NAALIMPUNGATAN si Prin ng madaling araw na sinasakop na ang higaan ni Cally. Hindi lang basta sinasakop, kung hindi sakop na sakop.
Madalas ay may nilalagay silang malaking bolster sa gitnang parte ng kama para hati sila sa higaan. Iyon nga lang, parang wala rin iyong silbi dahil lagi siyang nakadantay kay Cally tuwing magigising siya.
"Sa wakas nagising ka din. Kung nakukulangan ka sa higaan just let me know. Kulang na lang ay sipain mo na ako palabas ng kama e," reklamo ni Cally.
"I'm sorry…"
Napansin niya na halos naka-gilid na si Cally sa pinaka dulong bahagi. Kaunti na lang lalabas na talaga ito ng kama.
"kasalanan to ng bolsters masyado kasing malikot…" nahihiya na sabi niya dito.
Napapailing na lang si Cally sa katwiran niya.
Umayos si Prin ng higa at nakatulog muli. Si Cally sa kabilang gilid ay hindi mapalagay sa higaan. Hindi kasi siya sanay na may unan na malaki na katabi at ilang araw na siyang nagtitiis.
Tinanggal niya na lang iyon at hinagis sa kung saan dahil naiirita talaga siya. Gumaan naman ang pakiramdam niya at nakatulog.
Parang nananaginip naman si Prin habang natutulog. Yakap-yakap daw siya ni Cally at parang ayaw bitawan. She was happy even if it was just a dream.
Ang mga haplos nito sa balat niya ay para bang dinadala hanggang sa kaloob-looban ng pagkatao niya at nagbibigay ng kiliti sa kaibuturan ng kanyang puso.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at unang bumungad sa kanya ang mukha ni Cally. Dumadampi pa sa pisngi niya ang malakas na paghinga nito habang natutulog.
'Nasa dreamland pa ba ako?'
Tiningnan niya ang sarili at yakap-yakap siya nito sa pagtulog. Kinurot niya ang sarili at nanlaki ang mata niya dahil totoong nangyayari ang nagaganap.
Parang gusto niyang maglulundag pero mawawala sa mood ang napakasayang eksena na iyon kapag ginawa niya iyon.
Tinitigan niya na lang ang mukha nito saka niya dinampian ng halik sa labi ng ilang segundo. Kumilos ng bahagya si Cally.
Nanlaki ang mata niya at saka pumikit muli at nagpanggap na natutulog.
Si Cally sa kabilang parte ay nagising sa nakaw na halik na iyon. He knew it was real. Dahil kaunting kilos lang sa paligid ay magigising na siya.
It was one of his trainings.
Tiningnan niya si Prin na ilang sentimetro lang ang layo sa mukha niya na nakapikit.
Dahil sa kaunting ilaw na nagmumula sa labas ng bintana, kita niya ang mukha nito at nais niyang matawa dahil gumagalaw ang eyeballs nito na halatang gising ito at nagpapanggap na natutulog.
He curled his lips for the first time at mas hinigpitan pa ang yakap kay Prin na amoy cherry blossoms.
"HEY!" tapik ni Cally sa pisngi ni Prin kinabukasan.
"uhmmmm…" ungol ni Prin.
"Get up. You will be late," sabi ni Cally habang nakatingin sa relo.
Iniwasan niya ang tapik nito at rumolyo sa kabilang parte ng kama. Sinundan siya ni Cally sa kabilang side.
"Bangon na! Ang mabuting estudyante kailangan bumabangon ng maaga."
"I'm not a good student, so I'm not one of them," katwiran niya.
Nakapamewang lang si Cally sa gilid ng kama. Parang anim na taong gulang kasi ang asawa niya na ang hirap gisingin kapag papasok sa school.
"Oh yeah! I think my mom will start in your school to teach"
Nagising si Prin sa sinabi ni Cally at agad na bumangon at umupo. "What??? Mommy Ginny will teach in my school?"
"Yes. Kaya nga... please give me some face. Ayoko na masabihan na hindi kita tinuturuan at kinukunsinti na ma-late sa klase."
Namroblema bigla si Prin. Agad siyang bumangon at naghanap ng maayos na damit sa closet.
Alisin na niya sa eksena si Cally, siya mismo ay mahihiya kung sakaling hindi maganda ang tingin sa kanya ng biyenan niya.
"Is it today?" tanong niya habang iniisa-isa ang mga damit. Halata ang pagkataranta niya.
"Not sure," sagot ni Cally habang naaaliw ng lihim kay Prin.
"augghh! I don't have a dress anymore," sabi ni Prin. Tatlo lang ang binili nila ni Bella nung nakaraan at lahat iyon at nagamit niya na.
"Bili tayo mamaya. Sasamahan kita," sabi nito.
"Is it okay? Hindi ka ba busy sa trabaho?"
"I can finish them early if I want to. You don't have to worry."
"what should I wear now?" namomroblema na tanong ni Prin.
"Maligo ka na. I'll ask someone to bring something over," mungkahi naman nito.
Natuwa naman si Prin at nawala rin ang pagkataranta niya.
"Husbie is the best!" Kinindatan niya pa si Cally at nagbigay ng flying kiss saka tumuloy sa shower room.
Naiwan si Cally na namumula ang pisngi dahil sa inakto ni Prin.
KUNG mayroon mang mabilis kay Cally iyon siguro ang pagpitik ng daliri nito at agad na nandyan na ang kailangan o ang kahilingan nito.
Katulad na lang ng damit niya. Mga kinse hanggang bente minutos lang yata siya naligo at ayan na nga ang request nitong damit na para bang pinadaan sa expressway.
Isang ternong blusa at palda ang laman ng paperbag na inabot nito sa kanya.
"Cool… this is pretty," sabi ni Prin.
Hindi naman nagsasalita si Cally. Nang tingnan niya ang lalaki ay nahuli niya itong nakatingin sa dibdib niya.
Naka-roba lang kasi si Prin pero naka-suot naman siya ng underwear.
"Hey!" Tinakpan niya agad ang dibdib niya.
"Y-You… manyak you." Hindi na niya maisip ang sasabihin dito.
Kumunot naman ang noo ni Cally. "Bakit naman ako naging manyak?"
"Ba-Bakit ka nakatingin sa dibdib ko?" kinakabahan niyang tanong.
"I was looking at the cotton like how it ended up as a robe?" hinawakan pa ni Cally ang manggas ng roba niya.
Sa tingin ni Cally ay iyon na yata ang pinaka-tanga na naging dahilan niya sa buong buhay niya. Pero ang nakakaaliw, hindi man lang nakahalata si Prin.
"Oh! Syempre tinahi," sagot naman nito. Malapit na niyang isipin kung hanggang saan ang common sense ng babae.
"Okay!" sabi ni Cally at tumakas na papunta sa shower room.
Hindi pa siya nasabihan ng manyak o bastos ng kahit na sino at tanging si Prin pa lang ang kauna-unahan na nagsabi sa kanya noon kaya nakaramdam siya ng hiya.
Dahil pumasok na sa loob si Cally ng shower room, hinubad na ni Prin ang roba at aktong isusuot na ang damit.
Nasa ganoong ayos siya nang lumabas kaagad si Cally sa shower room dahil nakalimutan niyang kumuha ng towel sa closet.
Narinig ni Prin ang pagbukas ng pintuan kaya humarap siya paikot dito. Nakaangat pa ang dalawang kamay niya para suotin ang blusa.
Nanlaki lang ang mata niya at hindi nakapagsalita at hindi rin siya nakakilos.
Napalunok lang si Cally saka dumeretso patungo sa direksyon ni Prin.
"H-Hey! H-hindi ko pa nasusuot ang damit ko," kinakabahan na sabi niya.
"Suotin mo. Do you want my help?" relax na tanong ni Cally.
"M-male-late tayo. We can do it later," katwiran ni Prin. Nasa isip niya kasi na baka may gagawin sa kanya si Cally.
Nabigla na lang siya nang lumagpas ito sa pwesto niya at tumuloy sa closet. Nang makuha ang towel, humarap muli sa kanya si Cally.
"Why? Hindi mo ba masuot ang tank top mo?"
Nahimasmasan naman si Prin. Sinuot niya ang lahat ng parte ng katawan niya sa mga butas ng blusa sa loob ng isang segundo.
'Sheet Nakakahiya!' Parang gusto niyang maglaho sa harapan ni Cally.
"B-bakit ka kasi lumabas agad? You saw me almost naked." Bigla niyang naalala ang palda na nasa ibabaw ng kama at agad na sinuot iyon.
"There is nothing to hide anyway. Bakit parang natatakot ka pa diyan? Akala mo naman ay pinagsamantalahan na kita."
Sumimangot si Prin. Para na rin nitong sinabi na patpat siya kaya kahit iladlad niya ang katawan ay okay lang.
"Saka, nakalimutan mo ba na asawa kita. I can do anything to you. Pero may ginawa na ba ako sa iyo sa loob ng ilang araw?"
"I-It doesn't matter! Nagbibihis pa rin ako. Even married couples have their own privacy," sabi ni Prin.
Kulang na lang ay sabihin ni Cally na hindi siya kaakit-akit.
Sa isang parte ay nakatingin lang si Cally sa kanya. He felt something, pero hindi niya maamin kay Prin.
Nanuot ang init sa buong katawan niya nang makita niya si Prin na naka-underwear sa unang pagkakataon pero mas pinili niyang tudyuin ito.
Naghubad si Cally ng pang-itaas. Napalunok naman si Prin. "Wh-what are you doing?"
"So, we are even. Nakita kita na naka-underwear. Hindi ba okay na makita mo rin ako na naka-underwear lang din? Para patas na at walang sisihan." Hinagis na ni Cally ang T-shirt na suot nito.
Lumitaw ang katawan nito sa paningin niya at natatakot si Prin na baka mag-nosebleed na naman siya muli.
"Y-you…" Hindi na nakahanap pa ng sasabihin si Prin.
"Who wants to see you in underwear?" alma niya kay Cally.
"You."
"You are so Pervert! Palibhasa you are still a virgin and you don't know how to release your load!"
Nagdilim ang paningin ni Cally dahil sa sinabi ni Prin.
"Oh! Is that so? So, do you want to release my load?" Nakangising tanong nito.
Nanlaki na lang ang mata ni Prin. Yumuko siya para makalusot dito, kinuha ang bag at saka lumabas ng kwarto para tumakas. Bakit nga ba niya naisip na makipagtalo kay Cally? alam naman niya na hindi siya mananalo sa lalaki.