CHAPTER 86 - Principles in Life

1767 Words
MATAPOS pindutin ni Lorenz ang signal at GPS ng relo niya. Agad na kumonekta iyon sa main computer ng Dark Guard na si Tom. Nang makuha ni Tom ang signal, nagpadala siya agad ng mensahe kay Cobra na nasa Pilipinas at sa iba pang Dark Guards na kasalukuyang nagsasanay sa UK para hanapin ang Shogun.   ILANG araw na lang ay magsisimula na ang klase kaya naisipan na dalhin ni Kai si Bella sa isang farm house. Tulad ng inaasahan, suspended na naman siya bilang Dark Guard at si MB10 ang gaganap munang leader sa loob ng ilang buwan kaya nakapagbakasyon siya na kasama si Bella. Siguro kung nasuspinde siya at walang Bella na nag-eexist sa mundo niya, malamang ay galit na galit siya sa nangyari. Ilan sa mga kasamahan niya ay nagtataka na kung ano ang nangyayari sa kanya at nawawala na siya sa prinsipyo niya bilang Leader at Dark Guard. Nagagalit na rin sa kanya si Lorenz at napapatanong kung anong meron kay Bella para iwan niya ang lahat para sa babae. Hindi rin alam ni Kai at wala siyang pakialam na isipin pa o ianalisa pa ang bagay-bagay. Kung mayroon man na nakakaintindi sa ginawa niya, 'yon ay si Cally. Tahimik lang ang Master nila at walang reaksyon sa ginawa niya pero ramdam niya na naunawaan siya nito. May palagay siya na gagawin nito ang parehas na ginawa niya kung malagay din sa alanganin si Prin. Nakabawi na ng lakas si Bella matapos ang ilang araw. Gamit ang motor ay nagbyahe sila mula sa Blue City kung saan sila nakatira ni Kai hanggang sa farm house na matatagpuan sa kalapit na probinsiya. Maingat magmaneho ang nobyo niya at parang ninanamnam nito na nakayakap siya sa likuran nito. Madilim na rin sa farm house nang makarating sila doon. Isang bungalow house iyon na kakaiba ang disenyo. Bato ang pinakahaligi na pinatungan ng malalaking kawayan. Ang bubungan ay may solar battery na siyang sumusuporta sa kuryente ng kabahayan. May maliit na kusina, isang kwarto na hindi niya pa nakikita at sa pinaka-main area ay may mga silya na gawa sa matibay na kahoy. "B-bakit nga pala gabi ang naisip mo na magpunta tayo dito?" Kinakabahan na tanong ni Bella habang pinapakain siya ni Kai ng hapunan. Puro gulay iyon na tanim doon sa farm kung saan sila naroon. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya lalo at dadalawa lang sila ni Kai sa romantic house na iyon. Nakapag-out-of-town naman na siya kasama ang huling nobyo na si Josh at saka si Kai pero madalas na sa ibang tulugan sila nagpapahinga. Kung tutuusin, ilang beses na rin niya na nakatabi ang nobyo na si Kai sa pagtulog, pero iba ang kaba niya sa oras na iyon. "Because it's beautiful. I'll show you later." nakangiti na sagot nito. "O-okay." Matapos nilang maghapunan, may inasikaso si Kai sa labas ng bahay. Nagpanggap naman si Bella na nagb-browse sa cellphone. Medyo mahina ang signal kaya nahihirapan siya at natatagalan sa bilis ng internet. Nang magbalik si Kai, napalunok si Bella lalo na nang inakay siya nito na pumasok sa loob ng kwarto. Handa na ba siya na ibigay ang sarili sa nobyo? 'Wait lang!!!' Masyado siyang advance mag-isip. Isang Queen size na kama nga lang ang laman ng kwarto. At kulay puti pa iyon kaya lalo siyang kinabahan. "Close your eyes,” utos ni Kai. Walang nagawa si Bella kun’di ang sundin ang binata. Kumakabog ang dibdib niya lalo nang ihiga siya nito sa kama. Kinakabahan ba siya o excited?! "Now, open your eyes..." Dahan-dahan na iminulat ni Bella ang mata niya at tumambad sa kanya ang mga bituin sa langit. Napasinghap at natutop niya ang bibig sa nakikitang ganda ng kalangitan. "Oh my gosh!" "It's beautiful, right?" Tumango si Bella. Pinatay pala ni Kai ang mga ilaw sa labas kaya ito sumaglit sa labas ng bahay. Ang bubong sa kwarto ay gawa sa espesyal na salamin na halos hindi na makita kaya kitang kita niya ang mga bituin sa kalangitan. Ang saya ni Bella kaya nayakap niya si Kai nang wala sa oras. "Thank you, babe!" Masaya niyang sabi. Ilang minuto niyang tinitigan ang pagkinang ng mga bituin habang nakahiga sa malambot na kama. Hindi niya napapansin na nakatitig na pala sa kanya ang binata sa tabi. Paglingon ni Bella ay nasalubong niya ang mata nito. Matapos ang ilang sandali ng pagtitig sa isa't-isa, nilapit ni Kai ang mukha sa kanya para halikan siya sa labi. Naaadik na si Kai sa labi ni Bella. Ang alam niya ay hindi nakakasawa ang labi ng nobya. Hanggang sa lumalim ang halik niya dito. Hindi niya namamalayan na nakapatong na siya sa ibabaw ni Bella. Gumagapang ang kamay ni Kai simula pisngi, sa leeg pababa sa dibdib. Parang sumapi sa kanya ang masamang espirito at nawala na naman siya sa prinsipyo niya bilang nobyo ni Bella. He wanted all of her. Bumaba pati ang paghalik niya mula sa labi hanggang sa leeg. "Ohh…" narinig niyang ungol ng nobya na lalong nakapagpa-demonyo sa pagkatao ni Kai. Isang malakas na ring ng cellphone mula sa bulsa na may kasamang vibrate ang nagpatigil sa kanila. Bigla siyang napaupo at nangigigil na kinuha ang cellphone. Si Bella sa tabi ay pulang pula ang pisngi at halos hindi makatingin sa kanya. Naging seryoso si Kai nang mabasa ang pangalan ni Cally sa telepono. "Shi!" Bungad niya. Sinabi agad ni Cally ang pakay "MB5, we have to go to the UK! Kinuha nila ang shogun at naospital si Mama Lira. We'll be doing a rescue mission!"     HINDI nag-aksaya ng oras ang grupo ni Cally nang makuha ang signal na nadakip ang Shogun. Buong pamilya ng Han ay napapunta ng wala sa oras sa UK. Nauna si Christen para matingnan at magbantay sa kasalukuyan kay Madam Lira. Kasalukuyan na nag-aaral ang dalaga ng medisina sa Paris at dahil nasa kalapit na bansa lang din ang dalaga, nauna ito ng halos buong araw kila Cally. Nang buksan ni Cloud Han ang pintuan ng kwarto ni Madam Lira, kasunod ang buong pamilya, natagpuan niya ang Mommy niya na nakahiga sa malapad at malambot na kama. Nasa loob si Christen para review-hin ang gamot at findings ng Madam. Nakasuot ito ng pinaghalong kulay na itim at puting bestida. "Dad, Ma!" bati ni Christen. Mabilis itong naglakad patungo sa magulang. "How is your Mama Lira?" tanong ni Cloud. "She's okay, nagkaroon lang paninikip ng dibdib dahil sa nangyari. She was emotionally hurt.” malungkot na sagot ni Christen. Noon niya napansin si Cally pati ang iba pa nilang pinsan. "Cally!" nagyakap sila na magkapatid. Napansin din ni Christen si Prin na halata sa mukha ang pagkabahala. Dahil close ang pamilya nila, magkakilala sila simula pa pagkabata pero hindi sila ganoon ka-close na dalawa dahil iba ang trip ni Prin, sa trip niya. Isang Dark Guard si Prin, samantalang mas malalim mag-isip si Christen. Pero pamilya pa rin ang turing nila sa isa't isa. "Prin!" bati ng dalaga. Ngumiti si Prin kay Christen. Mas matanda sa kanya ng dalawang taon ang dalaga. "How are you?" Tanong ni Prin. "I'm good! Thank you!" sagot nito. Gustuhin man nila na magbiruan ay hindi makabubuti sa mood ng kwarto. Gusto sanang biruin ni Christen si Prin tungkol sa kuya niya, pero seryoso ang lahat na nag-aalala kay Madam Lira.   TATLONG daan na miyembro ng Dark Guards ang nagtipon-tipon sa Kent Mansion sa UK. Makalipas ang ilang taon, nagkita-kita ang Gray at Black Guards. Sa malaking lupain ng Residente ng Kent, habang naghihintay ng utos, nagawa munang makipagkamustahan ng lahat. Nasa hall ang lahat ng leader… Nakaupo ang lahat ng leader sa harapan ng isang kwadradong table. Isang mahabang table 'yon na may twenty seats. Siyaman ang upuan ng magkabilang panig at tig-isa sa magkabilang dulo. Nakaupo si Prin sa gilid ni Cally, na nakaupo sa pinakadulong bahagi bilang Master ng lahat. Kasama rin sa meeting si Ana at Joen. Dahil suspendido si Kai, hindi siya ang tatayong leader ng Black guards na magbibigay ng huling salita. Pero pinayagan siya na dumalo para magbigay ng payo at strategy. Hindi nga lang niya matanggap na nasa dulong bahagi siya nakaupo malayo kila Cally. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang salingpusa sa klase. Wala si Bella sa paligid kaya balik sa normal ang mood ni Kai na mainitin ang ulo. Nakuha nila ang signal kung saan dinala si Lorenz bago tuluyang nawala iyon. Ayon sa mapa, sa dagat nawala ang signal ng Shogun pero dahil iisa ang kalapit na isla, hinala nila na naroon ang shogun sa oras na iyon. "Sa tingin ko, nasuri nila ang relo kaya tinapon nila sa dagat.” hinala ng isa. "Shi, kailangan na masiguro natin na naroon nga sa isla ang Shogun,” sabi ng isang leader sa nakapangalumbabang si Cally. Malalim ang iniisip niya. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa kaibigan, ganoon din ang iba pang kasama. Ilang saglit lang, bumukas ang mabigat na pintuan na gawa sa makapal na kahoy. Agaw-pansin ang pag-ingit nito kaya sabay-sabay na napalingon ang lahat sa direksyon ng pintuan. Isang lalaking nakasuot ng maluwag na trousers na akala mo ay pajama, masikip na T-shirt at alpombra ang suot na tsinelas ang niluwa ng pintuan. Matangkad ang lalaki na nasa anim na talampakan at dalawang pulgada ang taas, parang kinahig ng manok ang buhok nito sa kapal, maganda ang pangangatawan kahit na hindi ma-muscle na tulad ng Dark Guards, magandang lalaki na makalaglag shorts at may mata na kulay… asul? May bitbit pang isang mataas na baso ng tumbler ng kape ang lalaking bagong pasok at laptop na Predator 21 X ang tatak sa kabilang kamay. Isang 21 inches na pinakamalaking laptop na nakita nila sa buong buhay nila. Napakunot ang noo ni Prin dahil tila naligaw ito ng kwarto na pinasukan. Parang matutulog ang lalaking bagong pasok na basta umupo sa dulong bahagi na silya, katapat ng pwesto ni Cally at gilid ni Kai. Nakakunot ang lahat sa bagong pasok na binata dahil pare-parehas ang tingin ng mga ito na naliligaw doon ang lalaking bagong pasok bukod kay Cally. "Hey! Asan na ang usapan? Hindi niyo man lang ako nagawang hintayin?" reklamo nito. "Ahmm… Sino ka?" Takang tanong Prin. "Who are you?" mainit ang ulo ni Kai. Akala ba ng lalaking bagong pasok ay nakikipagbiruan sila o makikipaglaro. "Hey Mia Khalifa, nah-hurt ako sa tanong mo ha! You too Ryan Driller, matapos ko kayong iligtas ng Angel mo! Hmp!" sabi nito bago humigop ng kape. "Matty?!" "Mat-mat?!" Nanlalaki ang mata ng lahat ng tao sa meeting bukod kay Cally.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD