CHAPTER 17 - Your Boyfriend is Cally Han?

1564 Words
HINDI mapalagay si Prin sa suot niya kaya hindi maganda ang paraan niya ng paglakad.  Napapangiwi si Bella tuwing naglalakad si Prin sa normal niyang paraan.  "Alam mo my friend, okay na sana ang lahat kaya lang yung lakad mo day, para kang may bitbit na isang sako ng bigas," reklamo nito.  "Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na nagtatampo ako kay Lord. Not everyone is perfect and you are one of the living proof," dugtong pa nito habang napapa-iling.  Nakayuko si Prin at hindi makatingin sa kaibigan. Bakit ba kasi hindi niya sinunod ang Mommy niya dati na magbihis ng babae at kumilos bilang babae, ngayon tuloy ay nagsisisi siya.  Kinuha nito ang cellphone at may hinanap na mga video ng runway. "Try to learn this habang nasa byahe ka."  Pinakita ni Bella sa kanya ang mga video nito ng runway ng Victoria's Secret fashion show.  "Habang nasaan daan ka, aralin mong mabuti iyan. I'll share it in your phone." Pinasa nito ang files sa Cellphone niya.  Nag-abang sila ng taxi habang pinanonood ang runway. Sa tingin ni Prin ay madali lang ang paglakad, iisipin na lang niya na naglalakad siya sa isang makitid na ibabaw ng pader.  Nasabi niya na kay Bella na dadalawin niya si Cally sa opisina.  "Saan ba nagtatrabaho ang boyfriend mo?" tanong nito.  "MGM Corp"  Nanlaki ang mata nito. "Wow! Talaga?! Is he an actor? Or in a support team?"  Nag-isip si Prin kung ano nga ba ang tawag sa posisyon ni Cally. "I don't know… but he manages the company."  "Oh! so, he is a Manager," nakangiti na sabi nito.  Nag-isip muli si Prin. "Not really. I think he is the President," simple at kaswal na sabi niya.  Nanlaki na naman ang mata ng kaibigan. "You mean your boyfriend is Cally Han?"  Nagtaka rin si Prin.  "You know my boyfriend?" takang tanong niya dito.  "He doesn't know me, but I know him." Pinalo siya nito sa braso.  "I saw him in one of the magazines before. He is one of the youngest and richest bachelors in the world. How come he became your boyfriend?" usisa nito.  "Naku Prin, I should really teach you on how to be a prim and proper girlfriend. or else, baka maagaw  siya sa iyo ng iba," nag-aalalang sabi nito.  Naisip ni Prin na imposible iyon dahil sa akto pa lang ni Cally na masyadong masungit, imposible na maakit ito ng kung sino. Isa pa, paano pa itong maaagaw sa kanya? E, samantalang asawa niya na ang pinag-uusapan nila.  Gayunpaman, hinayaan niya na lang din ang kaibigan niya sa iniisip nito.  May napadaan na taxi kaya sumakay na siya doon at nagpahatid sa opisina ni Cally.  Pinanonood niya pa rin ang video habang daan. 'Kendeng dito, kendeng doon . masyadong malandi.'  Tumingin na lang siya sa gilid ng daan at pinanood ang mga babaeng naka-miniskirt at pang-opisina. S apalagay niya ay mas okay silang gayahin sa unang stage ng pagsasanay niya.  Nang huminto ang taxi sa tapat ng MGM building, dumoble ang kaba niya. Sinilip niya ang relo sa cellphone at eksakto na alas singko ng hapon. Kaya marami na ang magsisipag-labasan para umiwi.  Sinabi niya na pakay niya si Cally sa receptionist at tinawagan nito ang Assistant ni Cally na si Xander.  Sinundo siya ni Assistant Xander doon sa lobby ilang minuto lang.  Tapos ay dinala siya nito sa opisina ng asawa niya. "Miss Prin, may inasikaso lang si Master Cally pero pwede niyo po siyang hintayin dito. May kailangan po ba kayo na inumin o kainin na meryenda?" Dahil hindi sila kumain ni Bella, nanghingi siya ng meryenda na kahit ano kay Assistant Xander.  Binigyan naman siya nito ng isang piraso ng cookies, croissant at saka wafer na nakalagay sa basket at saka pineapple juice.  Tinikman niya ang mga iyon.  "Wow! I think Xander is the best," puri niya sa lalaki.  Namula naman ang pisngi nito. "Hindi naman po Miss."  "I'm serious. They are so delicious!" Natuwa naman ang Assistant ni Cally. "Kung ganoon, enjoy your meal po. Tawagan niyo lang ako sa labas kung may kailangan po kayo," sabi nito.  Nagbigay lang siya dito ng  'Okay-sign' dahil may laman ulit ang bibig niya.  Matapos kumain ni Prin ng meryenda, naengganyo siya na silipin ang labas  dahil papalubog na ang araw.  Pumunta siya sa gilid at pinagmasdan ang tanawin sa labas. Nakagagaan sa pakiramdam niya ang tanawin ng mga maliliit na sasakyan at ang papalubog na araw.  Nasa ganoong akto siya nang buksan ni Cally ang pintuan ng kwarto nito. Dahil hindi niya narinig na bumukas iyon, nakatalikod lang siya sa lalaki at hindi siya nito agad nakilala.  "Who are you?" narinig niyang tanong nito, saka siya lumingon. Nabigla pa ito nang makilala siya. She looked differently. Mula sa maluwag na jeans at blusa, isang mint green na bestida ang ipinalit niya kaya hindi niya masisisi si Cally kung hindi siya nito agad nakilala.  Lumapit siya sa binata.  "Hi!" nakangiti niyang sabi. Matagal bago ito nakakilos. "Where did you get your dress?” ito ang unang nasabi ni Cally.  "Oh! Nag-shopping," simpleng sagot ni Prin. Nakatitig lang ito sa kanya. "Is there... something wrong? You don't like my look?" tanong niya. Parang nahimasmasan naman ito  "Oh no!" namula ang pisngi nito.  "Gusto ko lang sabihin na kung nakapag-shopping ka, I'm expecting na ready ka na rin sa aralin natin." Prin "...." RAMDAM ni Prin na nakatitig sa kanya si Cally habang may pinapasagutan ang lalaki sa kanya sa notebook (laptop) nito.  "I'm done!" sabi niya saka inabot ang notebook dito.  Kinuha nito iyon saka sinuri isa-isa.  "Come here," sabi sa kanya. Tumabi naman si Prin sa tabi nito.  Na-aamoy ni Cally ang pabango ni Prin pero pinili niyang iwaksi sa isip ang tila amoy ng cherry blossom na nagmumula sa katawan nito. Kaunti na lang at mamumula na ang pisngi niya. Tinuro ni Cally isa-isa ang mga 'errors' ni Prin sa notebook.  "I think one day is not enough. You should come here after your every class," komento ni Cally.  Napakamot sa ulo si Prin. "Am I that bad?"   "Yes… Hindi na nga ako magtataka kung babagsak ka sa liit ng talino na meron ka."  Prin "..." Tiningnan niya ito ng masama. Hindi man lang inisip kung masasaktan siya, basta sinabi nito kaagad na mahina ang ulo niya.  "Hmp! Hindi ko kasalanan iyon. Kasalanan iyon ng Professors namin kung mahirap ang mga tinuturo niya saka kung mahirap itong mga questions mo," katwiran ni Prin. "*sigh* There is no problem with my questions. You will soon learn don't worry, dahil tuturuan kita hanggang sa matuto ka. Though I will put a lot of effort," nang-iinis na sabi nito.  Gusto sanang matuwa ni Prin dahil tuturuan siya nito, araw-araw niya pa itong makakausap at makakasama. In a way, bonding time niya na rin iyon with Cally.  Matindi nga lang ang lalaki kung laiitin siya.  "Hmp! Bakit ba naman kasi kailangan ko pa mag-aral ng kung anu-ano? There is nothing in my lessons that could help me with my position in Dark Guards." "You are my wife. Is that a simple reason?" tanong nito sa kanya.  Napaisip si Prin. Muntik niya nang makalimutan ang bagay na iyon. Dahil tinanggap niya na maging asawa ang lalaki, she must do something about it.  "Let's go home." inayos na nito ang mga gamit para sa pag-uwi nila. "Come back tomorrow" "What do you want to eat?" tanong nito habang naglalakad sila patungong elevator.  "Sige, dahil tinuruan mo ko. Ako ang mag-t-treat sa iyo," nakangiti niyang sabi. "Oh! If that's the case, I want you to cook for me."  Napalunok si Prin. Napansin naman ni Cally na parang na pressure siya. "Why?" "H-hindi kasi ako marunong magluto," sabi ni Prin. sa Japan ay meron silang maids na sumusuporta sa buong mansion.  "Yeah. with your intelligence, I really can tell."  Masama ang tingin na ibinigay niya dito. "How dare you kahit naman hindi ako marunong magluto, magaling ako sa ibang bagay." Tiningnan siya nito. "Tulad ng?" "M-magaling ako sa pakikipaglaban... Is it counted?" Nakangusong sabi niya. "It doesn't. Anong kinalaman ng pakikipaglaban sa buhay may-asawa mo. If ever na magka-anak tayong dalawa. Is it helpful?"  Namula naman ang pisngi ni Prin nang mabanggit nito na magkakaanak sila.  "Yeah, bakit ko nga ba nakalimutan? tuturuan mo sila kung paano maging pasaway saka basagulero." dagdag pa nito. Pinalo niya sa braso si Cally.  Nangingiti naman ng lihim si Cally. He never expect na napaka-gaan ng usapan nila ni Prin. It was as if there is no barrier between them.  "On weekends, cook for me okay. Try to learn things because you need it someday." "Okay.." ang tangi niyang nasabi. Nang makasakay sa sasakyan para makauwi, Naisip ni Prin na ihirit kay Cally na magkaroon ng sariling kotse. "I really wanted to drive my own car. Hope you can buy one for me," sabi niya dito. Nilingon siya ni Cally. "Ayaw mo na ba na magpahatid sa akin?"  "Hindi naman. Nami-miss ko lang sobra ang magmaneho." sabi niya. "Pero wala kang parking lot sa school," sagot nito.  Hinawakan niya sa braso si Cally.  "Husbie… sige na please… Your baby panda wanted to have her own car…" ungot niya muli.  Napalunok naman si Cally because she acted cute at that moment and she called him 'Husbie'.  May kung ano pa siyang nararamdaman habang hawak nito ang braso niya. Nilayo ni Cally ang tingin kay Prin. "I should focus on driving. Huwag kang makulit." "Hmp! Sungit na naman," sabi ni Prin sa tumingin sa labas ng bintana na nakanguso.   Nagpapakiramdaman lang sila sa loob ng sasakyan habang pauwi. "I'll buy you a car. Don't worry," nasabi rin sa wakas ni Cally. Sumigla naman ang mood ni Prin sa nadinig.  "Pero… kailangan mong iwan ang sasakyan sa bahay." Walang nagawa si Prin kung hindi ang sumimangot. Inisip na lang niya na concern lang ang asawa niya kaya ito ganon. May advantage din naman ang payo nito dahil madalas niyang makakasabay si Cally tuwing umaga at makakasabay din pauwi.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD