"SEE YOU later!" sabi lang ni Cally saka inutusan na si Xander na paandarin ang sasakyan nito.
Hindi siya nito pinansin buong byahe.
Umikot na lang ang mata ni Prin nang makaalis ang sasakyan. Alam niyang gusto siyang tirisin ni Cally pero nagtitimpi lang ang lalaki matapos niya itong biruin tungkol sa p*********i nito.
This guy's ego! Mas mataas pa sa Mount Fuji!
Pagpasok ng gate nakita niya si Evan na classmate niya.
"Hello Prin!" matamis ang pagkakangiti na bati nito.
Wala siya sa mood na kausapin ito dahil nilapit-lapitan lang naman siya nito nang magsimula siyang magsuot ng bestida. Kaya hindi maganda ang impresyon niya sa lalaki. Isa pa, nobyo ito dati ng isa pang kaklase niya na inis sa kanya -- si Luna.
Nakwento niya si Luna noon kay Cally na hindi maganda ang relasyon niya sa babae at lagi siyang tinataasan ng kilay.
Nabigla na lang siya nang may umakbay sa kanya -- si Bella. Galing din sa gate ang babae at hindi niya lang napansin.
"Uy! Ikaw pala iyan," nakangiti niyang sabi.
"Yes my friend! I like your outfit today! Good job!" sabi nito.
"Thanks!" napangiti siya dahil kay Cally galing ang damit niya. Pero hindi niya alam kung sino ang inutusan nito na magdala ng damit.
"You are learning and I'm happy sa kinalabasan," excited na sabi nito.
Napadaan sila sa bulletin board papunta sa klass at napansin ni Prin ang anunsyo mula sa Volleyball team.
May paanyaya na kukuha ang team ng school nila ng tatlong members pa, kapalit ng naka-graduate nang nakaraang school year.
Bigla niyang naisip na magtry pero baka masira ang oras niya sa klase at oras nila ni Cally.
"Gusto mo magtry?" Napansin ni Bella na interesado siya dahil bigla silang huminto sa tapat ng board.
"Siguradong hindi siya magaling kaya bakit siya magta-try?" singit ni Luna na nasa likuran lang pala nila. Hindi nila napansin ang babae.
Hindi sumagot si Prin.
"Hindi ka ba magaling friend?" usisa ni Bella.
"I just know how to play. Wala pa naman akong nasalihan na team ng Volleyball," sabi ni Prin.
Pero sa Dark Guards ay isa sa mga libangan nila ang maglaro ng Volleyball at Basketball. Those are just an example of their physical activities and hobbies at the same time.
Gayunpaman, hindi naman sila matatawag na professional.
"I bet hindi ka naman talaga marunong," sabi ni Luna.
"Hey! That was rude!" sabi dito ni Evan.
Lalong sumama ang mood ni Luna kaya inirapan na lang siya nito at umalis na.
Tahimik lang si Prin. Kaysa pag-aksayan ang mga taong inis sa kanya na kahit wala naman siyang ginagawa, mas makabubuti pa na ilaan niya na lng iyon sa pag-aaral para hindi siya sungitan ni Cally.
MATAPOS ang klase dumeretso siya sa opisina ni Cally dahil may usapan sila nito.
Tinuruan siya ni Cally sa math problems na nagpapasakit ng ulo niya.
"Auggghh! Pakitingin yung ulo ko, baka may lamat na. It really hurts!" hiyaw niya.
Pinitik nito ang noo niya. "It's very simple."
"Why do I have to learn those things? It can't help me. These numbers are giving me a headache instead of helping me. So tell me, why should I need to learn them?" naiiyak na tanong niya dito.
Napabuntong hininga si Cally. "Fine! I guess hanggang dito na lang muna tayo. May pupuntahan din naman tayo kaya papayagan kita na mag-enjoy kahit ngayon lang."
Papayagan daw siya nag mag-enjoy, pero isang session lang nila. Gusto niyang magreklamo at huwag nang umulit ng mga isang linggo pero hindi niya magagawa.
"Pupunta tayo sa isang couturier."
Nakakunot ang noo ni Prin.
"My Mom's birthday would be next month. Aside from that, it's their renewal of vows. After a couple of years, ngayon lang ako ulit pupunta sa kasal ng parents ko. Kaya kailangan natin mag-prepare."
Naalala ni Prin na tuwing ganitong panahon nga nag-aayos ang magulang niya para dumalo sa kasal ng magulang ni Cally.
"Okay! By the way, niloko mo lang ba ako kanina na magtuturo ang Mommy mo sa school namin?" nakapamewang na tanong niya dito.
Matagal na tumitig sa kanya si Cally. "No! Bakit naman kita lolokohin?"
"Para inisin ako."
"I'm not going to do those childish acts. Come!" Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa table nito. May kinuha ito sa drawer at inabot sa kanya.
Isang susi na may tatak na "Mazda" ang inabot nito.
Natuwa si Prin.
"Wow! Ahhh!!!" Dahil sa sobrang saya ay nayakap niya si Cally.
"Oh my gosh Husbie! I'm so happy about this!"
Doon lang niya napagtanto na nakalingkis siya sa katawan ng lalaki. Agad siyang bumitaw dito.
"I'm just excited," nakayukong paliwanag niya.
"If you are thankful and excited…" sabi ni Cally. Nilapit nito ang mukha sa kanya.
"Here is your payment…" saka nito inilapat ang labi kay Prin.
It was just a simple kiss. Nasa bulsa ang parehas na kamay ni Cally. Si Prin naman ay nakakapit ang isang kamay sa mesa. Habang mahigpit na nakahawak sa susi ang isa.
Maihahalintulad sa halik na lihim niyang ginawad sa lalaki ang halik din nila na iyon.
Ilang saglit lang iyon nagtagal pero kakaiba ang naging epekto sa kanilang dalawa.
Nakayuko si Prin matapos ang ilang saglit. Namumula na ang pisngi niya at hindi siya makatingin kay Cally.
"Let's go…" aya niya sa binata.
Pero hindi kumikilos si Cally. Napilitan siyang salubungin ang mata nito.
Nabigla na lang siya nang kumilos ang dalawang kamay ni Cally mula sa magkabilang bulsa nito. Ang isa ay para yakapin siya sa bewang at ang isa ay para hawakan ang panga niya.
Then, he gave her the real meaning of kiss -- sweeter and deeper.
NANG yakapin ni Prin si Cally dahil sa sobrang pagkatuwa nito sa susi ng sasakyan, may kung ano siyang naramdaman sa ginawa nito.
Napatitig na lang siya sa labi ni Prin nang mahimasmasan ito. Kaya hindi siya nag-aksaya ng oras na gawaran ito ng halik.
But, he wanted more. Hindi siya kuntento sa simpleng halik na iyon. Tinitigan niya ng mabuti ang mukha ni Prin at tila ba tumigil ang mundo nang salubungin nito ang mata niya.
Idagdag pa na nanunuot sa ilong niya ang amoy ni Prin dahil sa ilang sentimentro lang na layo nito sa kanya.
Hindi na siya nag-aksaya ng oras at panahon. Nilapit niya ang katawan sa babae, hinaplos ang pisngi nito at ginawaran ng halik.
Walang sino man ang babae na lumapit sa kanya sa mga nakalipas. At kahit naiinis siya kay Prin dahil sa mga pagsagot-sagot nito sa kanya, alam ni Cally na may kakaiba siyang nararamdaman tuwing nasa paligid ang asawa.
Parang may nagpuputukang fireworks at stars sa paligid habang binibigyan ni Cally si Prin ng halik. He wanted more, so he entered his tongue inside her mouth.
Napakislot si Prin sa ginawa ni Cally.
Kakaiba ang halik na binibigay na iyon sa kanya. Mas mainit, mas nakakatakam at mas nakakabaliw. Nag-iiwan ang halik nito ng mensahe at kinukuha ang buong lakas niya sa parehas na oras.
Hanggang sa parang mauubusan na siya ng hininga. Isinandal lang nito ang noo sa noo niya ng ilang saglit at ginawaran pa muli si Prin ng isa pang maingat ng halik. Parang huling tikim sa ibabang labi ni Prin.
Agad lang silang naghiwalay nang tumunog ang telepono ni Cally.
Hinihingal pa si Cally na sinagot ang tawag. "Yes?"
Napansin naman ng tumatawag sa kabilang linya na parang hindi maganda ang timing niya. Pero importante ang rason ng tawag niya.
"Master Cally, na-kidnap po si Master Crayon at Miss Crayola. Dinukot sila mula sa school. Your Dad and Mom want to see you," si Drake na assistant ng Daddy niya.
Kalmado lang si Cally. "Pupunta kami diyan."
Si Prin sa gilid ay pulang pula pa rin ang buong mukha sa kahihiyan. Hindi pa siya nakaka-move on sa halik na pinagsaluhan nila ni Cally.
"The twins got kidnapped. They need our help," pagbibigay-alam ni Cally.
Kapatid nito ang tinutukoy kaya parang nakabalik sa reyalidad si Prin.
"What? Let's go kung ganoon," nag-a-alalang sabi niya.
Magkahawak-kamay sila na nagpunta sa elevator hanggang sa makapunta sa tapat ng sasakyan ni Cally.
Hindi nila iyon intensyon. Pero parang human instinct na basta na lang ginawa.
Hindi maganda ang oras na iyon para mag-daydream si Prin, lalo at dinukot ang kapatid ni Cally.
Si Cally naman ay nakaramdam ng tensyon. Normal na reaksyon na ma-tense siya because his brother and sister were just ten years old. At alam niya na takot ang mga ito sa oras na iyon.
Parehas na mahina ang dalawa dahil tanging school at bahay lang ang alam ng mga ito. Iniwasan ng Mommy niya na mamuhay ang dalawa sa paraan kung paano siya namuhay.
Sisiguruhin niya na kung sino man ang makapal ang mukha na dumukot sa dalawa ay mananagot sa kanya.
Tumuloy sila sa bahay ng magulang niya. Naroon ang halos lahat bilang suporta. Naroon si Anthony na pinsan niya at ang iba pa na kamag-anak. Hindi sila nag-usap o nakipagkamustahan.
Lumapit siya sa Mommy niya na hindi mapalagay at umiiyak. Kayakap nito ang Daddy niya.
"What happened?" tanong ni Cally sa magulang.
Naiwan si Prin sa isang gilid at hinayaan si Cally na lumapit at magtanong sa mga ito.
"Hindi namin alam na nadukot ang dalawa kung hindi lang tumawag ang driver nila para sunduin sila sa hapon. At sinabi na nagsipaglabasan na ang lahat ng estudyante pero hindi pa lumalabas ng school si Crayon at Crayola."
"Tinawagan ko ang security ng school at sinabi na isang guard nila ang nagpatuloy sa dalawang kidnappers na makapasok sa loob. Lunch time nang dukutin ng mga ito ang dalawa kaya hindi napansin ng teachers."
"Did they call para manghingi ng kung ano?" tanong ni Cally sa Daddy niya.
"Yes. That's why I asked Drake to call you."
"They are asking 100 million. They will call again kung saan ang meeting place." Matalim ang tingin at nakakuyom ang palad ng Daddy niya na halata na gusto nitong manuntok.
Tumingin ito sa kanya.
"They will call again soon para magbigay ng detalye. Your Mom needs me that's why I need you to go there and do 'something' about it," makahulugan na sabi nito.
Sa loob-loob ni Cally, hindi pa man sinasabi ng Daddy niya ang bagay na iyon ay may plano talaga siya na turuan ang kung sino man na nagkalakas ng loob na gumawa ng masama sa pamilya niya.
Nag-ring muli ang telepono at si Cally na ang sumagot. Mga iyak ng dalawang kapatid niya ang naririnig sa kabilang linya.
"Mr Han, siguro naman ay handa na ang pera na hinihingi namin." Pinakikiramdaman ni Cally ang boses. Sa palagay niya ay nasa edad kwarenta pataas ang edad nito.