CHAPTER 61 - Flower Delivery

1794 Words
MATAPOS lang ang isang linggo, nagbalik si Prin at Cally sa Maynila. Naging masaya siya sa loob ng mga araw niya sa Ilulissat dahil inalagaan talaga siya ni Cally habang nandoon sila sa lugar. Katulad ng plano, namangka sila at sinubukan nilang mamingwit ng salmon. Halos magreklamo na lang si Prin na puro isda ang kinakain nila sa loob ng ilang araw. Nanood din sila ng mga balyena na naglalanguyan at nag-kayak. Pinaglingkuran siya ng kanyang prinsipe sa loob ng ilang araw. Ang asawa niya ang halos kumilos sa lahat habang nagbuhay-prinsesa lang siya sa maliit na bahay na tinuluyan nila. Dahil malayo ang bahay na iyon sa ibang tahanan, halos isipin na lang nila na nasa dulong bahagi sila ng mundo, walang iniisip na problema. Sa loob din ng ilang araw, hinayaan siya na mag-aral ni Cally at tapusin ang exam niya online. Habang busy rin ang lalaki sa laptop nito at alam niya na nagtatrabaho pa rin ito sa opisina. Nalaman niya na nakabalik na rin si Bella sa Maynila habang nanatili si Kai sa Taiwan dahil suspended ito ng isang buwan. Hindi rin naman nakaligtas sa kanya na masaya ang kaibigan niya dahil opisyal ng magka-relasyon na ito at si Kai. Sa ngayon, kailangan nilang bumalik ni Cally sa Maynila dahil masyadong nag-aalala ang opisyal ng Dark Lords sa kanilang dalawa. Sapat na ang sampung araw na hindi sila nasisilayan para mag-alala ang mga ito lalo at hindi pa nakakalayo ang araw kung kailan dinukot si Cally. Nang araw na iyon, magkasama sila ni Cally na nagpunta sa MGM office. Nagpumilit na sumama si Prin sa asawa niya. "Hindi mo talaga matitiis na hindi makita ang pogi mong asawa." Tudyo nito. "Hmp! Sigurado na mas hindi mo matiis na hindi ako makita,” sabi niya dito. Magkahawak-kamay sila na naglakad patungong elevator. Hindi maiwasan na mapalingon sa kanila ang mga empleyado na nasa lobby. Agaw-pansin din naman kasi ang dalawang naggagandahang nilalang na naglalakad at magkahawak-kamay. Normal naman sa opisina ng MGM na may mga gwapo at magagandang celebrity sa paligid. Pero hindi pa rin maiwasan na mapalingon ang lahat sa awra na binibigay ni Cally. "Bagay silang dalawa ni President,” sabi ng isang receptionist sa kasama nito. "Haaay…" nakapangalumbaba at tila nangangarap pa ang kasama nito na nakatingin sa papalayong si Prin at Cally. Napapailing ang kasama nito at hindi niya masisisi na mangarap ng gising ang babae dahil kahit celebrities ng MGM ay pinapangarap si Cally. Sa loob ng President's office, hindi akalain ni Prin na mabo-bore din siya dahil halos nasa meeting ang asawa niya. Bilib na bilib siya kay Cally dahil nagagawa nito na i-manage ng maayos ang oras sa trabaho pati sa kanya sa bahay. Pagsapit ng hapon, nagpaalam siya kay Cally na makikipagkita kay Bella dahil sa sobrang kabagutan. Naisipan nila na magtsismisan sa isang coffee shop malapit sa condo unit nito. Nagyakapan ang dalawa nang magtagpo na para bang ilang taon na hindi nagkita. Ganoon ka-gaan ang loob ni Prin kay Bella kahit pa ilang buwan pa lang sila na magkakilala. "So, how are you my sweet little angel?" Sinimulan niya agad na tudyuin ito matapos na makuha ang order nilang frappe. "Ayos naman kami ng aking O-ppa." Nakangiti na sagot nito. Halata na nag-blooming lalo ang kaibigan niya. Halata ni Prin na masaya ang naging bakasyon nito sa bansa ni Kai. "I really can tell. Sobra ang pang-iinggit ng isang iyon sa akin lalo na ng ipakita sa lahat ng followers niya ang picture niyo sa sunflower field. Dinaig niyo pa ang love team na Tangning at Mo Ting. Mala-prenup ang mga larawan niyo doon.” parang nagagalit na sabi niya dito. Namula naman ang pisngi ni Bella. Hindi na binalita ni Prin na na-ospital siya dahil sa kapusukan dahil siguradong nakakahiya sa virgin niyang kaibigan. Sigurado na hindi nito maiintindihan ang nangyari at baka matakot din ito kay Kai. Normal sa ugali ng isang babae na gumana ang maimahinasyon na pag-iisip kung sakali na madinig nito ang nangyari sa kanya na kapwa-babae sa Greenland. Namula ang mukha ni Prin nang maalala ang nangyari sa kanya lalo at banned siya na makita ang little monster ni Cally. "*sigh* wala akong problema kay Kai, ang tanging problema ay si mudra,” sabi nito habang iniikot ng straw ang inumin. "Mommy mo?" Tanong ni Prin. "No. His mom.” bigla itong nalungkot. "Oh!" Natutop niya ang bibig sa nadinig. Bigla niyang naalala na chinese nga pala ang Mommy ni Kai. "Because she wants someone na ka-level ng pamilya nila. I saw the girl and she's really pretty. She looked like a chinese princess." Bigla itong nalungkot lalo at ilang araw na nitong hindi nakikita ang nobyo. Hindi maiwasan na ma-praning ni Bella lalo at naiwan ang nobyo niya na kasama ang magandang chinese. "Don't mind his parents dahil ang may 'last say' sa pamilya nila ay ang kanyang Yeye o si Master Chen..." "... I knew Leader Kai for a couple of years and I can tell that he's really in love with you. Do you think he is just a simple Second Young master of his family?" "Second Young Master?!" Napatayo bigla si Bella dahil sa gulat. Napakamot sa pisngi si Prin. "Ahmm, You went there. Hindi mo ba napansin na kulang na lang igawad sa kanya ang titulo na 'Prinsipe ng Taiwan'?" Iling ng iling si Bella. "Then, let me tell you a secret my friend. That guy, your boyfriend, is one of the super-rich in his country. As in, super rich!" NANLAKI ang mata ni Bella sa sinabi ni Prin. Alam niya na mayaman si Kai dahil sa laki ng bahay nito pero hindi niya naisip na mayaman na mayaman ang nobyo. Bukod sa mamahalin nitong kotse ay wala na siyang napansin. His condo unit is owned by Cally. Ang mga damit na sinusuot ni Kai ay simple. Bukod sa mamahalin na relo na suot-suot nito ay wala na siyang makita pa na magsasabi na super yaman ni Kai. Biglang pumasok sa isip niya ang mga ganap sa kanila ni Kai sa Taiwan. Kaya pala ganoon na lang katindi ang respeto na binibigay ng mga tao sa lalaki kahit saan sila magpunta. "My friend, don't tell me you didn't notice?" Napakamot sa ulo si Bella. "hindi masyado e, most of his conversations are chinese." Napatango-tango si Prin. Hindi niya masisisi ang kaibigan dahil hindi marunong ang mga tao doon sa salitang Ingles. "You guys are alone in Zhong She garden, don't tell me na hindi mo napansin na pinasara niya ang lugar? Even in other places na pinuntahan niyo ay napansin ko na parang dadalawa lang kayo at malakas ang kutob ko na pinasara ng lolo mo ang lahat ng iyon masolo niyo lang." Syempre napansin ni Bella, pero ang sagot ni Kai sa kanya ay baka nasa ibang lugar nagsimpuntahan ang ibang mga turista. Si Prin naman ay naiinis, ayaw niya nang pag-usapan pa si Kai dahil nakakadagdag lang sa sama ng loob niya kung paano ito nagkaraoon ng masarap ng bakasyon. Tapos siya ay dinala sa ospital. It's unfair! Marami pa silang napagkwentuhan nang may humintong nakamotor sa tapat ng coffee shop. Pumasok ang driver sa loob at tila may hinahanap. Naging alerto si Prin kung ano ang gagawin nito. Lumapit ang lalaki sa gwardiya at kinausap ito. Hanggang sa mapansin niya ang isang makapal na bouquet ng pink na rosas ang nasa likuran nito. "Si Miss Bella po?" sigaw nito mula sa pintuan matapos pumayag ng guard. Nagtaas ang kilay ni Prin. Lumipat ang tingin niya sa kaibigan. Lumingon naman si Bella sa lalaking may bitbit na bulaklak. "Here!" ang sabi ni Bella. Lumapit sa table nila ang lalaki. "pa-receive po ako Mam." ang sabi. Binasa muna ni Bella ang maliit na note saka lumitaw ang abot tenga na ngiti sa mukha nito. Inabot at pinirmahan ang dala na papel ng lalaki. Kung masaya si Bella, nakasimangot si Prin dahil mas maliwanag pa sa sikat ng araw na galing ang bulaklak na iyon kay Kai! "Seriously, how did he find out that you are here in a coffee shop? Is he a stalker?" "No. he's a fan!" at saka inamoy-amoy ang bulaklak. Prin "...." "I told him na kasama kita dito sa coffee shop.”. Nangigigil na hinalo ni Prin ang iniinom niyang Frappuccino. Kahit wala si Kai ay pinakita pa rin nito ang sweetness sa kanya ng harap-harapan. Paano siyang matutuwa? Samantalang, ni isang tangkay na dahon ay wala pa siyang natanggap mula kay Cally. Halatang kilig na kilig si Bella at parang maiihi na hindi maintindihan habang kinukunan ng larawan ang pink ng rosas. Nang masiyahan sa mga picture, pumili ito ng isa at nilagay sa social media account nito. [BeautyBella: Do you know how much happiness I feel when I suddenly get these flowers. Thank you so much love!]  Tumunog agad ang cellphone ni Prin at nakita niya ang post ni Bella. Mas dumagdag pa sa inis niya na makita na may sagot agad si Kai. He re-posted her picture at ang tanging laman ay kissing, heart at angel emoji. May sagot agad mula sa mga followers ni Bella. [wala na may nanalo na!] [Ate Angel, ’yung buhok mo nasa Taiwan na] ang sabi, na sa tingin ni Bella ay ang freshman na nangulit sa kanya. Napalo ni Prin ang mesa "You guys! Seriously, I'm angry! Kahit ang mga langgam ay maiinis na lumapit sa inyong dalawa ni Kai dahil hindi kaya ang level ng tamis ninyo.” nagagalit na sabi niya kay Bella. Humalukipkip siya at inirapan ang kaibigan. Ilang milyang dagat at isla ang layo ng mga ito sa isa't isa pero nagpakain pa rin ng sampung lata ng sweetness sa mga single. Hindi lang sa single, kun'di pati na rin sa tulad niya na may kasamang bato ng iceberg sa bahay. Tawa lang ng tawa si Bella habang pulang pula sa galit si Prin. Ilang saglit lang, nag-ring ang cellphone niya at nakalagay sa screen na si Cally ang tumatawag. Nangigigil na pinindot niya iyon at sinagot. "Hello Honey --" "You'd better think of something sweeter than Kai or else you'll be a single dog sooner. Hmp!" saka niya ibinaba ang tawag niya dito. Si Cally sa kabilang linya "...." Grabe ang halakhak ni Bella sa tapat na marinig kung paano niya pinagalitan si Cally. "Oh my god, I will be dead soon. kawawa naman ang loves ko kapag namatay ako agad." "Mabuti pa umuwi na tayo, dahil bago ka pa mamatay, uunahin ko si Leader Kai." Tawa lang ng tawa si Bella hindi nila napapansin na dalawang lalaki ang nagmamasid sa kanila sa loob ng coffee shop at nag-aabang lang ng tamang tiyempo para sunggaban sila.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD