CHAPTER 72 - Secret Transaction

1713 Words
KAPWA nagtatagisan si Prin at Cally sa pagbaba sa gilid ng MGM building nang mapansin niya ang asawa na biglang huminto sa tapat ng 15th floor. Hinila siya nito at pinigil. Sinenyasan siya na huwag maingay. Saka pinakinggan ang dalawa na nag-uusap sa ladies comfort room. "Sigurado ka ba na enjoy ito?" narinig nilang tanong ng isang babae. "Of course! Marami na ang bumili sa akin. Mas masarap kapag dalawa kayo ng boyfriend mo ang iinom nito. Sigurado na mas masarap ang s*x niyo mamayang gabi." Hindi nakaligtas sa mag-asawa ang pinag-uusapan ng dalawang babae, sigurado na tungkol ito sa droga. Nagkatinginan sila ni Cally. "Sige, I will send my payment to your bank account. Thanks! Siguraduhin mo lang na hindi ito lalabas sa publiko dahil isa akong public figure,” sabi ng babae na sa tingin ni Prin ay celebrity doon. "Thanks!" Narinig nilang bumukas ang pintuan at may pumasok na mga babae. "Hey Pia! Kanina pa kita hinihintay dito lang pala kita makikita." "Coming!" matapos iyon ay puro tsismisan na ang narinig ni Prin at Cally. Maingat silang nagmadali pababa para walang makapansin sa kanila. Sa garden ng building sila nakababa ni Cally saka pinindot ang pin ng mga safety belt. Sabay na umangat paakyat ang mga tali na sumuporta sa kanila pabalik sa hook na nakakabit sa helipad.  Swerte na may nakuha silang impormasyon sa ginawa nilang trip ng asawa niya. Kinuha ni Cally ang cellphone nito na nasa bulsa nang masiguro na walang tao sa paligid. "May bagong lead kaming nakuha ni Prin, Isang babae ang hinahanap natin. Isang baguhan na trainees o manager o empleyado natin sa legal department.  Pakihanap na rin kung sino ang may pangalan na Pia sa MGM Corp,” sabi nito sa kausap na sa tingin ni Prin ay si Xander. "Okay."  huling narinig niya na sinabi nito. Hinawakan siya sa kamay ng asawa saka parang walang nangyari na naglakad sa garden. Iniwasan nilang pag-usapan ang nadinig dahil nasa publiko silang lugar. Alam ni Prin ang nasa isip ni Cally, ang floor kung saan nila nadinig ang pag-uusap ay Legal department. Doon ginaganap ang contract ng mga trainees na may natanggap na trabaho o artist. Posible na ang Pia na nadinig nila ang tulak, maaari rin naman na ito ang bagong customer. Hindi pa rin malinaw pero lumiit ang mga tao na maaari nilang paghinalaan. Sa sasakyan, May tinawagan si Cally. " Please look at the CCTV Womens room, 15th floor, Building A, 1815 today,” sabi nito sa kausap saka binaba. Napapalakpak si Prin sa nadinig. "Oh my gosh Husbie! You are so brilliant!" puri niya dito. Nilingon siya ni Cally. "I'm always brilliant, why?" "Dahil naisip mo na makikita natin ang taong hinahanap natin thru CCTV." puri ni Prin. "Honey, seriously, I thought you knew what I was thinking earlier. Of course, we are in MGM office. Lahat ay may camera pwera na lang sa Comfort rooms kaya posible na doon ginagawa ang transaksyon… The good news is, malapit na nating makilala ang taong hinahanap natin,” sabi ni Cally. "Anyway, nag-enjoy ka ba?" nilapit nito ang katawan niya palapit dito. "Yes." nakangiti niyang sagot. "Good. Here's your extra gift.” kinuha ni Cally ang laptop at hinanap ang pinadala ni Xander na kopya ng audition ni Prin. Nanlaki ang mata ni Prin nang makita ang thumbnail na halatang kinuha nang magperform siya ilang oras ang nakalipas. "Oh… please don't watch it.” nahihiya niyang sabi. "No honey, you are so cute in your performance." panunudyo ni Cally. Inagaw niya ang laptop nito. "No!" "Honey, wala ka na rin namang itatagong mukha sa akin dahil napanood kita ng personal kanina." Lalong nanlaki ang japanese eyes ni Prin. "Y-you watched me?" "Of course! Palalagpasin ko ba naman ang ginawa ng honey ko. Si Kai nga ay ginamit ang posisyon ko para  panoorin ang angel niya." Hiyang hiya si Prin. "Ohh.. " nahihiya na tinakpan niya ang mukha ng dalawang kamay. "Don't worry Honey, I will make sure na mapapanood ito ng mga anak natin sa future para malaman nila na may cute silang Mommy na nagtangka na sumayaw at kumanta sa MGM theatre." dagdag pa nito. Pinalo niya sa dibdib ang asawa. Naiinis siyia lalo at mukhang saglit na lang silang mag-iimbestiga. Nagsimula nang magmaneho si Cally at lumalim ang pag-iisip niya. Alam niya na kahit ma-solve ang isyu ng droga sa MGM, kailangan nilang pagtuunan ng pansin kung sino ang leader ng South Caracass Gang tulad ng pangako si Rob sa senador. Bigla niyang naisip si Mr Sy. "Call your Dad,” utos niya kay Prin. Nagtataka man ay sinunod siya nito. Nilagay niya sa speaker ang tawag. Matapos lang ang ilang ring, kumonekta ang tawag sa kabilang linya. "Uncle Rob."  simula ni Cally. Mas sanay siya na tawagin itong Uncle Rob kaysa Daddy. Medyo ilang siya na tawagin na Daddy si Rob. "Do you think may kinalaman si Mr Sy sa South Caracass Gang?" "Hndi ako sigurado. Ang sigurado ako ay -- Hindi umalis ng bansa si Mr Sy.”   NAGTUNGO si Prin, Kai at Bella sa Training Hall kung saan gaganapin ang meeting. Ipapakilala sila sa mga naunang nakapasok na trainees. Sinusundan nila si Ms Yolly Zamora hanggang makarating sa training hall. Naroon na ang limang bagong trainees, dalawang manager at ang tatlo pa na nakapasa rin sa audition tulad nila. Sa bente singko na nag-audition, anim lang sila ang nakapasok. Hindi alam ng anim kung anu-ano ang mga ginawa nila noong audition bukod kay Kai dahil napanood nito ang performance ni Prin at Bella. Titig na titig kay Kai ang mga babae na trainees at hindi na nabigla si Prin. Sorry na lang dahil kasama ng binata ang 'Angel' nito. Si Bella ay masaya na papasukin niya ang mundo ng Daddy niya. Sinimulan na ipakilala ang lahat. Pinakikinggan naman ng mabuti ni Prin ang lahat habang nagsasalita ang bawat isa para masino niya ang taong narinig sa ladies comfort room, lalo na sa naunang trainees sa kanila dahil isa sa mga ito ang suspek, pero hindi niya nakilala ang boses kahit isa sa limang naunang trainees. Posible na nakadagdag ang echo sa CR ng araw na iyon o kaya naman ay dahil halos pabulong lang na nagsalita ang taong hinahanap niya. Hanggang sa madinig niya ang boses ng isang manager, si Ms Cristy Evangelista at ang kasabay nila na nag-audition, si Andy Perez. Sigurado si Prin na narinig niya ang boses ng dalawang babae sa restroom. Ginamit niya ang daliri para senyasahn si Kai na nasa tabi, nakuha nito agad ang signal. Kalmado lang silang dalawa na pinuna ang parehas na babae. "So, I hope everyone will work hard,” sabi pa ni Ms Cristy. Iniwan sila nito at ni Ms Yolly para daw magkakilanlan ang lahat. Matapos makaalis ng dalawang manager, lumabas agad ang sungay ng dalawa sa naunang trainees. "Kayong mga bago, huwag ninyong isipin na porque nakapasok kayo ay may chance nang mauna kayo na makakuha ng trabaho sa 'min. Ilang buwan na kami dito at iilan pa lang ang trabaho na nakukuha namin." Nakilala niya si Susan Yu na nagsalita. Nakataas lang ang kilay ng kasama nito. Hindi naman ito pinansin ni Prin at hinarap si Kai at Bella. Hindi siya nagpunta sa training hall para maghanap ng kaibigan kaya hindi niya pinansin ang reklamo ng babae. Sigurado si Prin na kung walang Bella silang kasama, iritable ang hitsura ni Kai sa mga oras na iyon. Kaya hindi na siya nagtaka na kalmado ang lalaki at very supportive boyfriend sa kaibigan niya. "Alam mo Leader MB5, nakakatakot ka na ngayon. Totoo nga na nagbabago ang lahat sa pag-ibig.” pagbibiro niya dito. "Pwede kong i-suggest kay Ms Yolly na gawin kayong Love Team. Bagay e!" "Sorry na lang dahil pang pribado lang ang relasyon namin. Bakit kailangan pa namin maging love team sa MGM, ‘e Love team kami in real life?" sagot sa kanya ni Kai. Namumula lang ang pisngi ni Bella sa tabi nito. "Hay grabe… makata ka na rin ngayon!" "Power of Love…" sagot ni Bella. Panay ang ngisi nila nang lapitan sila ng dalawang babae. "Hey, Kayo!" nakahalukipkip pa ito at nakataas ang kilay ni Susan. "Magpraktis na tayo, bawal ang tatamad-tamad,” sabi nito. Tiningnan lang ni Prin ang babae dahil wala siyang plano na magpraktis. Ang role niya doon ay alamin kung sino ang 'tulak' kaya bakit siya mag-e-effort na sumayaw at kumanta. Isa pa, she's a boss kaya gagawin niya ang gusto niya. "Bawal magligawan dito,” sabi pa ng kasama ni Susan. "Hindi na kami magpapraktis dahil mas gusto niyo naman na makakuha ng trabaho kaysa sa amin. Kaya nga mas maganda kung galingan niyo at huwag niyo na kaming intindihin pa,” sabi ni Prin dito. Si Bella at Kai ay tamang nakikinig. "I'm not talking to you!" sagot kay Prin. Inikutan na lang ni Prin ng mata ang babae. Naiintindihan niya na kung bakit wala pang kontrata na nakukuha ang dalawang babae. Parehas kasing walang ginawa kun'di ang silipin ang ginagawa ng kapwa trainees. "Mabuti pa Leader Kai, ilibre mo kami ng Ramen ni Bella,” sabi niya sa lalaki. Alam niyang maraming pera si Kai kaya kinapalan niya na ang mukha na magpalibre. "Ayoko." sagot nito. "What? Daming pera, ayaw manlibre." "Mas mabuti pa nga, Babe. Gusto kong kumain.” aya dito ni Bella. "Okay!" Prin "..." Isang aya lang mula sa nobya nito ay payag na, samantalang siya madami pang diskusyon. Sumunod na lang siya sa dalawa para lumabas. "Hey! Where are you going?" puna ni Susan. "Kakain dahil nagutom kami sa ngawa mo.” sagot ni Kai dahilan para mapahiya ang babae. "Alam mo Leader, mabuti at hindi natin kasama si Bella sa training ng Dark Guards. Kung hindi, baka nagbubuhay prinsesa siya habang kaming lahat ay pinarurusahan mo.” puna niya habang papunta sa Ramen House na nasa ibaba lang ng MGM Building. "She doesn't need to be a Dark Guard because I am here para iligtas siya." Gusto ng sumuka ng dugo ni Prin sa narinig. Nasaan na ang striktong Kai? na ayaw ng pabebe, pero naging pabebe na ngayon? Habang umoorder, sabay silang nakatanggap ng mensahe mula kay Cally. [Meeting at Matsui Villa, 4PM]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD