CHAPTER 57 - Punishment

1752 Words
SUMUNOD lang si Prin kay Cally hanggang sa makasakay ng private plane nito. Ikalawang beses niyang makakasakay sa eroplano ng asawa niya. Ang unang beses ay noong bagong kasal silang dalawa na pabalik ng Pilipinas mula UK. "Husbie…" tawag niyang muli kay Cally. "Sit!" utos nito. Halatang mainit pa ang ulo nito. Nakanguso siya na sumunod. Nanlilimahid pa ang pakiramdam niya dahil hindi na niya nagawang magshower matapos maglaro.  Basta na lang siya sumunod kay Cally nang makita niya ito na parang anak ng apoy dahil sa galit. Sumunod siya kahit pa puro buhangin ang katawan niya. "Honey…" tawag niya. "Honey, I need to take a shower.” parang maiiyak na pakiusap niya. Hinarap siya nito sa unang pagkakataon. "You don't have a right to make any kind of request." Pagtatapat nito. Natameme si Prin. Halata kahit sa boses ni Cally na galit talaga ito. Hindi niya alam kung paano susuyuin ang asawa niya dahil mukhang hindi ito madadaan sa pagpapa-cute niya. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. Nagpasalamat pa rin naman siya at nagawa siyang bigyan ng pagkain. Tahimik lang si Cally habang sumusubo ng pagkain. Siya naman ang nakaramdam ng inis kaya nangigigil ang paraan ng paghiwa niya sa steak na kakainin. Kinuha ni Cally ang plato niya at ito ang naghiwa ng steak sa maliliit na cut bago binalik sa kanya ang plato. Kahit pa natuwa siya sa simpleng gesture na iyon, naiinis pa rin siya. Matapos niyang maubos ang kinain, tumingin lang siya sa labas ng bintana na halos puro ulap ang nakikita. Nang mapagod ang mata o mas tamang sabihin na na-boring siya ay nahiga siya sa nag-iisang kama at nakatulog. Nagising lang siya na nakayakap sa kanya si Cally. Hmp! Nagagawa pa siyang yakapin samantalang pinarurusahan pa siya nito. 'Hindi tayo bati!' isip-isip niya habang nakatingin sa nakapikit na si Cally. Gusto niyang ahitin ang kilay nito sa mga oras na iyon dahil binibigyan siya ng cold shoulder. Matapos matitigan ang mukha nito, wala siyang nagawa kung hindi ang gantihan ang yakap ni Cally. Ganoon yata talaga ang buhay, nakakalimutan niya ang lahat makita lang ang mukha ng asawa. Nagtataka lang siya dahil parang napakahaba yata ng biyahe nila. Saan sila papunta ni Cally? Siniksik na lang niya ang sarili kay Cally saka natulog muli. Nagising muli si Prin na nakatigil ang eroplano sa isang ma-snow na lugar. Inikot niya ang paningin para hanapin si Cally at natagpuan niya ang asawa na nagtatrabaho na sa lazyboi at nasa ibabaw ang laptop nito. Sinimulan niya muli itong kausapin. "Husbie… I'm sorry na kung ano man ang kasalanan ko." parang maamong-tupa na sabi niya dito. "So, hindi mo alam ang kasalanan mo?" sabi nito habang patuloy na nasa screen ang mga paningin. Ni hindi man lang siya tapunan ng tingin. Napakagat-labi siya. Nilapitan sila ng co-pilot. "Master, may gusto ba kayong kainin o request bago tayo lumipad patungong Ilulissat?" tanong nito. "Honey, do you have a request?" malambing na sabi nito. "ah--" "She doesn't have a request. Thanks!" Prin "...." Nalukot ang ilong ni Prin sa inaakto ni Cally. "May request ako. Gusto kong bumaba at maligo!" pilit niya. Napilitan si Cally na iangat ang paningin sa kanya. "Dadalhin kita sa Ilulissat at doon ka pwedeng maligo,” sabi nito. "Ilulissat?" ulit niya. Where the hell is it? "Okay lang na hindi ako maligo basta hindi mo 'ko pwedeng yakapin!" mataray na sabi niya sa lalaki saka ito inirapan. Nakanguso na humiga muli siya. Papayag ba siya na maamoy nito ngayon na mabaho siya? Ang suot ni Prin ay tanging trench coat at ang suot niya ng match. Nangangarap siya na maligo samantalang hindi nga siya sigurado kung may pamalit siyang damit. Ilang oras pa silang nagbyahe sa ere at sa totoo lang ay sumasakit na ang puwit niya kauupo at kahihiga sa kama nang sa wakas ay magdeclare ang Piloto na naroon na sila sa destinayon. Puro yelo ang nasa paligid at alam niya na nasa malamig na parte sila ng planet earth. Kinumpiska ni Cally ang mga gamit niya kaya wala tuloy siyang paraan para macheck ang lugar kung nasaan sila. "Are you ready?" seryosong tanong ni Cally. "Where are we?" "Ilulissat.” Nakakunot-noo siya at hindi alam kung saan ang lugar na iyon. "...Greenland," dugtong nito. Nanlaki ang mata ni Prin. Bigla siyang natuwa. Unang beses niya kasi na makapunta ng Greenland kahit hindi niya alam kung saan parte ng mundo iyon. It sounds good to her ears at alam niyang maganda ang lugar. Inilapit niya pa ang sarili sa braso ni Cally sa sobrang katuwaan. Inangat lang nito ang gilid ng labi ng lihim. Pagbaba nila ng eroplano, nanuot agad ang lamig sa buong katawan ni Prin. Inalalayan siya nito na makasakay sa naghihintay na itim na kotse. She was excited kahit pa hindi niya alam kung saan sila patungo. Alam niya na maraming trabaho si Cally sa Maynila kaya paano nito naisip na magbakasyon. Maisip lang na makakasama niya ng ilang araw si Cally ay sobra-sobra na ang tuwa niya. Nakadagdag pa sa tuwa niya ang maisip na hindi talaga siya matitiis ng lalaki at nagawa pa siya nito na dalhin sa Greenland. Abot hanggang tenga ang pagkakangiti ni Prin hanggang sa huminto muli ang itim na kotse malapit sa karagatan. She was excited dahil mukhang mags-sail sila sa dagat.   "BRRR… BRRR.. H-h-hus.. bie.. I.. I'm cold..." Nangangatog ang katawan ni Prin na yakap-yakap ang sarili at nakikiusap ang paningin niya kay Cally. Nagbago na ang isip niya na hindi siya kayang tiisin ni Cally. Maling-mali ang nasa isip niya dahil kayang kaya siya nitong parusahan. May apat na minuto pa lang ang nakalipas nang magulat siya nang tanggalin nito ang suot niyang trench coat. Ginamit nito ang pogi looks para maihubad sa kanya ang suot ng hindi siya makakapalag. Hindi niya akalain na tototohanin nito na parusahan siya na mag-bikini sa Arctic ocean. Kitang-kita niya pa ang mga iceberg sa paligid. Nagh-hello ang mga ito sa Master Cally nila na pinuno ng mga Yelo. Ganoon kabilis siya nitong pinarusahan. Hindi man lang siya nakapagpalit ng suot suot na bikini.  Nakangiti lang si Cally habang hawak ang manibela ng bangkang gamit-gamit nila. Silang dalawa lang ang laman ng bangka na mukhang inarkila ng lalaki o kaya naman ay binili nito. Ayaw nang isipin pa ni Prin kung alin sa dalawa dahil mas gusto niyang hanapin ang trench coat na hindi niya alam kung saan tinago ni Cally. Zero degrees ang lamig sa lugar o kaya naman ay mas mababa pa at idagdag pa ang hangin na yumayakap kay Prin kaya pakiramdam niya ay ipinasok siya sa freezer. Hindi na niya maramdaman kahit ang sariling kamay at paa. Pakiramdam niya ay isa siyang karne na maninigas ano mang oras. Alam ni Cally na kayang-kaya ni Prin ang parusa niya dahil nagawa nito noon na maligo sa ilalim ng falls ng madaling araw na may lamig na 5 degrees noong panahon ng training nito. Isang oras na nanatili ang lahat ng Dark Guard sa ilalim ng falls na halos maging yelo na ang buong pagkatao nila. Iniiwasan niyang tumingin sa katawan ng asawa na parang nag-aaya na kainin niya ito ng buhay. She was so sexy in that small pieces of clothing. Nakadagdag din iyon sa init ng ulo niya dahil ilang oras na tiningnan ng mga kalalakihan ang katawan nito sa ganoong kasuotan. The picture he saw is understated. Mas nakakauhaw ang katawan nito sa personal kaya mas lalo siyang nag-aapoy sa inis. Naiiyak na si Prin. "H-h-husbie, m...mamatay na ako sa lamig… brrrr… brr.." "Honey, konting kapit na lang at nasa destinasyon na tayo." malambing pa rin na sabi. Wala namang plano si Cally na patagalin ang asawa niya sa lamig. Gusto niya lang talaga na turuan ito ng leksyon. Kailangan niyang putulin ang namumuong sungay ni Prin. "H-hindi na ako uulit, p-promise!!!" nagkakakawag na si Prin para makakilos kahit papaano ang mga laman niya sa lamig. Punong-puno ng pakiusap ang mata ni Prin pero tila walang epekto kay Cally ang lahat. Wala siyang magawa kung hindi ang pumikit at isipin na nasa Pilipinas siya na mataas ang araw. 'Mind over matter...' 'Mind over matter…' sabi niya sa sarili. Kailangan niyang mag-meditate at paganahin ang utak na kaya niya ang lamig kahit nakabikini lang. Matapos lang ang sampung minuto, naramdaman niya na lang na sinuot sa kanya ni Cally ang suot-suot nitong makapal na jacket. Daig pa niya ang dinala sa kalangitan nang balutin siya nito ng suot na jacket. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya pero kulang pa din. Nagyeyelo na ang binti niya. Nangangatog siya ng sobra. Binuhat siya nito at bumaba sila ng bangka. Noon niya lang napansin na nasa land area na pala sila. Buhat-buhat lang siya nito hanggang sa pumasok sila sa nag-iisang log house na may maroon na pintura. Agaw pansin ang bahay dahil nasa gitna ito ng mayelong lugar. Inupo siya nito sa malapad at malambot na sofa saka nito binuksan ang chimney. 'Hallelujah!' Maya-maya, nagagawa niya nang sumimangot sa lalaki na tila walang pakialam kung magrereklamo siya. May kinuha itong isang makapal na fleece sa isang cabinet at ibinalot sa katawan niya. Sa wakas ay naka-bawi ang katawan ni Prin mula sa sobrang lamig. Matalim ang tingin na pinukol niya dito na sinalubong naman nito. "Yes Honey? What is it?" tila nang-aasar pa na tanong nito. "I want a divorce!" Nagtaas ang kilay ni Cally. "Oh really? Kanina lang ay nakikiusap ka at sabi mo na hindi ka na uulit. Why the sudden change of heart?" Inirapan niya ito. Nilapit niya ang sarili niya sa chimney para mas mainitan pa ang katawan. "I hate you! You don't love me anymore,” sabi niya. Hindi siya nito pinansin. "Binantaan na kita na dadalhin kita sa Arctic Ocean kapag nangulit ka na maglaro ng Beach Volleyball. Magpasalamat ka at hindi kita dinala sa norte kung saan makakasama mong naka bikini ang mga penguin." At talaga naman na kailangan pa siyang magpasalamat? Maya-maya, lumapit sa kanya si Cally at niyakap siya nito mula sa likuran. "Lumayo ka sa akin dahil mabaho ako." Inamoy-amoy nito ang leeg niya. "Wala akong naamoy na mabaho. Saka kahit mabaho ka pa ay a-amoyin pa rin kita. I have to accept my wife kahit amoy-penguin pa siya.” Aminado naman siya na nakatulong si Cally para mas lalo siyang mainitan kaya hinayaan niya na lang ito na yakapin siya ng mahigpit. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD