CHAPTER 62 - Kidnapped

1579 Words
HUMUGOT ng malalim na hangin si Prin at naiinis na hinarap muli si Bella. "I-unfollow ko na kayo ni Kai dahil naiinis ako sa inyo,” nakapameywang na sabi niya dito saka ito inirapan. Tawa ng tawa si Bella. Naiinis lang si Prin dahil harap-harapan kung ipakita ni Kai na sinuko na talaga nito ang Blade Tower ng Dark Guards sa kaibigan niya. Paglabas ng coffee shop, Kumalma rin naman siya nang maisip na nakakita ng masayang lovelife ang dalawa sa katauhan ng isa't isa. At masaya siya para sa mga ito. Ilang saglit lang, lumabas ang dalawang lalaki at tig-isa silang nilapitan. Unang nahatak ng isang lalaki si Bella dahil mas malapit ito sa pintuan na gawa sa salamin at tinutukan ng patalim sa leeg ang dalaga. "Huwag kayong kikilos, kung ayaw niyong may masaktan!" banta nito. Lumapit ang kasama nitong lalaki sa kanya. Agad niyang tinapakan ang paa nito at siniko ang mataghiyawat na ilong nito. "Ahhh!" Nasapo nito ang ilong sa sobrang sakit. Hinila niya ang kwelyuhan nito saka malakas na sinuntok ang lalaki. Tumilapon ito sa sahig. Biglang sumigaw si Bella na hawak ng isa pang lalaki. "Ahhh!!" takot na tili nito. "Punyeta ka! Huwag kang maingay! Bubutasan ko ang leeg mo!" pananakot nito habang nakatutok pa rin ang isang matulis na balisong sa leeg ni Bella. Nangangatog at matinding kumapit si Bella sa bitbit na bulaklak. Lumabas na ang gwardya ng coffee shop dahil naka-agaw sila ng atensyon. "Bitiwan mo siya!" sabi nito sa mayhawak kay Bella. Hindi ito pinansin ng lalaki. "Ikaw! Ikaw ang kailangan namin!" sabi nito kay Prin. Napalunok si Prin. 'Sino na naman ang may pakana nito?' Nagkikiskis na ang ngipin ni Prin sa sobrang pagkagalit. Kailangan niyang masigurado ang kaligtasan ni Bella. Kapag nasa kamay na siya ng mga ito ay saka na lang siya lalaban. Ang mahalaga, maligtas ang kaibigan niya na halatang natatakot na at matinde ang kapit sa bouquet ng pink na bulaklak. "Bitawan mo siya! sasama ako sa iyo pero bitawan mo ang kaibigan ko!" sigaw niya dito. Napangisi ito. Sinenyasan nito ang isa pang lalaki na ginulpi niya na lumapit sa kanya. "Kusang loob akong sasama, basta ibigay mo sa gwardiya ang kaibigan ko!" matigas na sabi ni Prin. Sabay na binitawan nito si Bela sa paglapit sa kanya ng isang lalaki. Kasabay din ng paghinto ng maroon na Toyota innova (Van) sa tapat. Kinuha agad ng guard si Bella at pinrotektahan. Hindi na nakakilos pa si Prin dahil tinakpan ng lalaki ang ilong at bibig niya ng mahigpit. Naamoy agad niya ang gamot at mabilis na bumalot sa pagkatao niya ang pagkahilo hanggang sa unti-unting lumiliit at lumalabo ang paningin niya. Parang lantang gulay na ipinasok si Prin ng lalaki sa loob ng Van. "Prin!" nag-aalala si Bella na naiwan. nagsimula na siyang umiyak. Hinabol niya pa ang van pero pinigilan siya ng guard. "Ma'am, irereport na natin ito sa pulis,” sabi ng guard at agad na nag-radyo. Nangangatog naman ang mga daliri ni Bella na kinuha ang cellphone sa loob ng sling bag, nagpipindot ang dalaga sa screen at tinawagan si Kai. Hindi man lang lumipas ang ilang ring at sinagot agad iyon ng binata. "Hello, My Angel!" masayang bati nito. "Kai… Si Prin…" halos hindi niya mabigkas dahil sa sobrang takot, kaba at pag-iyak. Nakaramdam agad si Kai na may hindi magandang nangyari kay Prin. "Anong nangyari?!" tanong nito. Pinilit ni Bella na i-kwento sa nobyo ang nangyari. "Hu hu hu… she asked the guy to let me go. Then, tinakpan ang bibig at ilong niya. Maya-maya nawalan na siya ng malay." "F*ck!" mura nito sa kabilang linya. "I'll call Shi Cally. Diyan ka lang sa coffee shop. Ipasusundo kita, okay." "O-okay…"   MATAPOS lang ang tawag kay Bella, tumawag agad si Kai kay Cally. "Mukhang nag-eenjoy ka sa bakasyon mo.” bungad ni Cally. Tiningnan niya ang account nito ilang minuto lang dahil nagsimula na naman na magreklamo si Prin sa kanya. At sigurado siyang si Kai ang dahilan at ang Angel nito. Pero nabigla siya sa sinagot ni Kai. "Shi, may dumukot kay Prin.” ang naging sagot nito. Kumunot ang noo ni Cally, binitiwan niya ang hawak na dokumento at agad na tumalim ang tingin. "Kasama niya si Bella sa coffee shop at para bitiwan daw ng lalaki si Bella, nakipagpalit si Prin sa grupo. May pinaamoy na droga sa asawa mo kaya nabitbit siya ng walang nagawa." mahabang paliwanag nito.   HALATA ang galit sa mata ni Cally. Masyadong malakas ang loob ng kung sinong mastermind ang may gawa sa pagdukot ng asawa niya. "Come here as soon as possible!" utos niya kay Kai sa kabilang linya. Kailangan na makauwi ni Kai, hindi para bantayan si Prin kun’di para bantayan ng mabuti ang angel nito. "Shi, hindi pa tapos ang parusa ko." seryoso na sabi ni Kai sa kabilang linya. Sampung araw pa lang ang natatapos niya sa isang buwan na suspensyon niya. "Ako ang haharap sa matatanda para sabihin ang dahilan at magpaliwanag kung bakit ko binabawi ang parusa." Bumagsak ang balikat ni Kai at nag-aalala ito sa kabilang linya. "Pero Shi…" isang kasalanan sa Dark Lords ang gagawin ni Cally na bawiin ang parusa sa kanya. Isang kasalanan iyon at alam niya na tanging sa kanya pa lang nito iyon gagawin. Posible na ibalik kay Cally ang suspension na ginawad nito sa kanya ng ilang buwan kung sakaling babawiin nito ang parusa ng biglaan. Mawawalan ito ng panandaliang kapangyarihan sa Dark Guard o posibleng sa buong samahan ng Dark Lords at hindi iyon kakayanin ng konsensiya ni Kai. Lalo at si Bella ang isa sa mga rason kung bakit nakuha ng kung sino si Prin. "Shi, please, don't.” humugot ng malalim na paghinga si Kai bago nagpatuloy. "Ako, ako ang bibitaw bilang Dark Guard,” sabi nito sa kabilang linya. Kung gaano ka-tigas ang ulo ni Cally, ganoon din si Kai. Matapos mabigkas ni Kai ang bagay na 'yon ay pinutol na nito agad ang tawag. Kumilos agad si Cally matapos makausap si Kai. Pinindot niya ang emergency button para papasukin si Xander. Ilang saglit lang, nasa harapan na niya ang binata. "Call everyone to find Prin! May dumukot sa asawa ko. Magsimula kayo na mag-imbestiga sa coffee shop malapit sa Blue City Condo Tower!"   UNTI-UNTING iminulat ni Prin ang mga mata. May hilo pa siyang nararamdaman pero pinagana niya ang iba pa niyang senses sa paligid. "Boss, malapit na ba kayo?" Narinig niyang sabi. Huminto ito saglit na halatang nakikipag-usap ito sa telepono. "Huh? May biglaan kayong lakad ng kaibigan niyo? Nandito na ang babae na inutos niyong kunin namin." "Huh talaga?! Wow! Thank you, Boss!" Masayang ibinalita nito sa pito pang kasama ang sinabi ng kausap o ang mastermind. Apat sa lalaki ay nakaupo sa apat na sulok ng mesa at naglalaro ng tong-its. Ang dalawa dito ay ang nagmanman sa kanila ni Bella sa coffee shop. "Sabi ni Boss, pwede daw nating tikman si baby girl!" Masayang sabi. Naghiyawan ang lahat. Ang dalawa na matyagang naghihintay ay nilawayan pa ng dila ang sariling mga labi at tila sabik na sabik na matikman si Prin. Umismid si Prin ng palihim at unti-unti rin na bumabalik sa normal ang diwa niya. Nakatali ang magkabilang kamay niya na sinimulan niyang paluwagin ng lihim. Pero hindi naman dahilan iyon para hindi niya malabanan ang walong lalaki. Hinawakan siya ng isang lalaki sa braso at hinila mula sa papag papuntang gitna para mas makakilos ang lahat. Doon lang niya napansin na nasa loob sila ng isang abandonadong factory. Halos puro agiw at alikabok ang kisame, semento ang sahig, may hagdan sa isang gilid na gawa sa bato, maluwag ang paligid at isang papag na gawa sa kahoy na may nakapatong na na-flat na karton sa ibabaw, kung saan siya inakay ng lalaki. Bukod pa sa kwadradong mesa at mga monoblock na upuan na ginamit ng apat na kidnappers. Humilera sa harapan niya ang apat na lalaki. "Hoy! Ikaw! Walo kami na titikim sa iyo kaya ihanda mo na ang katawan mo para sa amin!" Ang sabi ng lalaki na may kausap sa kabilang linya. Ngumiti si Prin na parang anghel. "Walang thrill kung walo lang kayo. Wala na bang iba?" Sabi niya ng may paglalambing sa boses. "Mukhang sanay na sanay ka na ha.” ngumisi ang isa na takam na takam sa kanya. "Wait ha! Iinat lang ako. Walo kayo at nag-iisa akong babae. Siguradong exciting ang gagawin natin at masasarapan kayo sa akin." Matapos niyang sabihin iyon ay nag-inat-inat si Prin. Pinagalaw niya ang lahat ng kalamnan niya sa katawan. Leeg, binti, braso, balakang at kung anu anong parte na magagamit niya para maturuan ng leksyon ang walong lalaki. Habang ginagawa iyon ay tuluyan na ring nagbalik sa normal ang diwa at paningin ni Prin. "Ayan… perfect!" Nakangiti siya ng sweet. "Ikaw kuya na nasuntok ko kanina... gusto kong mag-sorry,” sabi niya na naglakad patungo dito. Pinag-aaralan niya ang mga lalaki. Ang napansin niya ay dalawa dito ay may bitbit na kalibre kwarenta'y-singko na nakasuksok sa pantalon, nasa mesa ang gamit na baril ng dalawa pa na mukhang iniwan nang naglaro ang mga ito ng tong-it. Habang patalim ang armas ng tatlo pa na nasa bulsa rin ng mga ito. Unti-unti na niyang natatanggal ang tali sa magkabilang kamay. Ngumiti si Prin. "Shall we start?" Sabi niya sa lalaki na mataghiyawat ang ilong.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD