NAKITA ni Cally ang pagkuha ng mga lalaki kay Prin. Humigpit ang hawak niya sa manibela at tumalim ang tingin niya sa itim na van.
Sinundan niya ng lihim ang sasakyan.
Si Prin sa loob ng van ay kumunot ang noo nang makita ang mga kidnappers. Naisip niya na hindi ba't ang mga ito rin ang dumukot din sa kambal?
Apat ang lang ang nasa van. Wala doon yung mataba at ang lalaking iisa ang ngipin.
Hawak siya ng dalawang lalaki sa braso. "Bakit lumakas yata ang loob niyo at dinukot niyo ako?"
"Napag-utusan lang kami at doon ka namin dadalhin ngayon," sagot sa kanya ng lalaking nasa likuran.
Tumalim ang tingin ni Prin. Sino naman ang magpapadakip sa kanya?
"Ikaw na nasa likod na naka asul, mamaya basag ang lahat ng ngipin mo. Kayong dalawa na may hawak sa akin, siguradong hindi na kayo uulit. At ikaw na driver, basag ang bungo mo mamaya," sabi niya sa mga ito.
Nagtawanan ang apat na lalaki. Tinutukan siya ng baril ng nasa kaliwa niya.
"Ano ba iyan? Bakit parang inulit niyo lang ito? Saka sino ang nag-utos sa inyo?" tanong ni Prin.
Hindi siya sinagot ng mga ito. Huminto ang van sa isang 'di kalakihang bahay at medyo masukal na lugar.
Hindi pa man pinabababa si Prin ng sasakyan, siniko niya ang lalaking nasa kanan at diretsong sinuntok sa mukha ang nasa kaliwa.
Hinablot ang nasa likuran na naka-asul at pwersahang hinila at inuntog ang ulo ng lalaking iyon sa ulo ng driver. Parehas nakaramdam ng hilo ang dalawa at halos walang makita dahil parehas na nanlalabo ang paningin.
Nakabawi ang lalaking nasa kaliwa ni Prin at ibinalik nito ang pagtutok ng baril sa kanya.
"Huwag kang kikilos!" angil nito.
Hinawakan niya ang kamay nito. Sa galit ng lalaki ay pinaputukan siya nito ng hawak na baril. Pwersahang itinapat ni Prin ang kamay nito sa lalaking nasa kanan at dumeretso ang bala sa noo ng taong iyon na kasalukuyang naglalabas ng patalim.
Dumaloy ang pulang dugo mula sa noo ng lalaking iyon. Tumalsik pa ang iilan ng dugo nito sa pisngi niya.
Narinig ng lalaking mataba at ang kasama nito na iisa ang ngipin ang putok kaya nagmadali ang dalawa na makalabas ng bahay.
Nanlaki ang mata ng lalaking may hawak ng baril.
"Ang tanga-tanga mo tumira, lagi na lang mali ang tira mo."
Nag-aapoy ang mata ni Prin sa galit na kinuha ang patalim ng lalaking nasa kanan at diretsong isinaksak sa leeg ng lalaking nasa kaliwa. Idiniin niya pa iyon hanggang sa handle na lamang ng patalim ang nakikita niya.
"Hayan! Hindi na talaga kayo uulit!" singhal niya sa dalawa na nawalan na ng buhay.
Nakabawi namang ang driver at ang naka-asul. Nang akmang hahawakan nito ang braso ni Prin, bumukas ang pinto nito sa gilid at bumungad sa mata niya si Cally.
Hinawakan ni Cally ang braso ng driver at hinila ito palabas ng van at diretsong sinipa sa mukha ang lalaking naka-asul. Sa lakas ng pagkakasipa ni Cally, bumukas ang pintuan sa gilid nito at tumilapon ang naka-asul sa semento.
Tulad ng sinabi ni Prin basag ang ngipin ng lalaking naka-asul sa lakas ng pagkakasipa ni Cally.
"Ahhhhh!!!" hiyaw nito.
"Are you okay?" tanong sa kanya ni Cally.
Lumabas si Prin ng van at sinuri ni Cally ang katawan niya. Nagdilim ang tingin nito nang makita ang galos niya sa braso at sa kamay, gawa ng pagkakasuntok niya sa dalawang katabi.
Ilang saglit lang, may nagpaputok sa kanila mula sa loob ng bahay. Agad silang gumilid sa van.
'Ginagalit talaga ako ng mga ito' isip-isip ni Cally.
Nagkatinginan lang sila ni Prin. Walang tigil silang pinapuputukan ng bala ng dalawa na kalalabas lang. Kinuha ni Cally ang baril ng lalaking sinaksak ni Prin sa leeg at pinaputukan sa binti ang dalawa mula sa ilalim ng van.
"Ahhhh!!!" hiyaw ng mga ito.
Tinakbo naman ni Prin ang dalawa at parehas na sinuntok ang mga ito sa mukha. Sabay din na nakatulog ang dalawa
....
NAGISING ang apat na kidnappers sa Matsui Villa. Ang driver, ang naka-asul, ang iisa ang ngipin at ang mataba na gumaganap na pinuno nila sa mga oras na iyon. At mukha ni Bantay ang bumungad sa kagigising lang nilang diwa.
Agad na dumaloy ang kilabot sa apat na kidnappers. Lalo at may tama ng bala ang dalawa sa kanila.
Mas matalim ang tingin ni Cally kay Bantay.
"Sino ang nag-utos sa inyo na ipadukot ako?" tanong ni Prin na nasa tabi nito. .
Hindi alam ni Cally ang tungkol sa bagay na iyon kaya lalong tumalim ang tingin niya sa apat.
"Inutusan lang kami ng bago naming boss na si Marvin?" sagot ng mataba habang pinipigil ang sakit sa binti na binaril ni Cally.
Nakakunot ang noo ni Prin "Ano ang motibo niya? Wala akong kilalang Marvin."
"Hindi namin alam." sagot nito.
Seryoso si Prin na iniisip kung sino ang Marvin na iyon. Halos mahigit isang buwan pa lang kasi siya sa Maynila at may mga nagagalit na sa kanya.
Wala naman siya halos pinupuntahan kundi ang opisina ni Cally, ang bahay at ang school.
Sino ang Marvin na iyon?
....
INISIP ni Prin kung may kilala ba siyang Marvin.
Napansin ng isa sa apat na kidnappers na lumalim ang iniisip ni Prin. Malapit ito sa pwesto niya kaya naglabas ito ng maliit na patalim mula sa tagong bulsa at sinugod siya nito --ang lalaking naka-asul.
Bago pa ito makalapit kay Prin, tinalon at sinakmal na ito ni Bantay sa balikat.
Nabigla pati ang tatlong kasama nito.
"Ahhhh!!!" takot na hiyaw ng tatlo pa nitong kasama. Lalo na nang kusang malaglag ang katawan ng naka-asul sa harapan nila.
Napalunok sila sa nasaksihan.
Kita nila ang natapyas na laman, kaunting tela mula sa asul na T-shirt at ang kakaunting buto ng lalaking naka-asul. Kumalat sa pulang carpet ang dugo nito. Nanghihina ang taong iyon at anumang oras ay mawawalan na rin ng buhay.
Niluwa ni Bantay ang laman nito na naiwan sa bibig. Halatang hindi rin nito nagustuhan ang laman mula sa lalaki. Umangil ito at mas matalim ang tingin na ibinigay sa tatlo pa.
Kasabay ni Bantay ang paghila ni Cally kay Prin. Dumeretso ito sa mga bisig niya. May mga kakaunting talsik ng dugo mula sa lalaking naka-asul sa braso, binti at blusa ni Prin.
Nagsimula ang leopard na ikutan ang tatlong kidnappers na natira at anumang oras ay mananakmal ito kung kikilos sila ng hindi kaaya-aya sa paningin ng mabangis na hayop.
"M-ma-master, nakikiusap po kami na patayin niyo na lang po kami," naiiyak na sabi ng matabang lalaki. Mas gugustuhin na nilang mamatay sa mga oras na iyon kaysa manatili na buhay at mabaliw sa mga nagaganap.
Kasalanan ito ni Marvin. Masyado silang naniwala sa lalaki. Ngayon na kaharap nila muli ang dalawa na nakita nila pati ang mabangis na hayop, gusto nilang magsisi.
Halata na bumabalot ang takot sa kanila.
"Akala ko pa naman, matatapang kayo. Dahil hindi kayo tumupad sa usapan na susuko kayo sa kapulisan at ginawa niyo pang muli ang pagdukot naman sa asawa ko. Pagbibigyan ko ang gusto niyo."
May kasabihan nga na 'once is enough, two is two much. The third is unacceptable.'
Sinenyasan lang ni Cally si Zuki na nasa gilid. Kinuha nito ang katana na nakadisplay sa pader.
Galit si Cally. Kung hindi naunahan ni Bantay ang lalaking iyon, hindi niya alam kung ano ang nangyari kay Prin.
Binuhat naman ni Cally si Prin at lumabas na sa kwartong iyon. Narinig na lang nila ang hiyaw ng tatlo pa habang papalayo hanggang sa tila tumahimik sa kwarto na pinanggalingan.
Bumalot ang malansang amoy ng dugo sa paligid ng villa.
Nakatitig lang si Prin sa galit na mukha ni Cally. Wala itong pakialam kahit humalo dito ang damit niyang namantsahan ng dugo.
Sa lapit ng pisngi ni Cally, gusto niya itong halikan para mawala na ang kung anuman na galit ang nararamdaman nito.
Tumitibok ng sobra ang puso ni Prin at parang slow motion ang paglakad nito habang bitbit siya.
Dinala ni Cally si Prin sa kwarto niya noong dalaga pa siya at sinuri siya nito. Halata ni Prin na galit pa rin ang asawa niya.
"Do you have a towel?" tanong ni Cally sa kanya.
Tinuro ni Prin ang drawers ng mga towel at bimpo. Lumapit si Cally sa cabinet, drawers ng underwear ang bumungad dito.
"is this a towel?" tanong ni Cally habang hawak ang nakatupi na pink na panty niya.
"Hey!" Tumayo si Prin at hinablot iyon. Namumula ang pisngi niya sa hiya.
Kumuha siya ng bimpo sa sunod na drawer at inabot dito.
Binasa ni Cally ang bimpo sa restroom na nasa loob din ng kwarto.
Umupo naman si Prin sa gilid ng kama ng seryoso. Hindi niya mabasa ang mood ni Cally.
Lumuhod ito sa harap niya at pinunasan ng tahimik ang pisngi niya na may talsik ng dugo pati braso. Maingat ang pagpunas nito pero salubong ang kilay na halatang hindi nito nagugustuhan ang nangyari sa kanya.
"Bakit galit ka? Galit ka ba sa akin?" nakayukong tanong ni Prin.
Parang nahimasmasan naman si Cally sa tanong niya.
"*sigh* I'm sorry… I just hate it! May galos ka na sa kamay at sa braso. Hindi ako galit sa iyo. Nagagalit ako sa sarili ko dahil iniwan kita sa coffee shop. If I was there hindi ka nagalusan," paliwanag ni Cally.
Ang dahilan kung bakit ito galit ay dahil sa kakaunting galos niya? Hindi alam ni Prin kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Husbie, I'm a Dark guard. Kaunting galos lang ito. This is nothing compared to our training, remember?"
Natulala si Cally sa sagot ni Prin. He almost forgot that Prin is a Dark Guard. She knows how to fight. He doesn't know why he acted that way either. Pero hindi niya talaga naiwasan na magalit kahit ang makita ang pamumula ng kamao nito.
Sunod na pinunasan ni Cally ang binti niya na may mga bahid ng dugo.
Napalunok si Prin habang hawak ni Cally ang binti niya.
"Ma-magsh-shower na lang ako…" mahinang sabi niya.
"Oh! Do you want me to help you?"
Alam ni Prin na tinutudyo na naman siya nito na ibig sabihin ay nakabalik na ito sa normal nitong mood.
"Help my ass!"