CHAPTER 25 - This guy have the guts

1752 Words
TATLONG araw na ang nakalipas, hindi binalikan ng anim na kidnappers si Marvin kaya inalam niya ang mga kasalukuyang ginagawa ng mga kidnappers na iyon.  "Boss, hindi namin alam kung saan nagsi-puntahan ang anim na gag*. Ang van na gamit nila ng isang araw ay nasa tapat ng bahay na nirentahan natin at may mga nakita kaming mantsa ng dugo sa lugar… pero wala ang anim doon. Wala rin kaming makita na kahit anong ebidensya. Bigla na lang silang nawala na parang bula. Walang CCTV kaya wala tayong makuha na hint." Naisip ni Marvin na baka marami ang nakalaban ng mga ito kaya pinatay ng kung sino. Ilang taon na rin kasi na nagtatrabaho ang mga iyon ng masama. Tumunog ang telepono niya na nasa ibabaw ng table, kumunot ang noo niya at sinagot ang tawag.  "Yes po?" "Marvin, ano na ang balita sa pinauutos ko? Ilang araw na at wala pa akong balita? Gusto kong lumuhod sa akin ang Prin na iyon o sirain ang mukha niya. I am desperately wanted to ruin her face! Binayaran na kita ng kalahati at wala pa akong naririnig mula sa iyo?!" reklamo nito sa kabilang linya.  Gustong mag-init ng ulo niya sa pagmamando nito pero wala siyang magawa. Kayang kaya siya nitong ipapatay kung gugustuhin nito. "Nawala ang anim na inutusan ko. Kilabot na mga kidnappers ang mga iyon na isa sa mga problema ko ngayon, hahanap na naman ako ng kidnappers para dukutin ang babaeng sinasabi mo."  "Kailangan mong bilisan!" singhal nito saka pinutol ang tawag.  Naiinis si Marvin. Daig pa kasi nito ang totoong amo niya. "Sa tingin ko ako na ang kailangan na gumawa para dukutin itong babaeng ito… Sorry na lang Miss… You dared to offended the b*tch..." bulong ni Marvin habang nakatingin sa larawan ni Prin. .... NAKITA ni Sean na bumaba ng magarang sasakyan si Prin. Napag-alaman niya na sa CEO ng MGM nakarehistro ang sasakyan na iyon at hindi maiwasan na ma-awa siya kay Prin. Bakit ito pumayag  na maging kabit ni Mr Cloud Han? Normal na mag-isip si Sean na kabit si Prin dahil ayon sa napag-alaman niya ay nasa 50s na daw ang tao na iyon.  Ayon sa pinsan niya at kaibigan na parehas na aktor sa MGM, madalas daw na kasama nito ang asawa nito sa opisina. Marami daw nagkakagusto kay Master Han kaya hindi rin imposible na pumatol ang Big Boss nila.  May anak daw na babae si Mr Han at siguradong hindi si Prin iyon dahil nagdodoktor daw ang anak nito at wala sa Pilipinas.  Nilapitan niya si Prin.  "Hello!" bati ni Sean.  Hindi ito pinansin ni Prin. Nakita niya si Bella na kabababa lang din ng sasakyan at nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya na kasama si Sean. "Hello dear!" nakangiti niyang bati dito. Medyo napahiya si Sean dahil nauna pa nitong pansinin ang kabababa lang ng sasakyan na si Bella kesa sa kanya na popular sa eskwelahan.  "Let's go! Male-late na tayo." nakangiti na sabi ni Prin kay Bella. "uhmm , okay." sabi ni Bella kahit ang wirdo ng tingin nito kay Sean. "Hey, Hey! Pansinin mo naman ako," si Sean. Patuloy lang si Prin na hindi pinansin ang lalaki. Nakaramdam ng inis si Sean. "Bakit ba ang taas ng tingin mo sa sarili mo?"  Walang plano si Prin na patulan ang lalaki.  "Prin… Hindi maganda kapag hindi mo siya pinansin. Kukulit-kulitin ka niya," bulong ni Bella.  Napilitan si Prin na harapin si Sean. "Ano bang problema mo?" "Gusto ko lang makipagkaibigan," sagot nito. Tiningnan ni Prin ang binata mula paa hanggang ulo. Naglalaro sa anim na talampakan ang lalaki at tatlong pulgada. Sa tingin niya kasing tangkad ito ni Cally. Gwapo rin ang lalaki dahilan para maging popular ito sa school. Pero walang pakialam si Prin dahil para sa kanya, walang makakatalo sa pagkatao ni Cally. Kahit kay Lorenz yata ay hindi ito aabot sa pamantayan niya ng ibig sabihin ng tunay na lalaki.  Sa palagay ni Prin, masyado lang malaki ang ulo nitong si Sean. Umaasa lang sa magulang.  Samantalang si Cally, si Lorenz at ang mga kasama niya sa Dark Guard ay may sariling kakayahan. Mayaman na ang mga ito sa kasalukuyan dahil sa mga kinita ng ilang taon at hindi kailangan na umasa sa kung kanino.  "Puno na ang listahan ko ng kaibigan. Wala akong time na makipagkaibigan sa iyo," mataray na sabi niya sa binata saka nagpatuloy sa paglakad kasabay ni Bella.. "Bakit ba ang taas ng tingin mo sa sarili mo?" ismid na sabi nito. Napapahiya na kasi si Sean dahil may mga estudyante na ang nakapukaw ng atensyon nila.  Wala pa kasi siyang sinundan-sundan sa school kaya kakaiba ang tingin ng mga ito lalo at patuloy siyang ini-isnab ni Prin.  "Isang uugud-ugud lang naman ang boyfriend mo at walang kwenta. Sigurado na hindi ka niya kayang pasayahin. Nahahawa ka na ba sa pagka-boring niya?" sabi nito para makabawi sa kahihiyan. Napatigil si Prin sa paglakad. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito na walang kwenta si Cally. At kahit pa sabihin na nag-aaral lang sila ni Cally madalas sa opisina nito, walang karapatan itong si Sean na sabihin na 'boring' ang asawa niya.  "Alam mo Mr. Sean. mayabang ka din. Gusto ko na tigil-tigilan mo na ako! Ganito na lang, kapag natalo kita sa sports, titigilan mo na ako," nakangisi na sabi ni Prin. Ayaw niya nang makita pa ang pagmumukha ng lalaki dahil nasisira nito ang maghapon niya. .... HINDI nagustuhan ni Prin ang mga sinabi ni Sean tungkol kay Cally kaya hinamon niya ito na maglaban sila sa laro.  Nagbulungan ang ibang estudyante na nasa paligid nang marinig ang hamon niya.  "Nababaliw na ba siya? Sikat na player si Sean, ang lakas naman ng loob niya na hamunin si Sean?"  "Sinabi mo pa." Pero meron din naman na na-aaliw sa hamon ni Prin. "Hmm.. mukhang exciting ito." "Panonoorin ko ito sigurado." "Let's see kung matalo nga niya si Sean."  Napatingin si Sean sa paligid at napansin na naghihintay ang mga estudyante sa isasagot niya. Wala pang humamon sa kanya na tulad ng ginagawa ni Prin sa oras na iyon.  "Anong sports ang gusto mo?" "Name it" sagot ni Prin. "Are you sure baka naman jack en stone lang ang alam mo?" nang-iinis pa na tanong nito. "Prin, are you sure?" nag-aalala na tanong ni Bella sa tabi.  "1,000 percent sure. Kapag natalo kita, ayoko na kulit-kulitin mo pa ako dahil sinisira mo ang umaga ko." naiinis na sabi niya dito.  "Sige. Pero kapag natalo kita…You will be my girlfriend."  Nagtaas ang kilay ni Prin. "Deal!"  Naisip ni Sean na Football ang laruin nila ni Prin pero nakita niya kung paano tumira ang dalaga ng sipain nito pabalik ang bola nu'ng nakaraan.  "What about basketball? Pero i-shoo-shoot lang ang bola. Tig-sampung tira. Kung sino ang makashoot ng madami, siya ang panalo," sabi nito.  "Shoot!"  "Meet me in basketball court at 4 PM. Pero gusto kong sabihin na unang laro pa lang ang mamaya. Tatlong laro ang paglabanan natin para mas exciting!" sabi nito saka umalis.  Hindi na pinansin pa ni Prin ang lalaki at tumuloy na sa klase.  "Prin, are you sure?" tanong ni Bella sa kanya.  "Of course!"  "Magaling siya sa Basketball. Kapag natalo ka niya, paano na si Cally?"  Hinarap ni Prin si Bella. "Huwag kang mag-alala, dahil hindi niya ako matatalo," determinadong sabi niya. Gusto niyang turuan ng leksyon si Sean sa pagsabi nito na walang kwenta si Cally.  Gusto niyang gulpihin ang lalaki dahil sa sinabi nito pero nasa eskwelahan sila at hindi siya pwedeng magpadalos-dalos.  Pagsapit ng alas kwatro ng hapon, maraming tao ang naghihintay na manood ng laban ni Prin at Sean. Ang ibang manonood ay mga tagahanga ng lalaki, ang iba ay nakikiusyoso lang, ang iba naman ay gustong malaman kung sino ang humamon kay Sean.  Nakasuot si Prin ng bestida at ni hindi man lang nag-aksaya ng panahon na magpalit ng damit. Naniniwala siya na hindi dapat pag-aksayahan ng panahon si Sean para bumili pa siya ng damit at mag-ayos ng sarili. Sapat nang pumayag siya na labanan ito.  Eksakto alas kwatro, nasa bungad na siya ng basketball court. Nagsabi siya kay Cally na mahuhuli lang siya ng kaunti para puntahan ito sa opisina.   Nakita niya si Sean na naka jersey, shorts at rubber shoes.  Kumunot ang noo nito na makitang naka-bestida pa rin siya. Pero ngumisi nang makalapit siya dito.  "Mukhang hindi ka na nagsuot ng active wear. Suko ka na ba at gusto mo na akong maging boyfriend?"  sabi nito.  "Sorry but my answer is still 'No'. I am okay having this dress, no need to change because shooting lang naman ang usapan," pang-babara naman niya dito. Naintriga ang mga nanonood. Halos isipin na rin kasi nila na suko na si Prin at pumapayag na ito sa gusto ni Sean. "Bilisan na natin dahil naghihintay sa akin ang boyfriend ko."  "Sinong mauuna?" tanong ni Sean. "Mauna ka na. Ako ang susunod," mungkahi ni Prin. Ngumisi lang si Sean. "Sure! Pero ngayon pa lang sasabihin ko na sa iyo na magaling ako sa basketball at hindi kita pagbibigyan kaya i-ready mo na ang sarili mo na maging girlfriend ko." Umupo lang si Prin sa bungad kasama ng audience. Tumayo na si Sean sa free throw line. Nagbigay pa ito ng flying kiss sa mga tagahangang babae.  Parang wala sa mood si Prin nakaupo at naghihintay ng turn niya. Nagsimula si Sean na tumira ng bola. Una, Shoot. ikalawa, shoot. Ikatlo, shoot muli.  Nagtitilian ang mga babae sa loob ng court. Dumating si Bella mula sa klase nito.  "Naku Prin, wala pang 'missed' si Sean," nag-aalala na sabi nito. Ikawalong shoot ni Sean, missed.  "May missed na siya," nakangiti na sabi ni Prin kay Bella.  "May missed, pero pang-walo na iyon dear…" "It doesn't matter," sabi ni Prin. Nawiwirduhan sa kanya si Bella pero hinayaan na lang siya nito. Ang ika siyam at ika sampu na tira ni Sean ng bola ay parehas na shoot. Over-all, he got nine points. Lumapit ito sa kanya . "Paano ba iyan. Aasahan ko na ba na maging girlfriend kita?" "Sorry na lang. Ayoko na maging boyfriend ka. Saka, akala ko ba unang laro pa lang ito?" tanong ni Prin sa lalaki. "You'd better think about our next game because I will win this round," mayabang na sabi niya dito saka tumuloy sa free throw line. Ginamit ni Prin ang kakayahan niya na gamitin ang paningin at pwersa para ma-shoot ang bola. Sa totoo lang, napakadali ng laro na iyon sa kanya.  Shooting for Dark Guards? Kayang kaya nga nilang tumira ng bala sa noo sa malayuan. Shooting a ball is nothing. Unang tira, shoot. Pangalawang tira, shoot. Naghihiyawan na ang mga estudyante. Naging interesado tuloy sa kanya ang karamihan. Kinabahan si Sean nang makashoot si Prin hanggang sa lima hanggang sa umabot ang lahat ng tira niya ng sampu. Tinira niya pa ang huli habang nakatingin sa lalaki.  She got perfect ten score! Nilapitan niya si Bella na natulala at saka inaya na itong lumabas ng court na parang walang nangyari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD