CHAPTER 85 - Cooking knowledge

1649 Words
PARANG bata si Prin na pinagagalitan ng asawa niya kaya nakanguso siya at hindi makatingin dito. "Iyong karne mo na iisang piraso, nasa malaking wok? tapos 'yung noodles, nasa kaldero nga pero pinilit mo talagang lutuin nang walang tubig? Hindi ka man lang ba nagbasa ng recipe?" nakahalukipkip na tanong ni Cally. "Bakit ako magbabasa ng recipe sa pagluto lang ng noodles?" kinuha ni Prin ang supot. "...Look! It says, cook for 10 minutes!" sabi niya habang turo-turo ang nakalagay na numero sa harapan ng supot. "Yes. sampung minuto na lulutuin... sa tubig! Baka pati ang sinaing, hindi mo rin alam na nilalagyan ng tubig?" "Huh? Nilalagyan din ng tubig ang pagluto ng kanin?" Cally "..." Umirap si Prin "It's not my fault! Kasalanan iyon ng mga nagluluto. Kasalanan ko ba kung wala namang tubig 'yung noodles kapag hinanda na sa akin 'yung pasta? At ‘yung kanin? They are normally dry. Ang alam ko na may tubig ay ang ramen! O kaya sinigang," katwiran niya. Cally "..." Hindi naman alam ni Cally kung ano ang isasagot niya sa personal na katwiran ni Prin. "With your knowledge, hindi na talaga ako magtataka kung iyan ang mga napupuna mo." Kumalma naman si Cally matapos ang ilang sandali dahil alam niya na sinubukan talaga ni Prin na magluto para sa kanya. "Honey, tingin ko mas papayagan pa kita na sumama sa misyon, kaysa ang sunugin mo ang buong bahay natin.” Doon napakagat ng labi si Prin. Medyo guilty siya dahil nasira niya ang kusina ng bahay nila. Hindi niya mahiwa nang maayos ang carrots at patatas. Isang basket na yata ng patatas at carrots ang nababalatan niya nang mapansin na umuusok ang nilulutong chicken saka ang kaldero na may noodles. Sa sobrang taranta ni Prin, nilundag niya ang kalan, nasagi niya ang mga kagamitan kaya kumalat ang mga iyon. Imbes na patayin pa ang apoy ay nalakasan niya pa ang pihitan nito. Dumoble ang pagkataranta niya kaya kinuha niya ang kung ano man na liquid na makita. Nadampot ng makikinis niyang kamay ang whitewine sa gilid na lalong nagpaliyab sa niluluto niya. Hindi niya alam ang gagawin. Binuksan niya ang lahat ng kabinet at naghanap ng maaring lunas sa disaster na ginawa niya. Binuhos niya ang asin, harina at kung ano pa hanggang sa wala na siyang makita sa kapal ng usok. Iyon ang nabungaran ni Cally. Inakbayan siya nito saka inayang lumabas ng kusina. Pinalapit nito ang dalawang kasambahay. "Huwag niyo nang hahayaan na pumasok ng kusina ang Miss niyo, okay," utos nito at napansin niya na nakahinga ng maluwag ang mga kasama nila sa bahay na para bang diyos ang tingin ng mga ito kay Cally para makaya nito na pagbawalan siya doon. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng hiya sa mga kasama lalo at tinakot niya ang mga ito. SA KENT Mansion sa UK... Bitbit ang laylayan ng mahabang gown na suot ay patungo sa malaking pintuan si Madam Lira. Nakatanggap siya ng isang imbitasyon mula sa dating kaibigan kung saan siya patungo sa mga oras na iyon. Isang doktor na magsasaya ng ika-animnapung kaarawan nito. Sa araw na iyon, naisip niyang isama ang anak na si MC na kasalukuyang nakatira sa Kent Mansion. Ngunit may kailangan din itong asikasuhin sa parehas na petsa kaya si Lorenz ang napili niya na isama. Nasa 70s na ang edad ng ginang kaya kita na ang gray na buhok niya. Bahagya na rin na kumulubot ang balat at nakakaramdam na rin siya ng mga sakit-sakit sa katawan. Sa loob ng ilang taon, matapos na bawian ng buhay ang ama na si Master Kent ay siya na ang namahala sa buong organisasyon na naging daan para magkaroon ng mga taksil sa Dark Lords. Hindi gusto ng ilan na siya ang mamuno sa kasalukuyan kaya hinahanda niya si Cally. Huminto ang isang black limousine sa harapan ni Madam Lira at lumabas si Lorenz sa driver seat. Nakasuot ng itim na tuxedo ang binata sa unang pagkakataon dahil required ang lahat ng bisita sa pagdidiwang ang magbihis ng pormal. "Mama Lira!" bati nito saka nagmano sa madam. Napangiti ang ginang. Matuturing niyang isa sa mga apo ang batang si Lorenz. Kahit ang buong pamilya niya ay pamilya na rin ang turing dito. Madalas nga lang na napapansin niya na lumalayo ang loob nito dahil sa hiya sa kanila. Pasikreto nito na sinusuportahan ang bunsong kapatid na nasa Pilipinas. Hindi alam ng kapatid nito na may Lorenz na sumusuporta sa pag-aaral nito. Kilala ni Lorenz ang dalaga, pero hindi ng kapatid ng binata. At hindi iyon lingid sa kanya. Madalas niya kasing kamustahin sa binata ang kapatid nito na si Andrea. Sinakay siya nito sa loob ng sasakyan. "Bakit ikaw ang nagmaneho?" usisa ng madam. Gusto niya kasi na maka-kwentuhan ang binata. "Gusto ko kayong pagsilbihan Mama Lira habang nandito pa 'ko," simpleng sagot nito. Wala na siyang nagawa nang isakay siya nito sa likurang bahagi ng sasakyan kaya hinayaan niya na lang na ito ang magmaneho. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang limousine sa tapat ng Wellesley Knights Bridge, isang magarang hotel. Binuksan ni Lorenz ang lock para iabot ang susi sa valet. Ngunit hindi niya inasahan ang mga sumunod na nangyari. Nang makababa ay laking gulat niya na makitang may humablot kay Madam Lira sa likurang bahagi sa loob ng sasakyan kasabay ng pag-unlock niya nito. Nakasuot ng puting suit na katulad ng deskripsyon ni Kai sa kanya sa telepono ang lalaking humila kay Madam Lira. Tumiim ang bagang niya na mabilis na lalapitan sana ito. "Subukan mong lumapit!" ang sabi habang nakatutok ang isang calibre 45 sa sentido ni Madam Lira. Walang nagawa si Lorenz kun'di ang magmura. Nakadagdag sa pagkabigla niya ang paglitaw  mula sa kung saan-saang parte ng lugar ang sampu pang mga lalaki na nakaputi. Pasikreto na binuksan niya ang GPS ng suot-suot na relo na nakalaan sa isang Shogun. Mabilis na umalerto ang signal sa computer Room ng Dark Guards sa Matsui Villa sa Japan. Matalim ang tingin ni Lorenz sa lalaking naka-puti na may hawak na armas. Siguradong hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Madam Lira. Naghahanap siya ng tiyempo para makuha ang patalim sa sikretong bulsa ng suot na pantalon. "Bitiwan mo si Mama Lira!" galit na sigaw niya dito. Ngumisi ang lalaki "Shogun, ikaw ang kailangan namin, hindi naman talaga si Madam Lira!" Nakuyom ni Lorenz ang kamao. "Lorenz, I am old. Do not trust this guy!" matapang na sabi ng ginang. Paano pakikinggan ni Lorenz ang hiling ng taong kumupkop sa kanya? Lalong nanlisik ang paningin niya sa lalaki. "Bitiwan mo si Mama Lira!" sigaw niya. Nagsisi si Lorenz kung bakit hindi niya pinasama ang bodyguards ng ginang. Madalas na may kasamang bodyguard si Madam Lira bilang Mistress ng Dark Lords. Nang araw na iyon ay naisip niya na personal itong bantayan. Dahil malakas ang loob niya na walang mangyayari dito sa poder niya. "Lorenz, I know why they wanted you. Aside from Cally and Rob, you knew all the secrets behind the organization. Don't mind me, I am old!" paliwanag ng ginang. Alam ni Madam na hindi siya basta-basta gagalawin ni Gon lalo at malaki ang utang na loob nito sa kanya. Sa araw na iyon, alam niyang si Lorenz talaga ang pakay nito. Hindi maipaliwanag ang anyo ni Lorenz. Alam niya ang sinasabi ni Madam Lira, pero hindi niya kaya na makita ito na hawak ng kung sino at may nakatutok na armas sa sentido na kaunting kalabit lang sa gatilyo ay mawawalan na ito ng buhay. Sinampal ng lalaking nakaputi si Madam Lira gamit ang armas para ipakita sa kanya na kayang saktan ng mga ito ang ginang. Tumilapon ang ginang sa kasamahan nito na naka-white suit. Dahil may edad na ang ginang, normal na marupok na ang mga buto nito. sa kaunting kilos, ay litaw agad ang galos nito sa balat Nagdugo agad ang labi ng ginang at gumulo ang naka-french bun nitong buhok. "Haahh!!" Umangil si Lorenz sa nasaksihan at mabilis na nalapitan ang lalaki. Pinaputukan siya nito pero mabilis niyang nahuli ang kamay nito na may armas. Tinuhod niya ang braso ng lalaki dahilan para mabitawan nito ang hawak na armas. Saka mabilis na nakuha ang nakatagong patalim para sasaksakin ito sa leeg na agad naman nitong napigil. Dumaplis ang patalim at tumama iyon sa balikat ng lalaki. "Ahhhh!" hiyaw nito.  Diniin pa ni Lorenz ang patalim at inikot na para bang magpipihit ng turnilyo. Halata ang galit sa awra niya dahil sa ginawa nito. *Clap clap clap* Lumitaw sa paningin ni Lorenz si Gon Peter. Nagbigay ito ng senyas at ilang baril ang tinutok ng White guards sa may-edad na babae. "We will kill Madam Lira kapag hindi ka sumama sa amin," banta ni Gon. "Gon, don't do this..." hiling ni Madam Lira kahit nanghihina. Bitbit ang ginang ng dalawang White Guards at sa hindi maipaliwanag na dahilan, sumikip ang dibdib niya dahil sa sama ng loob sa batang si Gon. Napahawak ito ng mahigpit sa dibdib at hinabol ang hininga. Napapikit si Gon para hindi makita ang awra ng ginang. Kailangan niyang iwaksi ang nararamdaman na awa sa matanda sa mga oras na iyon. Nakita ni Lorenz ang nangyari kaya nawala siya sa pokus. Sinipa siya ng lalaking sinaksak niya sa balikat kaya tumilapon siya. Gumulong ang katawan ni Lorenz saka dahan-dahan na tumayo. Nakatingin siya sa may edad na babae na anumang oras ay parang babawian ng buhay. Hinahabol nito ang hininga dahil sa sikip ng dibdib. "Sige, sasama ako... But please, please bring Mama Lira to the hospital!" "Deal!" sabi ni Gon. Matapos makipag-deal kay Gon ay ginulpi si Lorenz ng tatlong nakaputi na suit. Pinagsisipa siya sa tiyan, sinuntok sa mukha. Tumagal ng ilang minuto bago niya narinig na inutusan ni Gon ang mga tao nito na ihatid ang ginang sa ospital. Saka siya nawalan ng malay.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD