NABIGLA si Prin na makita si Xander sa labas ng opisina ng Dean.
"Miss Prin." bati nito. Kinabahan si Prin hindi pa man nagsisimulang magsalita si Xander. Hindi kasi pupunta doon ang assistant ni Cally ng biglaan kung walang nangyari sa asawa niya.
"Anong… nangyari?"
"May mga nangulo kasi sa opisina na sa palagay namin ay supporters o binayaran ng Mayor para guluhin si Shi Cally." seryosong sabi ni Xander.
"May mga nambato ng itlog sa sasakyan namin at kung anu-ano pa--"
"Bring me to your Master" Nag-aalala na sabi ni Prin, lumakad na siya papalayo kahit hindi pa alam ang sitwasyon.
"Sasama ako." Pati si Kai ay hindi maiwasan na mag-alala. Kailangan nilang masigurado ang kaligtasan ni Cally sa oras na iyon.
Hinarap ni Prin si Kai.
"Sumunod ka na lang, alam ko na hindi mo matitiis na mawalay sa iyong Bella. Magpaalam ka man lang sa girlfriend mo." tinapik niya ito sa balikat.
"Huh? Ah ahm e--" Sinubukan pa nitong magkaila sa kanya.
"Manligaw ka ng maayos. Hindi ‘yung sa online lang kayo official. Bye leader!" Huling sabi niya sa natulalang si Kai.
Iiling-iling si Prin at inaya na si Xander na umalis para tumungo sa opisina ni Cally.
Habang daan, tinanong niya si Xander sa kung ano ba talaga ang nangyari sa opisina. Ayon dito, wala naman talagang nangyari kay Cally. Hindi kumilos ang asawa niya dahil simpleng mga mamamayan ang nanggulo sa kanila.
Pinatawag siya ni Cally para masiguro ang kaligtasan niya.
Seryoso si Prin na nakikinig. Nakaramdam siya ng pagkainis sa Mayor at sa anak nito na si Luna. Hindi niya alam kung ano ang naging hudyat para magalit sa kanya ang babae.
Dahil sinusubukan siya nito, ilalabas niya sa lahat ang totoong ugali nito. Wala pa naman talagang nasabi si Luna at mula sa kung kani-kanino lang ang balita. May interview si Mayor pero gusto niyang manggaling ang lahat kay Luna. Gusto niyang magsalita ang babae sa publiko kung ano ang ginawa ni Cally para kainin nito ang mga sinabi nito.
Malayo pa ang sasakyan, pansin na ni Prin na madaming tao sa tapat ng entrada ng MGM Office. May mga plakard ang karamihan at kung anu-ano ang nakasulat tulad ng:
'Panagutan mo si Miss Luna Villanueva'
'Rapist'
'Bastard'
'Luna is a sweet child'
Napapailing na lang si Prin. Ganito ba talaga ang mga tao? Kahit hindi alam ang totoong nangyari, basta susugod na lang doon dahil lang sa mukhang mahina at sweet si Luna?
"Stop the car!" Pinahinto niya ang sasakyan sa harapan ng mga nangugulo.
"Miss Prin delikado po" pigil ni Xander. kapag may nangyari kay Prin, malalagot siya kay Cally.
"I'm okay." Sabi niya saka binuksan ang pintuan. Noon niya lang napansin na may reporters din sa paligid. Nagsipaglapitan sa kanya ang lahat ng mga ito at may dala-dalang mic para hingin ang saloobin niya.
"Miss Prin, anong masasabi mo sa ginawa ng boyfriend mo?" Tanong ng isa.
Tinitigan niya ito ng masama dahil sa tanong nito na para bang sigurado ito may ginawa si Cally. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa at sinabi ang saloobin.
"Gusto kong magsalita si Luna kung ano ba ang ginawa ni Cally. After that, saka ko sasagutin ang mga tanong niyo. Wala pa naman talaga siyang sinasabi kung may ginawa ba si Cally or wala. Karamihan ng lumabas ay sabi-sabi ng kung sino." hinarap niya ang Camera at tumitig doon na para bang iyon ang bilugang mata ni Luna.
"Hinahamon ko si Luna. Babae sa babae. Sabihin mo sa'min kung ano ang ginawa sa iyo ni Cally." iyon lang ang mga huling binitawan niyang salita saka tumuloy sa loob ng opisina.
Hindi na siya nagawa pang harangin ng mga tao dahil may punto ang sinabi ni Prin. Hindi pa nagsasalita si Luna sa kung anuman ang reklamo nito.
NANG mapanood ni Luna ang interview ni Prin. Nanggagalaiti siya sa galit. Wala siyang plano na magsalita sana dahil wala naman talagang ginawa si Cally sa kanya. Hindi sila makapagdemanda dahil gusto ng Dad niya na sagutin muna ni Cally ang akusasyon niya.
Kinatok siya sa pintuan ng isang kasambahay nila. "Senyorita, Pinapatawag ka ni Mayor"
Halata sa mukha ni Luna ang pagka-inis dahil sa interview ni Prin at hindi nawala ang pagka-iritable niya hanggang sa harapin niya ang magulang sa sala ng bahay.
Napansin niya na may kasama ang magulang niya sa sala at pansin niya na taga-media ang mga ito.
"Personal ka namin na iinterview-hin." sabi ng mga ito.
"Fine!" sabi niya.
"Tell us what happened" ang sabi ng isang babae na nakasalamin.
Nagsimulang magkwento si Luna. "Kinuha nila ako bilang supporting actress sa bagong movie ng MGM." simula ni Luna.
Kinuwento niya dito ang lahat ng naganap tulad ng kung paano siya purihin ng direktor kay Cally at kung anu-ano pa.
"Tingin ko naging trigger ‘yon sa kanya para pagsamantalahan niya ako." Sabi niya ng lumuluha.
"Tapos, pinaalis niya ang direktor para maiwan kaming dalawa sa loob ng kwarto. Tapos, tapos, ayun na… hu hu hu"
TUMULOY si Prin nang walang bahid ni kalmot hanggang sa maka-akyat sa opisina ni Cally. Natagpuan niya si Cally na nakapamulsa at nakatingin sa maingay at makulay na siyudad sa labas. Nilingon siya nito nang madinig ang pagbukas ng pintuan.
Nilapitan niya si Cally. "Are you okay?"
Kinuha nito ang kamay niya, hinila siya saka niyakap mula sa likuran. Pinatong ni Cally ang ulo sa bumbunan ni Prin.
"Are you sad?" pangungulit niya kay Cally.
"Why would I? Samantalang, You are the person I was thinking before you came in"
"Just checking" napangiti siya sa sagot nito.
"You did a great job kanina. You provoked Mayor's daughter. Now, we have to wait kung ano ang sasabihin niya. Saka…" bago pa nito ituloy ang sasabihin, kinagat siya nito sa tenga.
"Ow ow ow!" hinawakan niya ang tenga at halatang may iniwan itong maliit na marka ng ngipin doon. Hindi naman talaga masakit ang kagat ni Cally.
"Para saan iyon?" reklamo niya.
"Sa pagiging makulit mo, Akala mo ba hindi ko alam na nanuntok ka kanina sa school"
Napakagat ng labi si Prin.
"Sorry…" alam niya na makakarating ang balita na iyon kay Cally.
Binuhat siya ni Cally at dinala sa upuan sa likod ng malapad na mesa ng Presidente. Nakakandong lang siya dito at mukhang wala itong plano na pakawalan siya. Nagsimula itong magtrabaho nang nasa ganoong ayos sila. Nakikitingin lang siya sa ginagawa nito na wala siyang maintindihan ni isa.
Maya-maya, bumukas ang pintuan at lumitaw si Kai. Nakakunot ang noo nito na makita sila sa ganoong ayos.
"Kamusta Shi?"
"I'm okay. Walang dapat alalahanin." sagot ni Cally. Halatang kalmado ito at hindi man lang makitaan na apektado sa nangyari.
"Inutusan ako ni Master Rob na bantayan kayong dalawa." sabi nito saka umupo sa nag-iisa at malapad na couch. Halata ang dis-gusto sa hitsura nito habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Seriously, nasisikipan ba kayo dito sa couch kaya nagkakasya kayo sa iisang silya?" reklamo nito.
Tumawa si Prin. "Ha ha ha. A single like you wouldn't understand."
"Well, he has his Angel now." makahulugan na sabi ni Cally kahit hindi pa nito tinatanggal ang paningin sa trabaho.
Namula ang mukha ni Kai.
"Go to your Angel, then." nakangisi si Prin kahit pa alam niya na hindi ito aalis. Uunahin ni Kai ang obligasyon nito bilang Dark Guard bago ang lovelife nito.
Hindi na lang sila pinansin ni Kai. Nilabas nito ang laptop saka nagsimulang magbrowse. Nagsimula rin itong mag-report kay Rob kung ano ang mga nangyayari sa Maynila. Inabot ng ilang oras bago nito napansin ang isang video ni Luna.
"Guys, come here! May video na si Lu--" inangat nito ang paningin kay Prin at Cally na kasalukuyang nag-ngingitian at nagpapalitan ng halik sa isa't isa.
"What the f*ck! Are you guys for real? Hello?! I'm still here. Are you guys trying to make me your third-wheel?"
Tumawa si Prin. Naisip niyang inisin at inggitin si Kai para subukin ang self-control nito. At tulad ng inaasahan maiinis ito sa kanila ni Cally.
Inikutan siya nito ng mata. Tumayo ito at binitbit ang laptop sa harapan nila.
Pinindot ang play button sa harap nilang dalawa. Walang makitang emosyon kay Cally at Prin hanggang sa matapos ang video. Si Kai naman ay napangisi.
Kinuha ni Cally ang cellphone at tinawagan si Zuki. "Naglabas na ng interview ang anak ni Mayor, huwag mong hahayaan na mawala ang video na iyon sa internet. Ilabas mo mamayang alas dose ng hatinggabi ang CCTV para totoong naganap sa restaurant." sabi nito saka binaba ang tawag.
"You can now go to your Angel." utos ni Cally.
Namumula ang pisngi ni Kai na kinuha ang laptop. Saka bumalik sa couch. Halata na hindi pa rin ito matitinag.
Naisip ni Prin na dagdagan ang pang-aasar dito. "Oh right, I remember na mukhang may usapan sila ni Ken. Mukhang dadalawin siya ni Ken sa unit niya ngayon, husbie."
Nakisakay naman si Cally. "Oh! Ken, her childhood lover? Really?"
Napansin niya na niligpit ni Kai ang gamit.
"F*ck you guys!" ang sabi saka lumabas ng opisina ni Cally.
Tawa ng tawa si Prin. Hindi pa kasi umamin at manligaw ang mokong sa kaibigan niya.