MAAGA silang nagpaalam kay Ms. Yolly para makauwi dahil kailangan pa nilang um-attend ng meeting sa Matsui Villa. Sinigurado muna ni Kai na naihatid nila si Bella bago sila tumuloy sa Matsui Villa.
Hindi nila maaring iwan si Bella sa training hall lalo at hinahanap pa nila ang taong 'tulak'.
Pagdating ni Prin at Kai sa general hall kung saan gaganapin ang meeting nila ay naroon na si Cally, Xander, Cobra at Zuki. Naroon din si Rob na pare-parehas na naka-indian sit sa bawat gilid ng Japanese table.
Tinabihan ni Prin ang asawa na hawak ang laptop nito na nakakabit sa isang projector. Si Kai sa isang gilid.
"Let's start!" Simula ni Rob. Saka diniliman ng kaunti ang kwarto.
"Okay, kaya ko kayo pinatawag nang biglaan para mas mabilis na ma-identify ng bawat isa ang taong hinahanap natin," si Cally.
"Nang nakaraang araw, narinig namin ni Prin ang isang transaksyon sa ladies comfort room. Pinahanap ko kay Xander ang CCTV sa hallway na malapit sa lugar para ma-identify ng mas malinaw ang mga taong nasa loob ng comfort room ng mga oras na iyon."
Pinindot nito ang laptop at pinapanood sa kanila ang kuha sa parehas na oras kung kailan nila narinig ni Cally ang transaksyon. Una nilang napansin ang isang babae na halatang celebrity na pumasok ng CR. Sa tingin ni Prin, ito ang buyer.
Maya-maya nakita nila na magkasunod na pumasok si Ms. Cristy, ang bagong manager at Andy Perez, ang bagong trainee sa loob at sabay din na lumabas kahit hindi pa lumilipas ang isang minuto.
Naguluhan si Prin. Ilang minuto bago nila nakita na may tatlo pang babae na nagsipasukan sa loob na pare-parehas celebrity. Lumabas ang dalawa sa mga ito. Tapos pumasok muli si Ms. Cristy. Lumipas ang isang minuto bago nila nakita ang grupo ng mga babae na pumasok muli sa comfort room.
Bago nila nakita ang naunang celebrity na lumabas kasabay ng dalawa sa mga babaeng bagong pasok. Lumalim ang nasa isip ni Prin dahil wala siyang makuhang lead.
"The bad news is, walang nagngangalang Pia sa mga nakita natin na pumasok ng CR. Good news, is tatlo sa kanila ang iimbestigahan natin." Pagbibigay-alam ni Cally.
"Husbie, may sasabihin pala ako..." Tininganan niya ang bawat isa.
"...Sigurado ako na narinig ko ang boses ni Ms. Cristy at Andy sa comfort room nang araw na iyon. Hindi lang ako sigurado kung sino sa kanila… at parehas ko silang nakita na pumasok sa loob ng comfort room.”
Tumango si Cally. "Ang suspek natin…" pinakita niya ang larawan ng tatlong babae at kasama si Ms. Cristy.
Ang unang larawan ay ang naunang celebrity (Celebrity A) na pumasok sa loob ng CR. Pangalawa si Ms Cristy at pangatlo ang isa pang Celebrity (Celebrity B) na kasabay na pumasok ng dalawa pang kapwa celebrity rin.
"Tatlo sila ang tao sa CR nang marinig natin ang transaksyon," sabi ni Cally.
Nanlaki ang mata ni Prin. "Tatlo sila?"
Hindi maiwasan na magtaka si Prin lalo at iniisip niya na hindi makikipag-negosasyon ang kahit na sino nang mayroong witness.
"Yes. And we can't identify kung sino ang buyer o tulak,” paliwanag ni Cally.
Sunod na pinanood nito sa kanila ang CCTV naman sa White Devil. Nang gabi rin na iyon ay kapwa nasa lugar ang tatlong babae at pare-parehas na may date ang mga ito.
"Ngayon, I am certain na isa sa kanila ang hinahanap natin."
Lumalim ang nasa isip ni Prin. "Husbie, I want to see that comfort room. because I think there is something wrong. Dalawang tao lang ang nadinig natin. How come na tatlo ang naiwan?"
"Dahil nadinig natin ang nag-uusap malapit sa bintana at posible na nasa dulong bahagi ng cubicle naroon ang isa pa."
"Pwedeng si Celebrity A ang talagang hinahanap natin dahil siya ang pinaka-nagtagal sa CR. Pwede rin naman na si Ms Cristy at Celebrity B."
"I think the 'Pia' we are looking is the celebrity A," sa unang pagkakataon ay nagsalita si Kai.
"I think so too. Dahil siya ang pinaka-nagtagal sa CR at base narin sa narinig ninyo ni Prin, matagal na siyang hinahanap ng kung sino man na bagong pasok," ani Rob.
"Kung nagkataon na nadinig niya lang ang usapan, sigurado na nasa alanganin ang lagay niya," si Zuki.
"Kai and Prin, manmanan niyong mabuti si Ms Cristy sa opisina. Zuki, ikaw ang bahala kay Celebrity A. Cobra, ikaw ang totoka kay Celebrity B,” utos ni Rob.
"By the way, may balita ba kay Mr. Sy?" Tanong ni Cally.
"Ang balita ay nasa south siya ngayon at may posibilidad na siya ang leader ng South Caracass, may posibilidad din na partner siya ng talagang leader nito," pagbibigay-alam ni Zuki.
HABANG pauwi, hindi maiwasan ni Prin na isiping mabuti kung sino ang taong hinahanap nila. Seryoso siya na pinagtutugma ang narinig nila ni Cally sa napanood nila na lumabas-masok sa loob ng Ladies comfort room. Kinuha niya ang laptop at sinimulan na i-play muli at pinag-aralan ng paulit-ulit ang kuha sa CCTV.
Nilingon naman siya ni Cally sa tabi dahil sa pananahimik niya. "Honey, okay ka lang ba? Ilang linggo na lang at tapos na ang bakasyon niyo sa school. We have to know the person's identity as soon as possible."
Nilingon niya si Cally. Halata na seryoso rin siyang makita ang taong hinahanap nila. "Husbie, I am sure na isa si Ms. Cathy sa narinig ko na boses sa comfort room."
"Kaya nga galingan mo ang pagsayaw at pagkanta para makuha mo agad ang sagot."
Tiningnan niya ito ng masama. "Hmp! Sigurado na pinagtripan mo lang kami ni Kai pero alam mo naman talaga na hindi na namin kailangan na mag-audition 'di ba? Gusto mo lang talaga na parusahan kami parehas.” saka niya ito inirapan.
"Wow Honey, I am happy for you!" sabi nito sa kanya.
"Bakit?" takang tanong niya dito.
"Dahil tumatalino ka na. You are getting brilliant day by day."
Prin "..."
Ang galing ng asawa niya 'di ba? Tama bang tudyuin siya kahit sa oras na iyon. Sakto naman na huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Tinitigan niya ito ng masama. Hanggang sa mga oras na iyon ay inaasar pa rin siya nito at tinutudyo siya sa kakayanan ng utak niya.
"Honey, don't give me that look. Iisipin ko na gusto-gusto mo nang makita ang little monster ko kaya palagi kang nakasimangot o galit."
"Y-y-you?!"
Nakangisi lang ang asawa niya at tila natutuwa pa ito lalo sa mga reaksyon niya. "Yes Honey? It's not my fault. Nakalimutan mo na ba ang sabi ng doktor na one-month kang suspended at wala pang one-month ang lumipas nang maospital ka."
Parang siya pa ang sinisisi nito sa nangyari. Sasagot pa sana si Prin nang mag-ring ang telepono ni Cally. Si Zuki ang tumatawag sa asawa niya.
"Yes?" sagot ni Cally na nakaspeaker
"Shi, may problema. 'Yung pinababantayan mo sa aking celebrity... namatay." Nanlaki ang mata ni Prin sa narinig. Nagkatinginan sila ni Cally.
"What happened?" usisa ni Cally.
"Overdosed sa drugs," sagot nito sa kabilang linya.
"Please investigate kung ano ang nangyari," huling sabi ni Cally saka ibinaba ang tawag. Sunod na tinawagan niya si Xander.
"Master?" sagot nito sa kabilang linya.
"Celebrity A died due to drug overdose. Please call her manager and confirm kung ano ang nangyari," utos ni Cally.
Halatang nagulat din ang binata sa kabilang linya. Lumaki ang problema nila lalo at under ng MGM management si Celebrity A na pinasusundan nila kay Zuki.
"It means, she was the buyer we are looking," nakapangalumbaba na usal ni Prin.
"Hindi pa tayo sigurado. Posible na kusa siyang pinatay dahil naroon siya sa lugar." Ilang saglit pa tumawag din si Cobra. Kinakabahan silang parehas dahil mukhang hindi rin maganda ang balita na sasabihin nito.
"Master, papunta ng airport si Celebrity B," sabi nito sa kabilang linya. Napakuyom ng kamao si Cally. Mukhang dumating ang problema nila hindi pa man lumalalim ang imbestigasyon..
"Pigilin mo siya, bring her sa opisina kung kinakailangan. I think we don't have a choice now kung hindi ang usisain sila ni Ms. Cathy. Call Zuki and tell him to bring Ms. Cathy sa MGM office."
"Master... iyan pa nga ang rason kung bakit ako napatawag,” sabi nito.
Kinakabahan si Prin at Cally sa sasabihin ni Cobra dahil mukhang hindi maganda ang balita nito. "Namatay din sa overdose si Ms. Cathy."
Lalong nanlaki ang mata ni Prin. 's**t! What is happening?'
Bakit isa-isang namatay ang suspect nila, hindi man lang lumipas ang isang araw. Pinakalma ni Cally ang sarili. "Get Celebrity B. tell her na pinapatawag ko siya sa opisina ko." Walang nagawa si Prin at Cally kung hindi ang bumalik sa opisina.