CHAPTER 54 - Rebellious Child

1727 Words
HABANG nag-aagahan ang Mayor, ang unang Ginang at si Luna. Isang grupo ang kumatok sa tahanan nila. Hinarap ito ng tumatayo bilang kanang-kamay ng Mayor na pumalit kay Marvin. Matapos malaman ang pakay ng grupo, dali-dali itong nagpunta sa dining area.  "Mayor, may problema!" tumingin ito sa mag-anak na tila may ngiti pa sa mga labi.  Nakakunot ang noo ni Mayor Villanueva na hinarap ang Assistant niya. "Siguraduhin mong importante ang kailangan mo sa akin."  "Mayor, walong attorney ang nasa labas at kinakasuhan si Miss Luna." Sabi ng kanang kamay ng Mayor.  Nagkatinginan ang tatlo sa pamilya. Napalunok si Luna.  "Anong ibig mong sabihin?!" Agad na tumaas ang boses ni Mayor.  "Walong mga kilalang abogado po ang mga nasa labas Mayor at nais lang na sabihin sa inyo ng personal na dinedemanda ni Master Cally Han si Miss Luna." Nanlaki ang mata ng tatlo. "Ang kapal ng mukha ng lalaking iyan. Si Luna na nga ang agrabyado, siya pa itong magdedemanda?! Hala, sige papasukin mo iyan?!" galit na sabi ni Mayor.  Napalunok si Luna. Bumalot ang takot sa katawan niya at inalala ng mabuti ang mga ginawa. Ginawa niya lang ang sa palagay niya ay tama kahit hindi pa siya nag-iisip.  "Dad anong gagawin ko?" nanginginig ang labi na tanong niya.  "Anong gagawin mo? Walang iba kung hindi ang idemanda din ang Cally Han na iyan! Mukhang kulang ang mga tao na binayaran ko para guluhin siya! Ha! Pwes, magkakasubukan na kami." Agad na hinarap ni Mayor ang walong Attorney.  Kilala niya ang pinuno sa walo, isang babae iyon na ilang kaso na ang naipanalo, si Attorney Becky. Dito lang sa abogado na ito ay siguradong kakabahan ka na, bukod pa sa pito pa na nakasunod dito. Napalunok si Mayor sa grupo ng Abogado na meron si Cally.  "Hindi na kami magpapaliguy-ligoy Mayor. Kinakasuhan ni Master Cally si Miss Luna ng Grave Slander dahil sa mga kasinungalingang pinahayag niya ng nakaraang araw. At dahil din doon, nalugi pati ang stocks ng MGM sa nangyari. Kalahating bilyon ang hinihingi ng MGM bilang danyos." may awra ang babae na walang kinakatakutan at diretso ang pakay sa kanila.  Nanlaki ang mata ng Mayor.  "Anong ibig mong sabihin. Ang anak ko na nga ang namolestiya, kami pa ang magbabayad?!" galit na sabi.  Ngumisi ang Abogado at nagtaas ng kilay. "Mukhang hindi nanonood ng balita si Mayor? O kaya naman walang wifi dito sa bahay niyo?" nang-iinis at makahulugan na sabi nito.  Tumingin ito kay Luna na nakayakap ng mahigpit sa Mommy niya. Tinanggal nito ang salamin sa mata at pinunasan pa iyon.  "Kung ako sa iyo Miss Luna, magsimula ka nang magbilang ng pera dahil hindi lang pangalan ni Master Cally ang sinira mo, pati ang pangalan ni Mayor. Find your best Lawyer on the planet or else you have to pay 500 million because the truth is always behind your back." Iyon ang huling mensahe nito saka isa-isang nagsipaglabasan.  "Anong ibig sabihin nito? Anong truth?!" habol ng Mayor sa mga Abogado.  "Bye Mayor!" ang huling mensahe ni Attorney Becky.  Inabot ng kanang-kamay niya ang bagong nagtrending na balita sa internet. "M-mayor, i-ito po ang sinasabi ni Attorney.." Pinindot nito ang play button sa cellphone para mapanood ni Mayor ang video. Video ng CCTV sa restaurant.  Matapos mapanood ang lahat, natulala si Mayor. Galit na tumingin siya kay Luna. Hinila niya si Luna na nakayakap sa asawa.  "Mapapatay kitang bata ka!" saka sinampal ang nag-iisa niyang anak.  "Nagtiwala ako sa iyo! Sinabihan na kita noon na hindi isang simpleng tao si Cally! Kung hindi ka niya nagustuhan sana sinabi mo na lang ng maaga kaysa nagsinungaling ka!" tila sinapian ng demonyo ang Mayor. Nagkikiskis ang ngipin nito sa galit na halos madurog na iyon.  Nasapo ni Luna ang pisngi niya at agad na dumaloy ang luha sa mata. "Dad…" Sasampalin pa muli ni Mayor si Luna ngunit napigil na ito ng unang ginang.  "Please, please Honey!!! stop it!" pigil ng asawa niya. Dumadaloy na rin ang luha sa mata nito.  "Hindi ko maintindihan kung saan ka nagmana ng katangahan?! Alam mo ba ang ibig sabihin kung hindi mo mababayaran ang danyos na hinihingi ni Cally? Ha!" isang sampal muli ang pinakawalan nito sa pisngi ni Luna.  "Honey.."  "Makukulong ka! Sinabihan na kita noon na hindi isang simpleng tao si Cally kahit ang asawa niya ay hindi simple!!!" halos mawarak na ang gilid ng labi nito sa sobrang galit at singhal.  "Dahil sa ginawa mo! Nasira ang reputasyon ko bilang sinungaling na Mayor sa mamamayan dahil nagtiwala ako na hindi magsisinungaling ang anak ko sa'kin!"  Iyak lang ng iyak ang mag-ina. "Hala! Sige! Ako mismo ang maghahatid sa iyo sa kulungan!"  Napapailing si Luna. "No… Dad… Ayoko... A-Ayokong makulong."  "Kung ayaw mong makulong, magpakasal ka kay Mr. Sy dahil siya lang ang may kakayahan na magbayad ng danyos na ginawa mo!"  Natigilan si Luna. Kilala niya ang sinasabi ng Dad niya. Matanda na ang lalaking iyon. Hindi pa siya naikakasal, kinikilabutan na ang buong pagkatao niya.  "Dad, ayoko!"  "Gaga ka! Kalasanan mo kung ano man ang kahihinatnan ng buhay mo! Kung naging matalino ka lang sana!"  "I-I paid someone para madelete ang CCTV sa kwarto na iyon, I never thought na nakuha pa rin ni Cally." pagdadahilan ni Luna.  Umismid ang Mayor. "Pinatunayan mo lang na bobo ka talaga! Kahit bayaran mo pa ang lahat ng hacker na meron sa bansa para mabura ang files na iyon, makukuha at makukuha ni Cally iyon dahil pinsan niya lang naman si Matthew Lopez!" napapailing si Mayor.  "Mahina ka mag-isip pero malaki at mataas ang kinalaban mo! Boba!" singhal ng Mayor.  Sa mga panahon na iyon, isang genius si Mat-mat sa larangan ng computers. Isang kilalang hacker na nakabase sa Amerika. Walang mukha si Mat-mat sa publiko dahil sa sobrang mailap ito sa mga tao at tanging pamilya lang ang talagang may larawan ng tunay na anyo at itsura ng binata.  Simula pa lang ang laban ni Cally kay Luna dahil alam niya na ang kalaban niya talaga sa huli ay si Mayor Villanueva.  Matapos mailabas ng grupo ni Cally ang video, bumalik na muli ang stocks ng MGM sa normal at nakatanggap pa ng regalo si Cally at Prin mula sa kung kani-kanino.  Madami ang nagtaas ng kilay kay Cally lalo na mula sa mga shareholders nang lumabas ang isyu ni Luna.  Sino ba naman ang may gusto na bumaba ang stocks ng kumpanya di ba? Ang alam lang ng mga ito ay kung paano kikita. Ngayon, pilit na naman na dumidikit sa kanya ang mga ito dahil hinihingan niya ng malaking danyos si Mayor at ang anak nito. Habang kumakain sila ni Cally ng agahan, naalala ni Prin ang tungkol sa parusa ng Dean. Ang totoo, hindi masasabi na parusa dahil gusto nila ni Kai ang gagawin.  "Husbie, 'nga pala, I forgot to tell you that I need to compete in Beach Volleyball"  Biglang angat ng tingin sa kanya si Cally mula sa kinakain "Beach Volleyball?"  "Yes. Dalawa kami ni leader MB5" sabi niya saka sinubuan ito ng isang hiwa ng mansanas.  Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "Choose other sports. Not the beach Volleyball" simpleng sabi nito.  Kumurap-kurap ang mata ni Prin. Dahil wala siyang naintindihan sa sinabi ni Cally kung bakit hindi siya pinapayagan.  "Aha! I got it! You don't even understand.."  Parang pinagsakluban siya ng langit sa nadinig.  "Volleyball is my favorite!" alma niya  "Yes, Volleyball wearing a bikini. Choose tennis, sipa or jack en stone, or whatever. Not the beach volleyball."  "Should I have to wear a bikini in beach volleyball?" nagtaka si Prin. Nanlaki pa nga ang mata niya.  Napapailing si Cally. "Haaay, don't tell me you wore abaya tuwing may laban kayo sa Japan." Pinukulan niya ito ng masamang tingin. "Not Abaya! But I always wear comfortable clothes. Why do I have to wear a bikini? Does my boobs size matter? Does it help me get a score? Do I have to flaunt my boobs to get a score? It's not as if I'm a beauty queen holding a ball"  Cally "...."  Napapailing si Cally. That is his Prin's way of thinking.  "Basta 'No' and that's final. Kapag sinuway mo ako, ipadadala kita sa arctic ocean. so you could wear your bikini."  Prin "...."  'No, I don't have the guts' Hindi na siya sumagot. Nakasimangot na nginuya na lang niya ang pagkain na naiinis. Sa kanilang dalawa ni Cally, mas 'batas' ang sasabihin nito kaysa sa kanya. "On your semestral break, let's go to Dubai for SkyDiving" suhestyon nito.  Nagliwanag ang mukha ni Prin sa nadinig. Pagkatapos kasi ng league, semestral break na nila sa eskwelahan.  "Oh! I love my husband so much! He's so handsome and loves his wife so much!" sabi niya na nayakap si Cally.  "Basta, No to beach Volleyball!" huling banta nito.  Nakangiti si Prin pero sa loob-loob ay nagdadalawang-isip na sumuway kay Cally.  UNANG napansin ni Prin nang makapasok sa loob ng school ay ang tingin na pinupukol sa kanya ng mga tao. Pinabayaan na lang niya ang mga ito dahil siguradong tungkol sa isyu nila ni Luna ang nasa isip ng mga ka-eskwela niya.  Tumuloy siya sa klase at natagpuan si Bella na nagb-browse sa cellphone nito. Iba ang klase ni Kai sa mga oras na iyon.  "How are you, my angel?" tudyo niya at binigyan ang kaibigan ng nakakalokong ngiti.  Inangat nito ang paningin sa kanya nang namumula ang pisngi.  "Kamusta kayo ni Cally?" pag-iwas nito.  "Kayo ni Leader Kai, kamusta?" akala ba nito ay mananalo ito sa asaran laban sa kanya.  "Ihhh!!!" nagtakip ito ng pisngi na halatang nahihiya.  "May kiss na bang naganap?" dagdag niya pa.  "K-kiss my Ass! Hindi pa nga nanliligaw 'yung tao sa akin. Kiss ka diyan!" Bulong nito pero may pagbabanta.  Tumawa si Prin. "Ikaw na ang mag-first move! Never been kissed pa si Leader Kai." dagdag na tudyo niya dito.  "ehh, I won't! I will never do that!" halata na ang pagkapula ng mukha ni Bella na maihahalintulad sa kamatis.  Nilabas ni Prin ang cellphone.  "So, what's with this photo..? My... Angel" sabi niya ng may pang-iinis. Binigyang diin niya pa ang salitang 'My Angel' Namumula ang mukha ni Bella dahil karamihan sa school, ang tawag na sa kanya ay 'My Angel'.  Tulad na lang ng bumili siya ng ensaymada sa canteen ng nagdaang-araw. Tinawag siyang Angel ni ateng tindera. ‘Yung guard sa gate at mga ka-eskwela na nakakasalubong niya sa daan.  Pati ang bilihan ng Milk Tea ay 'Angel' ang tawag sa kanya.  Naaaliw si Prin na tudyuin si Bella. Halatang kinikilig ang kaibigan niya. Ang kailangan na lang niyang gawin ay bigyan ng kaunting 'push' si Kai para maging official na ang dalawa.  "So, Bella my dear, dinala mo ba ‘yung request ko?" tanong ni Prin matapos ang klase.  "Yeah! Here!" at inabot sa kanya ang paper bag na may laman na sports bra, bikini at puting short.  "Thank you!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD