CHAPTER 59 - A mistress' child

1501 Words
NAGPUMILIT pa rin ang Mommy ni Kai sa gusto nitong sabihin "Kai, you will stay at hindi ka na aalis pa. Bumalik ka na dito sa bahay. Mas maganda na pumasok ka na sa opisina at magsimulang mag-trabaho. Walang mangyayari sa iyo kung mananatili ka lang na Dark Guard at--" "Su-Wei!" putol dito ng isang matanda na sinusuportahan ng isang goldstick na tungkod. Nilingon ito ng mag-ina pati si Bella. Natahimik ang Mommy ni Kai. "Ngayon lang nakauwi ang anak mo at sinimulan mo na naman na ipilit ang gusto mo." matigas na sabi nito. Lumingon ito kay Bella. Napatuwid ng tayo si Bella dahil sa mga mapanuring tingin na ipinupukol sa kanya ng matanda. 'Gosh! Ganito ba talaga ang mga pamilya ni Kai?' Wala kasing ngumingiti sa kanya ni isa. "H-hello…" sinubukan niya rin na kumaway. "You must be Kai's friend,” sabi nito. Nakahinga ng maluwag si Bella na nagsalita ang matanda sa ingles. Nakahinga siya ng maluwag. "Yes, I'm a friend." "Come in! let's have a breakfast.” lumapit ito sa kanya at hinawakan siya nito sa braso para ayain na magtungo sa dining area. Lalong sumimangot ang Mommy ni Kai. Nilingon naman ni Bella si Kai para manghingi ng saklolo sa binata. Hindi man siya nakakaintindi ng salitang intsik ramdam ni Bella na ayaw sa kanya ng Mommy ng binata. Ang lolo naman nito ay mukhang mabait at pansin niya na ito ang may huling salita sa lahat. Pagdating sa Dining area napansin ni Bella ang isang magandang babae na nagts-tsaa sa mesa. Itim at diretso ang buhok na parang model ng shampoo sa ganda. Sa paraan lang ng paghigop nito ng tsaa, masasabi na aral din ang kilos nito. Halata na nagliwanag ang mukha nito nang makita si Kai na nakasunod sa kanila. "Second Brother!" napatayo pa ang babae at nataranta pero hindi ito pinansin ni Kai. Parang tulad lang din ng ibang mga babae sa school nila. Inalalayan siya ni Kai na makaupo sa dining chair na nasa tapat na silya ng magandang dalaga. "Mag-aalmusal lang kami at aalis papuntang Taichung. Since nakita niyo na ang kagwapuhan ko, magsisimula muna akong magbakasyon. Tutal naman ay isang buwan niyo akong makikita dito,” sabi ni Kai habang nilalagyan ng butter ang isang tinapay at nilagay sa plato ni Bella. "Honey, dalawang taon tayong hindi nagkita tapos aalis ka na?" nalungkot ang Mommy niya. "Mom, as you can see, mayroon akong bisita,” paliwanag ni Kai. Sumimangot ang ginang nang mabanggit siya. Ramdam ni Bella ang tensyon sa hapag. Masama ang tingin ng babae sa kanya sa tapat at halos hindi niya malunok ang pagkain. Nilapit niya ang mukha kay Kai at bumulong. "Hey, mukhang hindi ako gusto ng pamilya mo.” nag-aalalang sabi ni Bella dito. Nilingon siya ng binata. "Huh? Of course not! Masama lang ang loob ng Mommy ko dahil wala ka kasing dalang regalo." "Ganun? Sabi ko na nga ba dapat talaga dumaan tayo sa bakeshop para magdala kahit na cake." Napangiti si Kai. 'What a sweet little child?!' samantalang, ang Mommy niya halos ayaw patuluyin si Bella sa bahay na iyon. Isang palo sa mesa ang gumising sa kanilang dalawa. Galit na galit ang Mommy niya dahil sa sweetness nilang dalawa kahit naroon sila sa hapag at nag-aalala ito kay Lingling na nasa tapat at parang maiiyak. Diretso itong tumingin kay Bella. "I will never accept a mistress' child." mabigat na sabi. "I'm. full!" mabigat ang mga katagang sabi nito saka tumayo at umalis sa hapag. Natigilan si Bella at nakagat ang ibabang labi. Alam sa bahay ng binata ang background niya. Para siyang maiiyak at gusto na niyang bumalik na sa Pilipinas. Sapol na sapol ng Mommy ni Kai ang emosyon niya. Sino nga ba ang magkakagusto sa isang tulad niya na anak sa labas? Anak ng bastardo. Napakuyom ang kamao ni Kai dahil napansin nito na parang napahiya si Bella. "Yeye, aalis na kami." paalam nito sa matanda. "Bumalik kayong dalawa." sagot ng lolo ni Kai. "Iha, don't mind her. Enjoy your vacation." sa unang pagkakataon ay ngumiti ang matanda kay Bella. But that damage has been done. Masama na ang loob niya.   DALA ni Bella ang sama ng loob hanggang sa sasakyan ni Kai. Tahimik lang siya na nakaupo habang nagmamaneho ang binata. Nagpapakiramdaman lang sila nito sa loob ng sasakyan. May isang oras yata silang nag-byahe hanggang sa huminto ang sasakyan nito sa isang maaliwalas na lugar. Humarap si Kai sa kanya. "I'm sorry… huwag mong alalahanin ang Mommy ko. She will accept you sooner." Natigilan si Bella. Paanong nagagawa ni Kai na isipin na ayos lang ang lahat? Ramdam niya sa mga binitawan na salita ng may-edad na babae na hindi siya nito magugustuhan kahit kailan.  Inakay siya nito palabas ng sasakyan. Napansin niya na madami ang turista na nagrereklamo kung bakit 'closed' ang lugar. Nagtataka lang siya na sumunod kay Kai. "Nasaan tayo? Ahmm… Closed pa yata 'to,” sabi ni Bella. Pero tuluy-tuloy lang ang binata papasok sa loob at kung sinu-sino ang bumati dito. Halata ang pag-galang ng mga nakakasalubong nila kay Kai. Agaw-pansin silang dalawa, lalo na ng mga turista dahil tanging silang dalawa lang ang pinapasok sa loob. "Are you ready?" tanong ng binata. "What… do you mean?" Hindi ito sumagot. Hinawakan lang ni Kai ng mahigpit ang kamay niya at tumuloy sila sa loob. Napasinghap siya sa magandang tanawin. May ilang libong klase ng bulaklak ang nasa paligid. Parang tinanggal ng tanawin ang lumbay na namuo sa puso niya ilang oras lang ang nakalipas. They walked slowly habang mahigpit na nakahawak ang kamay sa isa't isa. Talagang ninanamnam nila ang ganda ng tanawin sa lugar. Huminto sila sa gitna ng mga tanim na sunflower. Hinarap siya ni Kai. Nang-aakit ang mga mata nito na nakatitig sa kanya dahilan para ma-conscious siya. Walang salita na lumalabas sa bibig niya pero nag-uusap ang mga mata nila ng binata. Nasa ganoon silang posisyon nang may mga nagsipagliparan na daan daan na paru-paro na nagmula sa kung saan. Napasinghap si Bella at lumitaw ang saya sa mukha niya. Sa palagay niya ang tanawin na iyon ang pinakamaganda sa lahat ng nakita niya sa buong buhay niya. "Are you happy?" tanong ni Kai. Pinahanda niya ang lahat ng iyon sa lugar kahit ang daan-daan na paru-paro. He wants to give the best for Bella. Hindi niya akalain na may kapalit din na saya sa parte niya na makita na masaya ang dalaga. Tumango si Bella. Ganoon kabilis na nabago nito ang mood niya. Mula sa sobrang lungkot napalitan ng saya ang kalooban niya. Biglang sumeryoso ang binata. "Bella, hindi ko pa naranasan na manligaw. Hindi ko rin naranasan pa ang maging mabuting boyfriend sa kahit na kanino. I mean, hindi pa ko naging boyfriend ng kahit na sino." Pansin ni Bella na namula ang mukha nito. "If you are willing… I want you to be my first ever girlfriend. 'yung totoong girlfriend,” sabi nito na hindi makatingin sa kanya. Namula ang pisngi ni Bella at pigil na pigil ang kilig. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilin ang sarili. "I almost thought na tatanda ako na mananatiling bato sa lahat. Hindi ko alam kung paano maging sweet dahil nabubuhay ako sa seryosong pamilya at halos pulos pagsasanay lang ang alam ko. Akala ko, masaya na ako sa buhay na ganoon. But, I never thought that I would feel something special for you." Mas dumoble ang pagkapula ng pisngi nila parehas. Lumapit pa lalo si Kai sa kanya at mas nilapit ang mukha nito. "I like you so much, my Angel." halos hindi masabi ng binata. Natulala lang si Bella. Dahil doon binigyan siya ng lalaki ng smack sa labi. Nanlaki ang mata ni Bella. Inikot niya ang paningin sa paligid dahil nakakahiya na mag-PDA sa lugar. Pero wala siyang makita ni isang anino at tanging libo-libong bulaklak lang ang nakikita niya sa paligid. "Ahmm.. Wait lang!" tumalikod si Bella. "eeeehhhh!!!!" pigil na pigil na parang gusto niyang maglupasay sa kilig. Unang beses na may magpropose sa kanya sa napakagandang lugar. Sinong hindi kikiligin doon? Natatawa naman si Kai sa inakto niya. Dahil naririnig siya nito. "*cough*" si Kai na ang umubo, hindi tulad ng mga nakaraan. Humarap si Bella sa binata na nananatiling seryoso ang mukha. Hinila siya nito dahilan para mayakap siya ni Kai sa unang pagkakataon. "Kailangan nating sundin si Prin, we must share a kiss in a beautiful scenery." hindi pa siya sumasagot nang ibaba nito ang mukha sa kanya at ilapat ang labi nito. Parang nagkaroon ng invisible na fireworks sa paligid. kumakabog ng sobra ang dibdib ni Bella at ganoon din ang binata. Parang dinala sa kawalan ang pagkatao niya. They are literally kissing in a field of flowers. parang tinalo ni Kai ang mga halik na naranasan niya sa mga ex-boyfriend niya. His kiss is the sweetest kiss on earth. "I like you too, Kai Jeon Jang,” bulong niya sa binata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD