CHAPTER 90 - Gon escaped

1673 Words
NAKARAMDAM ng ngalay ang braso ni Cally at ganoon din si Prin dahil sa dami ng nakalaban nila. Nakadagdag pa sa pressure ang biglaang pagbali ni Cally sa leeg ng White Guard na tumulak sa asawa niya. At dahil sa pagmamadali at pagkakabigla sa pwersang ginamit niya dito, bahagyang napilayan ang balikat niya. Nang makita ni Cally si Prin na nahulog sa matarik na bangin, parang nilipad ng hangin ang lahat ng talino na mayroon siya at hindi na siya makapag-isip pa ng maayos. Nanlamig ang buong pagkatao niya. Mabuti at may natagpuan siya na makapal na lubid na ginamit ng ilang Dark Guards mula sa Sky Jet pababa sa isla. Hinagis niya iyon kay Prin saka dumapa. Nakalitaw ang katawan ni Cally mula ulo hanggang kili-kili sa matarik na bangin. Kita niya ang paghihirap ni Prin habang mahigpit na nakahawak sa nakausling bato. May anim na metro ang layo nito mula sa kinaroroonan niya. Kita niya mula sa pwesto ang handle ng nahulog na katana ng asawa sa batuhan sa ibaba na patuloy na humahampas sa pader. Humahampas ang malalaking alon sa pinakapader ng bangin. Hindi sigurado si Cally kung mananatiling buo ang katawan ni Prin kung sakaling natuluyan ang asawa niya na mahulog doon. Nagsimula siyang kabahan. "Honey, I know you can do it. Hold it please…" bakas na sa mukha niya ang pag-aalala. Maisip lang na mahulog ang asawa niya sa batuhan na iyon ay hindi niya kaya. Inikot ng mahigpit ni Cally sa braso at kamay niya ang dulong bahagi ng makapal na lubid. Agad na nilipat ni Prin ang pagkakahawak niya mula sa nag-iisang bato na naka-usli sa pader sa lubid. Napapapikit na ng mariin si Prin dahil pakiramdam niya ay naubos ng sobra ang lakas niya sa pakikipaglaban. Bumigat ang pakiramdam ng braso ni Cally pero gumaan ng kaunti ang pag-aalala niya dahil kaunti na lang hawak-kamay niya na si Prin. Unti-unti niyang hinila ang lubid para umangat ang asawa.  Paliko na si Kai nang mapansin niya ang katawan ni Cally na nasa dulong bahagi na ng bangin. Napasuntok na lang siya sa hangin. Nagdadalawang-isip siya kung susunod kay Gon Peter na ayon kay Mat-mat ay pasakay na ng bangka. Pero mahalaga din ang buhay ng Shi nila. "Dark Guards! Please help Shi Cally!!!" hindi niya napigilan na mag-utos kahit pa suspended siya. Dalawang Dark Guards lang ang kasalukuyan na nakabantay sa gilid ni Cally na patuloy na lumalaban sa walong White Guards. Nang mapansin ng ibang White Guards ang lagay ni Cally na nasa gilid ng bangin, tumakbo palapit ang karamihan sa mga ito sa kinaroroonan niya. Ang misyon ng mga ito ay si Cally naman talaga. Nagpaulan ng bala ang Sky Jet sa lugar ng white guards na nasa paligid. Saka naglabas ng granada ang Dark Guard na sakay nito sa likuran. **Boom** napatalon na lang ang karamihan sa White guards dahil sa pagsabog. Tinakbo ni Kai ang pwesto ni Gon na may kasamang dalawa na nakaputing suit. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa gawi niya patakbo. Nakasuot ito ng puting formal suit na tumatakbo palayo sa mansion, na sakto sa deskripsyon ng pagkatao ni Gon kaya hinabol ito ni Kai. Pinaputukan ang tatlong lalaki na patungo sa yate ng mga bala mula sa Sky Jet. Ilang saglit lang, kita ng mga mata ni Kai na sabay-sabay na kumalat ang dugo sa mga puting kasuotan ng tatlong lalaki saka bumagsak. Tinakbo niya ang mga ito. Hinarap niya ang katawan ng lalaking nakaputing formal suit at may ginintuang buhok. "F*ck!!!! This is not Gon Peter!" napamura si Kai. Nalaglag ng kusa ang wig nito. "Sh*t!" sabay silang napamura ni Mat-mat na nanonood sa screen. Biglang naalala ni Kai ang lagusan kung saan sila pumasok. Gusto niyang mapamura nang maisip iyon. "Pervert Mat! Please check kung dumaan ang galunggong sa secret passage sa ilalim ng dagat." Sinunod naman ni Mat-mat. Ilang saglit lang itong nagtingin sa computer. "Sh*t nasalisihan nila tayo!" hindi akalain ni Mat-mat na malulusutan siya ni Gon kahit nakabantay siya sa camera ng mismong mansyon nito. Nangigigil si Kai. Sakto pa na naiwan nila ang diver propulsion vehicle sa lagusan. "Dark Guards, we need help! Dito sa lugar ni Shi Cally," biglang sigaw ni Ana. Napabalik si Kai nang nangagalaiti at wala sa oras sa lugar kung saan niya iniwan ang mag-asawa. Nakita na lang niya na nagpupumilit si Cally na labanan ang tatlong Dark Guards na pumipigil dito kabilang si Ana at panay ang hiyaw nito. "Ahhhh!!! Huwag niyo kong pigilan! Ahhh!!!" panay ang hiyaw nito at halata nang umiiyak. Kita ni Kai ang sugat sa braso ni Cally. Napakuyom na lang ng kamao si Kai lalo na nang makita na pinagsusuntok nito ang mga kasamang Dark Guard saka ito tumalon sa bangin.   DAHAN-DAHAN na inangat ni Cally ang katawan ng asawa niya na mahigpit ang pagkakahawak sa lubid. "Hindi ko na kaya Cally," nagsisimula nang magluha ang pisngi ni Prin habang nakahawak ang kamay sa makapal na lubid. She looked at her husband's face na kasalukuyang natataranta. She knew na sobra na rin itong nahihirapan. Ayaw niyang sumuko pero kaunting-kaunti na lang at bibigay na ang kamay at katawan niya. Humigpit ang tali na nakaikot sa braso at sumasakit na ang kamay ni Cally na nakadagdag sa pressure kaya hindi niya mai-angat ang katawan ni Prin nang mas mabilis. "Honey, honey, Please... Please... Hold on." hiling nito habang ginagamit ang buong lakas para maiangat siya papunta doon sa itaas. Prin looked at Cally's face. She was a Dark Guard and has promised that she will protect this man as long as she's alive. At sa oras na iyon siya ang nililigtas nito mula sa kapahamakan na halos hindi siya nito maiangat. She knew he felt something bad either. Kung maayos ang pakiramdam nito, naiangat na siya doon ng mabilis. "Hindi ko na kaya, Husbie…" she cried. Humampas ang malakas na hangin sa gawi niya at halos umikot siya sa ere. "Ahhh!" napapikit si Prin. Dumausdos siya ng kaunti sa lubid. Dumaan siya sa mga pagsasanay at isa ang bagay na iyon sa mga pagsubok na napagdaanan niya. Pero hindi katulad nito na halos walang makapitan ang mga paa at halos putik ang pader ng bangin. "Ahh!!!" narinig niyang hiyaw ni Cally. Lalong lumakas ang pag-iyak ni Prin dahil nakita ng dalawang mata niya na sinaksak ng patalim si Cally sa balikat kung saan nakaikot ang mga lubid. Ilang saglit lang, pinipilit na nito na itulak si Cally kasunod niya. Lalong dumaloy ang luha sa mga mata ni Prin. She can't let this guy to kill her husband. She's not just a wife but also a Dark Guard. At isa sa mga sinumpaan niya ay ang gabayan ang kanyang prinsipe. Paano niya gagawin iyon kung sa oras na iyon ay wala siyang magawa? Nakadagdag pa nga siya sa bigat ni Cally. She started to reminisce. There is no way she will let Cally die together with her. Hinarap ni Cally ang nakaputing suit at sinipa ito. Nakita ng isang Dark Guard ang ginawa nito kay Cally at agad na nilapitan iyon at isang matalas na katana ang sumalubong sa uluhan nito. Bumagsak ito sa lupa. Halos naubos na nila ang halos tatlong daan ng White Guards sa paligid. Naramdaman na lang ni Cally na gumaan ang lubid na hawak niya. Nang umikot muli siya, wala na ang asawa niya na ilang segundo lang ay mahigpit pang nakakapit doon. Natigilan si Cally. Mabilis na dumaloy ang lamig sa katawan niya. "Prin!!!!" hiyaw niya. "Shi!" hinila siya ng dalawang Dark Guard palayo sa bangin. "Bitiwan niyo ko! Nahulog si Prin!" saka pinilit na lumapit pabalik sa bangin. May hinala na ang mga Dark Guards na nahulog si Prin. Pero hindi nila hahayaan na magpakamatay si Cally kasunod ng asawa nito. Sayang ang pinaghirapan nila ng ilang taon. Mauuwi sa wala ang prinsipyo ng lahat ng Dark Guards at hindi nila alam kung paano haharapin si Madam Lira kapag may nangyaring masama sa apo nito. Ang goal ng lahat ng Dark Guards ay protektahan ang Shi regardless kung ano pa ang rason. "Bitiwan niyo ko!" nagsimula nang lumuha si Cally. Dalawang guards at si Ana ang kasalukuyan at malakas na pumipigil sa kanya. "Parang awa niyo na! bitiwan niyo ko!" pakiusap niya. Nagsisimula ng sumikip ang dibdib ni Cally. Alam niya na hindi siya hahayaan ng mga ito na makalapit sa dating lugar. Pero paano na si Prin? Paano na ang asawa niya? "haaah!" hiyaw niya dahil sa sobrang galit. Napapikit siya ng mariin habang lumuluha. Ilang oras lang ang nakalipas ay sinabi niya dito na hindi niya kakayanin kahit isang hibla ng buhok nito ang mawala. Bumalik sa alaala niya ang anyo ng bangin sa baba at hindi niya nasisigurado kung buhay pa si Prin sa lakas ng hampas ng alon doon. Naninikip ang dibdib ni Cally na maisip na namatay ang asawa niya dahil napabayaan niya ito ng ilang segundo lang. "Haaah!!!" Napahiyaw siya sa sama ng loob. Wala na siyang pakialam kung hindi niya manahin ang Dark Lords but he wanted Prin right at that moment. "Bitiwan niyo ako… Pakiusap…" sabi niya sa pagitan ng mga paghagulgol. Sa lakas ni MB10 at isa pang Dark Guard, hindi na siya makakilos. Idagdag pa na nawalan talaga siya ng lakas. Pati ang mga ito ay nagluluha na rin sa nakikitang ayos niya. Sa unang pagkakataon, parang nilipad ng hangin ang pader na nakaharang sa pagkatao ng master nila. Nanghingi na ng tulong si Ana na lumuluha sa mga kasamang dark guard sa earpiece. "Hahhhh!! Bitiwan niyo ko! Prin…" basang-basa na ang mukha ni Cally ng luha dahil sa sama ng loob. Kung sana ay hindi na sila sumama sa misyon na iyon. Kung sana ay hindi niya hinayaan na makalayo dito kahit isang segundo lang. Kung sana… "Haaahhhh!!!" wala na siyang nagawa kun’di ang saktan si MB10 at isa pang Dark Guard saka mabilis na tumalon sa bangin.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD