kuya, ako ang pipikit o kayo ang pipikit?" halong mapang-aakit at may pagka-inosente ang awra ni Prin na gustong-gusto ng walong lalaki. "Ay! Mas maganda kung kayo ang pipikit. Para mas ma-enjoy niyo ang sensasyon,” sabi niya bago pa sumagot ang mga ito. "Eto na... nakapikit na…" sabi ng isa na nasasabik sa gagawin. Mula sa pagkakangisi ay napalitan ng matamis na ngiti ang labi nito. Umaandar na ang imahinasyon nito sa gagawin niya habang nakapikit. Sino ba naman ang ayaw na mauna sa isang bata at magandang babae? Kinupkop niya ang ma-dry na pisngi nito at hinaplos-haplos iyon, ganoon din ang ginawa niya isa pa para hindi mapansin na lumuwag na ang tali niya sa kamay. Sa loob-loob ni Prin ay nandidiri na siya at minumura sa isip ang mga lalaki. "Ready na ba kayong dalawa?" matamis na tanong niya. Panay ang tango ng dalawang lalaki habang nakapikit pa ang mga ito. "Okay… one. Two. Three!" pagkasabi n'on ay sabay na binunot niya ang baril ng dalawang lalaki na nakasuksok sa pantalon nito. Pinukpok niya gamit ang baril sa sentido ang lalaking nasa kanan at sinipa ang nasa kaliwa papunta sa ibang kasama nito. "Nalintikan na!" reaksyon ng isa. Kumilos agad ang anim. Tumakbo papunta sa kanya ang isa na hawak-hawak ang balisong nito -- Ang lalaking nang-hostage kay Bella. Bago pa ito makalapit, hinagis niya sa ere ang isang baril, hinila niya mula sa likuran ang braso ng isa na susunggab sana sa kanya sa likuran at sinipa patungo dito. Sakto na nag-land sa kamay niya ang baril na hinagis niya sa ere. Nagkatinginan ang mga lalaki. "Wahhhh!!" galit na nagkasundo sa tinginan ang walong lalaki na sabay-sabay na susunggab sa kanya. Lalapitan sana nila si Prin nang paputukin niya sa kisame ng sabay ang hawak na baril. "Walang kikilos!" singhal niya. Dumagundong sa buong gusali ang boses ni Prin. Dahilan para sabay-sabay na napatigil ang walong lalaki. Napalitan ng tila nag-aapoy ang mga mata ni Prin mula sa inosenteng nilalang na kausap nilang ilang saglit lang ang nakalipas. Sinong mag-aakala na ang nag-iisang babaeng payat at nakabestida ng kulay pink ay kayang-kaya magpatigil sa kanilang walo? Lihim na umatras ang isa para lapitan ang baril na naiwan nito sa mesa. Nagulat na lang ito ng barilin ni Prin ang binti nito ng walang sabi-sabi o kahit paalala man lang. "Ahhhhh!!!" hiyaw nito saka napaluhod. "Nagpaalala na ko na walang kikilos!" para patunayan ni Prin na hindi siya nagbibiro, binaril niya ang nag-iisang lata ng sardinas na nasa ibabaw ng mesa. Tumilapon ang lata at tumama ito sa pader. Nagsipagtalsikan ang sauce sa pader at sa sahig kung saan ito napunta. Nanghilakbot ang walong lalaki nang makita ang ginawa niya. Kailangan kasi ng matinding sanay para magawa ang tulad ng ginawa ni Prin. Nasaan na ang maamong babae kanina? Ang tanong ng bawat isa sa sarili. Napalunok na lang ang mga ito at hindi makahanap kahit isang kataga. "Sinong nag-utos nito?" tanong niya. Matalim ang tingin na pinupukol niya sa walo. Walang sumasagot kahit isa sa kanila at tila napipi ang mga ito. Ang lalaking malaki ang katawan ay hindi matanggap na bukod sa nakuha ni Prin ang baril mula dito ay nagawa pa siyang masipa patungo sa mga kasama. Sa liit ng braso at binti ng babaeng nasa harapan at tila mukhang inosente ay hindi niya akalain na kayang-kaya ng babae ang bigat ng katawan niya. Nang una pa nga ay inisip niya na hindi lalagpas kahit sa limang porsyento ng lakas ang kailangan niya kay Prin. "Sagot!" Sigaw niya. Parang sinapian ng anak ng demonyo ang tingin ng walong lalaki kay Prin. "Nag-iinit na ang ulo ko sa inyo!" dagdag niya pa. "A-ang nag-utos s-samin ay si L-Luna V-villanueva." uutal-utal na sagot ng isa. Sumeryoso ang mukha ni Prin nang marinig ang pangalan ng babae. Napupuno na siya sa babaeng iyon. Mukhang hindi talaga ito titigil hangga't walang nangyayaring masama sa kanya. Hindi ligtas ang mga tao sa paligid at mga nakakasama niya hanggang hindi tumitigil ang babae. Ang pinagtataka lang ni Prin, akala niya ay nadala na ang babae sa danyos na hiningi ni Cally dito. Nakapagbayad na ang pamilya ni Mayor sa MGM limang araw ang nakalipas kahit nasa ibang bansa pa sila ni Cally. "Maglalaro tayong siyam dito. Ikaw!" tinuro niya ang lalaki na may kausap sa telepono na sa palagay niya ay si Luna. "Tumawag ka ng Pizza Delivery dahil nagugutom ako!". "Y-yes po." "Huwag na huwag kang magkakamali na kumilos ng masama kung hindi... Alam mo na ang gagawin ko sa iyo!" pananakot niya dito. "Y-yes! Hindi ako magkakamali.” takot na takot na sagot nito. Naisip ni Prin na paglaruan ang walong kidnappers niya. Akala ba ng mga ito ay simple lang na imbitahan siya sa ganoong klase ng lugar. Hmp! Sisiguraduhin niya na matuturuan niya ang mga ito ng leksyon. Tumawag ng pizza delivery ang lalaki tulad ng nais ni Prin. Umupo siya sa tapat ng kwadradong mesa saka dumekwatro. "Magsiupo kayo d'yan sa harap at magbigay kayo ng jokes sa akin. Simula ngayong oras ay tatawagin niyo akong 'Master'" utos niya. Parang mga batang estudyante na biglang bumait ang walong lalaki. Humilera ng upo ang mga ito sahig. Ang isa na binaril niya sa binti ay hindi na kinakaya ang sakit dahilan para mangasul na ang labi nito. Halos wala na ring dugo na lumabas sa binti nito "M-master, hindi na kaya ng katawan ko. P-pwede na ba akong lumabas para matanggal lang ang bala?" nakikiusap na sabi nito kay Prin. Nagtaas ang kilay niya "Hindi Pwede! Maghanap ka dito ng gagamot ng sugat mo. Pero bago ang lahat mag-joke ka muna!" utos niya habang iniikot-ikot sa mga daliri ang baril na hawak. "S-sige mag-j-joke na po ako…" sabi nito na halos takasan na ng kulay. Gustuhin man ni Prin na maawa dito ay hindi niya magawa dahil sigurado siya na sanay ang mga ito na gumawa ng masama. At hindi naman siya anak ni Saint Mary para maawa sa mga may atraso sa kanya. "H-heto na ang Joke ko… M-may tatlong lalake ang tumalon sa tubig, I-ilan ang nabasa ang buhok?" halatang nahihirapan na ito. "Kayo ang sumagot,” utos niya sa mga kasama nito. "Ilan?!"  sabay-sabay na tanong. "W-wala! Kalbo kasi silang lahat e." "Ha ha ha!" Nagsipagtawanan ang mga kasama nito. Nanatiling seryoso ang mukha ni Prin. Ang totoo, naaliw siya sa Joke pero hindi niya pinahalata dahil gusto niyang makipaglaro sa mga kidnappers niya. Lalaruin niya ang walong lalaki hanggang sa ito na lang ang susuko at hindi na papangarapin pa na makita ang kahit katiting na anino niya. Natahimik naman ang mga 'hostage' niya nang mapansin na wala siyang reaksyon. Isang malakas na lagabog na lang ang narinig nila dahil hinimatay na ang lalaking binaril niya sa binti. "Sino ang gustong gumamot sa kanya?" tanong ni Prin. Nagkatinginan ang pitong lalaki at nagturuan. "Mayroon kayong patalim di ba? Kapag ako ang gumawa niyan, sigurado na hindi niyo magugustuhan. Dahil gagamitin ko ang balisong para ilabas ang lahat ng laman ng binti niya bago ko kunin ang bala. Tapos isasalpak ko na lang pabalik. Gagamitin ko ang stapeler pantahi. Ano?" Napalunok ang mga lalaki dahil sa narinig. Na-iimagine na kasi nila ang sinabi ni Prin. "A-ako na lang po ang gagawa,” sabi ng lalaking mataghiyawat ang ilong. "Papayagan lang kita kung magbibigay ka ng joke.” nakataas ang kilay na sabi ni Prin dito. "Ah. ahm… B-bakit gising magdamag ang mga bampira?" tanong nito. "Bakit?" tanong ng iba. "Dahil nag-aaral sila para sa kanilang Blood Test. Ha ha ha.” Pinukulan lang ni Prin ang lalaki ng masama dahil sa korni na Joke nito.  "Sige na! Doon kayo sa papag na dalawa." Sinimangutan niya ang anim pang lalaki. "Next Joke!" Naglakas loob na ang isa sa anim. "Ano ang mangyayari kapag nahulog ang pulang sumbrero sa asul na dagat?" "Anoooo?" tanong ng mga kasama. "E'di mababasa ang sumbrero." sagot. "Ha ha ha!!!" nagtawanan ang mga kasama nito na parang mga bata sa Goin' Bulilit. Seryoso lang si Prin at kunwari ay kumunot ang noo. Nahalata ng isa kaya binatukan nito ang kasama. "Gago ka! Ang korni ng Joke mo!" "A-ako na lang, Master ang sunod na magbibigay.” "ah… ano ang tawag sa anak ng taong grasa?" "Anooo?" "Eh di, Baby Oil!" Humagalpak ng tawa ang lahat. Naaaliw si Prin pero hindi niya nagugustuhan na nag-eenjoy ang mga ito. Nagpaputok siya ng bala muli sa kisame dahilan para matapos ang tawanan. Napalitan ng seryoso ang mukha ng mga ito at tumuwid ng pagkakaupo at halos takasan na ng kulay. "Gag* ka talaga, hindi natutuwa si Master!" "M-Master, Parang awa niyo na… W-Wala na po kaming maisip,” sabi ng isa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD