ALAM ni Prin na hindi magku-kwento si Kai sa dalaga kahit nobya pa nito si Bella tungkol sa misyon nila bilang trainee. Wala rin naman siyang plano na magkuwento sa kaibigan pero mas mabuti na siguro na magsabi siya dito kahit kaunti.
Titig na titig si Bella sa kanya kaya hindi niya nagawang magsinungaling sa babae. Humugot muna ng malalim na hininga si Prin bago nagpatuloy.
"Alam ko na kahit papaano ay may naiintindihan ka sa nangyayari. I know that you noticed that we knew martial arts. Honestly, we are more skilled than martial artists."
Hindi na nagulat si Bella doon. Sa ilang beses kasi na kasama niya sa Prin, muntik na siyang mapahamak pero madalas na nililigtas siya nito.
"We trained hard in the past. Para kaming sinulid na papasok sa butas ng karayom. And… Cally is not just a boyfriend. He is my husband.” pagbibigay-alam niya dito.
Doon nanlaki ang mata ni Bella at napatayo pa ito. "Whaaat!?"
Hinila niya ulit ang dalaga paupo at sinabihan na huwag maingay. "Shhh… Hey, huwag kang maingay, it's a secret."
"H-how come I didn't know?" ang akala ni Bella ay magka-live in lang si Prin at Cally kaya madalas na magkasama ang dalawa. Kaya lahat din ng meron ang lalaki ay naibabahagi nito sa kaibigan niya. Hindi niya akalain na mas malalim pa pala ang samahan ng dalawa at sa edad nitong disin nuwebe ay magpapakasal na si Prin si Cally.
Saka wala talagang balita na na may asawa na si Cally kahit sa MGM office bilang naroon nagtatrabaho ang Daddy niya.
"Sorry my friend, ayoko lang kasi na iba ang isipin mo sa akin noon kaya ang pakilala ko ay mag-nobyo lang kami ni Cally. Alam mo naman ang Philippine culture, kapag nalaman na nag-asawa ako ng bata pa, they will mock me. They would think I will get pregnant or soon be pregnant." mahabang paliwanag ni Prin.
"But don't you have any plans to get pregnant?" tanong ni Bella.
Napakamot sa ilong si Prin at namula ang pisngi. "We talked about it and…yes, hindi muna kami mag-b-baby dahil nag-aaral pa ko." simpleng sagot ni Prin. Sa loob-loob niya ay hindi talaga simple ang dahilan.
Napag-usapan nila ni Cally na hindi magandang ideya na magkaanak sila nito sa kasalukuyan. Malalagay sa alanganin ang anak nila kaya nagkasundo sila na saka na magkakaroon ng baby kapag nasiguro na nila ang kaligtasan nila.
Hindi pa lumilipas ang taon nang dukutin ang asawa niya at alam nila na nagmamatyag lang ang taong iyon sa kanila.
Sasagot pa sana si Prin nang tawagin ang pangalan ni Bella na susunod na magp-perform.
"Good luck!" sabi niya dito.
Sa loob ng theater, natuwa ang mga auditioner sa ginawa ni Kai. Ginamit niya ang martial arts skills niya para magawa ng maayos ang performance.
"We can train you para mag-model.”
"Yes, tingin ko ay okay na i-train ka namin para maging modelo." ito ang mga komento sa kanya. Ayos na iyon, ang mahalaga makapasa siya bilang trainee.
Sumunod si Bella sa stage. Nanghiram siya ng gitara para magawa ng maayos ang performance niya. Inisip niya na kailangan niya ng trabaho kaya kailangan niyang galingan.
Sa personality pasado si Bella sa auditioner.
Si Kai sa kabilang banda ay nanatili sa theatre. Nanatili siya para manood sa ibabang bahagi ng stage dahil natagpuan niya si Cally na nagsosolong nakaupo doon. Hindi siya nagawang palabasin dahil si Cally ang kasama niya. Seryoso siya na pinakikinggan ang bawat salita at tono ni Bella kahit ang kilos ng kamay ng dalaga habang tumutugtog ito ay hindi niya pinalampas.
He fell in love deeper sa babaeng ito. Sa palagay niya, nadadagdagan ang pagkagusto niya sa dalaga araw-araw. Bella's speaking voice is sweet and her singing voice is much sweeter. Para siyang highschool na kinikilig at namumula habang nanonood.
Pagkatapos ni Bella, halatang kinakabahan siya na naghihintay ng sagot mula sa audioner kung pasado ba siya o hindi. Matapos ang ilang sandali at sabihin sa kanya ang mga dapat niyang gawin, gusto niyang tumalon sa saya nang sabihin na pasado siya.
Kai is also happy na nakapasa ang nobya niya.
"Tsk! Your Angel is surprising." puna ni Cally.
"Of course, because she is my Angel." mayabang na sabi niya kay Cally.
Ilang saglit lang nakita na nila na naglalakad si Prin sa stage. Pansin ni Kai na kinakabahan din si Cally para sa asawa nito.
Humugot ng malalim na hininga si Prin bago niya narinig ang tugtog saka siya nagsimulang magperform.
Wala namang kaso kahit Japanese song pa ang gagawin niya dahil ang mahalaga makatapos siya ng audition.
Lihim na natatawa si Cally habang pinapanood niya ang Honey niya na sumayaw at kumanta.
SUMAGLIT si Cally sa MGM theatre dahil gusto niyang panoorin si Prin kung paano ito sumayaw. Sa mga nakalipas na araw, nagp-praktis ang asawa niya sa Matsui VIlla at todo tanggi ito na makita niya kung paano ito sumayaw. O kung paano ito magpraktis.
Prin performed like a living anime on the stage. She's so cute in everyone's eyes. Natatawa naman ng lihim si Cally dahil na-enganyo niya ang asawa niya na magsuot ng Card Captor Sakura costume na nababagay sa kanta nito.
Tulad ng inaasahan, pasado si Prin. Si Yolly ang mag-a-arrange ng schedule nila sa mga darating at kailangan nilang alamin ang identity ng taong hinahanap nila sa mas mabilis na paraan.
Nakasimangot naman si Prin na humiwalay sa dalawang magkasintahan para puntahan si Cally sa opisina nito. Bukod sa ayaw niya ng kausapin pa ang dalawa dahil nagmumukha lang siyang 'extra' sa harapan ng mga ito, gusto niyang pagalitan si Cally dahil sa pinagawa nito sa kanya.
Pagdating niya sa floor, sinalubong siya ni Cally na nakasuot ng itim na loose pants at active shirt. Kumunot ang noo ni Prin nang makita ang ayos nito.
"Where are you going?" tanong niya dito.
Hindi sumagot si Cally. Sa halip, inakbayan lang siya nito kahit nakasuot pa siya ng costume na Card Captor Sakura patungo sa kung elevator.
Magkaiba sila ng awra ni Cally habang nasa tapat ng elevator. Si Cally mukhang magliligtas ng Prinsesa samantalang siya, mukhang maghahanap ng spirit cards.
Nakakunot ang noo na sumunod siya sa asawa hanggang sa makaakyat sila sa pinakataas na palapag kung saan naroon ang Helipad. Wala naman siyang makitang helicopter bukod sa mga gear na kung anu-ano na nasa lapag. Alas sais na ng hapon ang oras kaya nagsisimula nang lumamig lalo at nasa itaas na bahagi sila ng building.
Nililipad pa ng hangin ang palda ni Prin dahil sa lakas ng hangin.
Hindi nagsalita si Cally at basta na lang siya sinuotan ng gear at safety belt sa tiyan saka ni-lock iyon ng mahigpit.
Ginalaw-galaw ni Cally ang belt na nakakabit sa katawan niya para masiguro kung safe iyon. Saka siya sinuotan ng gloves sa kamay at pinapalitan ang suot niyang sapatos.
"Husbie, ano ang gagawin natin?" may ideya na si Prin sa gagawin nila pero hindi niya pa rin naiwasan na mag-tanong.
"Lilipad." Kinabit ni Cally ng mabilis ang hook ng belt na nakakabit sa katawan nito sa hook na parte ng helipad tatlong metro ang layo sa pinaka dulo na bahagi ng gusali saka ito tumakbo at basta na lang tumalon.
Hindi na siya nagulat sa ginawa ni Cally. Ginaya niya ang ginawa nito, kinabit din niya ang safety belt sa hook saka sumunod. Hinintay siya ni Cally dalawang palapag mula sa pinakatutok kung saan sila nanggaling.
"This is my reward dahil nagawa mo ng maayos ang trabaho mo."
Literal silang nasa gilid ng MGM Building at natutuwa si Prin sa gagawin nila ni Cally. They watch the sunset habang nakasabit sa gilid ng building. Mahigpit ang pagkakahawak nila parehas sa tali at sa lock
Hinintay nila na lumubog ang araw saka siya hinapit nito.
"Honey, you are the cutest among my artist and the cutest who climbed a wall so far.” biro nito dahil nakasuot pa siya ng costume, hindi normal na suot kung magw-wall climbing.
"Syempre, I have to support my husband.”
Biglang sumeryoso ang asawa niya.
"Saksi ang city of Manila, I want you to know that I, Cally Han, will never love any other girl aside from my wife."
Saka nito sinakop ang labi niya.
Ang pangarap ni Prin na mahalikan ni Cally habang nagw-wall climbing ay natupad habang nasa paligid nila ang magandang tanawin. Unti-unting lumulubog ang araw sa gilid.
Para siyang nalasing sa halik ng asawa niya, dahilan para muntik nang mabitawan ni Prin ang tali na hawak para manatili sila sa pwesto. Mabuti na lang at nakahawak ito sa bewang niya.
"Naniniwala na ko na 'Safety first bago kissing'" sabi nito sa kanya.
"Gano’n, mabuti nga at kissing lang at hindi magsex sa gilid ng building.”
"idiot! Who will do that?"
Tumawa lang si Prin sa naisip niyang kalokohan. Tumitig siya kay Cally matapos ang ilang sandali.
"I love you so much, Husbie,” bulong niya kay Cally.
Hinalikan pa siya nito sa huling pagkakataon.
"Okay, let's end this. paunahan!" sabi nito saka sila parang mga langgam na nagtagisan pababa ng building.
KUMAKAIN si Kai at Bella ng hapunan sa isang seafood restaurant na malapit sa Blue City Condo Tower nang isang tao ang nakita niya na papalapit sa kanila. Ang madrasta ni Bella.
Kinakabahan siya, samantalang kalmado naman si Kai. Lihim na inangat nito ang labi. Iniisip niya na baka ipahiya na naman siya ng ginang doon na alam niyang imposible rin na gawin nito dahil kilala ang babae bilang asawa ni Martin Hernandez, ang Daddy ni Bella.
Hindi nito basta-basta sisirain ang imahe sa publiko. Huminto ang ginang sa harapan ng magkasintahan. Hindi ito nagsalita at basta inilapag ang susi ng condo sa mesa, sa tapat ni Bella.
Halata ang pagtataka sa mukha niya kung bakit biglang sinauli nito ang susi sa kanya.
Hindi ito nagsalita at basta na lang sila tinalikuran.
"Excuse me? Wala ka bang sasabihin?" habol ng binata sa ginang.
Si Bella naman ay walang maintindihan sa nagaganap. "Babe, huwag mo na siyang pansinin,” bulong niya.
Saglit na natuwa si Kai dahil unang beses siyang tinawag ni Bella ng 'Babe' and he is happy. Pero mas inuna niyang intindihin ang ginang.
Lumingon ang ginang sa kanilang dalawa. Nakangisi ng todo si Kai, wala namang maintindihan si Bella. Sumandal si Kai sa silya kung saan siya nakaupo at naghihintay sa sunod na gagawin ng ginang.
"Hindi ka pa nagso-sorry sa girlfriend ko.” hindi na nakatiis na sabi ng binata.
Nakakuyom ang magkabilang kamao ng ginang na lumapit kay Bella. Napausog naman ang dalaga dahil baka may gawin ito sa kanya.
"S-sorry…" mahinang sabi nito at halatang labas sa ilong.
Bella "...."
"Okay na ba?! I have to go! Nabalik ko na ang susi, siguro naman ay okay na." Mataray na sabi nito kay Kai.
Labis-labis ang pagtataka ni Bella kung ano ang ginawa ni Kai para mapaamo nito ang ginang. Ano ang nangyari at ibigay nito pabalik ang susi ng condo sa kanya?
"Hindi pa ko tapos. I don't want to see you kahit na sa ground floor lang ng Blue City... You can go now!" Saka ito inismiran ni Kai.
Halata ni Bella na nagtitimpi ng galit ang madrasta niya.
"I will not promise na huli na natin itong pagkikita. Hihintayin ko ang araw na maghihiwalay kayo, saka kita babalikan.” banta pa nito kay Bella.
"Well, goodluck na lang sa paghihintay mo, dahil kinakain na ng uod ang katawan mo, hindi pa kami naghihiwalay! Umalis ka na lang." Nabubwisit lang si Kai na makita ang babae sa harapan niya.
Hindi naman ito ang magulang ni Bella kaya bakit niya igagalang ang babae? Ang lakas pa ng loob nito na isumpa ang relasyon nila ng Angel niya.
Gamit ang mga koneksyon, napag-alaman niya na may nilalanding binata ang ginang. Nasa edad trenta pataas ang boyfriend nito sa ngayon. Sakto pa na nakakuha sila ng mga picture ng mga pagpasok ng ginang sa motel na kasama ang lalaki nito. Lahat ng ebidensya ay nakuha ni Kai sa loob lamang ng magdamag.
Kaya tulad ng pangako ni Kai kay Bella, sa araw na iyon ay babalik ito sa tirahan nito.
*****
(Pag-alala ni Kai sa naganap)
Nang umaga na iyon, tinawagan niya ang ginang habang natutulog pa si Bella.
"Ibalik mo ang susi sa girlfriend ko, ako ang lalaki na tinawag mong taga-iskwater." Pakilala ni Kai sa ginang. Nagulat ito dahil nalaman niya ang numero ng personal nitong telepono.
"At bakit ko gagawin?" Tila nais nitong makipagmatigasan sa kanya.
"Simple lang... because I know your secrets. You have a boyfriend recently at sigurado ako na hindi mo magugustuhan kapag lumabas ang balita na ito, tama?"
"You are just bluffing! I don't want to talk to you!" Hindi siya nito pinaniwalaan. Maingat ang ginang sa mga paglabas-labas nila ng boyfriend nito kaya bakit siya agad maniniwala. Isa pa, may magagawa ba ang isang taga-iskwater sa kanya?
Balewala na binabaan nito ng telepono si Kai.
Kaya ang ginawa ng binata, inutusan niya ang tao ni Zuki at nagpahatid siya ng hard copies ng mga kalokohan nito sa manager ng babae. Naka-atensyon pa rin naman ang brown envelope sa ginang na may lamang mga pictures at palitan nito ng mensahe sa lalaki nito.
Mas may trill nga lang kung ang makakatanggap ng envelope ay ang manager nito. Para maisip nito na hindi siya nagbibiro at seryoso siya na bawiin ang bahay na dapat ay kay Bella.
Nang hapon, matapos ang audition nila, hindi na nagulat si Kai nang makatanggap ng tawag sa babae at sinabi niya ang gusto niya dito.
"I want you to give that condo unit to Bella as a gift. I will pay the donation tax pero gusto ko na mapunta na ng tuluyan ang condo unit na iyon sa girlfriend ko."
"Nahihibang ka ba?!" Galit ito sa kabilang linya.
Umismid si Kai. "Hindi ako nahihibang. Sa ating dalawa ikaw ang nahihibang. I can buy Bella a bigger condo unit kahit ngayon, but I want that place for her.” sa pananaw ni Kai, karapatan ni Bella ang kung ano mang bagay ang ibinigay dito ng Daddy nito. Kaya binabawi niya lang kung ano ang pag-aari ng girlfriend niya.
"You? Will buy her a bigger condo? Huwag mo nga akong patawanin.” panghahamak nito. Naniniwala kasi ang ginang na walang lalaki na may sinasabi sa buhay ang magkakagusto kay Bella. Katulad lang si Bella ng Mommy niya.
"Oh! So, you really thought that I'm a boytoy?"
"Bakit? Hindi ba?"
"I respect your decision but try to search my name. Google has it. Anyway, meet us at a seafood restaurant near Blue City Tower at ibalik mo ng personal ang susi sa girlfriend ko. Bye!"
Bilang modelo at asawa ng aktor, may reputasyon na pinahahalagahan ang babae, kaya nanggigigil ito na pumayag sa gusto ni Kai.