CHAPTER 70 - Work hard for you

1636 Words
SUMUNOD si Kai sa floor kung nasaan ang Amenities. Natagpuan niya si Bella sa isang pool bed nakaupo. Naka ankle-crossed sit si Bella at nakapatong ang mga braso sa tuhod. Nakatingin lang ito sa galaw ng tubig sa swimming pool habang lumuluha. Parang tinatarak naman ang dibdib niya na makita ang babae sa ganoong ayos. Nilapitan niya ito at tinabihan. "Hey…" Naririnig niya ang mga paghikbi nito. Hindi naman alam ni Kai kung ano ang sasabihin. Hinagod niya na lang ang likuran ng nobya niya.  "Do you want me to call your Dad?" Matigas na umiling lang ito saka yumukyok. Patuloy lang sa paghagod si Kai sa likuran ni Bella. "Huwag ka nang umiyak." Gusto niyang manuntok ngayon na nakikita niya na hilam sa luha ang girlfriend niya. "Nakakahiya, nalaman mo pa tuloy na wala akong kwenta, wala na akong titirhan… Saan na ko pupulutin?" patuloy lang sa pag-iyak si Bella. "Huwag na huwag mong sasabihin na wala kang kwenta. Kung wala kang matitirhan, pahihiramin kita ng kumot at sabay tayo na matutulog sa kalye. Kung walang pupulot sa iyo, e'di sasamahan kita para sabay tayong pupulutin. Pwede tayong magpaampon kay Cally.” pagbibiro nito kay Bella. Lalo namang lumakas ang pag-iyak ng dalaga. "I'm sorry, I'm not good at joking." "I'm a mistress' child and alone…" reklamo nito sa buhay. "My Angel, It's not your fault if you became a mistress' child. At least, you are a good child." "I don't have a home now… I don't have a family." kagat-kagat nito ang labi at nasabi tuloy isa-isa ang problema. Pinaharap niya si Bella at pinunasan ang luha nito sa pisngi. "Don't worry, I will work hard for you. So, you can buy a bigger home someday. You can buy 5 condo units, one Villa surrounded with pink and white roses. What else do you want?" Nakatitig lang si Bella kay Kai habang nakakupkop ang mukha niya sa malapad na kamay nito. Pinupunasan nito ng magkabilang hinlalaki ang luha niya sa magkabilang pisngi.  Napakagat-labi siya dahil sa sinabi nito. Para kasing nagmumula sa puso ang mga kwento nito. It's sounds like it was his dream and not hers. He was the sweetest boyfriend indeed. Alam ni Kai kung paano pagagaanin ang loob niya. "Don't say that you don't have a family because you have me." Nakatitig ito sa kanya, sinusuri ng mabuti ang mga mata na para bang nananalamin ito doon. Nang sa palagay ng binata ay sapat na siya na titigan si Bella na sandaling tumigil sa pagluha, binigyan niya ito ng magaan na halik sa labi. Maya-maya, may kinuha si Kai sa malaking bag na bitbit nito. May kinuhang isang supot ng dark chocolate. "Pasalubong ko to sa'yo e hindi ko akalain na kailangan mo'ng kainin agad." binuksan ng binata ang supot ng dark chocolate kisses, kumuha ito ng isang piraso saka nito pinakain sa kanya. "I wanted to see kung gaano katotoo na sasaya ang tao kapag kumain ng Dark chocolate.” dagdag pa nito. Tahimik lang si Bella na sinunod si Kai. Sa palagay niya ay nakatulong ang binata sa nararamdaman niya. Paano na lang kung wala si Kai? "Okay ka na?" tanong nito matapos ang mahabang katahimikan. Mga tatlong piraso ng dark chocolate kisses ang pinakain nito sa kanya. "Hmmm." "Good!" nasisiyahan na sabi nito. Nagulat na lang siya ng binitbit siya nito at akmang tatalon sila sa swimming pool. "No! No! No! Ahhh!" Tili ni Bella. Napakapit siya sa leeg nito ng mahigpit saka napapikit. Bumalot agad ang lamig sa katawan niya dahil sa malamig na tubig ng pool. Todo ang kapit niya sa leeg at bewang ni Kai dahil maliit lang siya para sa five feet na taas ng pool. Hindi abot ng paa niya ang sahig at hindi siya marunong lumangoy.  Gayunpaman, she felt safe dahil buhat siya ng binata. "Remember my words, kung may mga bagay na hindi mo kayang gawin, tuturuan kita para gawin ang bagay na iyon. Kung may bagay na suko ka na, I will always be here para magpa-alala na kaya mo ang lahat." Nakangiting sabi ni Kai. Hindi niya akalain na magagamit niya ang pagiging leader niya bilang Dark Guard sa relasyon nila ni Bella. All he could do right now is to motivate her. Basa silang parehas nang makabalik sa palapag kung nasaan ang mga unit nila. Nakita ni Bella na nasa labas na ang mga gamit niya. Nalungkot siya sa sitwasyon. Malungkot siyang lumapit sa mga gamit. Pwede siyang magrenta ng apartment at maghanap ng part-time job. Tulad nga ng sabi sa kanya ni Kai, naniniwala ito na kaya niya ang problema na iyon. Naging pakunswelo na lang niya sa sarili ang isipin na mas maraming tao ang may mas mabigat na problema kaysa sa kanya. "Don't worry, my Angel. Promise ko sa iyo na babalik ka sa kwartong iyan, bukas,” sabi ni Kai. Saka siya nito tinulungan na ipasok muna ang mga gamit sa unit nito.   PINATULOY muna ni Kai si Bella sa tirahan niya dahil alam niya na mababawi ni Bella ang condo unit nito at kusang loob na ibibigay ng madrasta nito sa kanila ang susi. May inutusan na siyang Dark Guard para imbestigahan ang may edad na babae kahit nasa Japan pa ang mga ito. Nakisuyo din siya kay Cally na hiramin ang tauhan ni Zuki na si Hawk, kaya nagsisimula na rin itong maghanap ng pwede niyang ipang-blackmail sa madrasta ni Bella. "You can stay in this room. I'll sleep on the couch outside,” sabi ni Kai. "Y-you can stay here; I will be the one to sleep outside. Your couch is shorter than you. And. And uncomfortable,” sabi ni Bella. Nahihiya naman siya na siya na nga itong nang-abala, ipapagamit pa sa kanya ang kwarto nito. "It's okay. Ngayong gabi lang naman." "T-tabi na lang tayong dalawa,” sabi ni Bella na hindi-makatingin sa binata. Napalunok naman si Kai. Is she inviting him? Iwinaksi niya sa isip ang bagay na iyon dahil parehas pa silang bata at kapwa estudyante. "Wala ka namang gagawin sa'kin… di ba?" halos hindi makatingin ang dalaga at tila inosente ang tanong nito. Namula ang pisngi ni Kai. Hindi niya maipapangako, pero sinagot niya ito ng "Wala.” "Then, let's sleep together here." umusog si Bella sa gilid. Walang nagawa si Kai kung hindi ang tabihan ito. Pinatay niya ang ilaw na nakadagdag sa tensyon sa loob ng kwarto. "Bakit ka nga pala napauwi bigla?" usisa ni Bella para mawala ang tensyon nila ng binata. Sumimangot si Kai nang maalala na kailangan niyang maging trainee sa MGM. Pero mabuti na rin at tinanggap niya ang hamon ni Cally dahil naabutan niya si Bella na inaapi ito ng madrasta nito. "May trabaho kami ni Prin." sagot ni Kai "Pwede akong sumama?" Kai "..." Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kay Bella na hindi normal ang trabaho nila ng kaibigan nito. Pero naisip niya na kailangan rin ni Bella ng trabaho at magandang pagkakataon na isama nila ni Prin ang dalaga. "I'll ask Cally." simpleng sagot ni Kai.   KINABUKASAN nagkita-kita si Bella, Kai at Prin sa opisina ng MGM. Nagtaka si Prin kung bakit kasama ng binata si Bella. "Hello My Friend! I need a job kaya nagtanong ako kay Kai kung pwede rin akong mag-audition." nakangiting sabi ni Bella na mas maganda pa sa bukang liwayway. Nakangiti lang din ang binata sa tabi ni Bella. Alam ni Prin na masaya lang ang 'ugok' dahil kasama nito ang Angel nito, pero alam niyang sa loob-loob ni Kai ay nagrereklamo talaga ito dahil kailangan nila na mag-audition ng pagsayaw o pagkanta.  Dadaan sila sa normal na proseso ng pag-o-audition para hindi sila paghinalaan. Si Yolly Zamora na isang Trainer at Manager ng mga trainees ang kausap ni Cally.  Alam ni Yolly na spy si Prin at Kai. At asawa ni Cally ang babae kaya kailangan niyang magdoble ingat at alagaan ito ng mabuti. Unang beses niya na makita si Cally ay hindi niya akalain na bata pa ito. Gayunpaman, hindi rin lingid sa kanila na masyadong alaga ng Presidente si Prin lalo at nabigyan siya ng warning ni Xander. Nabigla pa nga siya nang malaman na may nagbebenta ng droga sa MGM Management. Bente singko ang lahat na mag-o-audition na gaganapin sa isang theater na matatagpuan sa gitnang bahagi ng MGM Buildings. Panghuli silang tatlo sa magp-perform. Isang Japanese piece ang sasayawin at kakantahin ni Prin na may title na 'Black Angel'. Si Bella ay kakanta ng Titibo-tibo. Anak siya ng isang celebrity kaya marunong at sanay siya sa ganoon. Samantalang si Kai ay sasayaw ng Always ni Cher. Wala siyang maisip na performance kun'di ang sayawin iyon. Nasa isip ni Kai at Prin na hindi naman nila kailangan talaga na galingan dahil makakapasok pa rin naman sila bilang bagong trainees. Naghanda pa rin sila ng mga nakalipas na araw kahit nang nasa Taiwan pa si Kai dahil hindi rin naman kaya ng sikmura nila na basta na lang makapasok. Kinakabahan si Prin dahil iyon ang unang beses na magp-perform siya sa stage. Napansin nila na may mga lumabas ng theater na luhaan at halatang hindi nakapasa. May mga pasado rin naman. Agaw-pansin silang tatlo nila Kai at Bella dahil hindi sila nagp-practice at tamang nagmamasid lang. Hindi katulad ng mga kasama nila na todo pa rin ang practice kahit naghihintay sa hallway. Ang dalawang magjowa na kasama ni Prin ay tila ginawang dating place ang audition at nagmukha pa siyang third-wheel ng mga ito. Sa wakas ay dumating na ang oras nilang tatlo. Naunang tinawag si Kai sa loob para mag-perform. "By the way, my friend. What is exactly going on?" usisa ni Bella. Nasa isip ng dalaga na hindi basta mag-o-audition si Kai at Prin bilang bagong trainee sa MGM. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD