HINDI akalain ni Prin na pupuntahan sila nang personal ni Mat-mat para sagipin si Lorenz. At mas lalong hindi siya makapaniwala sa hitsura nito.
Kung si Cally ay kamag-anak ng iceberg dahil sa sobrang seryoso, si Mat-mat ay cool at nabigla siya na mukhang madali itong makagaanan ng loob. Taliwas sa normal na ugali ng isang computer geek.
"Bakit parang gulat na gulat kayo?" Tanong ni Mat-mat na inikot ang paningin sa lahat.
"Gag*! Ikaw ba naman ang walang mukha, kahit sa webcam ay hindi ka nagpapakita. Tapos isang araw ay papasok ka na lang dito sa meeting na parang makikitulog lang sa kapitbahay." Reklamo ni Kai habang nakahalukipkip.
"Nag-iingat lang ako sa mga kalaban. Kapag nabenta niyo nga ang larawan ko ay siguradong milyunaryo na kayo. O siya! dahil nakita niyo na ang kagwapuhan ko, saan na tayo?"
"We need to find Lorenz' location," si Cally.
"K!"
Binuksan lang nito ang malaki at mukhang mabigat na laptop. Mabilis na nagtipa sa computer. Nakataas ang kilay ni Kai na sinusuri ang binata. Mukhang nahalata naman nito na amazed siya sa itsura nito.
"Kai, may problema ka ba sa 'kin?" Tanong nito habang mabilis na nagtitipa sa keyboard at saglit na tumingin sa kanya.
"Wala naman, ang kapal kasi ng buhok mo, pwede nang tirhan ng inakay sa kapal! Tapos, interesado rin akong malaman kung bakit kulay blue ang mata mo."
"Cally, mukhang ayaw ng Dark Guards ng tulong," pagsusumbong nito.
"MB5, you are under suspension. You are not allowed to say anything," utos ni Cally para matapos na.
Ngumiti ng malapad si Mat-mat na halos magpasingkit na sa mata nito para kay Kai. Saka pinisil ang pisngi ng huli.
"Your Angel is amazing! I can give you a secret video cam na pwede mong ilagay pasikreto sa CR ng bahay niya. At pwede mo siyang bosohan tuwing gagamitin niya 'yon," pang-iinis nito kay Kai.
Alam ni Mat-mat na gustuhin man ni Kai na gulpihin siya doon ay mapapagalitan ito lalo ni Cally at ng iba pang tao doon kaya naisipan niyang asarin ang binata.
Tulad ng inaasahan, hindi makapag-react si Kai at makapaglabas ng kahit na anong salita dahil na-warning-an na siya ni Cally. Tama bang sabihin na bosohan niya si Bella? Isang titig na masama lang ang naibigay niya sa lalaki.
"Mat..." seryoso si Cally na nagbanta na rin. Naiinip na kasi siya. Hindi tama na magtagal sila sa meeting na iyon dahil nag-iinisan ang dalawa sa kabilang dulo ng Mesa.
"'Eto na, 'eto na! May gigil pa." Pagkasabi nito ay hinarap sa kanila ang computer. Pinindot lang nito ang space bar at lumitaw ang isang porn video sa monitor. Dahil normal na malakas ang speaker ng laptop ni Mat-mat nawindang ang lahat sa pinakita niya.
"Ahhh! ahhh! yeah! Oh my god! Oh my god!" Hiyaw ng isang mukhang arabong babae na may malaking dudu na nakikipagkemehan sa maputi at kalbong lalaki na malaki ang katawan.
Nanlaki ang mata ni Mat-mat na pinindot ang pause at tinulak ang monitor ng laptop para magsara iyon.
Pulang-pula ang mukha ng karamihan sa kwarto. Kahit si Prin ay napanganga sa pinakita ng binata, at bahagyang namula ang pisngi.
"Cally! Don't tell me that is Mia Khalifa?!" Baling niya sa asawa. Pabulong pero may diin ang pagtatanong niya.
"Yes, with Johnny Sins," simpleng sagot ni Ana na narinig ang pagtatanong niya. Nakangisi ang kaibigan niya at tila nang-aasar.
"Ehem!" Tumikhim si Mat-mat at nagpipindot muli sa laptop.
"Seriously! You are so pervert!" Hindi na napigilan ni Kai na pagalitan na naman ang lalaki.
Bumaling muli si Mat-mat sa binata. "I am just giving you tips okay?! Para may matutunan kayo ni Angel mo."
Bumaling si Kai kay Cally at sa iba pa. "Shi, pwede ko bang saktan ang taong 'to kahit isang beses lang?" Hindi niya na napigilan.
"'No ba 'yan, Init ulo ng baby ko! 'Eto na!" Saka nito pinakita ang nasa monitor.
Isang satellite video ang nakikita nila sa monitor. Isang land area na makikita ang bubungan ng nag-iisang bahay.
"Dito kayo pupunta," naging seryoso ito bigla.
"Paano mo nalaman na nand'yan si Shogun?" Tanong ng Leader ng Gray Guards.
"Because of this..." pagkasabi ay may pinakita na kuha ng video mula CCTV si Mat-mat.
Kita nila ang nakataling katawan ni Lorenz na halos hindi na makalakad na pinapasok sa loob ng isang madilim na pasilyo.
NAGING seryoso si Mat-mat para mas malinaw na maipaliwanag ang mga nadiskubre niya. Gusto niya lang asarin si Kai pero seryoso pa rin ang usapan sa pagligtas kay Lorenz.
"This is definitely Gon's home right now. Huling nasagap ang GPS ng relo ni Lorenz ilang kilometro ang layo sa bahay na ito kaya one hundred and five percent sure ako na nandito siya," paliwanag ni Mat-mat habang nakatingin kay Cally.
"Do you have a blueprint or a Map ng bahay niya? O kahit kung ano ang anyo ng bahay na iyan sa loob?" sa isip ni Cally, kailangan nilang isipin nang mabuti kung paano ilalabas sa bahay na iyon si Lorenz nang hindi mapapahamak ang kahit na sino sa Dark Guards.
Biglang sumimangot si Mat-mat "Sa totoo lang, sa ilang taon ko na pagiging hacker, sad to say ay hindi ko alam. If there is someone who knew the design of that house, that would be Mr. Peters na lolo niya at ang architect ng bahay. There is nothing in any computers na na-run ko simula kahapon. I guess, hard copy lang ang blueprint at nasa safe iyon ng mga Peters."
Humigop muna ito ng kape.
"But I'll show you something interesting," sabi ng binata.
Hinarap muli nito sa sarili ang computer. Nahihirapan ito dahil nasa likod ito nakaupo habang pinapakita kila Cally ang monitor. Walang projector na pwedeng magamit kaya nahihirapan siya. Nilingon niya si Kai.
"Kai Jang, alis ka muna sa pwesto mo, para d'yan ako," utos nito.
Nagtaas ang kilay ni Kai "Bakit?!"
"Para hindi mahirap sa pagtipa saka magpakita ng detalye. 'Wag ka na umangal, para matapos na ang meeting."
"Pwede naman sa kanya ah. Bakit sa 'kin?" Turo ni Kai sa katapat na silya.
"Hindi kami close! At least, ikaw, may mga pinagdaanan na tayo sa buhay. I-she-share ko sa iyo mamaya ang lahat ng porn sites na alam ko para mapag-aralan mo kung paano magpaligaya ng iyong angel."
"Gagu!" Nangigigil na tumayo si Kai para manahimik na lang ang binata. Alam niya na pinagtitripan siya nito dahil nga suspended siya.
"Ayan, palit tayo ng pwesto." Ngising-ngisi si Mat-mat.
Pinaupo nito si Kai sa silya na nasa kabilang dulo sa pwesto ni Cally. Ang problema, walang makita si Kai kahit katiting na parte ng screen. Matalim ang tingin na pinukol niya kay Mat-mat. Kung nakakamatay lang siguro ang mga titig niya sa binata, malamang na na-chop na parang pork cubes ang katawan nito.
Nagpatuloy si Mat-mat "Fortunately, I saw this list dahil na-hack ko ang main computer sa bahay na ito."
Matapos nitong magpipindot, nag-run ang kulay itim na screen na may mga sulat na kulay berde na parang 'matrix'. "Here is the list ng lahat ng trainees ng White Guards."
Nabigla ang lahat ng tao sa kwarto. "You mean, may binuo rin silang trainees para labanan ang Dark Guards?" nanlalaki ng mata na tanong ni Prin. Naisip niya na seryoso talaga si Gon na labanan si Cally.
"Yes!" tumango ang binata.
"Since when?" tanong ng isa.
"Three years sila nagsimula. Five years ago, nang binuo ang samahan niyo ng lihim sa Japan, na eventually ay hindi rin naging lihim dahil may mga nagback-out na trainees, hindi tayo sigurado na mananatiling sikreto ang lahat…"
"...Kahit pa sabihin na may pinirmahan silang kontrata na lahat ng nangyari sa Matsui Mansion ay hindi dapat makalabas sa kahit na anong organisasyon o kahit na kanino, may nakalusot pa rin."
Malalim ang iniisip ni Cally. Totoo ang sinasabi ni Mat-mat. Walang sino mansa mga trainees noon na hindi nagpatuloy ang maglalakas ng loob na ilabas sa iba ang mga ginawa nila sa Matsui Mansion sa Japan. Lalo't alam ng mga ito kung gaano kalakas ang samahan na binuo nila. Buhay ang kapalit kapag nagsalita kaya siguradong malakas ang loob ng taong ito.
Nagpatuloy sa paliwanag si Mat-mat.
"Nagtataka ako nuong una, until I saw this first person in the list." nagtipa muli si Mat-mat sa keyboard at lumitaw sa mas malaki na letra ang pangalan.
'Levan Hung'
Nanlaki ang mata ni Prin at iba pang kasabay nila na trainees noon na kasama ni Levan. Si Cally naman ay napakuyom ng kamao.
"Ang hula ko ay siya ang kusang humanap kay Gon at three years ago lang sila nagkita. Nang panahon ng training, limang taon ang nakaraan, bago siya pinalayas ni Uncle Rob sa Matsui Villa, nagsimula na siyang mangalap ng mga impormasyon."
Halatang nagalit ang karamihan ng Dark Guards na nasa loob ng hall lalo at karamihan sa kanila ay nakasabay si Levan sa training. Pero hindi si Cally dahil alam niya na nakagawa si Levan ng paraan para pagbintangan siya noon.
Naisip niya na ilang beses na talagang nakapasok si Levan sa loob ng bahay nila Prin sa Matsui Mansion para maghanap ng kung ano na maaari nitong magamit.
"How many white guards does he have?" Gustong malaman ni Cally
"Three hundred."