CHAPTER 56 - Biggest Fan

2036 Words
NAGSIMULA na ang ikalawang-set ng laban.  Naiinis si Kai sa pagmumukha ng lalaking Carter ang pangalan. Hindi niya agad naintindihan ang mensahe nito nang higpitan nito ang kamay niya. Iyon pala, may nais ipamukha ang lalaki sa kanya.  Akala siguro nito ay madadaan siya sa mga galawan nito na simple.  Si Kai ang nag-serve ng bola. Pinalo niya ito ng malakas diretso sa pagmumukha ni Carter. Hindi naman nagpatalo ang lalaki. Natuwa pa nga ito sa reaksyon ni Kai. Iyon din naman talaga ang plano nito ang inisin talaga siya para mawala siya sa focus ng laro.  Sinalubong ng braso nito ang bola at alerto ang kasama nito na pinasa ang bola saka umatake ng spike.  "Block, Kai, Block!" sigaw ni Prin. Ginawa naman ng lalaki.  Bumalik ang bola at nasalo muli ng kalaban. Isang spike muli ang pinatira nito at nasalo ng braso ni Prin. Pinasa, nag-serve at umatake ng spike si Kai. Sumobra naman ang tira niya at lumagpas sa court. Puntos sa kalaban. "Ahhhh!!!" hiyawan sa paligid.  Prin "...."  Mukhang manalo o matalo madami pa ring fans ang leader niya. Ang mahalaga sa mga ito ay ang pagkilos ni Kai.  Maganda ang ngisi ni Carter kay Kai. Katulad ng laban nila sa Green Lanterns kaya seryoso ang lahat ng nanonood. Masasabi ni Prin, na nabigyan sila ng patas na laban. At iyon ang gustong-gusto niya. Mas ginanahan siya sa paglalaro.  Tuwang-tuwa naman ang mga nanonood sa halos hubad na katawan niya habang kumikilos sa gitna ng court. Sumisilip na kasi ang puwitan niya sa bikini na suot.  Nagpatuloy ang laban. Nagpalitan ng serve, pass, set, spiking at blocking ang dalawang team.  Pati tilian ng mga nanonood ay umiikot sa buong court.  Pare-parehas na magaling ang mga players at halata na gusto talaga na manalo. Nag-aapoy na ang mata ni Kai at halata na gusto nang tapusin ang laban.  Pigil ang hininga ng lahat dahil isang puntos na lang ang parehas na team, malalaman na ang magwawagi sa ikalawang set.  Tinira ni Carter ang bola mula sa kabilang net.  "Go go go Leader! Tapusin na natin ito" sigaw ni Prin para wala ng ikatlo pang set.  Sinalubong ni Kai ang bola. Napasa kay Prin. Nagserve si Kai at saka siya nagpakawala ng isang atake. Na-block ng kalaban pero nahabol muli ni Kai. Nagserve na naman ang binata para makatira muli siya ng masarap ng Spike.  "Heto'ng sa inyo!" hiyaw niya kasabay ng muling pag-atake.  Ang maganda sa tandem ni Prin at Kai, mayroon silang pagkakaunawan at koneksyon sa gagawin kahit hindi sila nag-uusap.  Na-block ng kalaban pero tumalsik sa kamay nito. Napalayo ang bola mula sa kamay ni Carter pero nahabol ng isa sa halos kaduluhan na ng court. Nasalo ng braso nito ang bola pero alanganin na kay Carter. Mukhang nawala rin sa sarili si ate at tinira muli ang bola. Foul!  At dahilan para manalo si Prin at Kai.  "Ahhhhh!!!!" tilian ng mga ka-eskwela nila.  Masaya si Prin at ganoon din si Kai. Nagtatalon siya sa tuwa. Tinakbo sila ng mga kasama sa Volleyball at nag-group hug kasama ng assistant ng Dean.  Tinawag niya si Bella na naiwan na nakaupo. Tumakbo ito sa gawi nila at sumali sa group hug.  "I told you My angel, I will definitely win" sabi ni Kai. Masaya ang ngiti ni Bella. Hindi na nga napapansin ng dalawa na tanging silang dalawa na lang ang magkayakap.  Galit naman ang grupo ni Carter. Lalo at nakatingin ito sa gawi ni Bella at Kai na nagyayakapan. Si Prin naman ay kinikilig sa tabi. Panay ang talon niya dahil sa saya. Nagawa niya pang damputin ang bola na nasa lapag at nagtata-talon na parang bata.  Nag-iikot siya at nagtata-talon ng mahagip ng mata niya ang naka-polong lalaki sa kabilang dulo ng court. Nakahalukip-kip ito at nag-aapoy ang mata sa galit.  Nanlaki ang mata ni Prin at nabitawan niya ang bola na makita si Cally.  "Shiiit! I'm dead!"  Narinig siya ni Kai at napalingon ito sa gawi ng tinitingnan niya. Napalunok pati ang binata.  "Sh*t! I told you! Labas ako dito!" paghuhugas-kamay nito. WALANG nagawa si Prin nang abutan siya ni Cally ng isang trench coat. Mabilis ang mga hakbang nito na halos iwan siya pabalik ng sasakyan.  "Got to go guys!" paalam niya sa mga kasama at mabilis na sumunod kay Cally.  "Husbie…" habol niya. Naabutan niya na ito sa sasakyan. Umupo ito sa likod.  Binati niya si Xander na nakaupo sa driver seat na nakangiwi. Saka siya maayos na umupo sa likuran.  "Husbie…" Sinubukan niyang suyuin ito pero parang may maitim na usok ang nakapaligid sa asawa niya.  "H-honey, sweetheart, my loves so sweet…" nakangiwi na sabi niya. Pero wa-epek sa lalaki.  Natahimik na siya. Sinesenyasan siya ni Xander sa unahan na 'wag Miss Prin'. Panay ang iling nito ng lihim, nagsesenyasan silang dalawa dahilan para manahimik na lang siya.  Kinuha na lang niya ang cellphone. Nakita niya ang selfie ni Bella at Kai. Namumula pa ang mukha ng kaibigan niya sa larawan.  Narinig niya na may tinawagan si Cally sa tabi.  "Suspended si MB5, please send him to his family ng isang buwan." utos nito sa kabilang linya na sa tingin ni Prin ay si Lorenz, bilang ito ang pinuno ng Dark Guards. Nabigla na lang si Prin nang huminto ang sinasakyan sa Airport at nagtataka na sumunod kay Cally.  TAHIMIK at sabay na naglalakad si Bella at Kai papuntang sasakyan ng binata. Katatapos lang ng match. Inaasahan na nila na susunduin talaga ni Cally si Prin kaya dalawa sila ni Bella ang naiwan. Nakatingin si Kai sa kamay ni Bella at halos aabutin niya na lang iyon nang mag-ring ang cellphone niya. Bigla niya tuloy binawi ang kamay at kinuha sa bulsa ang cellphone. 'Shogun' ang nakalagay sa screen. Napasimangot siya na makita ang pangalan na iyon, siguradong tungkol kay Prin ang dahilan nito. Napatigil din si Bella sa paglalakad at nilingon siya. "Shogun..." sagot ni Kai sa cellphone nito. "MB5, you are suspended for one month! Kailangan mong umuwi sa Hsinchu at hindi ka pwedeng lumabas ng Taiwan ng isang buwan. Ako ang tatawag sa iyo kapag tapos na ang parusa mo o kapag napa-aga." Napapikit si Kai sa parusa niya. "Isang buwan?" "Yes, dahil hindi mo nagawa ang trabaho mo na mabantayan ang kalokohan ni Prin. Seriously, anong nangyari at pinayagan mo ang isang iyon sa kalokohan niya?" "It's as if I have a choice. Alam mo naman ang isang iyon, kapag ginusto niya ay walang makakapigil. Si Shi Cally nga ay nagawa niyang suwayin ano pa ang isang tulad ko na hamak na taga-bantay?" Reklamo niya. Malakas ang tawa ni Lorenz sa kabilang linya. Naiintindihan kasi nito si Kai. "Huwag kang tumawa diyan. Mag-abang abang ka lang dahil sa susunod na match kukunin ko sa iyo ang Shogun position." Pagbibiro niya. "Well, come and get it!" Napangisi ito sa kabilang linya. "By the way, I saw your 'Angel'. Good luck na lang dahil mawawalay ka ng tuluyan sa kanya." Pang-aalaska nito sa kabilang linya. "Pakyu kayo ni Shi!" Singhal niya dito. Tawa ito ng tawa "Check your e-ticket in your email box, napadala ko na. Tonight is the night" saka binaba ang tawag. Nanlaki ang mata ni Kai. Ganoon kabilis?! Tinitigan niya ang cellphone at nag-iisip ng gagawin. "M-may problema ba?" Nagtataka si Bella na lumapit kay Kai. Inangat ni Kai ang paningin sa magandang mukha ni Bella. Gumaan ang pakiramdam niya na makita ang kumikinang nitong mga mata na mas maganda pa sa mga bituin. "Let's go home..." Tumango ito. "Yep. Di ba pauwi naman na talaga tayo?" "Nope, not that home. I mean, my home in Hsinchu" Agad na namula ang pisngi ni Bella. "I'll ask permission to your Mommy or your Daddy na isasama kita." Seryosong sabi ni Kai. Tila dinala sa alapaap ang pagkatao ni Bella. "My Dad is super busy and my Mom is in Venice." Napakamot si Kai na para bang bigla itong nagkaproblema. "I need to go home tonight" paalam nito. Umangat ng kaunti ang labi ni Bella at gusto niyang magtanong pero nagdadalawang-isip siya at nahihiya na rin. Inakay na siya nito patungong sasakyan. Tahimik lang siya sa byahe. Hindi maiwasan na mag-isip si Bella kung bakit ang sweet ng binata sa kanya. Ayaw niyang masabihan pagdating ng araw na namis-interpret niya lang ang mga pinakita nito. Baka sa huli, sabihin ni Kai na pinatulan lang nito ang sinimulan niyang pagpapanggap. Nakaramdam ng lumbay si Bella habang nakaupo sa passenger seat. Mukhang naramdaman ni Kai na nalungkot siya hanggang sa tumigil ang mga paa nila sa tapat ng unit niya. "Bella, sama ka na sa 'kin tonight" narinig niyang sabi nito. "Kai Jeon Jang." Tawag niya sa pangalan nito habang nakatalikod sa binata at nakaharap sa pintuan ng unit niya. "Why are you like this? Why are you so… sweet?" Mahinang tanong mula kay Bella. Kumunot ang noo ni Kai. "It's because you are my girlfriend. Is that a crime?" Na-tense siya sa mga sinabi ni Bella. Bigla siyang nag-panic. Hinarap niya ang dalaga at tinitigan ito sa mata. "Please go with me… I'll give you more answers in the future. Ahh... wait!" Nilabas ni Kai ang cellphone nito at mabilis na nagtipa. Inabot din ng ilang minuto. Nakatitig lang si Bella sa lalaki sa buong oras na iyon. "There you go! See? you have now an airline ticket kaya 'di ka na pwedeng umatras. Hindi ako mapapalagay kapag iniwan kita dito." Paliwanag ni Kai. Pinakita ni Kai sa kanya ang lahat ng detalye at napasinghap siya na alam nito ang mga ilalagay na bagay tungkol sa kanya. Full name, birthday, address at kahit passport number. Nagbago bigla ang mood niya. "Alam mo ang lahat... kahit ang birthday ko? Saka, passport?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bella. Daig pa kasi ng binata ang stalker. "Are you my stalker?" "Nooo" tanggi nito. "I am your biggest FAN." "Ahmm.. wait lang!" Sabi niya sa binata. Binuksan ni Bella ang pintuan ng unit niya, pumasok sa loob at sinara iyon ng mahina. Nagkakakawag na naman ng parang kiti-kiti si Bella sa loob sa sobrang kilig. Para siyang maiihi na hindi maintindihan. Isang salita lang nito ang nakapagpabago sa mood niya at iyon ay ang sabihin nito na fan niya ang lalaki. Parang hinaplos nito ang puso niya lalo at nang maalala na ilang libo ang sumusubaybay sa binata pero nag-iisa lang siya sa sinusundan nito kaya naniwala siya na 'biggest fan' talaga niya ang binata. Kinalma niya muli ang sarili bago muling binuksan ang pintuan. "*cough* okay, dahil mayroon na akong ticket. Mukhang wala na akong choice kung hindi ang sumama." Kalmado at iniiwasan niyang maglabas ng kahit kapiranggot na ngipin sa pag-ngiti. Nakahinga naman ng maluwag si Kai. "That's good! See you in an hour." KASALUKUYAN (eight years after.) Hindi makapaniwala si Cally sa nakita -- Prin Matsui is lying on a wine colored bed na parang walang buhay. May nakakabit na dextrose dito, bukod doon ay wala ng iba.  "S-she was captured by a pirate and was in the sea for a couple of years Cally." Nagluluha na paliwanag ni Madam Lira. "They never let her escape until Aidan Park saw her in one of his underworld dealings." "He used his money and all of his resources to buy her. And he sent her here." mahabang paliwanag ni Madam Lira pero wala ni isang naintindihan si Cally.  Ang tanging nakatatak sa isip niya ay nagbalik si Prin sa harapan niya makalipas ang pitong taon na nawala ito sa piling niya.  Nakatitig lang siya sa mukha nito na sobrang putla. "Did you call my in-laws?" ang una niyang naisip na sabihin. Siguradong tutungo kaagad doon ang mga biyenan niya kapag nalaman nito.  "Not yet."  Hindi niya alam kung lalapitan niya ba ang dating asawa at yayakapin. He felt a familiar and strange feelings. He really can't describe. He doesn't know what to say. He wanted to hold her and at the same time he was scared. He is questioning... Bakit buntis si Prin ngayon na nakabalik sa piling niya makalipas ang pitong taon?  (END OF "THE DARK GUARDS AND THE PRINCE". TO BE CONTINUED...) Please follow VOYAGE MEMORIES for Book 2
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD