CHAPTER 74 - Mystery

1517 Words
KINAKABAHAN si Celebrity B, o tawagin natin sa pangalang Jopay. Kadarating niya lang sa paliparan kahit dis-oras ng gabi.  Nagsuot siya ng shades para hindi makilala. Bago siya lumabas ng sasakyan ay isang malakas na ring ang nagpakabog sa dibdib niya. Isang kilalang numero ang tumatawag. "T-they are dead," bungad niya dito. "W-what about me?" kinakabahan niyang sabi sa kausap. "Mangibang bansa ka na muna. Nasa Airport ka na ba?" sagot nito sa kabilang linya. "Yes… pero --" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil pinutol na nito ang tawag. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba. Siguradong sira ang career niya dahil sa nangyari. Kumuha muna siya ng yosi na nakapatong sa ibabaw,  saka iyon sinindihan. Para siyang maiiyak na hindi maintindihan. Stressed ang lahat ng parte ng katawan niya dahil sa nangyari. Binuksan niya ang bag at nakita niya pa doon ang dalawang piraso ng drug pills. Halos maiyak siya na nagkaroon siya ng problema dahil dito. Nang dahil sa droga at pagmamahal ay sinira niya ang career niya na inalagaan sa loob ng maraming taon. Habang kumakabog ang dibdib, isang katok sa bintana ang bumulabog sa kanya na halos lumundag ang puso niya dahil sa bigla. Hindi niya kilala ang lalaki na kumakatok sa bintana. Nakasombrero ito kaya hindi niya namumukhaan. Seryoso ang mukha nito. Inulit nito ang katok kaya napilitan siyang buksan. Binuksan niya ang bintana pero nanlaki ang mata niya nang maglabas ito ng patalim at akmang ip-pwersa patungo sa kanya. "Ahhh!!!" tili ni Jopay. Noon niya lang napagtanto na hindi dumeretso sa kanya ang patalim dahil isang kamay ang pumigil dito. Isang lalaking mahaba ang buhok na hanggang balikat ang pumigil sa kamay ng naka-cap na lalaki. Kumakabog ang dibdib na lumipat si Jopay sa passenger seat para lumayo. Pinilipit ng lalaking long hair ang braso ng naka-cap dahilan para mabitawan nito ang patalim. "Ahh!" hiyaw nito. Matapos iyon ay gumanti ito ng suntok sa long hair. Gumilid ng kaunti ang mukha nito dahil sa pagkakasuntok at natigilan saglit. "hmm... mukhang matapang ka. I like it!" ngumisi ito. matapos nito iyong sabihin ay tila sinapian ng demonyo ang lalaking long hair. Gumanti ito ng suntok  sa mukha sa una. Hindi rin naman nagpatalo ang lalaking naka-cap, tumira ito ng ilang sipa na sinangga ni Long hair.  Kinakabahan si Jopay, gusto niyang lumabas ng sasakyan pero mas kinakabahan siya na masaktan ng dalawang lalaki. Kapwa hinihingal ang dalawang lalaki matapos ang palitan ng tira. Dumura pa ng kaunting dugo ang naka-cap sa isang gilid. Dalawang metro ang layo ng mga ito at kapwa kumukuha ng lakas. "Sino ka? Masyado kang pakialamero!" angil ng naka-cap. "Hmmm… pasensya ka na, pero hindi mo siya pwedeng patayin dahil hindi pa siya nakakausap ng master ko," sagot ni Long hair o ni Cobra. Nag-aapoy ang mga mata ng dalawang lalaki para sa isa't isa. "Wrahhh!" tila galit na sumugod ng sipa ang naka-cap. Sinangga naman ni Cobra ang bawat tira nito. Saka ginantihan din ng sipa sa mukha. Tumilapon ito sa lapag kung saan naroon ang patalim. Tumayo muli ang lalaki nang hawak-hawak na nito ang patalim at sumugod para saksakin si Long Hair o Cobra. Nadaplisan nito sa braso ang lalaki. Sa gigil ni Cobra, hindi na niya pinatagal pa ang pagkakataon, hinuli niya ang kamay nito at binali gamit ang tuhod. "Ahhhhh!!" hiyaw nito. Buong pwersa siyang humugot ng lakas para tirahin sa leeg ang naka-cap dahilan para makatulog ito. Matapos masigurado na hindi ito magigising sa loob ng ilang oras, binitbit at basta pinasok ni Cobra ang lalaking naka-cap sa likod ng sasakyan ni Jopay. "Mag-drive ka," utos niya sa babae. Nangangatog naman si Jopay na sumunod sa kanya saka niya tinawagan si Cally. "Shi Cally, may gustong pumatay kay Jopay sa airport, hawak ko ang suspek." Ilang saglit na natahimik ito sa kabilang linya. "Okay, let's change the meeting place. Bring him to Matsui Villa,” utos ni Cally bago nito binaba ang tawag. "S-shi Cally?" tanong ng babae habang nagd-drive. Hindi ito pinansin ni Cobra. Mas minabuti niya na bantayan ang lalaking nawalan ng malay.   TAKOT na takot si Jopay na dinala sa general hall kasama ng lalaking gustong pumatay sa kanya. Mas dumoble ang kabog ng dibdib niya. Hindi siya makatakas dahil secured ang lugar na pinagdalhan sa kanya. "N-nasaan ako?" tanong niya kay Cobra. "Master Cally wants to talk to you." Nanlaki ang mata ng dalaga. Dumoble ang kaba niya lalo't narinig niya ang pangalan ng Presidente. "K-kuya, ano ang gagawin sa akin ni Master Cally?" natatakot niyang tanong. "Hindi halimaw si Master Cally para katakutan mo ng ganyan. Unless… may ginawa kang kalokohan sa opisina." Umangat ang labi ng babae at nangatog. Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan at pumasok si Cally, kasunod si Prin, Kai, Zuki at Rob.   UNANG beses na makita ni Jopay si Cally. Napakagat siya sa labi, wala siyang ideya sa kung ano ang talagang itsura ng Presidente pero ramdam niya na ang lalaking malakas ang dating na nauuna sa pagkilos ang Master Cally nila. Isa pa, may hawig ito sa chairman. Kinakabahan siya na yumuko. "M-m-master..." uutal-utal na bati niya. Seryoso lang ang mukha ni Cally at wala siyang makitang emosyon sa lalaki. Binuhusan ni Zuki ng tubig ang lalaking naka-cap sa mukha dahilan para magising ito. Bumalikwas ito ng bangon. Pilit man na tumayo ang lalaki tinapakan na ito ni Rob sa dibdib saka tiningnan ng pailalim. "Who are you?" tanong ni Rob sa lalaki. Umangil agad ito. "I won't tell you," saka ngumisi. Hindi na nagdalawang isip si Rob na tapakan sa mukha ang lalaki ng may pag-gigil. "Ahhhhh!!!" Sumigaw ang lalaki dahil sa sobrang sakit ng ginawa ni Rob. Umangil ito ng paungol. Abot-abot ang takot ni Jopay sa gilid dahil sa nasaksihan. Nagsimula na itong umiyak. Binaba ni Rob ang sariling katawan para pantayan ang mukha ng lalaking naka-sumbrero. Nag-aapoy ang mata nito na tila kayang patayin ang lalaki ano mang oras. "Inuulit ko, Sino ka?" Nagkikiskis ang mga ngipin ng lalaki dahil sa sobrang galit kay Rob. Umismid si Rob. "The truth is, hindi ko naman kailangan na hingin ang sagot mula sa iyo. Kaya kong alamin kung sino ka sa mas mabilis na paraan pero mukhang mag-eenjoy ako na paglaruan ka muna," sabi nito sa nakakademonyong boses. Napalunok ang lalaki. Pero halata na hindi pa rin ito magsasalita. "Ikaw!" binalingan nito si Jopay. "Hu-huwag niyo po akong saktan," nakikiusap na sabi ng babae. "Dad, Calm down, kami na ang bahala ni Cally sa kanya." Hinawakan ni Prin ang daddy niya at pinakalma. Nakahalukipkip lang ito na nag-indian sit sa pinakasulok. "You!" tawag ni Cally dahilan para mapatuwid ng tayo ang babae. "I want to know kung kailan ka pa nagsimulang magbenta ng droga sa opisina." seryoso na sabi ni Cally sa babae. Bilang lingon kay Cally ang lahat. Hindi nila inasahan iyon. Nanlalaki ang mata ni Prin sa narinig. Ang taong ito ang suspek nila? "M-m-master…" usal nito at napakagat-labi. "Magsalita ka. Mapapatay ka na ng kasabwat mo ay hindi mo pa alam," mahinahon lang na sabi nito. Kita sa mukha ni Jopay ang labis na pagkabahala. "A-ano po ang ibig niyong sabihin?" sinubukan niyang magkaila dahil mas nananaig ang takot ni Jopay na mawala ang trabaho niya. Doon na umismid si Cally sa unang pagkakataon. Si Prin ay kunot ang noo dahil kahit anong galaw ng utak niya ay hindi niya akalain na ang babae ang hinahanap nila. Si Kai at Zuki ay kapwa seryoso at tamang nakikinig lang. "I will tell you what happened that night on the 15th Floor, MGM Building A," simula ni Cally. Nanlaki naman ang mata ng dalaga, napalingon sa gawi nila ang lalaking naka-cap. "Celebrity A went to that comfort room to wait for you and Cristy. Nagtagal siya doon ng ilang minuto para magpanggap na nagm-makeup o kung ano pa man. When Cristy came in, she doesn't expect na kasunod niya si Andy Perez… Kaya hindi muna sila nakapagsimula ng transaction." "... Matapos ang ilang minuto naghanap ng tyansa si Cristy para makabalik ng comfort room. Tama?" "...Then you came in before Cristy. Your drug transaction started." Hilam na sa luha si Jopay matapos marinig kay Cally ang lahat. Si Prin ay nagulat sa mga sinabi ng asawa. 'How come he knew?' binawi niya rin agad sa isip dahil muntik niya nang makalimutan na matalino nga pala ang asawa niya. "M-m-master…" usal ng dalaga. Ang inalagaan niyang reputasyon sa loob ng ilang taon ay siguradong matatapos sa oras na iyon. "Jopay, It's better for you to speak dahil sigurado ako na ang taong pinagtatakpan mo ang siyang gustong pumatay sa iyo," dagdag ni Cally. Halos hindi makapaniwala si Jopay sa nadinig. "Hmp! Mas mabuti pa na unahin na natin ang lalaking ito para magtanda siya at sabihin sa atin ang lahat," singit ni Rob. Tumayo pa ito at pinatunog ang mga buto sa kamay. Natakot si Jopay pati ang lalaking naka-cap. "Uunahin natin ang mukha mo!" sabi nito. "Si Police Major Jaime Guzman! S-sya po," umiiyak na biglang sabi ni Jopay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD