NAKATITIG si Kai sa mamasa-masang mata ni Bella. He is confused.
"Sa susunod huwag ka nang manonood ng Romance Drama kung iiyak ka lang din naman pala." Reklamo ni Kai habang pinupunasan ang luha niya.
"Sayang ang pera mo, lalo na kay James Bond. Ikaw na nga ang nagbayad, may luha pa na binigay sa iyo."
"Dahil nilibre mo ako ng sine ngayon, ako ang sasagot sa susunod. Pero hindi Romance, okay? Action ang panonoorin natin para walang iyakan." dagdag pa nito.
Wala naman nagawa si Bella kun'di ang tahimik na makinig kay Kai. Halos hindi nga niya naintindihan ang sinabi nito dahil nakatitig lang siya sa lalaki.
Nakikiramdam lang si Bella hanggang sa makabalik sila ng condo.
Nang makauwi sa kani-kanilang bahay ang dalawa, ilang minuto lang may 'new follower' agad si Bella at si Kai ang tao na iyon.
Nakalagay sa activity nito na kagagawa lang ng account nito ilang minuto lang. Nabigla pa siya na makita na siya lang ang kaisa-isang nakalagay sa 'Following' ng binata.
At ang picture nila sa sinehan ang kauna-unahang post nito.
Alam ni Bella na mali pero nakaramdam siya ng saya. Binawi niya rin naman agad nang maisip na kagagawa lang ng account ni Kai.
Malamang, hindi pa ganoon kalawak ang circle of friends nito sa social media dahil bagong account lang iyon.
Humiga siya sa kama na sinasakop ni Kai ang buong diwa niya hanggang sa makatulugan niya iyon.
Kinabukasan, habang nagkakape, unang napansin ni Bella na daan-daan na ang followers ng lalaki at karamihan ay schoolmates niya.
'iba na wafu!'
Pero siya lang ang katangi-tanging nasa 'following' nito. Medyo proud si Bella sa sarili niya. Madaming nakasunod sa lalaki pero siya lang ang nag-iisa na sinusundan nito.
Ayaw man niya, pero kinilig siya doon.
'Haay Bella, wala na! Talo ka na sa taguan ng feelings'
Nagpatuloy pa siyang mag-browse nang mapansin ang isang hashtag na may kinalaman kay Cally. Parang gusto niyang sumuka ng dugo nang mabasa na pinagsamantalahan nito si Luna.
Hindi siya makapaniwala sa nabasa dahil sa lamig ng awra ng taong iyon. Kaya isa lang ang masasabi niya - Imposible!
HINDI nakaligtas kay Prin ang kumalat na balita dahil kung sinu-sino ang nagta-tagged sa kanya.
Pinagsamantalahan daw ni Cally si Luna.
Hindi niya alam ang tamang reaksyon pero nasaktan siya para kay Cally. Kung anu-ano kasi ang sinasabi ng mga tao sa asawa niya tulad ng:
"Gwapo pero manyak sa totoong buhay"
"Minolestya mo ang anak ng Mayor namin, dapat mong panagutan ang ginawa mo!"
"I heard she's crying at hindi makatulog dahil ayaw siyang panagutan ni Cally Han"
May mga positive comments din naman tulad ng:
"Kilala ko si Luna dahil schoolmate kami, Primadona at masama ang ugali. I don't buy this post."
"Tingin ko nangangarap lang ang anak ni Mayor hahaha."
Nasa ganoong ayos siya nang lapitan siya ni Cally.
"What is it?" tanong ni Cally kay Prin. Seryosong tingin ang isinagot ni Prin sa asawa niya. Walang makitang emosyon kay Prin bukod sa lungkot.
Tumayo si Prin ay yumakap kay Cally.
Sunud-sunod ang tao na pumasok sa bahay nila. Si Zuki, si Xander at ang iba pang tauhan ng Daddy ni Prin.
"Shi!" bungad ni Zuki.
Nakuha agad ni Cally ang dahilan ng pagpunta ng mga ito doon. "Hintayin niyo ako sa labas."
Sumunod sa master nila ang lahat. Sinuklay ni Cally ang buhok ni Prin gamit ang mga daliri. At inipit pa ang ilang hibla ng buhok sa tenga niya.
"Huwag kang mag-alala, Inabangan ko talaga ang araw na una silang kumilos laban sa akin. Kahit dulo ng hibla ng buhok niya ay hindi ko pinangarap na hawakan." sabi nito.
"I believe in you. Ayoko lang na kung anu-ano ang sinasabi nila tungkol sa iyo." malungkot na pahayag ni Prin.
Cally felt proud to have a wife like Prin.
"Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Mas importante sa akin ang sasabihin at mararamdaman mo."
"Alam mo naman na hindi ako basta-basta maniniwala." nakanguso na sabi niya dito.
"Ehh, malay ko ba. Sa intelektwal na mayroon ka, hindi natin masasabi. Malaki ang tyansa na maniwala ka sa fake news"
Pinalo niya ito sa dibdib. Ibinalik siya nito sa sariling bisig nang natatawa.
"I'm happy that you knew me well"
'Of course! Di pa ko tinutubuan ng boobs, pinag-aralan na kita. Hindi isang malditang Luna ang titibag sa akin.' isip-isip niya.
Hinalikan siya ni Cally sa labi. Magaan at parang may mensaheng nakalakip sa bawat paghalik nito.
"By the way, may account na sa social media si Kai" balita ni Cally.
"Ow! Did he followed you? Wala pa akong narereceive na notif." nagtataka si Prin.
"Well, looks like he created the account only for his girlfriend." sabi nito saka pinakita kay Prin ang tinutukoy sa cellphone.
"Woah!" nanlaki ang mata ni Prin. Kai has two thousand plus followers pero isang numero lang ang nakalagay sa following nito na sa tingin niya ay si Bella.
MABILIS na bumaba ang stock market ng MGM dahil sa issue ni Cally. Pansin ni Prin na parang hindi man lang apektado ang asawa niya. Maganda pa nga ang mood nito kung tutuusin.
Tulad pa rin ng dati, hinatid ni Cally si Prin sa eskwelahan na para bang walang nangyari.
Habang naglalakad papasok, iba-iba ang klase ang tingin na pinupukol ng mga ka-eskwela kay Prin at alam niyang ang dahilan ay si Cally. Mabuti na nga lang at pinanganak siyang 'deadma' sa bagay-bagay.
Nabigla siya nang lumitaw si Sean sa harapan niya pero tuloy lang siya sa paglakad na para bang hindi niya ito nakikita.
"Sige lang, ituloy mo lang na huwag akong pansinin. Kaya ka niloloko ng boyfriend mo e."
Hindi pa rin ito pinansin ni Prin.
"Haaay, babaero ang boyfriend mo Prin at mukhang hindi kuntento sa iyo. Luku-luko at tanga dahil pumatol siya kay Luna."
Sa bigla ni Sean sinuntok siya ni Prin sa mukha. Tinulak niya ito sa pader at pinigil ng braso ang dibdib.
"Woah! Easy dear…" nakangisi ang lalaki ng nakakaloko at tinaas ang kamay.
Ngumisi din si Prin kahit pa naa-alibadbad-an siya sa pagmumukha nito. Nakakailan na ang lalaking ito sa kanya at hindi pa rin siya tinitigilan.
"Too bad, you said something bad about my Cally."
Susuntukin ulit dapat ito ni Prin pero isang kamay ang pumigil sa braso niya, si Kai.
"It's not worth it…" sabi ni Kai saka siya hinila. Kapag nagsugat ang kamay ni Prin, parurusahan siya ng kanyang Shi bilang siya ang baby-sitter ni Prin sa kasalukuyan. That Master of him is a pervert. He doesn't want any bruises on every part of his wife's body.
"Haaay, ito pa ang isa. Gumawa ng social media account para lang magpa-cute sa kababaihan. Babalikan din ni Bella ang ex niya kaya huwag ka nang mag-eff--" bago pa nito matapos ang sasabihin, isang malakas na suntok mula kay Kai ang tinanggap ni Sean.
Pakiramdam ni Sean, nadurog ang wisdom tooth niya na papatubo pa lang. Nagdugo ang labi at bibig niya.
Matalim ang tingin na pinukol ni Kai sa binata. At gaganti rin sana ito pero isang sigaw ang tumigil sa kanila.
"Prin, Kai and Mr Sean! To my office!" sigaw ng Dean.
Doon lang napansin ni Prin na maraming estudyante sa paligid kaya mabilis na nakarating sa Dean ang gulo nila. Nangigigil si Prin dahil sigurado na makakarating kay Cally na binalik na naman siya sa Dean's office.
'This idiot guy!' kung nakakamatay lang ang mga titig, baka iniembalsamo na ang lalaki.
Sa opisina ng Dean, kausap nito si Sean sa loob ng maliit na opisina nito. Si Prin at Kai ay magkatabi sa couch sa labas ng opisina na matiyagang naghihintay kung kailan sila nito kakausapin.
Ngingiti-ngiti si Prin kay Kai na nagpa-conscious sa huli.
"What?!" hindi na ito naka-tiis.
Tumawa ng malakas si Prin na para bang wala siyang pake kahit nasa opisina sila ng Dean.
"Tell me, in love na ba ‘yung leader namin?" naka-ngisi na tanong niya dito.
Hindi siya nito sinagot na normal sa leader nila. Naisip niyang subukan ito.
"Follow me on your Twit Twit account. Where is your phone?"
"Shut it! okay? I created the account para bantayan si Bella. Ikaw ang nag-utos sa akin d'yan na pinapasa mo ang pagbabantay ko sa kanya." sagot nito.
Napangiti ng nakakaloko si Prin. Tulad ng inaasahan niya, hindi siya nito i-f-follow sa social media account nito because he created that account only for his beloved. Tsk!
"So, you don't have a plan to follow anyone in Dark Guards?"
"No! Bakit ko kayo kailangang i-follow? You guys knew how to protect yourselves. And, may I remind you that no cellphones are allowed in Training camp?"
"Ahhh… So, you only want to protect Bella?"
"what? Is that a crime? She's my girlfriend anyway"
Natahimik si Prin pero binigyan niya ito ng makahulugan na ngiti. Mukhang seryoso ang leader nila sa kaibigan niya. Ang nakakatawa, puro reklamo ang natatanggap niyang mensahe kay Bella tungkol kay Kai.
Kesyo, inuutus-utusan ito ni Kai. Nanood sila ng sine, pero hindi man lang magawang alalayan ang kaibigan niya at ito pa ang nagbayad sa lahat ng gastos. Masungit ang lalaki at kung anu-ano pa.
"MB5, kung ako sa iyo, manligaw ka ng maayos. nandito lang ako para i-guide ka" sabi pa niya habang tinapik ang sariling dibdib ng dalawang beses na lalong kinainis nito.
Sasagot pa sana ito pero bumukas na ang opisina ng Dean at sabay silang pinapasok.
Lumabas si Sean na nakasimangot. Tinabig pa nito ang balikat ni Kai na hindi man lang natinag.
Akala ba ni Sean ay matitinag si Kai sa pagdanggil lang sa balikat? Pati si Prin ay napipikon na rin kay Sean. Gusto niyang pakuluan ng buhay ang lalaki para magtigil na ito sa mga naiisip na kalokohan. Sabihan ba naman na babaero si Cally, luku-luko at tanga.
Kung hindi nga lang dumating si Kai para pigilan siya, malamang na tinuloy sa ospital ang bwisit na lalaki.
HINDI mapakali si Bella sa silya niya. Wala sa klase ang buong kaisipan niya dahil na kay Prin at Kai ang lahat ng brain cells niya.
Wala siyang maintindihan sa klase. Nasa online forum na naman kasi ang dalawa at nasabihan na rin siya na pinatawag nga daw si Prin, Kai kasama si Sean ng Dean. Napaaway kasi ang dalawa sa huli.
Pasunod na sana siya sa mga ito nang dumating ang instructor nila sa klase, kaya wala siyang choice kung hindi ang tapusin at manatili sa klase.
Ilang oras ang lumipas, humugot siya ng malalim na hininga nang sa wakas ay matapos ang klase, inayos niya agad ang mga gamit saka lumabas. Hinihiling niya na sana ay magkita-kita silang tatlo sa susunod na klase niya.
"Guys, have you heard? Si Prin at Kai. Kailangan na sumali sa Volleyball league bilang parusa mula kay Dean." narinig niyang sabi ng isang estudyante.
"Woah! Talaga? Exciting ito"
"Basketball at Volleyball to be exact at magsisimula sa weekend. Kung saan kalaban ang kabilang school. And guys I am talking about beach Volleyball. Ngayon pa lang ay naglalaway na ko kay Papa Kai"
Nakahinga ng maluwag si Bella. Mabuti at maliit na parusa lang ang natanggap ng dalawa.
"Pst!" tawag ng isa pa sa dalawang tsismosa.
"Andiyan ang girlfriend, huwag kayong makulit." sita nito.
"Nakita niyo na ba? 12 thousand na yata ‘yung 'Follower' ni Kai pero iisa lang ang
'Following' niya at ‘yun ay walang iba kun'di si Bella na girlfriend." bulong nito.
Nakaramdam naman ng panghihinayang at selos ang dalawa pa.
Curious si Bella kung totoo ang narinig niya kaya binuksan niya ang app ng Twit Twit. Nabigla siya sa nakita na siya nga lang talaga ang sinusundan ng lalaki. It was as if he created the account for her.
Namumula ang mukha ni Bella dahil sa kilig. Tumuloy lang siya sa paglakad hanggang sa makarating ng second floor.
Natagpuan niya si Kai na nakasandal sa pader sa labas ng kwarto ng sunod nilang klase at halatang naghihintay. May mga babae pa sa paligid na kilig na kilig habang nakatingin lang sa lalaki. Nilapitan niya ito.
"Ahmm… bakit nandito ka sa labas? Baka mag-init na naman ang ulo mo. Nasa'n si Prin?"
"She has to go to MGM Office. May nangyari kasi kay Shi Cally." sabi ni Kai habang nakatitig sa mga mata ni Bella.
It made her conscious. Lalo na at may mga tao sa paligid nila.
"I was waiting for you para magpaalam. Susunod ako kay Prin to check the situation and I will be busy for a couple of days" sabi nito.
Hindi naman maintindihan ni Bella kung bakit kailangan pa siya nitong hintayin at magpa-alam, e hindi naman siya nito girlfriend sa totoong buhay. Parang hinaplos tuloy nito ang kaloob-looban ng damdamin niya. It was like a small gesture with a big impact in her whole being.
"Ano ba guys, masyado kayong pa-sweet sa hallway. Magkiss na kaya kayo kaysa iniinggit niyo kami." sabi ng estudyante na mukhang kanina pa nanonood sa kanila.
Namula ang pisngi nila parehas.
"Hindi kita mahahatid papauwi but I will try my best to fetch you. Message me whenever you need help okay" tila nagdadalawang-isip si Kai kung aalis na ba sa harapan niya o hindi.
"Have to go!" ang huling sabi saka nagmadaling lumakad papalayo.
"Haaay Kai, kapag ganyan ka ng ganyan mahuhulog ako lalo sa iyo" bulong niya sa sarili.
Ngumiti siya ng mapait. Alam ni Bella na wala lang ang lahat ng iyon kay Kai. Sinabihan lang din siguro siya nito tungkol sa paghatid at pagsundo dahil may mga nanonood sa paligid.
O kaya naman inutusan lang ito ni Prin na magpaalam sa kanya. Nalungkot si Bella.
Tumunog bigla ang cellphone niya habang nasa malalim na kaisipan. May notification siyang natanggap.
Ang nakaka-aliw, hindi lang ang cellphone niya ang tumunog, kun'di halos karamihan ng nasa paligid niya. Para bang galing ang mensahe sa NDRRMC at may mangyayaring sakuna sa sunud-sunod na beep mula kung kani-kaninong cellphone. Sinilip niya ang cellphone.
[Your friend KaiJeonJang recently posted a status]
Kinakabahan na pinindot niya iyon at tila dinala siya sa kalangitan sa nabasa.
[KaiJeonJang :Wait for me, My Angel…]
Kung gaano siya kasaya, ganoon naman kalungkot ang mga tao sa paligid habang nakatingin sa kanya at binabasa ang post ni Kai. Halata ang inggit sa mga ito at parang pinagsakluban ng langit kung saan dinala si Bella.
"Wala na, may nanalo na!" usal ng isa habang iiling-iling