CHAPTER 88 - Stay by your side

1601 Words
KAKAIBA ang isla na pag-aari ng mga Peters. Isang malaking mansion ang nasa pinakagitna ng lupain na napapaligiran ng mga damo kaya kitang-kita ang pagkaberde ng paligid. May tower malapit sa cliff sa likurang bahagi. May highest point na 32 meters ang taas kung saan may bangin sa bandang likuran. May 0.63 kilometers length at 0.91 kilometers width ang buong isla. Malakas ang hampas ng tubig ng dagat sa mataas na bato kung saan naroon ang bangin. Sa bungad nakaparada ang puting yate ni Gon Peter. Ilang kilometro ang layo ng grupo ni Cally sa isla at pinag-aaralan ng mabuti kung paano papasukin ang lugar. Nanghingi na siya ng tulong kay Aiden Park para makahiram ng limang skyjet na pag-aari ng pamilya nito. Kabilang ang pamilya nito sa Dark Lords kaya hindi na ito nagdalawang isip na ibigay ang gusto niya. Sinusuri ni Mat-mat ang mga video na nakalap niya. Sa malaking lupain na iyon din nagsasanay ang lahat ng White guards. Napansin niya mula sa mga videos na iyon na halos parehas ang training na grupo ni Cally sa grupo ni Gon. Kung mayroon mang pagkakaiba sa dalawang grupo, disiplinado ang grupo ni Cally, samantalang parang walang sinasanto ang grupo ni Gon. Halatang pinilit lang ni Gon na makabuo ng White Guards. Base sa listahan na nakuha niya, karamihan sa White Guards ay mga goons, holdaper, mamatay tao at kung ano pa. Malayo sa ugali ng Dark Guards. Kung mayroon mang mananalo sa araw na iyon, sigurado si Mat-mat na grupo ni Cally dahil mas hasa ang Dark Guards sa mga ito. Pero ayaw niyang magsalita ng tapos. Inikot-ikot niya sa screen ang anyo ng isla. Nasa ganoong ayos siya nang makita niya na pumasok sa kwarto si Kai. "Kai Jang, come here." Tawag ni Mat-mat sa binata. "Kung ikaw si Gon, and having this kind of property, saan parte ng kamanyakan mo itatago ang shogun?" Inikutan ni Kai ng mata si Mat-mat pero sinunod niya ang nais nito. Inikot-ikot niya ang isla sa screen. Zoom in, zoom out. "I would definitely hide him in an underground chamber na posibleng nasa ilalim ng bahay na 'to." Nagkatinginan silang dalawa. Napapitik si Mat-mat saka nila tinawag si Cally at iba pa.   MULA sa bangka isang kilometro ang layo sa isla ni Gon Peters, anim na Dark Guards ang lihim na tumalon mula doon at nag-scuba dive para masuri ang pinaka-ilalim na bahagi ng isla. Gumamit sila ng 'diver propulsion vehicle' para mapabilis ang paglangoy nila sa ilalim ng tubig. Isa si Kai sa grupo para pamunuan ang lima pang kasama. At tulad ng inaasahan, natagpuan nila ang bilog na butas na isang metro ang laki at may bakal na gate na humaharang papasok sa loob. May nakakabit na maliit na camera sa bawat isa at konektado iyon sa computer ni Mat-mat na maiiwan na magtrabaho sa bangka na ilang kilometro ang layo para gabayan ang lahat ng Dark guards. "Get in!" utos sa kanila ni MB10 na nanonood sa computer ni Mat-mat. Matapos ang utos nito, naglabas and isang Dark Guard ng oxyacetylene torch para tunawin ang bakal na gate. "Tingin ko, para sa gustong tumakas talaga ang lagusan na iyan." komento ni Mat-mat. Ilang saglit lang natunaw ang gate na bakal at sunud-sunod na lumangoy papasok sa loob ang anim na Dark Guard hanggang sa makaahon ang mga ito sa pinaka-sahig ng mansion sa loob. "We are in!" sabi ni Kai. "Okay, very good! Hanapin mo ang main computer ng panget na bahay ni Gon,” sabi ni Mat-mat sa kanya. Kailangan niyang makuha ang kopya ng lahat ng CCTV sa bahay na iyon. "As you can see it's super dark here." Madilim ang buong paligid at halos wala silang maaninag. Gumamit sila ng night vision glasses para makita ang paligid. Hinubad nila ang diving suit at nagpalit ng Dark Suit. "I can still see it. I can change the cam into night vision," mayabang na sabi ni Mat-mat. Hindi na ito pinansin ni Kai. Naglakad na silang grupo papasok para mahanap ang shogun.   MATAPOS makapasok nila Kai, sa loob ng sampung minuto ay susugurin nila ang isla. Kinakabahan si Cally, masama ang nararamdaman niya sa misyon na ito. "Husbie, are you okay?" tanong ni Prin. Parehas silang nakasuot ng Dark suit at naghihintay ng oras.. Hinawakan ni Prin ang kamay ng asawa niya. "Everything will be okay. Okay?" nakangiting sabi. Tumango si Cally saka sumandal sa balikat ni Prin. Hinaplos naman ni Prin ang dark brown na buhok ng asawa niya. Wala na dapat silang plano na sumama sa misyon na iyon, pero hindi mapakali ang kalooban niya. Kailangan niyang harapin si Gon at iligtas si Lorenz. Mahalaga ang role ni Lorenz bilang shogun sa papel ni Cally. Bukod sa personal na guard niya si Lorenz, pamilya ang turing niya dito. Inangat ni Cally ang mukha niya para mas matitigan ng maayos si Prin. "Huwag ka masyadong maglilikot mamaya, okay? Nitong mga nakaraan, sunud-sunod ang naging misyon natin." "Don't worry, I'll stay by your side,”  sagot ni Prin saka siya kusang nagbigay ng halik sa labi ng asawa niya. "You should be, dahil hindi ko hahayaan na makalayo kahit isang hibla lang ng buhok mo sa akin."   NAGLAKAD sa isang pasilyo ang anim na Dark Guards. Ilang saglit pa, pinigil ni Kai ang mga kasama niya at tinuro niya ang puti at mahabang CCTV camera. "Mat, may CCTV," bulong niya kay Mat-mat sa ear piece. "Get the camera's card, then put it in the reader I gave you." sagot nito. Sinenyasan ni Kai ang isang kasama na kunin ang sinasabi ng binata sa kabilang linya. Ilang saglit lang nakuha nito ang memory card at sinuksok sa reader na tinutukoy din nito. Agad na nag-transmit iyon sa computer ng binata saka mabilis na kinopya ang lugar at posisyon nito pati ang larawan na kuha nito. Ilang saglit lang may lumabas na manipis na larawan sa machine na hawak ni Kai. "Put it on the camera lense," sabi nito na agad na sinunod ng kasama niya. Ilang kamera pa ang nadaanan ng grupo ni Kai na patuloy na ganoon ang gawa nila hanggang sa makarinig sila ng ungol. Sinenyasan ni Kai ang mga kasama para walang mag-ingay at patuloy lang na makinig. Ilang saglit lang, narinig nilang nagmula ang tunog ng isang latigo na humampas sa katawan ng tao. "Ahhhh!!!" saka ito nangigigil na umangil. Narinig nila na si Lorenz ang tao na iyon. "He he... Tell us the secrets of the Dark Guards and we need the names of your people," sabi ng isang lalaki. "Shogun..." bakas ang pag-aalala sa mukha ng mga kasama ni Kai. Kahit siya ay napahigpit ang hawak sa bitbit niyang katana. Pinakinggan muna nilang mabuti kung ilan ang posibleng makalaban nila sa loob. Sa parehas na oras, sakay ng skyjet, lumipad isa-isa ang mga ito patungo sa isla. Malayo pa ang agwat ng sasakyan mula dito, pinaulanan na sila ng bala na nagmumula sa puting tower. Agad na lumihis ang skyjet. Napakapit si Prin kay Cally dahil sa biglaang paglihis at halos pag-ikot nito. "Shi, I'm sorry." paghingi ng paumanhin ng piloto. Sampu silang sakay ng sasakyan na iyon na halos mawindang dahil umikot ang skyjet sa ere. "What the f*ck! Talagang pinaghandaan niya ang pagdating mo ha. May pa-welcome party si Mayor Gon!" komento ni Mat-mat. "For sure it was made with a computer sensor. I don't think someone will hit at us nang gano’n kabilis. Mabuti pa, hanapin mo ang main switch ng armas ng tower na 'yon," utos ni Cally. "I'm on it, alright!" hindi pa sinasabi ni Cally ay kumikilos na talaga si Mat-mat. Mabilis ang pagkilos na hinanap nito nang IP address at computer address ng tower. Bumalik ang sinasakyan nila Cally patungo muli sa isla. Pinaulanan sila ng bala ng tower. Tatlong maliit na missile din ang nilabas ng skyjet at pinuntirya ang pinakauluhan ng tower kung saan naroon ang armas nito. **Boom!** Bumagsak ang mga bato ng haligi nito at unti-unting nalalaglag. "No need na pala my help. Hmp!" reklamo ni Mat-mat. "Anyway, Aiden's skyjet is surely amazing! I want one for me!" "Ano naman ang gagawin mo sa skyjet?" "Mahal ng mga babae ang bigtime na lalaki! Okay? I want Mia Khalifa. The real Mia Khalifa in bed. at sa isang sky jet ko siya 'kakaririn' at literal na dadalhin ko siya sa langit." nangangarap na sabi nito. "Does she have herpes or infection?" sabad ni Prin. Normal na mag-isip siya ng masama sa mga porn stars tama? "Masyado ka madumi mag-isip, Miss Prin." Hindi na ito pinakinggan pa ni Cally at Prin. Bigla itong naging seryoso at nagbigay ng impormasyon sa lahat. "They've got the shogun!" "Good! It's time for the showtime!" Unti-unting bumukas ang pintuan ng skyjet. Doon lang nila napansin na ilang White Guards na ang naghihintay sa kanila. Sa palagay nila, nagbigay signal sa mga ito ang pagsabog ng tower. Pinagbababaril sila ng mga ito. Mabilis ang galaw ng kamay at espada na sinalag lang ng isang Dark Guards ang mga bala. Kasabay ng pagpapaulan sa mga ito ng bala ng iba pang skyjet na sunud-sunod na tumungo sa isla. "They want war! We will give it to them!" galit na sabi ni Ana na nag-iinit nang makipaglaban na nakaupo sa kabilang skyjet. Naunang nagsipagtalunan ang walo pang kasama ng mag-asawa bago sila magkahawak na tumalon ilang metro lang ang layo mula sa berdeng damuhan. Isang mahabang katana ang sinalubong nila sa mga nakaputing suit. Sa oras na iyon, literal na parang digmaan ang nangyari sa pagitan ng dalawang grupo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD