CHAPTER 58 - Can't wait, My Angel

1469 Words
BITBIT ni Kai ang lahat ng gamit ni Bella. Hindi niya alam kung dinala ba nito ang lahat ng gamit sa buong unit nito. Isang malaking luggage at dalawang bag ang dala nito papuntang Taiwan. "Bella, bakit parang madami yata itong dala mo?" "Madami ba iyan? Kulang pa nga yan for my 5 days trip.” halatang excited na sabi nito. Nabigla si Kai. Sa dami at bigat ng tatlong bag, kulang pa? Hindi niya naintindihan ang rules ng kababaihan. Napabuntong hininga na lang siya at nagtiyaga na bitbitin ang lahat ng iyon. Alas dos na ng madaling araw sa lugar. Isang itim at makintab na kotse ang sumundo kay Kai at Bella sa airport. Walang tatak ang sasakyan o kung ano man. Inisip ni Bella na ordinaryo lang iyon. Walang ideya si Bella sa background ni Kai. Ang alam lang niya ay simpleng kasama ni Prin ang binata sa isang samahan na naka-base sa Japan. Bukod pa sa isa itong Korean-Taiwanese. At ang pamilya ng binata ay nakabase doon sa Taiwan. "Second Young Master!" bati ng chauffeur sa salitang chinese. Palagay ni Bella ay ilang taon lang ang tanda ng edad nito kay Kai. Hindi naman naiintindihan ni Bella ang sinabi nito. Nakangiti lang siya dahil baka ma-offend ang binata sa kanya. Wala siyang ideya kung kamag-anak o kung kaanu-ano ni Kai ang lalaking sumalubong sa kanila. Para hindi siya mapahiya, ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. Nagpalitan ng salita si Kai at ang chauffeur nito sa salitang chinese. "Pahatid kami sa Royal Hotel,” utos ng binata habang nilalagay sa likod ng sasakyan nito ang mga bagahe na dala. Tumulong ang lalaki "Second Young Master, hinihintay po kayo ni Master Chen." "Masyado pang malalim ang gabi. Ayokong putulin ang pahinga ng matanda. Bukas ng umaga kami pupunta ng girlfriend ko sa Villa." Lumingon ito kay Bella na pinipilit ang ngumiti. Hindi niya kasi alam kung sino ang kaharap at kausap ni Kai. Wala siyang naintindihan sa palitan ng usapan ng mga ito. Matapos siya nitong mapag-aralan, basta na lang sumakay ang lalaki sa Driver's seat. "Hey, w-what did you guys talked about?" usisa niya. Parang ang suplado kasi ni Kuya na Driver. "Nothing, he just said that you are pretty.” nakangiting sagot ni Kai. Agad na namula ang pisngi niya pero hindi maiwasan na magduda. "Are you sure?" "Trust me. Are you not pretty? Com'on." hinila na siya nito at pinasakay sa likuran na pwesto ng kotse. "Hey, does your family knew how to speak english?" bulong niya kay Kai habang nakatingin sa driver ng kotse. Nilingon siya na Kai at bahagyang namula ang pisngi ng binata dahil sobrang lapit niya dito. Inangat ni Bella ang paningin at doon niya lang napansin na malapit ang mukha nito sa kanya. Agad siyang lumayo. "*cough* m-maganda ang lugar," Pag-iiwas niya. "It's dark outside. How did you know?" Hindi siya makahanap ng isasagot. 'Shet! Oo nga, it's dark outside' "I just feel that… it's beautiful outside, bakit ba?" "Okay… I will bring you to a lot of beautiful places. Your five days would be very exciting." Alam ni Bella na nakikiramdam lang at nakikinig ang binatang nagd-drive sa unahan. Hindi naman siya makapagtanong kung sino ang taong iyon sa buhay ni Kai.   KINABUKASAN, nagkita sila ng binata sa lobby na ng hotel. Papunta na sila sa restaurant para mag-agahan nang lapitan sila ng lalaking nakita ni Bella ng nagdaang araw. "Second Young Master,” bati nito. Bumuntong-hininga lang muli si Kai. "Ang aga mo namang manggulo," reklamo niya. Halata ang disgusto niya na makita muli ang chauffeur. "Second Young Master, Malalagot ako kay Master Chen kapag hindi ko kayo nasama pabalik, kaya nakiki-usap po ako na sumama na kayo,” sabi ng binata na halata na ang pagkahabag at tensyon sa mukha nito. Si Bella sa tabi ay pilit pa rin na nakangiti kahit pa wala siyang naintindihan sa palitan ng usapan ng mga ito kung hindi… 'Sheng wo shudinge, shing wo bu hu, shu shu mu ai shak tu lang.. Ai Ewan!' Pakiramdam niya ay mas nakaka-nose bleed ang salita ng mga ito kaysa sa english. Tingin niya ay malapit niya nang hingin ang tulong ng red cross para masalinan siya ng dugo. Simula kasi ng dumating sila ay puro salitang intsik ang nadidig niya. "Second Young Master, nasa Villa rin po ang Madam para makita kayo." Bumagsak ang balikat ni Kai. At kinakabahan na napatingin sa nakangiti ng pilit na si Bella. "Fine! Tutal ay hindi pa kami nag-aagahan." sa wakas ay nasabi ni Kai. Saka sumunod sa chauffeur sa sasakyan. Sa totoo lang, kinakabahan siya na malaman na nasa Villa nila ang Mommy niya dahil siguradong tututol ito kay Bella at baka may masabi ito sa dalaga. Kahit pa, hindi pa siya nagsisimula na gawing opisyal ang relasyon nilang dalawa. Plano niyang gawin ang bagay na iyon sa araw na iyon kaya pinilit niya itong isinama sa bansa. 'I can't wait, My angel…'   NAKATINGIN lang si Bella sa labas ng bintana sa loob ng itim na kotse. Inaaliw niya ang sarili habang byahe . Hindi maiwasan na kabahan siya dahil papunta daw sila ni Kai sa bahay ng pamilya nito. "Kai, w-wala akong dala for your family,” bulong niya sa binata. Nakakahiya na bibisita siya na wala man lang bitbit na kahit na cake o prutas. "No worries." Madaming pumapasok sa isip ni Bella tulad na lang ng magugustuhan kaya siya ng pamilya ni Kai? Ok ba ang suot niya bilang bisita ng lalaki? Maliit lang ba ang pamilya ni Kai? at kung ano pa. Napansin na lang niya na binuksan ang isang napakalaking gate matapos magpot-pot ng binatang driver. Mas dumoble ang kaba ni Bella. Tapos ay dumaan ang sasakyan sa paikot na kalye paakyat ng burol. May malalaking puno na nakahilera sa magkabilang gilid hanggang sa huminto iyon sa pinakatuktok. Kinakabahan si Bella lalo na nang huminto ang sinasakyan sa napakalaking bahay. Tila isa iyong mansyon. Napa-nganga siya ng bahagya ng lumabas sa sinasakyan. 'I-ito ang bahay nila Kai?' Inakay siya ni Kai sa pagpasok sa malaking bahay. Hindi pa nga siya nakaka-move on sa labas, may pasabog na agad na surpresa sa loob. Mas maganda kasi ang mga kagamitan sa loob ng malaking villa at alam ni Bella na hindi basta-basta ang mga presyo ng mga iyon. "Second Young Master!" bati ng dalawang maid na may hawak na maliit na bowl. Nagtataka si Bella kung para saan ang tubig na laman na tila inaabot sa kanya ng chinese na naka-maid's uniform. Inisip niya na baka welcome drinks iyon. Iinumin na sana niya ang laman nang kunin iyon ni Kai at binalik sa maid. Kinuha ng binata ang kamay niya at ikinawkaw doon sa tubig. Pulang pula ang mukha ni Bella sa kahihiyan. "Is this your home?" "Sa lolo at lola ko." simpleng sagot nito. Hindi akalain ni Bella na ganito kayaman ang pamilya ng lalaki. Naalala niya pa na nagpalibre ng sine sa kanya ang binata kaya hindi niya naisip na may kaya sa buhay ang pamilya nito. No, hindi lang basta may kaya. Mayaman talaga ang pamilya ni Kai. Isang may-edad na babae na naka suot pa ng cheongsam ang bumungad sa kanila. Mala-kutis porselana ang balat nito, maganda at halata ang aral sa mga pagkilos. Wala man lang ni katiting na ngiti sa mga labi na parang aristokrata. "Mom!" bati ni Kai. Lumapit ang binata sa ginang at binigyan ito ng halik at yakap. Hindi nito tinatanggal ang paningin kay Bella kaya lalo siyang na-conscious sa mga titig nito. "Bella, she's my Mom,” sabi ni Kai sa kanya. "H-hello po,” sabi niya kasabay ng pagkaway. Napangiwi siya dahil inirapan siya nito at hinarap si Kai. Nag-usap na naman ang mga kaharap niya sa chinese kaya wala siyang naintindihan. "Honey, how are you? Lingling is here at hinihintay ka sa dining area. Sinabi niya na hindi siya kakain kung hindi ka kasabay." "Lingling? Who is that?" Pinilit ng ginang na ngumiti. "Lingling, your future wife." diretsahang sabi nito. Katulad ng inaasahan ni Kai ang bubungad sa kanya mula sa Mommy niya, kaya tinapat niya na agad ito. "Sorry Mom but I will never accept the girl you chose for me,” sabi ni Kai. "As you can see, I have a girlfriend now." dagdag pa ng binata. Tiningnan siya ng ginang mula ulo hanggang paa. "I investigated her and I don't like her.” mukhang ayaw din nito na magpatalo. "Well, you liking her is your problem. And me, loving her is another story. Kung ganito lang ang magiging usapan natin maghapon might as well na umalis na lang kami." Nakangiwi na si Bella dahil wala siyang naiintindihan sa palitan ng salita ng mga ito. Pero ramdam niya ang tensyon at halata ang pagtatalo ng mag-ina.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD