MATAPOS makinig sa pag-ungol at paghiyaw ni Lorenz, hindi na kinaya ng anim na Dark Guards ang mga nangyayari. Tuluyan nilang pinasok ang maluwag at malaking kwarto.
"Hhaaaaahhhh!!!!" galit na hiyaw nila at agad na naghagis ng shuriken ang isa sa mga kasama ni Kai. Tatlong white guards ang kasalukuyang nagpaparusa kay Lorenz.
Natagpuan nila sa kwartong iyon ang Shogun na nakaluhod na tanging pantalon ang suot na halos magkapunit-punit na gawa ng latigo na hinahampas sa buong katawan nito.
Dahil wala itong pang-itaas, puro pasa ang torso nito. Naghahalo ang natuklap na balat at ang mangasul-ngasul na pasa ng binata. May chains ang magkabilang kamay na nakakabit sa magkabilang bahagi ng pader. At tanging puting ilaw ang nakatutok sa ulo ni Lorenz. Kaya bukod sa shogun madilim na ang buong paligid.
Ngunit hindi ito naging hadlang para hindi nila makita ang tatlong lalaki dahil Nakasuot sila ng night vision glasses. Napalingon sa kanila ang tatlong lalaki, matapos maghagis ng shuriken ang isang Dark Guard at agad silang hinarap ng mga ito.
Tumama man ang shuriken, parang binalewala lang ng mga ito at hinampas ng isa sa gawi nila ang hawak nitong latigo. Agad iyong nahiwa ng kasama ni Kai ng matalas nitong japanese sword.
Ngumisi ang isa nang makita si Kai dahil mukhang nakilala siya nito. Ito ang lalaking nakita niya na lumusob sa kanila ni Bella. Umakto ito na handa itong makipaglaban sa kanya.
"I like your pretty girlfriend, leader Kai," simula nito.
"Sorry, But she doesn't like ugly people like you. Haaah!" Saka hinampas ni Kai ang katanang hawak sa lalaki na napag-alaman niyang 'Thunder' ang pangalan. Nahihibang ba ito na idamay pa ang nobya niya sa usapan? Nasalag naman nito gamit din ang espada ng lalaki.
"Eeh, mukhang malakas ka," puri ni Kai.
Ngumisi ito saka gumanti ng pagtira sa kanya. Maririnig ang pagkalansing ng dalawang armas. Nang magkaroon ng pagkakataon, sinipa niya ito sa dibdib.
"Haaah!!" galit na galit na hiyaw ni Kai at Thunder para sa isa't isa. Matalim ang tingin na pinupukol ni Kai at ganoon din ang lalaki. Nagkaroon muli siya ng pagkakataon na suntukin ito sa mukha. Gumilid ang halos buong katawan nito at binigyan naman siya ng sipa dahilan para mapaatras siya.
**Screetch!** tunog mula sa pag-ingay ng sapatos niya.
Kung naglalaban si Kai at ang lalaki, kasalukuyan nang tinatanggal ng limang kasama niya ang chain ni Lorenz dahil walang kahirap-hirap nilang natalo ang dalawang kasama ni Thunder. Nang ma-corner siya nito, binigyan niya ito ng headbutt saka hinampas muli ng katana.
Nagawa siya nitong patirin dahilan para mapahiga siya. Nang sasaksakin na siya nito ay agad siyang gumulong paikot palayo sa espada nito saka ito binato ng natagpuang silya. Hindi niya napapansin na napapalayo na pala sila sa pwesto ng mga kasama niya.
Okay lang dahil ang personal goal niya sa araw na iyon ay talunin ang lalaking nasa harapan. Sinabi na sa kanya ni Mat-mat na kailangan niyang tapusin ang taong ito.
"Haaaah!!!" hiyaw nito dahil sa galit saka siya sinugod. Nagkikiskis na halos ang mga ngipin nila parehas dahil sa namuong galit sa isa't isa.
*huff* *huff*
Makalipas ang ilang saglit, kapwa sila pawis na pawis at mabibigat ang mga paghinga. Noon niya lang din napansin na nakalabas na sila ng mansion. Dahil tanghaling tapat sila sumugod sa islang iyon, mas kita ang mga nabasag na haligi na gawa sa bato ng mansion ni Gon.
Nag-aapoy at may mga pag-usok sa kung saan-saang parte ng lugar, at parang binungkal na lupa mula sa pagtira ng skyjet sa islang iyon. Natatanaw ng mata niya ang mag-asawang Cally at Prin sa malayong parte na sabay na lumalaban sa ilang White Guards. Bamalik ang baling ni Kai kay Thunder, limang metro ang agwat niya sa lalaking malapad ang pagkakangisi.
"I will sure to r@pe your girlfriend kapag natapos ang laban na 'to. Then, gigilitan ko siya sa leeg gamit ng espadang ito," sabi nito na tinukoy pa ang sariling armas.
Lalong nag-apoy ang mata ni Kai sa sinabi ni Thunder. Having the thoughts of this guy na magdikit sa balat ng nobya niya ay nakakapagpanginig na ng laman. His Angel is pure. No one will dare to mess around her under his care. Para siyang sinapian sa mga oras na iyon.
"Haahhh!!!" hiyaw niya saka niya ito sinugod.
Mabilis ang mga pagkilos na nagpalitan sila ng pwesto ng lalaki. Halos hindi na makita ang ginawa nilang galaw para matalo ang isa't-isa.
Saka niya hinarap muli ito. Nagkaroon ng diretsong guhit si Kai sa braso gawa ng nasugatan siya ng armas nito.
"Alam mo ba kung saan ka nagkamali?"
"...Nagawa mong isipin ang nobya ko," matalim niyang sabi.
"Hahaha!" para itong nababaliw na tumatawa. Hindi nito napapansin na may dugo ng lumalabas sa leeg nito at sa bibig. Hanggang sa bumagsak na lang ang lalaki dahil binawian na ito ng buhay.
"Ohhh my god! Nakakatakot ka pala Kai Jang maisip lang ng iba ang Angel mo," narinig niyang sabi ni Mat-mat sa earpiece.
Mukhang nasaksihan nito ang lahat dahil sa camera na nakakabit sa butones ng dark suit niya.
DALAWA sa mga kasama ni Kai ang nakapunta sa main computer room ng mansion ni Gon habang nilalabas ng iba pang kasama ang shogun. Naging madugo ang pinagdaanan ng dalawang Dark Guards dahil may mga nakasalubong silang kalaban habang hinahanap ang kwarto. Inutusan sila ni Mat-mat na ilagay ang isang USB sa computer na nakita nito sa screen.
Nakakuyom ang kamao ni Gon na nakatingin sa labas ng kanyang french window. Matalim ang tingin nito na pinagmamasdan si Cally at Prin na sabay na nilalabanan ang mga tauhan niya na mga walang kwenta. Parang mga manikang nawalan ng buhay ang mga white guards niya na nagsama-sama sa iisang tabi. Mayroon din sa iba pang bahagi na nakadagdag sa pagkainis niya. Kailangan niyang makabuo ng mas malakas na white guards sa susunod.
Hindi niya akalain na ganito kalakas ang asawa ni Cally na unang beses niyang makita nang araw na iyon. She's a warrior princess indeed katulad ng nababalitaan niya. Nakaramdam siya ng kakaiba habang nakatingin sa katauhan ni Prin. Para bang nasabik siya habang pinagmamasdan ang bawat kilos at galaw nito.
"Master, let's go! Masyadong malakas talaga ang grupo ni Cally," paalala ni Levan Hung. Limang white guard ang kasalukuyan na kasama ni Gon sa kwarto at pinipilit ng mga ito na umalis na siya.
Sa palagay ni Levan. Hindi pa ngayon ang tamang oras para harapin niya ang mga dating kasama. Kailangan niya pang magsanay. Habang si Levan ay may pangako, mayroon din si Gon. 'Cally, we will see each other in the future.' pangako ni Gon sa sarili.
Samantala, matapos matalo ni Kai si Thunder. Bigla siyang nakaramdam ng pagod.
"That's amazing MB5!" narinig ni Kai na puri ni Lorenz na nakasandal sa balikat ng isang Dark Guard na kalalabas lang din mula sa loob ng mansion. Noon lang nila napansin na may mga natuyong dugo na sa balat nito. Naghahalo ang pangangasul at pagkapula sa ilalim ng mata ni Lorenz.
"Bring shogun sa sky jet," utos ni Kai saka tinungo ang pwesto ni Prin at Cally na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga White Guards. Kailangan nilang protektahan si Cally.
Magkatalikuran si Cally at Prin at kapwa hinihingal na sa dami ng white guards na nilabanan nila. Sixty Dark Guards lang ang lumusob sa isla na iyon dahil kampante sila na maliligtas nila ang shogun. Ilan na rin sa mga kasama nila ang nasugatan na pero patuloy pa rin na lumalaban.
"Haaah!!!" galit na hiyaw ni Prin saka niya inikot ang hawak na katana para labanan ang anim na white guards nang sabay-sabay.
She lowers her body saka mabilis na sinugatan ang mga binti ng mga ito. Si Cally naman ay patuloy lang din sa paggalaw ng japanese sword na hawak laban sa iba pa. Hindi napapansin ni Prin na lumalapit na siyang masyado sa pinakagilid ng isla.
"Tumatakas si Gon," narinig nilang sabi ni Mat-mat sa nakakabit na ear piece.
"Where is he?" tanong ni Cally. Kailangan nilang mahuli ang lalaki bago nito ulitin ang nangyayari.
"Nakalabas na siya ng mansion, mukhang may dinaanan siyang secret passage dahil bigla na lang siyang lumitaw sa kung saan kasama ang lima pang white guards. Patungo na sila sa yate na nasa bungad," sagot ni Mat-mat sa kabilang linya.
Nagkatinginan si Cally at Kai saka sabay na tatakbuhin na ang kabilang bahagi ng isla. Noon lang napansin ni Cally na wala sa likuran niya si Prin at patuloy na nakikipaglaban sa isa pang white guard.
Nakaramdam na ng pagod si Prin. ilang white guards na ba ang natatalo niya? Hindi niya na mabilang. Nagkaroon ng tyansa ang kalaban niya dahilan para masipa siya sa tiyan ng tuluyan. Parang nagslow-mo sa paningin ni Cally ang nangyari na palabas ng lupain si Prin. Nabitawan niya ang hawak na katana dahil sa sobrang tensyon.
"Prin!!!" sigaw niya saka mabilis na tinakbo ang direksyon nito. Sabay-sabay na napalingon sa gawi niya ang lahat ng Dark Guard na nasa paligid kahit si Kai. Nagdilim ang paningin ni Cally na nalapitan ang White guard na tumulak sa asawa niya.
"Haaah!!!" he growls. Sinuntok niya ito sa mukha saka hinawakan ang leeg nito at agad niyang binali iyon.
Nasilip niya na nakakapit pa ang kamay ni Prin sa isang nakausling bato. Mabilis niyang inikot ang paningin. Nakita ni Cally ang tali na ginamit ng ibang Dark Guards para makababa sa isla at agad niyang hinagis iyon sa asawa.