CHAPTER 84 - Anything for her

1627 Words
BUHAT ni Kai si Bella na sumakay ng elevator paakyat sa palapag kung saan naroon ang condo unit nilang dalawa. Awang-awa siya sa nobya. Alam niya na napagod na ang nobya niya matapos ang dalawang araw nito na walang pahinga. Pumasok sa isip niya ang lalaking nakaputi. Kapag naglaban sila, hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang taong iyon na manatiling huminga kahit isang segundo. Binuksan niya ang pintuan ng unit nito saka maingat na nilapag sa couch si Bella. Hindi pa rin kumakalma ang sama ng loob niya sa mga nangyari. "Gusto kong maligo…" hiling ni Bella. Hindi nagsalita si Kai at nagkusa siya na pasukin ang shower room ng tahanan ni Bella. Unang beses niya na makapasok doon. May mga shower gel, shampoo, sabon at kung anu-anong gamit sa pagligo ang nasa isang kabinet. May salamin sa isang gilid. May citronella na scented candle na nakapatong sa lavatory. Nilagyan niya ng tubig ang bath tub at sinukat ang tamang init nito. Sinindihan niya ang scented candle. "Kaya mo na bang tumayo?" Tumango si Bella saka tumayo. "Babe, gusto ko ng Ramen.” Noon lang napagtanto ni Kai na hindi pa nga pala kumakain ang dalaga. "Take a shower, ibibili kita sa labas. Ahm.. sigurado ka ba na kaya mo nang kumilos mag-isa?" Tumango si Bella. Hinalikan niya sa noo ang nobya saka ito inakay na magpunta sa bath tub. Namumula ang pisngi ni Kai na tinulungan si Bella na tanggalin ang coat na pinasuot niya sa dalaga kaya lumitaw ang katawan nito na naka-underwear. Napalunok siya. "I-I'm going." paalam niya kay Bella. Nilagay ni Kai ang bluetooth na headset sa tenga nito. He then connected the lines between their phones. "Talk to me okay. Bawal matulog sa tub." Saka siya nagpaalam dito para hanapan ng ramen ang Angel niya. Dis-oras na ng gabi kaya nahirapan siyang maghanap ng bukas na Japanese house. Para siyang naghahanap ng pagkain ng buntis niyang misis. Nag-uusap sila sa telepono habang nagmamaneho siya para maghanap ng pagkain ng nobya. "Nahirapan ka ba na maghanap ng pagkain?" tanong nito sa kabilang linya. "Hmmm…" "Ibili mo na lang ako ng instant ramen noodles sa 7-eleven." hiling ni Bella. Ayaw naman niya na mahirapan si Kai lalo at alam niyang dis-oras na ng gabi. "Okay,” sabi ni Kai. dumaan siya sa palengke at bumili ng prutas. Hindi kasi maganda na mag-instant noodles lang ang nobya niya. Patuloy lang sila na nag-usap para hindi mainip ang nobya niya sa bahay nito. Kung anu-ano lang ang mga pinag-usapan nila sa linya. She asked kung maaliwalas ba ang ulap. He described it to her. She asked kung maluwag ang daan. She sang at kung anu-ano pa. Matiyaga siyang nakikinig sa dalaga hanggang sa makarating siya sa tirahan nito. Siguro kung malalaman ng mga trainees ng Dark Guards ang mga ginawa niya para kay Bella ay baka mawala ang respeto sa kanya ng mga ito. Kilala siya bilang seryoso at mahigpit sa mga trainees kahit sa grupo nila Prin. Pero kaya niyang magpaalipin sa iisang babae. Madami na ang nagtataas ng kilay sa relasyon niya sa dalaga. Unang una na nga ang nanay niya pero wala siyang pakialam. For the longest time, ngayon lang niya naranasan ang kakaibang saya. Bigla niyang napatunayan na tao rin siya at tumitibok ang puso niya sa isang babae. Makagraduate lang talaga sila ni Bella ay baka ayain niya na agad ito na magpakasal. Hindi niya alam kung ano talaga ang pinakain nito sa kanya. O baka naman nilawayan siya nito ng lihim. Nakapagpalit na ng pajama si Bella nang makabalik siya doon. Pinagluto niya pa ito ng noodles. Nakapangalumbaba na pinagmasdan ang dalaga habang kumakain ito sa harap ng mesa. Nagsimulang ma-conscious ang dalaga. "Why?" takang tanong nito. "Nothing... Gusto kong mag-sorry dahil hindi ko nasagot ang tawag mo nang nakaraan. Saka, sa ginawa sa iyo ng Mommy ko,” malungkot na sabi niya. Halata ang pagsisisi sa tono ng boses ni Kai. Marami siyang gusto na ihingi ng tawad sa babae. Natahimik si Bella. Ang totoo masama ang loob niya sa Mommy ni Kai pero ano ang magagawa niya? Alam niya na gusto lang nito na protektahan ang anak. Matagal silang natahimik hanggang sa putulin iyon ni Bella. "Kai… gusto ko sanang mag-train bilang Dark Guard." Napakunot ang noo ni Kai sa bagong hiling ni Bella.   NABIGLA si Kai sa bagong hiling na 'yon ni Bella na gusto rin nito na mag-training sa Dark Guards. "My Angel, Dark Guards' training is not that simple." Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Kai nang banggitin ng dalaga ang tungkol sa bagay na iyon. Kakaunti lang ang alam ni Bella sa trabaho nila ni Prin. At alam ni Kai na taliwas ito sa totoong pangarap ng nobya niya. Isa pa, pinagbabawal ang magkarelasyon sa Dark Guards. Lalo na't magiging leader siya ni Bella. "I can teach you kung paano lumaban if you want. Being a Dark Guard is not that simple. We trained five years bago kami mapunta sa kung nasaan kami ngayon." Napayuko at natahimik si Bella. Ayaw naman talaga niya na maging Dark Guard. Ayaw niya lang na kailangan pa siyang iligtas ng kaibigan na si Prin o ng nobyo na si Kai. "I can train you kung paano lumaban." Inangat ni Bella ang paningin kay Kai. Sa palagay niya ay magandang option na magtrain siya kay Kai. Dagdag bonding pa nilang magkasintahan ang kung ano man na training ang ibibigay nito sa kanya. "That's what I want.” nakangiting sagot ni Bella. "Whew!" Nakahinga ng maluwag sa wakas si Kai. Tinulungan niya na magligpit si Bella ng pinagkainan nito saka niya hinatid ang dalaga sa tulugan. "I love you, Kai,” sabi ng dalaga matapos nitong makahiga sa kama. Hinalikan ni Kai sa noo ang nobya bilang sagot. "Okay lang ba kung magpasama muna ako sa'yo dito?" Tanong nito. Makakatanggi ba siya sa kanyang Angel kung gusto rin naman niya na makasama pa ito ng matagal? Lalo na't nag-aalala talaga siya sa nobya. "But, hindi pa ako nakapag-shower.” katwiran ni Kai. Sa loob ng ilang oras na pakikipaglaban sa yate pati sa lalaking nakaputi, madungis ang pakiramdam niya. "It's okay. I just wanted to... hold your arms.” Nag-aatubili siya na tabihan ito. Sinunod niya rin ang gusto nito sa huli. Hinubad niya ang polo na suot saka niya ito tinabihan. Mabilis naman na nakatulog ang dalaga dahil sa sobrang pagod habang nakasiksik sa braso niya. Hinaplos ni Kai ang pisngi ni Bella habang nakatitig sa maamong mukha nito. 'My Angel, I will train you like a Dark Guard.' Hindi naman sa minamaliit niya ang kakayahan ni Bella pero hindi biro ang pagiging Dark Guard. Kalahati sa mga kasabayan nila na trainees limang taon ang nakaraan ay nagsipag-atrasan o hindi na nagpatuloy pa sa training. At alam ni Kai na hindi makakaganda sa relasyon nila ni Bella kung gugustuhin nito na pumasok sa organisasyon.   INABOT na ng tanghali bago bumangon si Prin sa higaan. Unang hinanap ng mata niya si Cally. Noon niya lang napansin ang note nito sa katabing cabinet na aasikasuhin nito ang issue ni Major Jaime. Naawa siya kay Cally dahil sa dami ng kailangan nitong asikasuhin kaya naisip niya na oras na para ipagluto ang asawa niya. Una niyang naisip na ayain si Bella. Gustuhin man niyang isama si Ana dahil na-miss niya rin ang kaibigan, alam niyang hindi ito makakatulong sa kanya sa pagluluto at kasama rin ni Cally ang kaibigan sa meeting nito sa heneral. Ilang oras lang, nasa harapan na sila ng supermarket na malapit lang sa bahay ni Cally. "Are you sure about this?" Tanong ni Bella sa kanya. Nagdududa ang dalaga kung kaya ni Prin na magluto. Tumango lang si Prin kahit pati siya ay duda sa sarili. "Sige I will help you. Ano ba ang plano mong lutuin?" "Chicken breast fillet saka kahit anong pasta.” sagot ni Prin. "Sige! I'll help you dahil niligtas mo ako kahapon." Sagot ni Bella. "I love you friend! Pero sa sangkap mo lang ako tulungan ako na bahala sa iba pa." Pagsapit ng gabi... Nataranta si Cally nang makita na umuusok ang bahay niya sa kanang bahagi kung saan naroon ang kusina. Halos mangulay itim na ang usok. Natataranta ang lahat ng kasambahay at hindi alam ang gagawin. "Anong nangyayari?" Tanong niya pagka-park ng sasakyan. Nasa isip niya kung nasusunog na ba ang bahay niya. "Master, si Miss Prin kasi ayaw kaming papasukin sa kusina. May hawak siyang butcher knife at hindi daw siya magdadalawang-isip na tagain ang sino man na papasok sa loob." Cally "...." Hindi na niya pinagpatuloy pa ang pakikinig dito at tinakbo ang kusina kahit pa nakasuot siya ng pormal na polo at neck tie. Nag-alala siya na baka may nangyaring masama kay Prin. Kinuha niya agad ang fire distinguisher at ginamit sa buong kusina hanggang sa lumitaw sa paningin niya ang asawa. *cough cough* pag-ubo nito. Namumula na ang pisngi nito gawa ng init ng apoy at usok. Inikot ni Cally ang paningin. Makalat ang buong lugar. May mga nakakalat na spaghetti noodles sa sahig, mga hiwa ng gulay,  iba't-ibang klase ng kutsilyo at mga kasangkapan na gamit sa kusina kung saan-saang parte. Umitim pa ang isang parte ng pader kung saan naroon ang kalan. Sinilip niya ang nasa wok at nakita doon ang kulay itim na isang piraso ng karne. Katabi nito ang kaldero na may lamang dumikit na noodles ng spaghetti na halos umitim na din. May hinala na siya na sinubukan ng asawa niya na magluto. "Honey, what are you trying to do? Bakit walang tubig itong noodles mo?" Kumunot ang noo ni Prin na inuubo pa rin. "*cough* Nilalagyan ba ng tubig ang noodles 'pag lulutuin?" Cally "..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD