CHAPTER 53 - Your recent boyfriend

1563 Words
ALAS otso na ng gabi nang makalabas si Kai ng opisina ng MGM. Ang bwisit na si Prin at Cally parang pinaglaruan siya ng mga ito sa opisina.  Tumatak sa isip niya ang sinabi ni Prin na pupunta si Ken sa bahay ni Bella kaya lalo siyang nagmadali na makauwi ng condo.  Matapos mag-park ng sasakyan, nag-iisip siya ng dahilan para kumatok sa pintuan ng unit ni Bella. Mag-aalas nueve na kasi ng mga oras na iyon.  Seryoso lang siya na nag-iisip kahit na nang huminto ang elevator at makasakay siya sa maliit na box na iyon. Pinindot niya ang floor kung nasaan ang unit nila ni Bella.  **ding! Lumabas si Kai at naglakad patungo sa tinitirhan. Sinilip niya pa ang pintuan ng unit ni Bella. Tahimik ang kwarto nito kaya inisip niya na baka tulog na ang babae kahit mag-a-alas nuwebe pa lang. Tumigil muna siya sa pagkilos at saka nakikiramdam at nag-iisip ng idadahilan para katukin ang babae.  'Ayain ko kaya siyang kumain.' humakbang siya para kumatok. Kikilos na sana ang kamao niya para katukin ito nang bigla siyang nakaramdam ng kahihiyan.  'F*ck!' humugot siya ng malalim na hininga. Saka bumalik sa pintuan ng unit niya. Nanatili siya doon at hindi alam ang gagawin.  Maya-maya, nakarinig siya ng nagtatawanan sa pasilyo. Rinig niya ang papalapit na tawa ni Bella at tulad ng sabi ni Prin mukhang si Ken ang kasama nito.  Sinusian niya na ang pinto. Malamig ang mata ni Kai na binuksan ang pintuan saka malakas na sinara iyon matapos niyang makapasok sa loob.  Sa kabilang banda, alam ni Bella na nagsara ang pintuan ng unit ni Kai. Mukhang nakauwi na ang binata.  Sakto sa pagsara ng pintuan nito ang pagliko nila ni Ken sa pasilyo. Natigil siya sa pagtawa.  "Do you think he's back?" tanong niya sa kaibigan habang bitbit ang take-out ng pagkain. Huminto sila sa tapat ng unit niya.  "I think so… o siya aalis na ko. siguro naman ay safe ka na dito."  "Bye! Sabihan mo na lang ako kung kailan ang alis mo, okay." pabalik na kasi ng abroad si Ken.  "Yep! Bye bye sugar!" hinalikan siya nito sa pisngi saka tuluyang umalis.  Biglang naging tahimik ang maingay na mundo ni Bella kanina. Binuksan niya na ang pintuan pero nakatingin lang siya sa hawak na take-out na pagkain at hindi tumutuloy sa pagpasok.  Nagpasama siya kay Ken na bumili ng pagkain sa labas dahil alam niyang nasa paligid pa rin ang ex niya.  Huminga si Bella ng malalim. Saka tumapat sa pintuan ng unit ni Kai. Kinatok niya ang pintuan nito.  Rinig niya ang papalapit na yabag bago nagbukas iyon. Nagtama ang mata nilang dalawa ng binata kahit pa malamig ang mata nito habang nakatingin sa kanya.  "Ahmm… may dala akong pagkain. Gusto mong sumabay na kumain?" sabi niya at inangat pa ang supot ng take-out.  Doon niya lang napansin ang mga tulo ng dugo mula sa kanang kamay nito.  "Oh my god! What happened?" bigla niyang ibinaba ang supot at kinuha ang kamay nito. Sinuri iyon. May mga naiwan na kakaunting bubog sa kamay ni Kai. Hindi niya alam kung ano ang nangyari.  "Do you have a first aid kit?" tanong niya.  "Yes"  "ahmm, halika na gamutin natin ‘yan." sabi niya na kusang pumasok sa unit ng tinitirhan nito. Nahimasmasan din naman siya agad nang makahakbang papasok sa loob ng unit ni Kai.  "Ahhm.. Sorry I forgot to ask you kung… okay lang na pumasok ako." "No problem" sabi nito.  Kinuha ni Bella ang pagkain at nilagay sa table na naroon. Hindi tulad ng ibang kalalakihan, maayos ang unit ng tirahan ni Kai. Walang kalat o bahid ng alikabok. Very musculine ang awra ng paligid. May purifier pa sa gilid at lavander ang amoy. Hindi maiwasan na mainggit siya sa unit nito.  Pinaupo siya ni Kai sa sofa na nandoon saka umalis saglit para kunin ang medicine kit.  Nakita ni Bella ang nabasag na baso sa gilid pati na ang wine bottle na nasa mesa. Sa palagay niya umiinom si Kai bago siya kumatok. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit umiinom ang binata?  Natigil lang siya sa naiisip nang iabot sa kanya ni Kai ang medicine Kit.  Kinuha niya ang braso nito na nasugatan at saka niya sinimulan na linisin. May maliliit na bubog pa sa kamay nito.  "Ano bang nangyari dito? Why are you so clumsy? Iinom ka na ng lang hindi ka pa nag-iingat."  Nakatitig lang si Kai sa nakayuko niyang mukha. Kita pa nito ang mahahaba niyang pilik-mata habang seryosong inaalis at nililinis ang mga sugat sa kamay.  Pinakikiramdaman lang siya ni Kai. Normal naman kay Bella na tahimik ang lalaki o kaya masungit.  "Do you want to eat? " tanong ni Bella para makaiwas.  Tumango lang si Kai. Nagugutom na rin naman talaga siya. Nakaramdam lang siya ng sakit sa dibdib nang marinig na nakikipagtawanan si Bella sa ibang lalaki kaya napainom tuloy siya.  Inabot ni Bella ang binili niyang pagkain kay Kai. Tig-isa sila saka siya nagsimulang sumubo. Nakakalahati na siya nang mapansin na hindi pa kumikilos si Kai at nakatingin lang sa bibig niya na puno ng pagkain.  "Y-you don't like my food?"  "I don't know how to use my left hand. Subuan mo ko." hiling nito.  HINDI alam ni Bella kung ano ang tamang reaksyon sa sinabi ni Kai. She has this confused look around her face.  "Nagugutom na ko… hindi man lang ako pinakain ng mga walang awang si Prin at Cally" parang bata na reklamo nito sa kanya.  Walang nagawa si Bella kung hindi ang subuan si Kai. Kumakabog ang dibdib niya habang ginagawa iyon. Iyon ang unang beses niya na magpakain at hindi maiwasan na mapatitig siya sa manipis na labi ng lalaki.  Halos lahat sa parte ng mukha nito ay perpekto na aakalain mo talaga na finished product ni Belo. His Korean black eyes is distracting, parang mata ni Sehun ng Exo. Madaling mabasa sa mga mata na iyon ang totoong saloobin nito. His Jaw, his nose at kahit hugis ng mukha ni Kai ay nakakagambala sa pagkatao niya.  Napapalunok siya tuwing susubuan ito ng pagkain. Ang walang hiya, parang ninanamnam pa ang bawat pagkagat sa dala-dala niyang yangchow.  "Pwede bang bilisan mo para makauwi na ko!"  "D'yan ka lang naman sa tapat nakatira. As if naman na gagabihin ka at mayroon kang curfew" katwiran nito sa kanya.  "Kahit na, gabi na, saka hindi pa ko inabot ng dis-oras ng gabi sa bahay ng kahit na sinong boyfriend ko. O mas tamang sabihin na hindi pa ko nakarating sa bahay ng kahit sino sa kanila" namumula ang pisngi at halos bulong na sabi niya.  "bakit? Ilan ba lahat ng ex mo?" interesadong tanong nito.  Nahihiya na inangat ni Bella ang lahat ng daliri niya. Nanlaki ang mata ni Kai.  "Ten? You have 10 exes?!" nalukot ang mukha ni Kai. Samantalang siya ay wala pa ni isa. Ganito na ba ang mundo ngayon? Bakit huli yata siya sa ikot ng mundo?  Tumango naman si Bella bilang sagot. Napakamot siya sa pisngi at pinilit na magdahilan.  "Well, you see? Halos lahat sila ay tipong sinagot ko lang because I thought it was love. I started dating since I was… ten" "The first person is Ken… it was not actually dating, it's more of puppy love. Nagstart ang talagang pakikipag-relasyon ko when I was 17 because he is my first ever crush but I learned that he was not really into our relationship. Ang mga sumunod ay pa-isa-isang linggo. Until recent na maging boyfriend ko si Josh na umabot ng three months…" halos hindi niya tingnan sa mata ang lalaki.  Masama ang tingin na pinukol ni Kai kay Bella kaya nakaramdam siya ng panlalamig sa katawan.  Humugot ng malalim na hangin ang binata. Madami pa pala siyang kakainin na bigas 'pag dating sa pakikipag-relasyon. He is twenty two and has never experienced dating. Saan siya magsisimula at paano?  "Gabi na, kaya uuwi na ako." paalam ni Bella. Tumayo na siya at tinungo ang pintuan. Kinakabahan kasi siya sa lamig ng pagkatao ni Kai.  Binuksan niya na ang pintuan ng unit niya. Hindi niya alam na nakasunod pala sa kanya si Kai sa likuran.  "Kapag natapos ang issue ni Cally, gusto mo bang sumama sa akin sa Taiwan?" narinig niyang sabi nito sa likuran.  Nilingon niya ang lalaki kasabay ng pagbukas ng pintuan. "Why?"  "Because, it was beautiful out there. And… I want you to meet your future in-laws because I will make sure that your recent boyfriend would be your last."  "Ahm… Wait lang!" pumasok si Bella sa loob ng unit niya at tila tumili ng walang tunog. Pinapagaspas pa sa hangin ang dalawang braso niya at parang kiti-kiti na hindi mapakali sa sobrang kilig. Kinalma niya rin agad ang sarili.  Binuksan niya muli ang pintuan at natagpuan si Kai na seryosong naghihintay doon sa pintuan nito.  "*cough* I was just checking my passport kung hindi pa expired." dahilan niya.  "Okay. See you tomorrow, I think pwede na akong pumasok bukas." may plano na kasi si Cally sa buong gabi na iyon kaya alam niyang ilang araw na lang tapos na ang problema nito sa mag-amang Mayor at Luna, pati sa opisina.  "Okay! Goodnight!" sabi ni Bella saka dahan-dahan na sinara ang pintuan.  Para siyang nasa langit at wala sa sarili na inihulog lang basta ang katawan sa kulay pink niyang kama.  Gusto niyang tumili ng totohanan para mailabas ang kilig.  Maya-maya, nagbeep muli ang cellphone niya sa bag. Kinuha niya iyon at nakita ang notification na may bagong post ulit si Kai.  Isang larawan ang post nito. Larawan niya habang nililinis niya ang kamay nito na may sugat at bubog. Hindi niya akalain na ninakawan siya nito ng picture. Nakayuko siya doon at umagaw sa atensyon niya ang mensahe ng lalaki.  [KaiJeonJang :Good night, My Angel] 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD