CHAPTER 55 - Beach Volleyball

1840 Words
ALAS KWATRO ng hapon ang laro ni Prin at Kai sa Sand by the Bay kung saan gaganapin ang competition ng school nila laban sa Green Lanterns. Sakto naman na may isa't kalahating oras pa sila para mag-byahe. Kinita niya si Kai sa sasakyan nito na nakahalukipkip at naghihintay. Nakasimangot ito na makita siya pero nagliwanag ang pisngi nito nang masino ang nasa likuran niya. Napapa-iling si Prin. Kahit hindi pa ito umamin ramdam niya na seryoso na talaga ang binata sa buhay-pag-ibig. "Salamat sa paghihintay, MB5." Inikutan siya nito ng mata "kapag nalaman ni Shi Cally itong gagawin mo, labas ako dito ha. O siya, Pasok!" pinindot nito ang button ng susi ng kotse. Isang ngisi ang sinagot ni Prin. Alam niyang love na love siya ni Cally, nakuha niya na ang bertud ni Master kaya hindi siya nito dadalhin sa malamig na Arctic ocean para mag-bikini kasama ng mga penguin. "P-pwede akong sumabay?" tanong ni Bella sa binata. "Wushuuu, nagtanong ka pa? Of course! He needs inspiration" tudyo ni Prin. Sabay na namula ang mukha ng dalawa. "D'yan ka na sa tabi ni MB5 para hindi mawala ang closeness niyo sa isa't isa." sabi niya bago pinilit na isakay ang sarili sa likuran ng kotse. Habang daan, Pansin ni Prin na hindi nag-uusap ang dalawa na para bang may anghel na nakapagitan sa mga ito. Naisip niyang tudyuin ang dalawa habang nasa likod siya ng sasakyan. "MB5, where do you plan to get your first kiss? Girls love beautiful scenery. We like to have our first kiss to happen in a place that will give us an impression of L.O.V.E. Example, under a thousand cherry blossom trees or beside--" pangungulit niya. Hinarap siya ni Kai dahil nag-pula ang kulay ng stoplight. "Tell us, does your first kiss happened under your cherry blossoms tree?" balik nito. "Ahh…" Napakamot siya sa ulo. "See?" Iiling-iling si Kai. Kahit siya na lalaki ay walang makitang ka-sweet-an sa pagkatao ni Cally. kaya maiisip ba niya na nagkaroon ng first kiss ang dalawa sa lugar na tulad ng payo ni Prin. Utot niyo Blue! Gayunpaman, tumatak pa rin naman sa kanya ang sinabi ni Prin. He believes that his first kiss must happen in a beautiful scenery. There are a lot of places to consider. Sinopla niya lang si Prin para magtigil na ito sa naiisip nitong panunudyo. Napansin niya kasi si Bella na nasa tabi na pulang-pula na ang mukha dahil sa torture ng kaibigan nito. At may palagay siyang nagsimula pa ang panunudyo nito simula pa nang magkita ang dalawa sa klase. Matapos ang ilang minuto, huminto ang sinasakyan sa parking ng 'Sand by the Bay' . Sinalubong sila ng Team Captain ng school nila, si Ronald kasama ang isang dalagang assistant ng Dean. "Hey guys! Nakapagdala ba kayo ng uniform?" tanong nito. "I just brought midnight blue plain sports bra, a bikini and a white short." sagot niya. Nasabihan na kasi siya na walang stock sa school ng uniform. Biglaan kasi ang pagsali niya sa league. Hindi tulad ni Kai na may available na beach short. "Sorry ha." hingi ng paumanhin ng Assistant. "Okay, napakiusapan ko naman na ang Committee at pumayag sila dahil naka green naman ang kalaban niyo." Sagot ni Ronald. Doubles ang laban nila. Silang dalawa ni Kai laban sa isang babae at lalaki rin mula sa Green Lantern. Tumuloy na sila sa shower room. Sinuot ni Prin ang bikini pati na ang sports bra. susuotin na sana niya ang puting shorts nang makita na may bahid ng mga itlog ng ipis ang puwitan ng shorts. Nang tanggalin niya iyon, kumalat ang kulay brown sa puting tela na para bang nagpupu siya kung susuotin niya iyon. 'Shocks!' "Bella…" "Yes my friend?" Binuksan niya ang pintuan ng cubicle. "May mantsa ‘yung shorts" reklamo niya. "Oh! Shoot! Sorry hindi ko kasi tsinek" nakangisi na sabi. Tiningnan nito ang awra niya. Wala namang nakikita na cleavage sa katawan ni Prin pero kitang kita ang kahubugan ng buong katawan. Noon niya lang nakita na may maliliit na abs si Prin. Bilugang hita at matambok na puwitan na sasambahin ng kahit na sinong kalalakihan. Makapal naman ang bikini ni Prin at siguradong hindi lalabas o lilitaw ang 'palitaw' . "My friend, you are soooo sexy, no need the shorts! Maganda nga iyan ng makadistract ka ng kalaban" sabi nito. Kagat ni Prin ang labi. 'Bahala na!' Tinawag na sila ng kasama sa team kaya hinila na siya ni Bella patungong court kung saan naroon ang laban. Habang daan hindi maiwasan na may mapalingon at ma-pasipol sa kanya. May mga ka-eskwela na rin sila na napasugod sa lugar dahil kay Kai. Gustong makita ng mga ito ang katawan ng lalaki. Naghihintay na si Kai sa kanila doon at kausap si Ronald. Halata ang kilig ng mga kababaihan sa binata pero hindi nito pinapansin ang kahit na sino sa mga ito. Kita ang pagka-maskulado ng katawan nito dahil sa suot nitong beach shorts. Pumuputok pa ang abs ng lalaki kaya halos tumulo na ang laway ng mga 'fans' nito. "Kai, hubarin mo na ang shorts mo for us please!!!" sigaw ng isa. "Hoy! Palalabasin ko kayo dito kapag nangulit pa kayo!" sigaw ng isang committee. Lumapit si Bella kay Kai para bigyan ito 'Goodluck' habang si Prin naman ang kausap ni Ronald. "Magaling na ba ang sugat mo sa kamay?" nag-aalalang tanong ni Bella. "Hindi pa. Pero okay lang… My hands are still ready to hold you kahit magkadurug-durog pa… saka My Angel is watching, kaya I'll do my best to win." Nakaiwas ang tingin na sabi nito. Nakagat ni Bella ang labi para pigilin ang kilig. Pinaupo siya nito sa isang silya saka sumunod kay Prin. Nakasunod lang sa kanila ang mata ng mga naiinggit niyang kaeskwela. Bago magsimula ang laban, tumunog muli ang cellphone niya. At tulad ng mga nakaraan, sunud-sunod ang beep mula kung kani-kaninong cellphone sa paligid. Nakita niya na may bagong post na naman si Kai. Nang silipin niya ang lalaki, kasalukuyan nitong ipinasok sa bag nito ang cellphone nito. Pigil ang hininga na pinindot niya ang notification. [KaiJeonJang :I will definitely win today, my Angel] Nagsipaglaglagan na naman ang mga balikat ng mga kababaihan na ka-eskwela niya. "Wala na, uwian na may nanalo na!" "M-M-MASTER, si Miss Prin… Naglalaro ng volleyball sa Sand by the Bay." Pigil ang hininga ni Xander habang binabalita kay Cally ang sitwasyon ni Prin.  Natigilan saglit si Cally at para bang bumaba ang temperatura sa loob ng kwarto. May mga pinindot si Cally sa laptop nito at lumitaw ang kasalukuyang larawan ni Prin.  Nakasports bra ang asawa niya ng kulay midnight blue. Kakulay ng tatsulok na bikini nito na hindi niya nagustuhan sa lahat. Kita niya pa ang paglitaw ng bilugan na pwitan ni Prin sa ibang mga larawan.  Halata pa ang kasiyahan sa mukha ng asawa niya sa mga kuha nito.  "P-pangalawang set na nila ngayon, Master" dagdag pa ni Xander.  Biglang binagsak ni Cally ang screen ng laptop. Mukhang hindi nakuha sa banta niya ng umaga na iyon si Prin. Tinawagan niya ang Piloto niya at pinahanda ang private plane.  Tinawagan niya rin si Mat-mat para burahin ang lahat ng larawan ni Prin sa kasalukuyan na makikita nito sa kahit na kaninong computer.  "Geez, it's not as if she was naked in this photo" nag-uusap pa lang sila, may kopya na agad ito ng picture. Ganoon kabilis pumindot ang pinsan niya.  Hindi sumagot si Cally at nakuha naman nito ang signal. Mainit talaga ang ulo niya.  "Fine! Fine! I'll send all these pictures inside your safe file. For your eyes only!" saka nito binaba ang tawag.  "ATE ANGEL!" Kalabit kay Bella ng nasa likod kaya nilingon niya ito. Namumukhaan niya ito bilang freshman sa school nila. "’Yung buhok mo 'te, inaapakan na namin sa sobrang haba" Tudyo nito.  Pinukulan niya ito ng nakamamatay na tingin saka inirapan. Tulad ng dati, naka-bun ang buhok niya at may headband pa na tela sa ulo kaya alam niya ang ibig nitong ipahiwatig. Tinutudyo siya nito kay Kai.  Binalik ni Bella ang tingin sa laro at nanlaki ang mata niya sa kalaban na lalaki ni Prin at Kai.  Nagsimula na ang laban. 'Doubles' ang tema ng laban. Isang babae at isang lalaki. Nagkamayan muna sila Prin pati ang kalaban. Nagtaas ang kilay ni Kai nang humigpit ang pakikipagkamay ng lalaki sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong ipahiwatig.  Hindi naman siya madadaan sa mga ganoong pagkilos. For him, it was a childish act.  Unang nag-serve ang kalaban ni Prin at Kai. Tinira nito ang bola at braso ni Kai ang sumalubong doon. Sinalo agad ni Prin para i-set ang bola at saka nagpakawala ng isang malakas na spike si Kai. Diretso sa libreng space at bumagsak ang bola sa sahig. Puntos para sa kanila.  "ahhhhhh!!!" tilian ng mga kababaihan na halatang fans ni Kai. Nag-apir si Kai at Prin. "yes!" pati si Bella na nakaupo ay na-excite. Si Prin ang sumunod na mags-serve. Nang marinig niya ang signal ng referee, tinira niya ang bola sa space na sa palagay niya ay libre pero nahabol ito ng kabilang team. Matapos ma-set at magbigay ng spike na tira, isang 'block' mula kay Prin at Kai ang sumalubong sa bola.  Nasalo rin naman ng pulsuhan ng kalaban ang bola, iyon nga lang hindi maganda ang pagkakatira nito kaya tumalsik ang bola papagilid at hindi na nahabol pa ng kakampi nitong babae.  Puntos muli para kay Prin at Kai. Nagsitilian na naman ang mga estudyante.  Matapos nga ang isang set nanalo ang school nila.  "Good Job guys! Mukhang tama ang desisyon ko na makinig kay Dean." masayang sabi ni Ronald.  Inabutan sila ng tig-isang bote ng tubig ni Bella. Naiiling na lang si Prin dahil kakaiba ang tinginan ng dalawa. Para bang may sariling mundo ang mga ito at hindi sila nakikita.  Tinabihan ni Kai si Bella." I told you, I will definitely win"  "Hmm. Hindi pa nga tapos eh."  Nilingon ni Kai si Bella. "yeah.. You are right!"  Naputol sila sa usapan nang may mag-abot kay Bella ng maliit na note mula sa kabilang team. Nakakunot noo si Kai.  "Pinapaabot ni Carter" sabi nito saka tumakbo na muli papalayo.  [Hello My Loves, long time no see! - Carter]  Inikot ni Bella ang paningin para hanapin ang lalaki. Nagtagpo ang mata nila nito saka pinakita dito ang pag-punit niya sa maliit na note nito. Natawa pa ito saka siya binigyan ng flying kiss, ang lalaking kalaban ni Prin at Kai.  Kita naman ni Kai ang ginawa nito kay Bella. "Who is that guy?" usisa niya. "Naalala mo ‘yung sinabi ko na my first ever crush, that's Carter. Ang kalaban niyo ni Prin." sabi ni Bella na naiinis.  "Your first ever official boyfriend?" tanong nito bago nilingon ang nakangisi na si Carter sa kabilang parte ng court.  "Yes…" nahihiya si Bella. Sino ba naman ang may gusto na makita ang ex na makulit at mukhang may plano na mangulo rin? Inayos ni Kai ang bangs niya dahilan para mapakislot si Bella.  "Don't worry. Your current boyfriend will still definitely win against your ex"  Lalong nagsipagbagsakan ang mga balikat ng mga kababaihan sa paligid sa nakikita na sweetness ng dalawa.  Pigil naman ni Bella ang kilig. "Hoy! Leader Kai, Ano na? Ano? Inspirasyon muna bago trabaho?" reklamo ni Prin dahil naroon na siya muli sa gitna ng court.  Umalis si Kai sa tabi ni Bella na matalim ang tingin sa kalaban nila na lalaki.  "Ate Angel!" Tawag muli ng freshman sa likod niya.  "yung buhok mo hanggang EDSA na!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD